Telebabad

101_1482Lagi kang maagang umuwi. Pagkagaling sa eskwela, nagbibihis ka kaagad ng pambahay, kumakain ng hapunan at nagsisipilyo. Pagkatapos mag-ayos ng pinagkainan ay uupo ka na sa sala at magpapanggap na interesado sa panonood ng balita, na sya ring pinapanood ng iyong mga magulang o kasambahay. Sisiguraduhin mo na nakaupo ka sa sala kung saan malapit ka sa isang napaka-importanteng bagay sa buhay mo ng mga panahong iyon–ang telepono.

Ang pagsagot ng telepono ay pwedeng sa dalawang kaparaanan. Maaaring magpapanggap ka na nagulat sa pag-ring ng telepono, sasagutin sa pangalawang ring at magtatanong pa “Hello? Sino po ito?” O kaya naman, dahil araw-araw mo ng ginagawa, automatic na na sasagutin mo ang telepono sa una nitong ring (minsan hindi pa pinapatapos ang ring) at derecho kagad sa “Hello <insert guy’s name when legal or girl’s name para magpretend>! Ano na nga ba pinag-uusapan natin kanina?” May mga magulang na okay lang para sa kanila ang ganitong gawain kaya hahayaan nila kayong mag-usap hanggang matapos ang kanilang pangatlong telenobela sa Channel 2 or 7. Pagkatapos nilang manood ay papasok na sila sa kwarto at di kakalimutang paalalahanan ka “Gabi na ha! Matulog ka na! Ano ba kasi ang pinag-uusapan nyo ng ganyang pagkahaba-haba? May pasok ka pa bukas. Ibaba mo na yan!” At tsaka aalis sa eksena.

Tama si Inay. Ano nga ba naman ang pag-uusapan natin? Sa totoo lang, yun din naman ang pinagtataka ko. Bakit nga kaya ang karamihan sa atin ay dumadating sa stage ng telebabad kapag nagliligawan or chikahan? Ang pinaka-kakaiba ay yung tumatagal tayo sa telepono ng mahigit isang oras hanggang limang oras sa telepono. Noong ganito si ate sa telepono namin ay inis na inis talaga ako at takang-taka. Noong ako na ang nagtelebabad ay naintindihan ko na.

Ang huli kong naaalalang telebabad ko ay noong first year college pa. Excited ako noon dahil magkakaron na kami ng linya ng telepono sa bago naming nilipatang bahay. Kahit alam ko na wala pa akong makakausap ay masaya ako sa ganoong pangyayari. Nang magkaron na ako ng “lablayp” lalo kong na-appreciate ang kahalagahan ng telepono.

Sa telepono nafa-follow up ang lahat ng nabitin na usapan sa eskwelahan o habang naglalakad pauwi. Sa telepono, natutuwid ang mga alitan at nagkakaron ng kapaliwanagan sa iba’t ibang di pagkakaunawaan. Sa telepono naikukwento kung paano ka nauntog sa ilaw ng jeep na sinakyan mo pauwi. Sa telepono napaguusapan kung anong ulam na kinain ninyo sa hapunan at kung sino ang nagluto nito. Sa telepono na rin napag-uusapan ang mga huling kaganapan sa Marimar, mga chismis tungkol sa bungal na Math teacher kanina sa class, sa latest hiwalayan at ligawan chismis sa inyong eskwelahan at showbiz, at kung anu-ano pa.

Nakakatuwang isipin kung paano naging parte ng buhay ng ating mga magulang o ng iba pang mga pamilya na sa ngayon ang telebabad. Napakabilis talaga ng utak kung mag-isip at ang bibig ng tao kung magsalita. Kahit ano paksa, basta hindi boring kausap sa telepono, ay pwedeng pag-usapan.

Sa ngayon ay napalitan man ito ng internet ay marami pa rin ang gumagamit ng ganitong paraan ng komunikasyon. Old fashioned kung tatawagin nga ng iba pero para sa akin ay napaka-convenient pa rin nito. Katunayan ay napapababad ako rito ng mga huling araw kaya nababawasan din ng panahong makapag-online pero sulit dahil fafable talaga itech. Iba pa rin kasi talaga ang napakaraming salitang kaya mong sabihin kumpara sa mga salitang kaya mong i-type kaya hangga’t maaari, imbes na kausapin sa chat ay tinatanong na lang kung may telepono ba ito.

