Google Chrome

Mula September last year, noong unang nilabas ang application na ito, hanggang ngayon,  ni-download at ginamit ko itong Google Chrome kaagad. Marami-rami rin akong mga bugs and errors na natuklasan noon at sinigurado kong makakarating ito sa feedback team ng Google. Mahilig kasi ako sa mga ganitong innovation. Basta may mga bagong software na sa tingin ko ay magagamit ko sa aking pang-araw-araw na online life, sinusubukan ko kaagad.

At ngayon po ay gumawa naman ako ng listahan ng mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy ko pa rin syang ginagamit. Medyo mahirap kasi ako ma-please kung minsan  pagdating sa applications dahil medyo may touch ng programmer’s point of view at the same time normal user ang opinion ko. Hihi..

  • Google Chrome’s user friendly interface is one of the best.

chrome12

Napakasimple ng itsura nya para sa akin. Ganito ang gustung-gusto kong application. Wala masyadong abubot at kung anu-anong ka-etchingan. Kung ano kailangan mo yun na yun. Yung pinakamalaking bar sa pinakataas ay nagagamit sya as address bar at the same time Google search na mismo. Wala ng paligoy-ligoy pa. Search lang ng search! Go! Lahat ng lalabas dyan ay galing Google. Di ko kasi masyado feel ang mga “Powered by Google” lang eh. Gusto ko Google talaga mismo kaya di ako gumagamit ng ibang search engine.

Yung round arrow pointing clockwise ay pang-refresh ng page, yung star button ay pang-add sa bookmarts at yung back arrow to go back! ^_^ Sa baba ng line na yun ay ang bookmarks bar na pinakapaborito ko. Yung pagkakahilera nya sa taas parang nire-remind ako ng mga bagay na dapat kong i-update everyday. Sa taas naman ng address/search bar ay ang tab bar. Kung hindi po kayo familiar sa tab browsing, ito po yung paraan kung saan nakakapagbukas tayo ng maraming website sa loob ng isang browser window lang.

Blue ang kulay nito. Ang sarap sa mata. Di ko sure kung in the future gagawin nilang customizable ang color pero baka lalo lang maging mabigat ang software kung magiging ganun kaya mas maganda kung stay na lang sa blue. At tsaka trademark color na rin ito ng Google so sa tingin ko di na mapapalitan ang color ng medyo mahabang panahon.

  • Bookmarks on Google Chrome are very manageable.

Nung unang revisions ng Google Chrome ay sobrang ligaw talaga ako sa pag-manage ng bookmarks kaya kinailangan ko pang i-uninstall ito dahil sa ganitong problema. Ang kagandahan sa Google Chrome ay kapag ni-uninstall mo ito, hihingan ka nila ng feedback kung bakit mo gustong alisin ito sa computer. Sa ganoong paraan ay nakakakuha sila ng idea kung anong dapat pa nilang baguhin o i-improve. Mga two weeks after noong mag-send ako ng feedback ay napansin ko na lang na nagkaron na ng Bookmarks manager option doon sa Chrome options menu.

chrome3

Di ko naman sinasabi na dahil lang sa akin ay ginawa nila ito di ba? Feeling di ba? Hahaha.. Malamang ay nakatanggap na rin sila ng maraming feedback tungkol dito at kasalukuyan nilang inaayos bago ko pa natuklasan ang problema. Pagkatapos ng improvement na ito ay napakadali na talagang mag-manage ng mga bookmarks katulad ng lagi kong ginagawa sa Firefox dati.

chrome2

Ang kaibahan lang na nagustuhan ko sa Chrome ay nasa upper-right portion lumalabas ang mga bookmarks na ito at hindi masyado nakaka-istorbo sa main screen. Ang ganda ng ganitong pagkakagawa specially sa mga O.C. na katulad ko. Haha.. Ayaw ko kasi ng mga maraming distraction sa screen. At katulad nga ng nabanggit ko kanina, yung bookmarks bar ang paborito ko dahil unang-una, manipis lang ang pagkakagawa nito sa may ibabaw at hindi kumakain ng maraming space at napakalinis ng distribution ng mga icons sa ibabaw.

  • Google Chrome is generally quick to load.

I have been a Firefox lover in the past but this is a very honest observation. Mas mabilis mag-load sa computer ko (4+GHz CPU/1GB RAM) ang Chrome compared sa Firefox. Mas mabilis mag-load ang Internet Explorer 6.0 kesa sa Chrome pero dahil hindi ko feel ang Internet Explorer ay ginagamit ko lamang ito for other troubleshooting factors. Ang kinakain na memory amount ng Chrome ay maliit compared sa Firefox pero meron din itong disadvantage. Sa task manager, maraming “chrome.exe” processes ang lumalabas depende sa dami ng iyong tabs. So kapag ni-total ay nage-equate din sa kain ng Firefox, o kaya minsan ay mas malaki pa. Gayunpaman, mas mabilis pa rin gumawa ng functions sa Chrome kumpara sa mabigat na pag-galaw ng Firefox.

  • Google Chrome’s Incognito is remarkable.

chrome4

Ito lang ang tanging browser na natuklasan kong may paraan ng pag-browse kung saan walang maiiwan na traces (temporary internet files, cookies and history) sa computer na ginagamit mo. Ang galing di ba? Kung ikaw ay isang taong malihim o gumagawa ng kababalaghan sa internet ay swak na swak ito sa iyo para di nila mabuko ang iyong mga gawain. Mabuti na lamang at hindi ako masyado mahilig sa porn at hindi ko na kinakailangang gamitin ito. Hahahaha.. Pero promise bilib talaga ako sa feature na ito.

