When Things Don’t Work

Literal na “things” po talaga ito. Naisip ko tuloy ang hina ko na sigurong tao sa mga pagsubok dahil naluluha pa rin ako kapag nasisira ang mga gamit na pinundar ko.

Kagabi ay sinauli sa akin ng kapatid ko ang digital camera. Kodak Easyshare C743 lang po ang model nito. Hiniram nya ito dahil gusto nya lang mag-picture-picture sa work pang-update ng kanyang Friendster. LOL. Ang mabait naman na ate ay go lang ng go pero hindi ako nakakalimot magpaalala. “Oh Che basta dahan-dahan lang ang pag-ikot ng knob ha? Tapos pakiingatan please. Isauli kaagad sa akin sa Tuesday night ha?” Sagot naman sya “Yes Ate.”

Prompt naman ang kapatid ko kaya di nawawala tiwala ko sa kanya. Kagabi nga ay pumunta sya rito sa bahay ko para isauli kaagad ang digital camera. Nagpaturo pa kung paano mag-upload hindi lang sa computer pati hanggang Multiply nya. Hinayaan ko lang si sister gamitin ang computer ko habang hinatid ang ka-fafa-hang bumisita sa labas dahil pauwi na ito. Pagbalik ko ay paalis na rin ang kapatid ko at nagpaalam.

picture-006

Kaninang umaga bago ako pumasok sa work ay ginawa ang daily routine ng pag-ayos at pag-check ng mga bagay-bagay ng matuklasan kong nakalimutan palang i-off ni sister ang digital camera. Kumusta naman? Automatically pumupunta ng stand-by mode ang cam kapag idle ito. Hindi totally naka-shutdown ang camera pag ganun pero namamatay lang ang LCD. Ni-try ko syang buksan, umilaw ang LED pero tsaka lang bumukas ang extending lens after literally 45 seconds! Ni-try ko mag-switch ng scene, nag-respond after 55 seconds at nago-off lang sya after 3 minutes! Kapag naka-bukas sya ay hindi na nakakakuha ng kahit anong picture. Hindi rin gumagana ang kahit anong button for flash, automatic, menu, review, delete, arrows at OK. Ni-charge ko yung isang set ng rechargeable battery at nag-text kaagad sa kapatid ko.

“Che, nasira yung camera dahil nakalimutan mong i-off. Nag-charge ako ng bagong battery kaya mag-pray ka na ng mabuti na pag-uwi ko ay gagana na ito dahil kung hindi ikaw ang magpapa-ayos nito.”

picture-007

Hindi lang siguro kapatid ko ang nag-pray. Walang katapusan ang pagdadasal ko buong araw. Kakalungkot talaga. Minsan lang kasi ako bumibili ng mga gadget at yun yung mga bagay na alam kong kailangan ko at magagamit ko. Yung regularization bonus pa naman ang ginamit kong pambili nun 18 months ago. Out of warranty na sya kaya sigurado magbabayad na ako kung papagawa ko ito, yun ay kung magagawa pa talaga dahil pag-uwi ko pinalitan ko kaagad ng full-charged battery, ganun pa rin ang response rate nya. Kung baga sa computer, ayos ang power supply pero baka may tama na ang processor, mobo o memory. Something internal ang sira. Doon na ako nag-umpisang umiyak. Hindi lang dahil sa digital cam na nasira kundi dahil patong-patong ang mga challenges ko simula pa kahapon.

Nilipat na naman ako ng team sa work sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Wala namang reshuffling na ginanap. Kinailangan lang daw talagang punan ang pagkukulang sa members ng kabilang team. Ang tanong eh, “Bakit ako?” Kailangan daw kasi ng level 3 tech sa team. “Kaya nga? Bakit nga ako? Ang dami namang TSR3 na iba jan ah! Anong basis nyo? Ini-mini-mayni-mu? Draw lots ba ito? Stats ba ito?” Tahimik na lang ang team leader ko nung napalakas na ang boses ko. Hindi nya rin kasi alam kung bakit at wala syang maisasagot. Basta sinabihan sya, yun na yun. Opo lang ng opo. Malaman-laman ko, ang point person daw ng roster ay ang bossing na naka-debate ko at nakasamaan ng loob 2 years ago. Ayaw kong mag-isip na sinadya ito. Di ko kasi ma-imagine na may ganung nakapa-unprofessional na tao na magtatanim ng grudge sa isang mas mababa sa kanya dahil natalo sya sa isang debate at pipiliting maging miserable ang buhay nya habang nasa kompanya sya. Kung ganun man ang layunin nya, hindi sya nagtagumpay dahil pagkatapos ng kaganapang yun ay dalawang beses akong na-promote.

