How to make my PC run faster without upgrading?

Click here for the English version of this post.

Ang post po na ito ay para mapagbigyan ang isang minamahal na kaibigan na nag-request ng tips na tulad nito sa aking blog. Di ko rin naman matanggihan dahil naisip kong baka may matulungan din ako kahit papaano. Hihi..

Hindi po ako Windows expert. Hindi rin ako certified. Lahat po ng information na ibibigay ko ay galing sa aking mga karanasan sa pag-ayos at pag-maintain ng computer, with clients, friends or family. Ang iba naman ay hango na rin sa edukasyon kong natutunan sa aking paaralan. Pipilitin ko pong babawan ang lahat ng mga katagang sasabihin ko para mas maraming makaintindi.

Tip # 1 – Know your specs

Kapag sinabi pong “specs” (short for specifications) ito po yung eksaktong mga bilang ng gamit nating computer. Pano po ito malaman? Ito na siguro ang pinaka-basic na paraan.

Start > Right click My Computer (Computer for Vista) > Properties.

System Properties

Dito po natin malalaman ang ating Operating System (OS), Processor and Memory. Yan pong naka-highlight ang numbers na kailangan nating tandaan. Hindi natin masyado pagtuunan ng pansin ang processor speed dahil medyo komplikado pa yan sa iba. Ang ating focus muna ay ang RAM o tinatawag na memory dahil ito po ay may direct impact sa bilis ng ating computer. Pag nakuha nyo na po ito ay isulat sa papel para di makalimutan dahil magiging importante sya mamaya. Hehe.

Importante po na malaman natin ito dahil hindi tayo pwede mag-expect na mabilis ang ating computer kung mababa naman ang ating specs. Tatakbo lamang ito sa abot ng kanyang makakayanan. Kapag mababa ang specs kailangan lalong mahaba ang ating pasensya.

Tip # 2 – Keep your taskbar clean

Ang taskbar po ay ang napakahabang bar sa pinakababa ng inyong monitor magmula sa START hanggang sa system clock, as illustrated sa picture.

wptaskbar

Kung gusto nating maging mabilis ang pag-respond ng ating computer, panatilihin po natin itong malinis. May mga programa tayo na kailangang bukas ng sabay ngunit may mga bagay rin na pwede namang isara for the mean time at buksan na lang ulit mamaya di ba? Magaling mag-multi tasking ang computer pero parang tao lang din naman sya. Binibigyan din ng pagkakataong magpahinga. Ang example sa taas ay isang masamang ehemplo. Wag tularan. Haha..

Tip # 3 – Keep your system tray clean

wpsystray

Ang system tray po ay usually nasa bottom-right corner ng ating monitor sa tabi ng orasan. Kapag mas marami tayong icons dyan ibigsabihin mas maraming programang tumatakbo sa likod na maaaring nagpapabagal ng ating computer. Tanggalin ang mga hindi kailangan sa pamamagitan ng pag Right Click>Exit or Shutdown or Close. Iwan ang mga anti-virus or anti-spyware program. Wag po kayo matakot na kapag nawala sila sa system tray ay hindi na sila gagana. Pag restart ng computer ay babalik din silang lahat na sinarado mo. Kung gusto mong permanently mawala sila ay kailangan gawin ang mga susunod na tips.

Tip # 4 – Understand your Task Manager

Ang task manager po ay nabubuksan sa pamamagitan ng pagpindot ng CTRL, ALT and DEL keys ng sabay-sabay o kaya CTRL, SHIFT and ESC. Ang APPLICATIONS tab ay naglilista ng mga programang tumatakbo. Kung hindi masyado mabilis ang ating computer, huwag hayaang maraming nakalista dito. Isara ang mga hindi kailangan.

wptaskmgr

Ngunit ang mas importanteng tab ay ang PROCESSES katulad ng picture sa taas. I-click ang MEM USAGE ng dalawang beses para i-arrange nya ito mula sa pinakamalaking kumakain ng memory hanggang sa pinakamaliit. Lahat po ng naka-highlight na ito, kapag ni-total mo (huwag nyo naman po talagang i-compute noh? haha), ay ibabawas mo doon sa amount of memory (RAM) na sinulat mo sa papel kanina. Kapag kakaunti na ang natira ibigsabihin ay nahihirapan na ang ating computer. Huwag po mag-End Process dito basta basta ng hindi natin naiintindihan kung ano iyon. Kung gustong malaman kung ano ito, pumunta lang sa Google at i-search ang eksaktong Image Name na nakalista. Mas maraming process na nakalista, mas maraming trabaho para sa computer. Isara ng maayos ang mga hindi kailangang application sa pamamagitan ng mga File>Exit functions o sa pag-click ng mga “X” sa top-right corner ng programa.

Tip # 5 – Understand MSCONFIG

Start > Run (on Vista just use the Search function on the Start Menu) > Type msconfig > Click OK.

