Who says Luneta Park is dead?

Hindi po ito totoo. Buhay na buhay pa ang Rizal Park, also known as Luneta. Nandun nga ako kahapon, nagre-reminisce ng mga emo moments with the sea. Hihi..

Naalala ko noong mga panahong sikat na sikat pa ang Luneta, kapag gustong lumabas ng aming pamilya at nagpa-plano kung saan pupunta, lagi naming sigaw ay “Sa Luneta Daddy!” Medyo malabo na ang mga alaala sa akin ng dating Luneta. Ang naalala ko na lamang ay napakaraming tao rito dati at hirap na hirap kaming mag-park ng aming owner-type na jeepney. Sa bawat libot namin ay may nakikita kaming mga mag-nobyo na naka-upo sa damuhan na naglalambingan. Napakagaganda rin ng mga ilaw noon dati kaya nakaka-engganyo talagang puntahan. May mga fountain din noon at ang kapuluan ng Pilipinas ay nakalutang sa isang napakalawak na pond. Ang ganda ng lighting effect dati. Yun ang mga tangi kong alaala ng dating Luneta.

Nawala ang kasikatan ng park na ito ng magsipagtayuan ng mga napakalalaking malls sa buong kamaynilaan. Naging pioneer ang Makati sa pagtayo ng Landmark, ang Farmers sa Cubao, at ang mala-higanteng SM Megamall sa Mandaluyong. Mula noon, sunud-sunod na ang mga SM super malls. Nagkaroon din ng mga theme parks tulad ng Star City, Boom na Boom, at Enchanted Kingdom na talaga namang kakaiba at masaya kaya naging parang “old school” sa karamihan ang pagpunta sa mga park. Nagkaroon pa nga ng negative conotation na ang Luneta raw ay para na lamang kay Inday at Dudung. Tama ba yun? Haha..

Ngunit noong ako ay nasa kolehiyo napalapit ako sa napakaraming magagandang lugar sa lungsod ng Maynila. Naging paborito namin ang pagtambay at pagre-review sa Fort Santiago, paglibot sa Intramuros, pagbisita sa iba’t ibang mga Museum, at ang panonood ng mga weekly free concerts sa Paco Park. Minsan na ring pumunta ang mga kaklase kong kalalakihan sa Manila Zoo, dahil wala lang. Trip lang. Ang pinakanapalapit sa akin ay ang buong Rizal Park, lalong lalo na yung boardwalk kung saan ako nage-emote at nakatitig ng mabuti sa kahabaan ng Manila Bay.  Kahit hindi ito malinis, lagi naman itong malalim at kalmado. Tuwing nakikita ko ang dagat na ito, para syang isang matalik na kaibigan na laging nagsasabi “Anong problema kaibigan? Tara usap tayo.” Parang Boy Abunda lang noh?

Kaya ng magpasya kaming magkita-kita ng mga old friends ay dito ko pinasyang pumunta. Nami-miss ko na si Tito Boy, I mean, yung Manila Bay. Go kami kagad! Papalapit pa lang dito ay naamoy ko na kaagad ang supposedly malansang amoy ng Manila Bay pero para sa akin ay napakasarap ng ganitong simoy ng hangin. Pinilit kong kumuha ng ilang mga litrato at ito’y aking ishe-share sa inyo. Hindi po ako amateur. Lalong lalo ng hindi ako professional photographer. Ako po ay wala lang magawa habang naglalakad. Manghang-mangha ako sa aking nakita habang inaalala ang lahat ng nakaraan. Sarap ng panahon. Hindi mainit at hindi rin naman umulan kahit natakpan ng mga ulap si haring araw.

Salamat sa magagandang alaala.. Luneta. (Drama?)

Pathway
Pathway
Cave
Cave
Swan at the Pond
Swan at the Pond
Tabinging Puno
Tabinging Mundo
La Madre Filipina by Martinez retouched by F. Caedo
La Madre Filipina by Martinez retouched by F. Caedo
Ang Banga
Ang Banga
Ang Kalabaw
Ang Kalabaw
Rizal Shrine
Rizal Shrine
Takipsilim
Takipsilim

Anong pangalan ng mga bulaklak na ito?

Flower 1
Flower 1
Flower 1 din
Flower 1 din
Flower 2
Flower 2
Flower 3
Flower 3

And my peborit…

Manila Bay
Deep

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

54 thoughts on “Who says Luneta Park is dead?”