Naging parte ba ng inyong buhay ang pakikipag-telebabad? Sino na sa inyo ang napa-“OO” o nakapagpa-“OO”dahil nahulog ang loob sa telebabad? ^_^

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

25 thoughts on “Telebabad”

  1. naalala ko nung nasa labas pa ako ng seminaryo. pupunta pa ako ng Robinsons Bacolod for a payphone para makatawag sa ex-gf ko. then, nung dumating ang cellphone, ubos ang 500 load everyday.ü tapos di rin naman pala kami magkakatuluyan. Kung pwede nga lang irefund yung mga nagastos ko…

    bitter ba. hehe…

  2. Kuya Utoy,

    Ang bigtime mo naman pala! Ang syala ha? P500 load para makipagtelebabad sa cellphone tapos nasayang lang din ang effort? Tsk. Tsk. Kapag ganun nangyari sa akin mapapa-pasok talaga ako ng seminaryo.😄

  3. Hehe, wala akong tiyaga sa tele-daldalan. Madali akong ma-bored tapos yung utak, madalas din nangunguyakoy ng samu’t saring imahinasyon at ideya galing sa kung saan-saan. Minsan naisip ko, may ADHD yata ako? Kaya madalas, pag matagal na sa pag-uusap, madalas ko ring naririnig ito: “Hoy, anukaba, nakikinig ka ba o hindi!”

  4. meron ka pang di nabanggit, at ito yung panloloko sa telepono..mag-iingat kayo kase mahirap naman kung sa pag telebabad e madali ka ng dugo-dugo gang o kaya e akyat bahay dahil akala mo e kaibigan mo na..

  5. Uu nga noh tagsu? Kaso di ko masyado naisip dugu-dugo gang kasi feeling ko di ka naman siguro tatagal makipag-usap sa isang taong di mo sure kung sya talaga di ba? Hmmm.. Bakit nabiktima ka na ba nila? ^_^

  6. Wow! Yun ang syala! Switch to cellphone na. Haha.. Natawa ako. Labas bituka. Siguro nakatayo ka nun habang nakikipagtelebabad tapos nahila ang receiver tapos bagsak galing sa table yung phone. O kaya nakaupo ka tapos dahil naaliw ka masyado at napatalon ka sa tuwa tapos nahila yung phone at nabagsak. Hehe..

  7. hahahaha….
    ate panu mo nakuha ung layout mo?
    ksi ung account nmin sa wordpress ala kwenta eh…
    tpos 2 plang na post nmin…
    hahahah!!
    buti pa kayo…
    ^_^

  8. guilty ako dito lalo na kung nasa pilipinas ako.
    landline or mobile phone man.
    pero dito sa roma, siyempre mas gamit na gamit ang internet dahil magastos naman ang telebabad.

    may ibang level ng pag-uusap kung naririnig ka at naririnig mo ang boses ng kausap mo vs. e.g. chat. especially kung highly auditory kang tao.

    nakaka-relate ako kay utoy. nung 19-kopong-kopong at hindi pa in ang celfone ay naranasan ko ang gabi-gabing pagbababad sa payphone hanggang papakin na ng lamok habing nakatitig sa mga bituin sa langit na para lang high sa katol dahil kausap sa kabilang linya ang sinisintang pururot. haaysss…..

  9. Haha Rev! Sinisintang pururot eh! Naku alala ko rin payphone. 1998 tuwang tuwa ako kasi yung nilipatan naming bahay may payphone ng globe na malapit. Mahal kasi yung landline na payphone kaya yung dihulog na barya yung gustung-gusto ko dahil matatawagan ko si “hon” then. LOL.

    Thank you po sa pagbisita Rev! I’m so tats. ^_^

  10. Hi Ms. emilayskie! Nag tele babad din ako nung araw kapag gusto kong kausapin ang nililigawan kong babae..ang masakit pa no’n nakikitawag lang ako, kapal ko ‘no🙂 hmm.. wala naman akong pina sagot na “oo” sa phone parang pangit sa akin ‘yon🙂

  11. Ay tama ka jan Sandi. Pangit nga ang mag-OO-han sa phone. What I meant was yung telebabad has been part of their courtship stage. Mali yata pagkakasabi ko dun. Haha.. Wala ng bawian.

    Hehe.. Thanks po sa pag-visit dito Sandi! Balik ka ha? ^^

  12. hehe, nung may boyprend ako hanggang alas kwatro ng madaling araw, pero hindi naman telebabad yon e. tigas na ng ulo, hahaha

    dati ngay may party line pa kami. ayun, asaran at suguran kamo, hahaha

  13. Talaga? Asaran sa party line? Yun ang di ko na-try ah! Hahaha..

    Naku Ate Kengks alas kwatro ng madaling araw matindi yun! Na-try ko na dati yun eh. Nakatulugan ko yung kausap ko. Tapos nung nagising ako pag-“hello” ko nandun pa rin sya sa linya! Hahaha..

  14. leave the ligawan. mga pinsan ko ang nasalanta ng todo ng magka-telepono kami pordaperstaym, tipong tawagan mu sabihin may tao sa harap ng bahay nila. ala-una ng madaling araw, hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s