Click the STARTUP tab to see this screen.

wpmsconfigstartup

Hindi nyo po kailangan ng mga ito. Ang iiwan nyo lamang na checked ay ang inyong anti-virus at anti-spyware program. Ang mga nakalagay po rito ay ang maiiwan sa system tray. Ito po ang unang pinaka-effective way ng pagpapabilis ng pag-boot ng computer. Malalaman nyo po kung ano ang inyong nia-uncheck-an sa pamamagitan ng pag-expand ng Command tab katulad ng highlighted part para hindi kakaba-kaba sa ginagawa. Hehe..

Click the SERVICES tab to see this screen.

wpmsconfigservices

VERY IMPORTANT NOTE: Make sure that HIDE ALL MICROSOFT SERVICES is CHECKED. Pag nacheck-an mo na yun ay pwede mo na i-uncheck ang lahat ng mga ito at katulad ng sinabi ko kanina, iiwan mo lamang ay ang iyong anti-virus at anti-spyware program. Pagkatapos ninyong magbago ng mga settings dito, click APPLY > OK > RESTART. Mapapansin mo bibilis ng bahagya ang pag-start ng iyong computer.

Inuulit ko. Hindi ito absolute fix. Depende pa rin sa situation. ^_^

Ayun! Sana ay napasaya kita kaibigan at sana ay may naitulong akong bagong impormasyon sa iba. Hindi po detalyado ang post na ito dahil marami po talaga sya. Kung kayo po ay gustong kumunsulta, i-PM lamang ako habang libre pa ang serbisyo. Haha.. Di po ako nagre-remote assistance. Pasensya na po. Ayaw ko lang ma-invade ang privacy ninyo at para na rin sa inyong kapakanan. *insert evil grin here*

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

37 thoughts on “How to make my PC run faster without upgrading?”

  1. Off the topic. You can delete this if you want. I find this the best way to reach you.

    Maraming salamat sa comment mo. I appreciate it so much.

    Oo, fiction lang yon. buti nga hindi totoo e.

    Thanks sa pag-link.
    😀

  2. yun naman pala eh, libre pala ang serbisyo mu eh.. hahah

    PM nga kita minsan, lagi kc nagloloko PC ko eh.. nykhhaha!

    tnx sa topic, nice info..^___^

  3. NAKS!! Sa ilang libong beses na pagkasira ng PC ko natutunan ko na rin ang mga anik-anik na yan. Pero sana noon pa ko nakakita ng mga gnitong tutorial/tips para di ako nahirapan…in tagalog pa Oha!

    Salamat dito sis! More tips! lolz

    Calling joycee punta ka dito..me mag-aayos na ng PC mo😀

  4. Maraming salamat sa post na ito. Marami akong natutunan. I need to reduce my icons sa bottom right ng computer screen ko para maging mas efficient ang takbo ng laptop ko. Salamat uli. 🙂

  5. Mumu sa Kanto,
    You’re welcome po. Salamat po sa pagvisit. Welcome po sa bahay ko!

    Jerbaox,
    Sige po. Anytime I’m free. Hihi.. Laging nagre-reply kapag online at hindi busy. Wait ko PM mo. ^_^

    Heleyna,
    Tagalog noh? Haha.. Challenge nga sa akin eh pero masarap din pala gamitin ang sariling wika sa pag-post ng mga ganito. At least mas marami makaintindi. Sana nga mapadpad si Joycee rito kung need nya help konti.

    Panaderos,
    Uu tama po yun Panaderos. Sana nga ay may napulot kayo kahit konti. Hihi.. Balik ka po.

  6. salamat at may natutunan ako.

    idagdag ko lang ding may mga application na malakas kumain ng memory. dito na pumapasok ang kung aling antivirus software ba ang gusto mo. or internet browser. or spyware program. etc.

    – tenco

  7. Milay, tulungan mo nga ako sa pc ko.. baka mabigyan mo ako ng info? may black kasi sa magkabilang gilid ang aking pc, hindi ko tuloy makita yung words na “log out” dito sa wordpress, kapag naman sa yahoo inbox hindi ko makita yung word na “help”. Sa other side naman, kita ko naman yung word na “file” sa itaas pero may black din sa gilid. Sana alam mo ang sinasabi ko..

  8. salamat milay sa info. pero mukhang monitor ko na may problema, nagagalaw ko lang sa side pero hindi ko pa rin makita ang words sa kabilang side.

    salamat sa effort🙂

  9. Ito po ang tinatawag namin na ONE BLOG ENTRY at a time. Kakailanganin kasing basahin muna ang title, then reflect ng konti. kung na love at pers site doon sa title ng entry, yun dapat basahin na. konting reflection pag merong nakuha sa binasa, e di mag iwan ng message kung wala…smile na lang, then move on to the next list of visitors na nakabalandra ang mga avatars/gravatars sa side bar sa exodians blog.

    Huling mensahe po: TECHIE SI EMILAYSKIE. cool!

  10. hi..can u wrote all of this in english..im not a filipine..but I really need the info..I hope u can help me..thanx a bunch~

  11. Galing naman ng tutorial na to nag enjoy ako. Maya ko na basahin yung English version. Siya nga pala, suggestion ko lang baka pwede mo naman lagyan ng heading tag yung mga subheadings kasi para masmadali sa’min (screen reader users) na mag jump sa different sections of your post… You know… accessibility stuff hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s