Adik Me

This is in response to Yhen’s “adik ka ba?” blog entry.

Yes po.

Adik me.

Sobra.

1. Nagawa nyo na bang magpatugtog ng favorite song nyo for the season  sa isang buong araw ng literally one hundred something times?

  • Ganun na nga. Ganun ako maadik. Hindi ko talaga sya titigilan sa buong araw hanggang hindi ako mangangawit kakakanta o kaya eh katukin ako ng kapitbahay para mag-request ng bago namang kanta. “Ineng? Pwedeng next song na please?”

2. Nagawa nyo na bang kumain ng Toblerone, M&M’s, Crunch at Cadbury chocolates all in one sitting?

  • Ipagpaumanhin nyo na po talaga pero adik po talaga ako sa chocolates. Halos lahat yata ng girls gusto yan pero mangilan-ngilan lang yung mga adik katulad ko. Buti talaga at wala kaming lahi ng diabetes kundi maaga siguro ako madedbol. Salamat din naman at healthy pa ang skin and teeth. Kapag nag-grocery nga ako puro chocolates, kunwari para sa baby ko pero malaman-laman nila mas adik pala sa sweets ang mommy kaysa sa baby.

3. Nagawa nyo na bang manood ng isang buong Anime series in one sitting din?

  • Ganito lagi ang naka-set na activity ko dati kapag days off. Dati akala ko talaga pambata ang gawaing ito pero nang makakita ako ng mga super gagandang romantic comedy stories from animes ay talagang manghang-mangha ako sa talento ng mga Hapon sa pagsulat. Marami rin tayong mga kababayang magagaling sumulat sayang nga lang at wala silang madaling paraan ng pagkakakilanlan dito di tulad ng sa Japan kaya marami sa kanila ang nangingibang bansa.
  • Alam nyo bang dahil sa kahiligan ko sa anime, kung magkakaron ako ng anak na lalaki uli, ang ipapangalan ko ay Naruto.
  • Joke lang po yun.

4. Nakakain na po ba kayo ng dalawang set ng Shake Sashimi sa isang Japanese Restaurant?

Melts in your mouth not in your hand
Melts in your mouth not in your hand
  • Wala pong kinalaman ang pagkahilig ko sa anime sa pagka-adik ko sa Shake. Mahilig din po ako sa sushi at maki pero ibang level ang pagka-adik ko sa sashimi. Pero hindi basta basta sashimi kundi Shake lang. Ito po yung Norwegian Salmon na tinatawag. The best talaga to! Pahiran pa ng wasabi tapos sawsaw sa Kikkoman. Uhhmm..  Oh my gulay.. Yummy talaga! Grrrr…

5. Nagkaron na po ba ng time sa buhay nyo na na-adik kayo sa isang tao?

  • Obsession nga yata ang tamang term para sa ganun. Not necessarily mahal mo na sya pero every bit of information ay gusto mong malaman about him/her at bawat pag-blangko ng utak mo ay naka-automatic sya dapat ang maiisip mo.
  • Eh yung pagka-adik na di matanggal ang ngiti mo sa panga the whole day kakaisip sa kanya? Yung tipong ngalay na ngalay ka na kakangiti as in na kulang na lang ay tukuran mo ng toothpick ang bunganga mo tapos kumikinang talaga yung mga mata mo pag nakikita mo sya sa isip mo? 105

Ito po ang mga bagay sa ngayon na pinagkakaadikan ko. Sa bawat season may mga bago akong kinaadikan at dahil kilala ko na ang sarili ko, kapag may mga kinaaadikan akong bagay na alam kong nakakasama sa akin ay pinipilit ko kagad pigilan ang pagka-adik o kaya bago pa ako maadik ay nilalayo ko na ang sarili ko.

Pagkatapos ng mahaba kong bakasyon ay nahirapan na talaga ako mag-isip ng magandang blog post. Medyo mabibigat at “maseselan” kasi ang mga pangyayari sa aking buhay lately kaya silent pa ko. Maselan eh noh? Haha.. Kaya sa mga susunod na post ay baka mga seryosong paksa na ang aking tatalakayin. Nakanang. Abangan..

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

35 thoughts on “Adik Me”

  1. di nga halatang adik ka tita, buti na lang at yang mga yan ang kinaadikan mo..pede rin naman ngalan ang naruto lalo na nga kung boy ang lalabas..kaya lang tila ayaw mo rin..ehehehe..napadaan lang po

  2. Hehe.. Salamat sa pagdaan payatot! Nangunguna ka ah..

    Uu nga eh. Light pa ang addiction ko di ba? Harhar..

