Alasais

Ito siguro ang kauna-unahan kong blag post na nakasulat sa Tagalog. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa totoo lang pero ang layunin ko ay makagawa ng post sa loob ng walong minuto lamang. Ano kaya ang aking mga masasabi?

Ng mga nakaraang araw ay naging inspirasyon ko ang blog na ito nina Tikboy, Tenco, at Tem-i. Hindi ko akalain na may mga samahan ng mga kalalakihan na magkakaron ng interest sa ganitong mga gawain kaya libang na libang ako sa aking pagbasa.

Pano ko ito natuklasan? Kabilang kasi ako sa grupo ng Unibersidad ng Pilipinas sa Multiply at nakita ko roon ang isang ekserp ng kanilang akda na tumuturo papunta sa kanilang opisyal blag sayt. Ang kanilang pagsulat ng Tagalog ay napakamalikhain. Hindi masyadong malalim ngunit pormal at talagang nakakaaliw. Natutuwa akong isipin at hulaan kung ano ang kanilang mga edad, mga gawain sa buhay at mga pinanggalingan. Kung sino man sila, wala pang nakakaalam, maliban sa kanilang mga kaibigan na naglagay ng mga komento doon. Pilit ko kasing hinanap ang kanilang Multiply propayl ngunit wala impormasyon akong makitang detalyado.

Ganun pa man, pangarap ko ring makapagsulat ng maraming bagay tungkol sa buhay-buhay gawa ng istilo nila. Kung ang Tagalog ang unang wika na mas madaling makakakuha ng interes ng mga mambabasa, balak ko itong subukan.

Yun na lang siguro muna sa ngayon.

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

10 thoughts on “Alasais”

  1. Nakaka-tats ang post na ito. Hehe. Salamat naman at mukhang naligayahan ka naman sa mga pinagsusulat namin.πŸ™‚

    Pero nakakatuwa talagang may mga nag-a-appreciate ng mga ginagawa namin. Sarap sa pakiramdam!

    -Tenco

  2. Aba syempre naman Tenco. Lahat ng malikhaing pagsulat ay talagang patok sa kahit sinong mambabasa. Ipagpatuloy nyo lamang ang gawain ninyo at palagi namin (mga mambabasa) kayong susuportahan. ^_^

  3. Binabasa ko nanaman tong blog mo tungkol sa amin. Napapahaplos ako sa aking kutis mala-Vilma sa patalastas ng Eskinol…

    FYI – Don’t feel left out kung hindi mo pa kami kilala dahil walang ibang tao ang nakakaalam kung sino kami. Ang mahalaga ay naeenjoy natin ang mga blogs at nagsasagutan tayo sa comments, tama?

    Salamat ulit. Salamat forever.

    Tem-i of Alasais

  4. Grasi,

    Sige lang po. Taga-lait din ba? Hahaha.. Gawin ko rin kaya yun? Hahaha.. Joke lang Tem-i.

    Tem-i,

    Bakit naman mala-Vilma pa? Lumang tugtugin na yun ah. Bear brand na ngayon si Vilma eh. Di na Eskinol. Dapat mala Kristine Hermosa o Marian Rivera na ng Maxipeel.

    Akala nyo lang matutuwa na kami ng pa-blog blog lang? Di nyo alam niha-hunting na namin kayo kung san man kayo nagtatago. Pag natagpuan namin kayo hamunin namin kayo ng tumbang-preso at paramihan kumain ng balut.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s