Posted by: emilayskie on: January 7, 2010
Happy New Year everyone!
Musta naman ang blog ko di ba? Na-miss ko na ang December tapos super late pa ang New Year greeting ko. Haha..
Ano na nga kaya ang mangyayari sa taong ito? May nararamdaman akong good vibes. Sana nga ay maging masaya ang taong ito at mas maraming maliligayang mga kaganapan. Graduation kaya? Bells? Travel abroad? Work abroad?
Naku hindi naman ako si Madam Auring para hulaan ang sarili kong kapalaran so hayaan na lang nating mangyari ang dapat mangyari.
Na-realize ko lang na matagal na rin pala akong hindi nakakapag-post in English dito. Nahihirapan kasi makaintindi ang aking mga kaibigang banyaga kapag pinapabisita ko sila rito. Sige next time.
I miss my super friends here. Thank goodness we’re friends in FB so somehow I get to know your updates. I won’t promise that I can bloghop. I got tons of things to read and code. Will super busy for 3 months. *Prays*
Hugs to all of you.
Posted by: emilayskie on: November 30, 2009
1. Enrolled na ulit ako! Weeee.. Hoping that this will be my last sem kung matatapos ko talaga ang SP (thesis). *prays*
3. Eto nga’t birthday ko na. Tumanda na naman ako. At dahil na-miss ko ang mga kamag-anak ko, napagpasyahan naming sa Manila Zoo ako mag-celebrate ng birthday para mabisita naman namin sila. O di ba? Reunion!Posted by: emilayskie on: October 24, 2009

MakSci IV-Newton Wacky
Noong isang araw ay kinailangan kong pumunta sa isang montessori para mangalap ng impormasyong makakatulong para sa aking SP (thesis). Sakto lang na bago ako makarating doon ay madadaanan ko muli ang kalsadang araw-araw kong tinatahak noon tuwing pumapasok sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Makati. J. D. Villena St. ang pangalan ng kalsadang iyon sa Poblacion, Makati City kung saan sandamukal na alaala ang tumambad sa akin habang ako’y naglalakad.
Ang una kong nakitang makabuluhan ay ang karinderya islash restawran na ang pangalan ay Top Meal. Naalala ko na mas mahal sa karinderyang ito kaysa sa ibang tapsihan dahil daw sa “ambiance” kahit siksikan kami lagi at nagkakaubusan pa ng upuan. Ang pinakapaborito kong orderin dito yung pinaka hindi popular, yung kakaiba. TAPSILOG yata tawag dun! Sarap na sarap ako pag kumakain rito kahit minsan nauuna pang madurog ngipin ko kesa sa tapa nila. Pero sa kabuuan, okay naman kumain sa Top Meal basta may pera. Kapag wala at napapadaan ako rito o kaya nagkakayayaan, iniisnab ko na lang o kaya sasabihin “Busog pa ako eh” kahit lakas ng kulog sa tiyan ko.
Pag lakad ko pa ng kaunti ay nakita ko na ang tindahang pinakapopular sa amin kung saan kami bumibili ng sari-saring school supplies na aming kailangan. Sa sobrang popularidad nito, na-realize ko na hanggang ngayon wala pa rin itong pangalan. Sinasabi na lang namin kapag tinanong kung saan kami bumili “Doon sa tindahan sa may kanto” at naiintindihan na nila yun. Popular di ba? Pinakapaborito kong binibili sa tindahan sa kanto yung transparent folder na kailangan sa halos lahat ng uri ng project, isama na rin ang black BIC ballpen. BIC daw sabi ni Jaja, classmate ko, para mas sosyal kesa sa Panda.
Sa kaliwa naman nakita ko ang Poblacion Public Market na napakalapit sa aming eskwelahan. Sa palengkeng ito naging milyonaryo ang mga tindera ng foot rug, basahan at kung anu-ano pang cleaning materials dahil sa amin. Kulang na lang ay magtayo ang school namin ng sariling factory ng basahan dahil sa taas ng demand nito. Nakita ko rin naman ang advantage nito dahil napanatili namang malinis ang eskwelahan kahit papaano. Sa may kanto ng palengke naaalala ko rin yung tindahan ng flying saucer, tacos, palamig, at nagmamahalang gift items. Ang pinakamahal kong binibili sa kanila ay yung Globe 250 cell card. Ang mahal pa kasi ng load dati at wala pang unli tapos adik na ako mag-text. Nagka-utang tuloy ako kay Nono (Hernando Salapare), isa ring classmate, ng 50 pesos dahil sa load nung kinulang ako. Promise Nono bago ako pumanaw babayaran kita.
Pagkalagpas ko ng kaunti sa palengke nakita ko naman ang botika kung saan kami nagpapa-photocopy ng aming mga kailangan sa school. Ayos di ba? Botika nga! Promise. May tinda naman silang maraming gamot pero hindi ko pa na-try bumili ng gamot dun or hindi ko maalala. Ang naaalala ko lagi sa botikang yun eh kapag pumila kami para magpa-xerox nauunang umuwi ang sikyu ng school kesa sa amin dahil sa haba ng pila. Joke! Pero promise parang laging lotto ang pila sa haba kaya mas madalas uuwi na lang kami kaagad kesa maghintay ng matagal.
Sa kaliwa naman ng botika matatagpuan ang Monterey Meat Shop kung saan kami bumibili lagi ng ice cream. Ang gulo na ba? Eh sa doon talaga kami bumibili ng ice cream eh! Walang pakialamanan! Hahaha.. Kasi kahit naman nagtitinda sila ng karne eh ano naman ang gagawin namin sa karne? So ice cream ang binibili namin doon. Ice cream stick kapag tipid mode tapos Drumstick o kaya Cornetto kapag payaman effect.
Bago pa ako lumagpas ng tuluyan sa teritoryo namin dati ay bigla kong naalala lahat ng mga masasayang alaala noong highschool. Meron nga ba?
Sa totoo lang sa sobrang hirap ng pag-aaral namin noon ay talagang pinilit kong kalimutan ang lahat ng alaala ng highschool mula nung kami ay magtapos. Pero kapag naaalala ko ang mga kaibigan ko na-realize ko na nag-enjoy din pala talaga ako noong high school.
At dahil wala akong lablayp noong highschool, puro crush lang, nagpasya akong sumali sa COCC na talaga namang nagpakumpleto ng buhay highschool ko. Doon ako nakakilala ng pinakatotoo at pinakamalapit na mga kaibigan. Ang landi! Hahaha..
Naku hindi ko man kayo maisa-isa alam nyo na kung sino kayo. Maraming salamat sa pag-share ng parte ng buhay nyo sa akin. Dahil sa inyo naging masaya rin pala ang high school life ko kahit walang katapusan ang hirap. Maraming salamat din sa lahat ng aming mga naging guro. Dahil sa inyo tumataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Lalong-lalo na maraming salamat sa mga magulang ko at kapamilya na sumuporta sa aking edukasyon. Utang ko po ang buhay ko sa inyo.
Dahil sa mga bagay na ito na naalala ko ngayon ay nahihikayat akong magpatuloy sa hamon ng kolehiyo. Sana talaga ay kayanin ko ito. Kapag hindi, pipilitin ko pa rin. Bawal nang sumuko!
Posted by: emilayskie on: October 16, 2009
Bago ang EMO na post ay balitaan ko lang muna kayo ng kaunti sa naganap na 3rd birthday celebration ni bossing. Napakabait naman talaga ni Mike para mag-abalang manlibre sa amin. Sa wakas ay nakaraos din ang birthday! I love you baby ko! Sana ay lumaki kang malusog at magalang sa iyong Mama, kapamilya at kapwa.