  • Compatibility issues and crashes on Google Chrome are now generally fixed.

Since this year started siguro ay hindi ko na ulit nakuha yung Aw-Snap error messages ng Chrome na napakadalas mangyari noon. Nakukuha ito madalas kapag idle na ang Chrome for a couple of minutes tapos susubukang bumalik sa mga open tabs. Malamang ay naayos na nila ang suliraning ito, hopefully.

Marami pa rin siguro ang nag-aalinlangang gumamit nito dahil baka may mga bagay na hindi gagana kung ito ang gagamitin. Ang mga importanteng plugins po tulad ng Java, Adobe Flash Player, Acrobat Reader, etc ay gumagana na po sa Google Chrome. Kung mahilig po kayo manood ng videos sa Youtube, maglaro ng Java games sa Yahoo o mag-view ng bills online like SmartBro, lahat po ng ito ay nagagawa na sa Chrome. May mga konting-konting websites akong hindi napapagana rito pero halos lahat ay properly working na po.

Ang post po na ito ay hindi para i-convince kayo lahat na mag-switch from kung ano mang browser ang inyong paboritong gamitin to Google Chrome pero para lamang i-commend ang Google sa kanilang napakagandang trabahong ginawa sa application na ito. Magmula pa noong sinaunang panahon ng mga jurassic computers ay naging fan na talaga ako ng Google dahil sa napakagandang algorithm na gamit nito sa search engine at hindi kataka-taka na napakalaki nang success ang nakamit nila sa online industry. Kung marunong tayo pumuna ng mga pagkakamali ay dapat mas marunong tayong magbigay puri sa maayos na trabaho lalong lalo na sa effort, di ba? ^_^

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

23 thoughts on “Google Chrome”

  1. hanube ala ako masyadong alam sa mga Google Chrome ek ek na yan pramis…hehehe

    bobita kase ko pagdating sa computer eh.ang alam ko lang magsearch,magcomment sa blog at ung mga simpleng gawin sa net..naku ung iba ewan ko na..

    ndi kase ko nakikinig nun kay sir kapag naglelecture na sya pano ndi ko rin sya maintindihan,kinakain nya kase ung mga letra ng salita nya at talsik laway pa…hehehe

  2. Aym pers ba???

    I super love GC (Google Chrome) din! Yan ang gamet kong browser sa bahay.

    Nakakainis lang dito sa office IE 6 pa din, ni hinde, argh. I hate it!

    Kudos to you for making such a nice review of GC!

  3. Kathy,

    Hahahha.. Natatawa naman ako dun sa kinakain ang mga letra ng salita at tumatalsik na laway. Ang daming mga ganung teacher nga noh? Hahaha.. Okay lang yan sis. Kapag gusto mo i-try yung Chrome pwedeng-pwede. Kaya mo yan. ^_^

    Joycee,

    Thank you po. Hihi.. Ang ganda ng Chrome noh? Kami rin dito sa work IE6 din pero merong ibang station na IE7 kaso ayaw ko pa rin ng IE.

    Sayang naunahan ka ni Kathy. Hehe..

  4. nakakuha nanaman ako ng bagong info sa’yo, firefox ang gamit ko try ko ngang gamitin ang google chrome.

    salamat dito sa info🙂

  5. Naku opo! Ang ganda nito promise. Hihi.. Ako gamit ko pa rin ang firefox sa ibang mga plugins na kailangan ko when online pero kapag static pages lang purely Chrome na ang gamit ko.

  6. hmmmm mukhang okei nga ang gc…
    “Google Chrome’s Incognito is remarkable”
    nku gusto ko to..sayang di ko cia madodownload dito sa ofis para di na ko bura ng bura ng browser history ko..jijiji

    at yung tab browsing hmmm okei sa akin yun kea lang baka malito ako sa pagclick nun kasi nasanay akong nsa baba cia ng tool bars ko..hakhak

  7. Aba sakto pala ang Chrome para sa iyo eh. Kaya nila ginawa yung Incognito para sa mga taong katulad mo. Hahaha..

    Panatiling malinis ang taskbar. Hehe.. Tab browsing is the best. Masasanay ka rin pagtagal. ^_^

  8. waw..so maganda talaga ang GC?🙂 dati ayoko Mozilla dahil sobrang panget..pero magaling siya ngayon kaya eto na ginagamit ko madalas at hinahanap sa mga shop na pinupuntahan ko..siguro try ko din magdownload ng Google Chrome para maiba-iba naman..🙂

  9. Sana maayos na si laptop nang makabisita na ako nang mas madalas.
    Midterms na rin kasi.
    Hindi ako makabasa ng kontodo basa.
    Salamat sa magiliw mong pagdaan.

    Keep in touch.
    God bless you.

  10. yung IE 7 may tab na much better sa firefox pero ang alam ko pang vista ang IE 7… natawa ako kasi meron din akong ganyan sa mga favorites ko.. apir! pareho pala tayong OC…

  11. This I have to admit, wala akong alam sa mga ganyang bagay hahaha. I used to live in the old age pa kasi hehehe. But now that I’ve read it here, masubukan nga para naman may new learning ako🙂 Thank you for sharing.

  12. pick up line:

    “Google ka ba?”
    “Baket?”
    “Kase nasa yo na lahat ng hinahanap ko”

    hahahaha! lakas ng topak ko. panggulo lang po. hihi..😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s