  1. Yes, Luneta is more alive than people think it’s a bygone beauty. The sense of public space is still there but in different degrees depending on one’s social status. Your photos make it more virtually alive as well. Hindi kayo pumasok sa Chinese garden?

  2. wow. naalala ko nung nakipagjamming kami sa hale at spongecola dun sa may quirino grandstand… hehe… malapit naman yun sa luneta ah.🙂

    ganda nung takipsilim shot… pero siguro mas maganda kung sa baywalk… yung baywalk sunset…

    ang sarap sa mata nung mga colors ng pictures… ganda rin ng kuha… pag ako nagka-camera na magagawa ko rin yan… bwahahahaha…

  3. Mary Grace,

    Wow. Musikera ka rin pala ha? Hihi.. Kami rin ng mga kasama ko mahilig din sa music.

    Uu nga eh. Sayang yung takipsilim. Di na kasi namin naabutan sa may dagat kaya yan lang nakayanan ko. Haha..

    Buti naman na-appreciate mo pictures. Di pa nga ako sanay eh. Kuha lang ng kuha kahit ano.

  4. masarap talagang balikan ang alala nung mga bata pa kami..dyan din kami pumunta isang beses yun siguro 1981 pa yun at sikat pa sya noon ha..ngayon parang tulad ng sinabi mo na sa dami ng mall na naitayo na ay napag iwanan na ito..

    medyo di na rin maganda ang imahe ng luneta sa mga panahong ito kase dyan na tumatambay ang mga kawatan ng lipunan..

    basta ang naaalala ko noong 1981 na yon ay yung mga pipi na nagtitinda sila kahit mga pipi..yun ata ang isa sa mga atraksiyon ng luneta ng mga panahon na yun, ewan ko kung meron pa ngayon noon, parang wala na..

    isa pa tita emilayskie, di ka na rin dumadalaw sa munting tahanan ni payatot..na mimiss na kita doon..pasyal ka minsan tita ha! ingat..ayan napahaba na naman ako..

  5. naalala ko nung hs, lagi kme nagpapractice jan, kasi lapit lang din school namen jan eh.. anyway, napaka historical ng place na yun.. dame rin namen mem0ries ng mga hs frends ko dyan eh..

    ayan namiz ko tuloy yung mga yun.. haha

    da best rin nga ang baywalk.. pero para saken pinakabest tlg sa intramuros.. ganda din dun.. sobra..^^

  6. Payatot,

    Buti nga po at hindi ako masyado na-expose jan sa mga kawatan ng lipunan na tumatambay doon kasi dati kahit ginagabi ako doon hindi naman ako nakaka-witness ng mga masasamang bagay. Mas marami yatang kawatan sa Taft banda. Pati mga jeepney driver ay kawatan. Haha..

    Bumisita na ako sa bahay mo kuya. ^_^

  7. ang sarap talagang mamasyal sa Luneta, napadaan ako dyan last month ng magawi ako ng manila🙂

    Ang gaganda ng pictures🙂

  8. Jerbaox,

    Ang lalaki nga ng spaces dun. Ang sarap mag-practice ng kung anu-anong plays or dances. Hehe..

    Favorite ko rin Intramuros. Ang gaganda ng mga building dun eh. Feeling ko namumuhay ako sa sinaunang panahon pag nandun ako. ^_^

  9. Sandi Martin,

    Salamat po! Pwede na ba? Konting practice na lang noh? Haha..

    Ganda rin sa Luneta kasi accessible sya at di kailangan gumastos ng malaki para lang mag-enjoy.

  10. Noong bata pa ako, ang mga unang ala-ala ko sa Luneta ay iyong mga playground dahil enjoy ako sa mga slides doon. Gustong-gusto ko rin pagmasdan iyong replica ng Pilipinas.

    I also remember the kiosks kung saan ang mga tindero at tindera ng mga snacks ay mga pipi o bingi. May mga naglalakad din na photographer na nag-aalok kung gusto niyong magpakuha ng litrato. Mayroon akong litrato noong two years old pa ako na kinuha ng isa sa mga photographer na iyon. It remains in our family album to this day.