Blowing of the candle with Lolo and Lola
Sa mga nakaraang araw ay talagang hirap na hirap na akong kumuha ng tulog. Kahit gusto kong i-control ang pag-iisip ko ay talagang patuloy itong nag-iisip ng mga bagay bagay na nagawa ko, hindi ko nagawa, at mga dapat kong gawin. First time kong magpo-post ng ganito kung saan magiging transparent ako sa lahat ng bumabagabag sa akin. Masyado pong mahaba ito kaya okay lang kung bumalik na lang kayo kapag marami na kayong free time. LOL.
Alas kwatro na naman ng umaga at gising na gising pa ako. Araw araw na po talaga ito. Pilit ko mang kumuha ng tulog habang maaga ay nagpapagulong-gulong na lang ako sa kama katabi ng anak ko dahil sa kaiisip. Sobrang masaya lang ako dahil nabawasan ang pinakamalupit na naging dilemma ko–Wala akong panghanda sa birthday ni Alex. Ang hirap pala ng ganung pakiramdam. Inaatake ako ng self pity. Ngayon ko lang naintindihan si Mama na kahit hirap kami sa buhay at walang panggastos ay nangungutang sya para lang makapaghanda sa kaarawan ng isang anak. Mabuti naman at hindi ko na kinailangang mangutang at hindi ko talaga gagawin yun. Si Mike ang tumugon sa paranoia kong iyon kaya medyo maluwag na ang loob ko. Pero bago noon tagaktak lagi ang luha ko kakaisip sa birthday at sa mga bagay na ito.
PAKIUSAP–Wag mag-comment kapag hindi nabasa ng buo. Hahaha.. Inis ako sa mga blogger na ganyan. Basta masabi lang na napadaan sya eh magco-comment kahit umpisa at huli lang ang binasa. Bad yun!
Gusto ko nga po palang magpasalamat sa lahat ng kapwa blogger ko na patuloy na bumibista o kaya hindi sinasadyang napapa-click dito. Sobrang na-aappreciate ko po talaga kayo. Hindi ko lubos maisip na ang ganito palang gawain ay talagang nakakataba ng puso. Lilibot po ako ngayon para mapagod hanggang sa antukin. Mahal na mahal ko po kayong lahat. Sana pwede ko kayong hug ngayon. Hug ko na lang monitor ko. Hahaha..
Posted by: emilayskie on: September 26, 2009
Ang buwang karami-rami kong ine-expect na mangyari ay talaga namang matatapos na lamang nang wala pa ring nangyayari. Hahaha..
Bakit ka nyo?
Buti naman at mayroong magandang nangyari sa buwan na ito kahit papaano.. Ayeeeeeeeeeee…
Ayan, nag-post lang ako ng isa kahit papaano para hindi naman ma-blangko ang buwan na ito.
Miss ko na po ang blog world kong ito at ang lahat ng mga patuloy pang napapa-click sa blog ko. Online naman po ako sa Pesbuk. Mag-pesbukan na muna tayo for the mean time na napakarami ko pa rin talagang pinagkakaabalahan at hindi makapag-blog hop.
Sana po ay safe kayong lahat ngayong napakalakas ng ulan ngayon sa Metro Manila. Pray po tayo ng mabuti para po kumapit ng husto ang ating mga bubungan at hindi tangayin ng bagyo.
Eto nga po pala latest pic namin ni boss.

Kulitan Session
Bagong Hirit