Twilight, Da Ribyu

Twilight Movie PosterIto siguro yung unang-unang movie na pinanood ko na pagkatapos na pagkatapos kong panoorin ay gusto ko kagad humarap sa computer para i-blog kung gaano ako sobrang na-disappoint. Hindi ko lang kaagad nagawa dahil naging abala ako sa paglipat ng bahay last December.

Sobrang taas kasi siguro ng expectations ko. Lahat na lang sila sinasabi ang ganda raw ng movie. Since busy ako that time na-miss ko ang first day ng showing at ang mga sumunod pa.

Noong birthday ko, pagkatapos naming kumain ng family ay tinanong ko sila kung ano pa ang gusto nilang gawin. Sabi ko gusto ko sana manood kami ng movie. Sabi ni Mama wag na lang daw para makatipid. Sabi naman ng kapatid kong babaeng sumunod sa akin ay manood nga raw kami ng Twilight. 

Cherry: “Ate ang ganda-ganda talaga nun promise! Grabeh kakakilig!”

Mommy: “Eh napanood mo na pala eh! Bakit pa natin papanoorin?”

Cherry: “Eh basta ang ganda nn. Dapat nyo talagang mapanood.”

Ako: “Sino naman ang kasama mong nanood nun aber?”

Mommy: “Ayan! Nabibisto ka tuloy. Sino ka-date mo?”

Tapos sila na ang nag-usap noon. Hahahha..  

Napagkasunduan nga na hindi na lang kami manood ng movie that day at umuwi na lang dahil pagod na pagod na rin kaming lahat at busog na busog. After a week ay nagyaya ang aking “friend” na panoorin nga ang Twilight para lang malaman kung maganda nga talaga.

Ako: “Di ba nabasa mo na yung book?”

Friend: “Oo.”

Ako: “Kumusta naman?”

Friend: “Okay naman sya. Nakaabot ako hanggang page 200 something kaso tinigil ko na. Medyo mushy para sa akin eh pero di ko alam sa iyo. Try natin tong movie baka naman maganda pagkagawa nila.”

At ito na nga ang ribyu. Wala naman akong masasabi na hindi maganda sa mga napili nilang artista. Okay na okay ang casting. Nag-umpisa syang typical American movie sa style ng acting ni Kirsten Stewart as Bella Swan. Very natural. Nag-umpisa akong magduda noong napansin kong sobrang scripted na ang mga eksenang sumunod. Specifically, noong si Jessica Stanley (Anna Kendrick) ay umextra noong nagpapacute si Mike Newton (Michael Welch) kay Bella Swan. Oh my gulay. Ito ba ay isang eksenang napaka-big deal at kailangan pa talagang i-emphasize na type ni Jessica si Mike? Ang pangit talaga ng pagka-execute ha. So highschool. Parang local tele novela (other review coming soon).

Eto pa ang di ko makalimutang nakakainis na scene. Naging magkaklase si Bella at Edward Cullen (Robert Pattinson) sa isang class. Ang acting ni Edward ay over ha? With matching hinga hinga effect, di mo maintindihan kung nasusuka o natatae o nahihilo sya, noong makita nya si Bella at malamang lab partners pa sila. Pinatagal pa ng maraming segundo yung ganung hinga-hinga scene tapos sabay walk out ang lolo mo? Huh? Ano yun? OA mo ha! Ang lola mo naman ay sobrang confused sa kanyang naging reaksyon. Imagine: ang kanyang pagiging confused scene ay with matching kunot kunot noo effect, lingon lingon the surroundings at ito ay pinatagal pa ng naparaming segundo! Oh my gulay. Sayang ang video!

At ganito na nga umikot ang mga eksena. Ang dami nilang ka-OA-an scene na pinapatagal na parang gusto mong tumitig pa sa screen dahil naghihintay ka ng punch line ba o kaya ng climax pero biglang pagtapos mong maghintay ay next scene na pala! So yun na pala yun? Ano yun? What’s the big deal? Maygulay. The whole time, tawa ako ng tawa sa upuan ko. Hahhaha.. Buti close kami ng “friend” ko at mejo tinatakip ko yung pagtawa ko sa shoulders nya dahil talagang di ko mapigilan ang aking tawa. Mejo nahihiya naman din ako sa mga twilight fans sa kanan namin. Takang-taka sila bakit ako natatawa. Hahahha.. Ang corny kasi talaga!

Eto talaga the best lines na tawa ako ng tawa.

Bella: “I know what you are.”

Edward: “Say it. Out loud.”

Bella: “Vampire.”

Oh my gulay! Tawa ako ng tawa kapag kinukwento ko to. Yung pagkasabi pa nya ng “vampire” eh yung malumanay na parang tanga lang. Eto dali panoorin nyo ito para maintindihan nyo yung sinasabi ko na hinga-hinga effect with a very few lines. Haha..

Eto pa ang mga pahabol na nakakatawang eksena. Sinama ni Edward si Bella sa kanilang bahay at nag-tour sila ng kabundukan with matching fly fly ang lolo mo at nakasabit parang unggoy si Bella sa likod nya. Pinakita nya ang kanyang tunay na anyo pag nasisikatan ng araw. KUMIKINANG! Hahaha.. San naman nanggaling yung ganung istorya? At with matching lying down on the grass scene pa with the camera on top making ikot-ikot! It’s so “Juday? Piolo? Kayo ba yan?” Hahahha.. Wala na bang mas gasgas pa na camera effect kesa jan? Togoinks. Alam mo ba yung mga pa-sweet scenes nila rito ay tipong napapatakip talaga ako ng mukha dahil nahihiya ako para sa kanila. Nai-imagine ko tuloy ang diretor na parang sinasabi “Sige pa! Acting pa! Dali! Emote ng emote! More feelings!” Hahhaha..