    Ayaw ko naman ng Naruto ipangalan sa kanya kasi baka paglaki nya si Sasuke pala ang idol nya. T_T

  3. adik sa tao? hehe.. pero tama ka, mukang obsession nga yun… minsan nakakamatay ang obsession… hehe! kung paano, ewan ko lang. hehe! pag obssessed ka kc ngagawi mo ang di dapat gwn esp if bumagsak expectations mo sa tao… harhar!

  4. masubukan nga.

    number 1: check! Warrior is a Child ang song. Paiyak-iyak pa ako sa tren nyan, buti na lang ako lang ang sakay.
    number 2: check! di nga lang yata one sitting eh. every sitting, kain!
    number 3: check! kasama ko pa ang pamangkin ko nanood ng dalawang DVD ng Pokémon. hehe…
    number 4: check! basta salmon, walang patawad ang Brader! hehehe… try mo rin ang enoki kame golden mushroom maki ng Teriyaki Boy. hehe…
    number 5: Eto medyo matagal na. as in 9 years ago pa. Kung di ako nagpari, kasal na siguro kami nun. nakwento ko na yata ito kay Yhen.ü

    God bless!

  5. Kuya Utoy,

    Nice naman Kuya Utoy. Soulmates pala tayo eh! Ang galing! Adik ka rin pala eh. ^_^

    Sige po try ko yung enoki kame maki. Lagi rin ako sa Teriyaki Boy eh. Nandun nga ako last Saturday eh. Harhar..

    Aba, romantic ka rin pala kuya. Sya ba ang isa sa mga dahilan ng pagpapari mo? Shareness naman jan. Hehe..

  6. -kapag zumizipra akong kanta tutob ang tenga sa speakers, magrereklamo ang play, rewind, stop at pause keys ng radyo kakapindot hanggang makapa ko ang buong kanta. minsan isang buong album pag walang gana hahaha. adik lang talaga sa myoozik. =)

    ako rin siguro babatukan na kita kung kapatid kita at maghapon iisa na lang pinapatugtog mo.

    ay dati pala naadik ako sa 1 song.

    love hurts ng incubus.

    ganda.

  7. Yin,
    Ganun na nga. Isang kanta lang sa buong araw pero pag nahihiya na ako play ng mga limang iba pa tapos balik ulit dun sa favorite song of the day. Madness noh? Hahaha..

    Simplefula09,
    Sure! Kaso di mo nilagay link mo eh. Hihi..

    Yhen,
    Mejo ganun na nga yhen. Hirap kasi pag obsessed ka di ba? Confusion sa feelings and all. LOL.Kaya play safe lagi. Hihi..

  8. number 1..yes ang answer ko dyan.ewan ko.current LSS ko ngayon ‘My Life Would Suck Without You’ ni Kelly Clarkson at ang walang kamatayang ‘The Man Who Can’t be Moved’ ng The Script.

    number 5..Yup.hindi maiiwasan yun.nahumaling ako.haha

  9. Uu nga noh? Lahat yata ay nakaranas na ng 5.

    Gusto ko rin yung “The Man Who Can’t be Moved!” Ganda ng lyrics nya talaga. Feeling ko ginawa nya yung kanta habang nandun sa spot na yun! Haha..

  10. Naranasan ko na ang #s 1 and 5.

    May mga “song of the moment” din ako sa buhay ko. May mga kanta akong gustong pakinggan depende sa moods ko. At pag napag-tripan ko, I am capable of playing and listening to that song over and over not just for one day, sometimes for days or even weeks. Kahit na naka-off na ang CD player ko, I still play the song in my head. So like you, grabe ang pagka-adik ko sa ganyang activity.

    Na-adik na rin ako sa isang tao, actually several na pero one at a time lang ako ma-adik, ok? Hehehe😀 I do obsess over her to the point na I want to find out everything about her. Hindi naman ako stalker, pero kaunti lang siguro ang pagkakaiba ko sa kanila. Although alam ko ang address nila, hindi ko naman sila sinusundan nang hindi nila alam pag uuwi na sila sa bahay. 😀

    I like your blog and the way you present your views on things and your day-to-day experiences. In your writing, you have a seamless way of shifting between Filipino and English and you do it pretty well. 🙂

    Thank you very much for stopping by my site, for your comment, and for the link. I’ll link you up too. Take care.