    I don’t think na malalaos ang Luneta. It is a place that provides us with a refuge from the noise and fast pace of life in the city. For as long as it’s around, it will always be a place for people to enjoy a breather from their busy lives. Salamat for sharing your very nice photos! 🙂

  11. Nice naman Panaderos? Buti natago nyo pa yung picture. Hindi ko naaalala yung mga pipi at bingi. O pwede ring di ko alam na ganun sila. ^_^

    Alam mo tama ka. Siguro hangga’t si Jose Rizal ang ating pambansang bayani ay hindi mawawala ang Luneta lalo na ang kasikatan nito. Magkakaron at magkakaron pa rin ng mga taong matututong mag-appreciate ng ganitong mga makabuluhan o makasaysayang lugar. Mabuti naman talaga at pinapangalagaan din ito ng gobyerno at ng mga taong nasa paligid nito.

  12. hihihi tandang tanda ko pa ang luneta kasi nong bata pa ako parang yang ang pinakamagandang puntahan non na park..tsaka manila zoo!

    gandang ganda ako non sa replica ng phil island…ngayon nadadaan daanan ko na lang pero hindi na ako ulit nakakababa para mag ikot ikot…siguro mas maapreciate ko sya ngayon!

  13. uy ha, maganda ba talaga ang Luneta ulit?
    baka naman sa pictures mo lang maganda.

    naalala ko noon, ang favorite ko dyan eh yung Japanese Garden at yung sculpture na parang giant na itim na sapatos. hehe…

  14. Pokwang,

    Ganda nga nung replica na yun dati. Ngayon di ko sya masyado napansin pero ang alam ko nandun pa rin sya. Mas maganda sigurong picture-an yun pag nasa moving LRT. Hehe.. Nakikita ko yun pag nakasakay sa LRT eh.

  15. Kuya Utoy,

    Yun nga lang. Baka sa pictures ko lang maganda o kaya ako lang nakaka-appreciate dahil may memories kami. Hahah.. Pero para sa akin okay sya dahil ang sarap talaga ng hangin dito lalo na kapag hindi mainit. Sarap kumawala sa sobrang busy na kalye ng Ayala. Kahit saan ka umupo or tumambay dito sa Luneta pwede tapos walang katapusang-chikahan.

    Di ko nakita yung Japanese garden at giant sapatos eh. Di ko sure kung nandun pa pero alam ko wala naman silang tinanggal. Ni-develop lang lahat.

  16. hay luneta park. naglalakad pa sa luneta, ng walang pera😀

    may picture kami dyan sa luneta, buong pamilya. sempre kapag linggo dyan din kami tumatambay dati. dun sa may padulasan na nakakasira ng suot mong pantalon, hehehe

  17. huling bibita ko pa dyan eh nung nasa grade 5 ako..haha! andami na pala nagbago. bsta alam ko kasi eh kuta yan ng mga pokpok. di na masyado maganda image nya lalo na sa gabi. pero base naman sa mga pinakita mong pics eh maganda pa rin pala.

    saka yung mga flowers..hmm..meron kami ng mga yan pero hindi ko rin alam ang tawag.

  18. wow in fairness, nabigyang buhay at kulay mo ang lugar na ito…

    hindi ko aakalaing kahit sa litrato eh mapapganda pa ang lugar na yan.

    like wat u shoot, cguro we need to see and look things in a different way. o di kaya naman pansinin din natin ang mga little things na madalas natatake for granted pero kung tutuusin ito ang nagpappagnda ng kabuuang view…
    😉

    happy hearts day!

  19. Ate Kengkay,

    Ay uu. Pinaalala mo tuloy yung padulasan na yun na nakakasira ng shorts or pants. Uu nga noh. May picture din pala kaming family noon. Hate ko yun dati kasi kapag madulas ang shorts ko tumitilapon ako sa slide dahil sa gaan at liit ko.

    Gasti,

    Naging kuta nga pala ng mga pokpok ang Luneta. Buti naman at di ako napapadpad doon ng gabi dahil iba siguro ang ma-witness ko. Haha.. Salamat po sa pagdalaw rito!

    Yhen,

    Tama ka jan. Minsan kasi ang enjoyment at ang kagandahan ng isang lugar ay depende sa mind set ng isang tao. Siguro masyado lang akong fascinated sa kahit anong mundo sa labas ng bahay ko dahil minsan na lang ako nakakagala. Kapag siguro bumalik ako sa nature tripping mag-iiba na rin ang standards ko. Haha..