Okay naman ang fight scenes. Siguro yun ang action na ine-expect ko makita sa isang international movie. Naging affected ako sa part na hinila nya yung piece of broken glass na tumusok sa kanyang hand (as far as I can remember). Ouch!  Ang di ko lang nagustuhan na part ay yung bago nakarating sa ganun ang story. Naglalaro ang family nila ng baseball at dumating ang mga kalabang vampire. Nagtitigan sila at naghingahan. Nagsalita ng napaka konting mga linya pero ang video ay umaandar ng napakaraming segundo. Nang biglang hinangin ang buhok ni Bella ay nagwala na ang kalabang vampire at pilit ni-hunt ang babae na para bang wala nang ibang tao sa mundong pwedeng makain kundi sya.

At bilang finale, iiwan ko sa inyo ang best act scene ni Kirsten Stewart. Panoorin nyo rito tapos abangan ang sections 2:20 hanggang 2:41 tapos paulit-ulitin nyo. Dali! Enjoy talaga. Eto po ang kanyang mga linya.

“What? .. Uh. Are you sss, No! (Hinga) No! Uh.. How.. Uh.. I don’t even know what you say.. What.. What are you talking about? You.. You want me to go away? You.. No.. I can’t! I can’t just leave you. Uh!”

Take note of the “Uh” sa dulo ha? Hahahaa..

 

 

 

Sakit ng tiyan ko talaga habang sinusulat ko ang post na ito. You can imagine. Ang dami ko pa namang mga super closest friends na Twilight fans and addicts. Nakupu. Pasensya talaga. This is my honest opinion. Kinailangan ko na talagang isulat kasi nakakapagod na ikwento ng ikwento sa isa-isa sa inyo pag nakikita ko kayo. I-refer ko na lang sa link para di ko na kailangan mag-explain.

Heard that this is a low cost movie. No wonder. Na-discourage na tuloy akong ipagpatuloy ang pagbasa ng book. Anyway, I still believe that the money we (he) paid for the movie is worth it. Tawa kasi ako ng tawa. Sulit di ba? I guess I will still watch their next movie, just to give them a chance. Malay mo? *Insert smug YM icon here.*

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

18 thoughts on “Twilight, Da Ribyu”

  1. gaga! hehe! wag ka ganyan deadbol ka sa mga fan ng pesting twilight ne yan. hehe! i havent seen the movie but i read the book, i got bored the time i was reading the 2nd book, so i stopped reading it instead i read the “cheerleader”, “angel city”, “typical experience” and “fantasy came true “. mas nice, mas realistic compared to the damned twilight. im sure mg’a-agree si tin and jen.

  2. Okay lang yan kirkie! Hahaha.. Inaabangan ko na nga ang comment ni Tin eh. Hahaha.. Madugong labanan ito for sure.😄 Kahit anong mangyari naman super friends pa rin kami eh.. Harhar..

  3. what ever you say…you have to admit it..you are one of the persons who payed attention to the book and the movie..you even bothered wasting your blog pages talking about it…it only means that twighlight has been part of your life…and im still looking forward for the next movie..hehe,,peace out!!

  4. Haha.. Sabi ko na nga ba eh.. Tama ka jan! It has been part of my life. So bad I wrote an article about it. Kakagigil kasi talaga eh! Hahaha.. Uy galit na sya oh.. Peace na tayo Tin.😄

  5. ay talga hindi mo nagustuhan ung twilight movie…

    napanood ko na sya..mejo kinilig ako ng konti kasi napaka-protective ni Edward kay bella..yun lang!

    kakaiba ang pagkaka-review mo, astig!

  6. Haha.. Thanks muymuy! Buti naman di ko masyado na-hurt ang feelings mo. T__T Feeling ko lang talaga kailangan ko na isulat yan. Haha.. Ni-delay ko na para di masyado ako habulin ng fans. Harhar..

  7. Hello po, first time ko sa bahay nyo. Napaka-unique ng design. Maraming salamat sa pag-add mo sa tolda ko…Gagala-gala lang muna ako sa bahay mo…

  8. ilambeses akong kinukulit ng kaibigan ko para panuorin yun, pero blessing in disguise na walang free time at muntik na kong may yayain manuod at salamat hindi pumayag. binalak ko ring bumili ng dvd copy at salamat sa kung anumang unseen intervention hindi ko ginawa hahaha. ayun bandang huli ilang linggo tsaka ko napanuod. pirated copy bwahahaha. oo hindi maganda, pero hindi rin naman nakakasuklam, except dun sa eksena ni bella sa ospital. pft. pero okei na rin kumpara sa mga tagalog films na umiikot lang sa love triangle at minsan love quadrant???=)
    napadaan poh. isa’ng post lang nabasa ko, balik ako dito.

  9. eto ulet ako.. geh dagdag kita blogrowl ko, ala pa kasi masyadong time, papasok na ko eh. biglang tingin kamukha mo si agot isidro, di ko lam kung kilala mo xa=)

  10. nagcomment na ako dito eh. kinain yata ni akis.
    heniwey, tawa ako ng tawa dito sobra. ito na yata ang pinakahonest kong review na nabasa tungkol sa twilight.
    hinga-hinga…. hahaha!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s