  11. Nice naman Panaderos! Yan ang comment! Hahaha.. I like you na. Hihi..

    Pareho tayo dun sa number 1 nga talaga. Adik kung adik. Haha.. Lagi nga ako tinatawanan ng younger sis and bro ko pag ginagawa ko yun. “Ate ano ba yan! Hahaha.. Pwede ba pagpahingahin mo na si Leona Lewis? Haha..” (Yung tawa kasama talaga dun sa script.)

    Ganda naman ng compliment mo. First time ko narinig na ginamit ang term na “seamless” sa pag-cpmpliment sa akin kaya ni-Google ko talaga para ramdam na ramdam ko di ba?

    Thank you for dropping by here as well and for this overwhelming comment. I’m so tats. ^_^

  12. Ayan, nakabisita na rin ako…🙂
    Makikisali din…

    1. Yes… The song is “In Another Lifetime” ni Gary V.
    2. No… Nanakit tonsils ko pag nasobrahan ako ng kain ng matatamis…
    3. No. I almost did sa Shaman King. Pero my vision was already very blurred pagdating ng 3rd to the last episode at 7am na ng umaga. So natulog muna ako, kinahapunan na tinapos…🙂
    4. No. Hindi ako mahilig sa Japanese food lalo na yung mga raw delicacies nila… Maki lang ang kaya ko…🙂
    5. Yes. Naku, masakit alalahanin… hehe…

    Coolwaterworks

  13. Tenco,
    Ay sige. Gusto ko yan. Hahah..

    Coolwaterworks,
    Salamat po sa pagbisita! I’m so honored. ^^ Kahit di ka mahilig sa Japanese food at chocolates welcome na welcome ka po rito. Hihi..

    Ate Kengks,
    Naku apir tayo jan! Kahit gano siksikan pa yan pa yan carry lang. Gustung-gusto ko yung nakikisiksik din sa kung anong pinagkakaguluhang sale. Haha..

  14. kadalasan yn nagagawa ko pag wala akong magawaenggg…
    maadik sa kanta at sokolate..
    ung manood ng one piece na napkahaba..
    nakakaadik kasi si goma-goma..hahaha!

  15. yugn 1 nagawa ko na: HAHA. with a smile nung eheads.. araw araw ata..
    yung 3: siyempre, naman!! NARUTO ay grabe.. at iniyakan ko pa yun! HAHA pinagalitan kasi ako ng nanay ko nun.. HAHA :))
    yung 2: OO!! ahahaa.. lalo na yung snickers.. potek adik ako dun!
    yung 4: ang loser ko, pero ayaw ko ng sashimi.. pero nakakakain ako nun.. ahaha
    yung 5: SUPER!😀 ahahha

    wla lang. umepal lang ako.😀

  16. waw. nakarelate ako dun sa pagkaadik sa song, sa chocolates at sa tao ah. ganung-ganun. grabe. ang lss ko ngaun, wordplay ni jason mraz. halos one week na siyang paulit-ulit sa tenga ko. wlang sawa. dun naman sa tao, naku. ganung ganun din. hindi ko alam kung bkit lagi siya nasa isip ko e. biglang-bigla na lang. hindi ko namn masabi kung mahal ko siya o ano.

  17. Haha.. Totoo yan Mary Grace. Bigla-bigla na lang ang pagka-adik sa kanya at di confirmed kung love mo nga sya di ba? Hihi..

    Buti naman at agree tayo sa tatlo jan. Apir! Salamat sa pag-visit po! Daan din ako sa bahay mo. Now na. ^_^

  18. haha..adik ka nga..eh baka lss ka nun..ang nakakainis, yung lagi mo na lang naririnig yung favorite mong kanta dati na nung sumikat eh ayun na lang ata ang alam na kanta ng mga tao..shux..lalo na sa skul…

  19. ay ay ay.. sister, ako di mahilig sa chocolates eh. kapag trip ko lang. ayun nabubulokish na sa ref ni mudra ang mga tsokolate galing kay fader. hehe.

    pero kung galit sa papabols ang tsokolate (kahit pa serg’s lang yan o chucnut winner!), keber ko kung di ako mahilig sa sweets noh.. hihi..😉

    ayun, tapos i dont eat sashimi.. though lagi ako kumakain sa japanese resto. pero di ko talaga keri ang sashimi. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s