Killer Jeepneys

jeepneypage3381311Sila nga ang hari ng kalsada. Mga feeling may-ari ng kalye. Bihirang-bihira na lang ako makasakay sa mga jeepney na ang driver ay may modo o hiya. Mas madalas pa, kapag ginawa ng iba sa kanila ang mga kawalanghiyaang ginagawa nila sa iba, sila pa ang nagagalit at may ganang magmura.

Ang pinakahindi ko maintindihan sa mga jeepney driver na ito eh yung tipong, hindi ka pa nakakatawid ng kalsada, nag-aabang na sila kagad sa kabila at nag-aassume na sasakay ka sa kanila kahit hindi ka naman pumara.

Kapag umiling ka, maghihintay pa rin sila ng mga ilang segundo, nagbabakasakali na magbabago ang isip mo, o kaya naman, maghihintay ng ilang segundo para kunwari hindi sila napahiya.

Kapag napagod ka naman ng kakailing at hindi ka nagbigay ng kahit anong senyas, pag tumawid ka ng kalsada sa may harapan nya ay parang nagmamadali syang sagasaan ka.

Hindi ko makakalimutan yung first time kong naramdaman yung feeling na mamamatay na ako. Gustung-gusto ko kasing hinahabol ko yung mga stop light sa Padre Faura noon nung aking college days. Napakabilis ko kasing tumakbo dati at wala pang pa-girly effect kaya wala akong pakialam sa itsura ko. ^_^ Pag bumaba ako ng jeep mula sa Pedro Gil kumakaripas na kagad ako ng takbo para pagdating ko sa kanto ng Padre Faura ay saktong go na ang signal at makakatawid ako kaagad para hindi ma-late sa first class na ang prof ay nagche-check ng attendance.

Isang araw sa kanto ng Padre Faura, may isang jeep na biyaheng Sta. Cruz ang nag-aabang ng mga pasahero sa mismong harap ng pedistrian lane (Imagine mo kung gano sila kabastos?) . Noong nag-GO na ang signal, tumawid ako sa harap ng jeep na bastos ngunit may isa pang mas bastos na jeep na pilit humabol sa stop signal at kumaripas sa harap ko kung saan ako napag-gitnaan. Noong ilang mga segundong iyon, nasabi ko talaga sa sarili ko “I’m dying” habang pinanood ko ang jeep sa harap kong dumaan na isang hinliliit lang ang pagitan sa mukha ko. Mabilisang nag-flashback bigla ang mga mukha ng family ko sa isipan ko.

Pagkalagpas ng jeep huminga ako ng malalim tapos bigla kong sinabi sa sarili ko “Buhay pa ko! Buhay pa ako!” Pagkatapos ng pangyayaring yun ay todo ingat na talaga ako laban sa mga bastos na jeepney driver.

Ang isa pa sa pinakakinaiinisan ko sa mga jeepney driver ay ang kapal ng kanilang mga mukha sa paninigarilyo. Napaka-sensitive ng ilong ko sa kahit anong amoy. Lalong lalo na sa usok. Madaling sumasakit at umiinit ang ulo ko pag nakakaamoy ng usok ng sigarilyo. Itong mga jeepney driver na ito ay para bang tuwang-tuwa pa na nalululon at nasisinghot mo lahat ng usok na nanggagaling sa sigarilyo nila. Okay lang naman ang bisyong ito basta nasa lugar di ba? Nakupu nakakagigil talaga.

At dahil nga sa ganitong mga karanasan sa mga jeep, pumili ako ng tirahan, trabaho at komunidad kung saan hindi ko na kailangan sumakay o makakita ng masyadong maraming jeep. Subalit sa bago kong nilipatan ngayon ay magiging malapit na naman ako sa kanila pagkatapos ng maraming taon.

May part ng sarili ko na ayaw kong totally ma-eliminate ang mga jeep dahil sila na ang nagsilbing trademark or simbolo ng bansang ito. Ngunit kung patuloy lang na mako-corrupt ang mga ugali ng mga driver nito, mas maganda pa sigurong totally mawala na lang sila sa bokabularyo ng pag-commute kahit dito lang sa Metro Manila.

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

6 thoughts on “Killer Jeepneys”

  1. wow, UP ka pala, emilayskie!
    nag-aral din ako sa Faura pero sa isang highschool sa kanto ng Taft, dun sa mismong lugar kung saan muntik ka nang kunin ni Lord.
    grabe talaga dyan ang mga sasakyan, ano?
    God bless!

  2. ay nako, emi, naranasan ko rin yang naranasan mo..akala ko nga noon e dedbol na ko..yun bang kung kelan ka malapit na saka naman nila bibilisan ang harurot..minsan nga muntik na akong mapaaway dahil dyan sa ganyan kabastos na drayber..

    yun namang sigarilyo, marami din ganyan at kasama pa rin yung mga pasahero na ubod din ng kapal ng mukha na magsigarilyo..isipin mo namang nasa loob kayo lahat ng dyip e tuloy ang pausok ng drayber o kahit pasahero nga..sensitibo rin ang ilong ko kase may asthma ako kaya asar talaga pag ganyan..

    ano ba yan, tuwing dadalaw ako dito e napapahaba ang mensahe ko sayo..sensya na nadala lang ako sa wento mo..kase halos yung naranasan mo e naranasan ko rin..

  3. Nice naman payatot. Makabagbag damdamin ang comment mo ah! Ganyan ang mga gusto kong comment. Haha..

    Hay naku sinabi mo pa. Meron din nga palang mga abusadong pasahero pero bihira kasi sila eh. Pero pag may mga ganun naman kayang kaya ko rin silang sabihan kaagad. Vocal kasi ako sa mga gusto kong sabihin at kinaayawan ko.

    May asthma ka pala ha? Di ba sakit mayaman daw yan? Hahah..

  4. Kaya naman kung sa kaya tanggalin sa lansangan ang mga yan eh. Anu bang meron sa kanila? Sentimental value? “Simbulo” na nasa Pinas ka? Eh ano ngayon?

    Matatapatan ba ng mga rason na yan ang pagiging “environment-unfriendly” ng usok na nagmumula sa tambutso at bunganga ng mga driver nito? Eh ang paraan nila ng pagmamaneho? O ang nakabibinging tunog ng radyo nila? O ang mapang-abusong paraan nila para kumita — ang siyaman nagiging sampuan, onsehan? Minsan nagiging pang-sang-dosena pa??????

    Wala lang mambabatas na maglalakas loob ipatanggal ang mga ito dahil tiyak na di sila mananalo sa susunod na halalan.

    1. Tumpak Ronky! Malaki kasing portion ng masang Pilipino ay pagpasada ng jeepney pa rin ang kinabubuhay. Mahihirapan talaga silang alisin ang mga jeep na yan sa lansangan. Ang tanging pag-asa na lang ay kung aasenso ng pakonti-konti ang ibang mga Pilipino tapos makakabili na sila ng mga sarili nilang sasakyan (na mukhang malabo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis) o kaya naman mas gugustuhin nilang sumakay sa FX kesa sa mga jeep.

      Sana dumami na lang mga FX. Mabuhay ang mga FX! Hahaha..

      Natutuwa ako sa comment mo Ronky. Nai-imagine ko kapag sinasabi mo yan in person. With matching conviction and dignity na parang nagra-rally. Kakaiba talaga dugong UP. Hahaha..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s