    Kulot,

    Happy valentine’s day rin po!

  20. grabeeeeeeee.. ganyan na pala ichura ngayon ng Luneta? hmm.. napapadaan lang ako jan pagpasok at pag-uwi sa skul..
    nung grade 2 pa last na pnta ko jan.. college na ko ngayon.. haayy.😀

    anyway.. happy hearts day!

    –gudang!

  21. [blog-hopping mode]

    bigla kong na-miss ang luneta ah. ilang taon na ba ang nakakalipas? hmm, di ko na maalala… andun pa pala si kalabaw. ang aking piping saksi… hehe😀

    napadaan lang po🙂

  22. nadaanan ko na siya minsan. pero hindi pa yung tipong uupo pa ako at magpapakasenti/sweet. makakatambay din ako diyan balang-araw. at kapag dumating ang araw na iyon, may kasama na ako.😉

  23. Jen,

    Tama ka jan. Walang nakakatinag sa mga sundalong yun. Di talaga gumagalaw grabeh. Umulan o umaraw man. Haha.. Happy V Day din!

    Enjoy,

    Salamat po sa pagdaan sa bahay ko! Bakit piping saksi si kalabaw? Nasaksihan ba ang iyong mga toot-toot? ^_^

    theCHAOSPILOT,

    Aba, magandang plano yan. Mas masaya talaga tumambay kapag may kasama di ba? Lalo na kapag loving-loving. Haha..

  24. Hi Emilayskie!
    Nagbabalik po ako pagkatapos magkaproblema nang medyo matagal ang aking mahal na computer.

    Nung bagong salta pa lang ako sa Maynila, dyan ako unang ipinasyal ng mga kamag-anak ko, sa Luneta. But it also brings me back a very sad experience. I almost died in that area, about six years ago. Nung inundayan ako ng saksak ng holdaper sa loob ng jeep. Hindi ako inabutan ng saksak kasi nag-ala wonderwoman ako. Tumalon ako sa matulin ng jeep and ended up with bruises and a swollen head. Hmn, maisulat nga ito sa blog ko hehehe. Humahaba na kasi itong comment ko dito hehehe

  25. Wa! Miss N! Na-miss kita sobra tapos kakagulatang ang iyong tragedy sa Luneta ha?

    Sige po. Paki-blog po yung nangyari. Dami rin talagang loko run noh? Buti naman swerte ako at di ko pa naranasan yun sa area na yun. Sa España lang at sa Pedro Gil pero Manila area pa rin.

    Musta naman po ang computer mo? Ayos na ba?

  26. Ay thank you po Eli. Buti naman at napadpad ka rito. Uu. Ganda naman talaga Luneta. Napagtabunan lang dahil sa bad image ng mga taong pumupunta. Hihi.. Add kita sa blog roll ko ha? ^_^

  27. i like the flowers!🙂
    believe it or not — i’ve never set my feet on luneta’s grounds. hehehe..
    try ko nga din one time, makapagphotoshoot din.🙂

  28. kaso di ako masyado naggagagawi sa lungsod ng maynila eh.. haha.. dito lang ako sa aking pugad sa pasig, mandaluyong, makati at QC. hahahaa. ang maynila mejo kinatatakutan ko.. hihihi.. at di ako marunong ng pasikot-sikot dun pramis. weird ko noh? hehe

  29. sis, may narealize ako.. wag mo ko tatawanan ha.. kase yung Flower #2 e ang tawag namin jan sa probinsya nung mga bata pa kame ng mga kababata ko eh “kantutay”, yan yung bulaklak na saksakan ng baho.. basta wala syang amoy. nakakatawa yung name noh? ewan ko nga ba kung yun talaga tawag sa probinsya namin o sadyang napagtripan lang syang tawagin na ganun. hehehehe😀

    1. Ay uu. Kantutay nga pala ang name nyan. Naalala ko tuloy. Ang dami naming ganyan sa church dati pero color white sya. Kantutay nga! Galing mo naman AC! Hahaha..

      1. huwaw! so is that true??? kantutay talaga??? shucks kala ko lokohan lang yun ng mga bata sa min sa probinsya. ampanget kase pakinggan eh.. so totoo pala. haha. we learned something new today!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s