Kakalungkot lang talaga. Kung kelan naman gunning for promotion sana ako next quarter dahil na-stabilize ko na ang stats ko this month at kung kelan ako nagiging sobrang close na ako sa mga team mates ko tsaka naman to mangyayari. PANG-APAT NA BESES KO NG PAGKALIPAT NG TEAM ITO IN LESS THAN A YEAR!!! Tinatamad na nga akong makipagkilala sa mga team mates eh. Tinatamad na rin akong magbigay ng magbigay lagi ng mga tips and absolute fixes sa kanila dahil feeling ko di rin naman ako magtatagal na makasama sila. Ito yung mga panahong ang sarap magmura eh. Kung marunong lang talaga ako. OH MY GULAY!!! Yun na yun! Nagmura na ako nun! Kainis!

Sobrang galit ang naramdaman ko pagkatapos namin mag-usap ng TL ko noong pauwi na ako. Alam kong hindi ko sya dapat sisihin sa mga nangyari pero gustung-gusto ko na talagang mag-resign, at the same time, mayron pa ring parte sa akin na nagsasabing “Test lang yan ano ka ba! Kaya mo yan di ba? Try mo muna yung bagong team baka naman maging okay ka. At tsaka di mo naman sila kailangang pakisamahan masyado. Pasok lang sa work, gawin ang trabaho, uwi. Makaka-survive ka rin.” Pray ako kagabi at humiling ako na magkaron sana ako ng positive outlook about the changes that will take place. Kaninang umaga ay isa-isang naglapitan sa akin ang mga matagal ko ng friends sa work na magiging team mates ko pala. Parang gusto sa aking sabihin ng nasa taas “Kitams? Told yah!” Kaya naisip ko, “Sige na nga. I’ll stay.”

Two days ago naman ay ni-try ko rin manood ng T.V. Ayaw mag-on. Pinabayaan ko na muna at inisip na baka maayos ito ng kusa kung pagpapahingahin lang. Tanga tuloy turing ko sa sarili ko dahil natatangahan ako sa mga kausap kong Amerikanong ganun mag-isip. Nang matuklasan kong sira ang digital camera ay ni-try ko na rin kanina kung sira pa rin ang T.V. Sira nga talaga. Ayaw mag-power-on. Ano pa ba ang sira? Yun nga palang rice cooker. Sira daw ang plug part, sabi ng kapitbahay kong nagmalasakit. Palitan ko na lang daw. Kakainis talaga minsang isipin na kung kelan mo iniingatan ang mga gamit mo at talaga namang maayos ang pag-gamit mo, tsaka sila nasisira. Kahit naiintindihan mo na hindi sila tatagal ng mahabang panahon at natural lang din na masira sila, sumasama pa rin ang loob mo dahil masisira sila kung kailan mo kailangang kailangan. Hirap din kasi ng mag-isa sa bahay. Wala ako masaklolohan pag may bahay na nasira.

Sa ngayon nalulungkot ako hindi lang dahil wala akong camerang magagamit sa GA namin sa Friday night, kundi dahil nararamdaman kong napakarupok ko na rin pala sa mga maliliit na pagsubok na tulad nito. Pero pagkatapos kong isulat ang lahat ng mga bagay na ito, medyo okay na ako. Sarap talaga ng nagsusulat lalo na kapag masama ang loob mo. Pagkatapos mong ilahad ang iyong nararamdamn at basahin ito, gumagaan na kaagad ang pakiramdam. Instant!

O baka naman baliw lang talaga ako?

Crispin?

Basilio?

San na kayo mga anak ko?

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

56 thoughts on “When Things Don’t Work”

  1. aaaaww. kaya mo yan. pray ka lang parati…
    about your job, just look at the bright side na lang… may reasons lahat ng ngyayari sten..

  2. kapag malas ka, malas ka talaga. sunod sunod na kamalasan ang darating sa’yo.

    pero kapag nagbibigay si Lord ng blessings, siksik, liglig at umaapaw naman.

    Okay lang yan girl, it happens na you’ll feel bad about yourself and the things around you. pero basta nakakapit ka lang kay Lord, everything will fall back on its own original places nang hinde mu naman namamalayan.

    alam kong mahirap maging optimistic during these times, pero I’m pretty sure you’ll get through these trials, with God’s help.

    *mwahugss
    ~joycee

    1. Thank you sis. Tama ka. May mga araw na ganito tayo. Sunud-sunod na trials pero kapag nag-pour out sya ng blessings di ka na magkandaugaga sa pagtanggap dito.

      Mas madaling magpaka-nega kapag minalas-malas ka or down na down ang feeling pero after mahimasmasan ka at makapag-isip-isip, positive na ulit ang tingin mo sa mga bagay bagay tapos high na naman ang hopes mo di ba?

  3. ummmm… gusto mo pahiramin kita camera? dami ako spare dito. may koleksyon kase ako e.. iba-ibang klase. hihihi.πŸ˜€

    kidding aside, nakakabwiset nga talaga yan kapag nagkasabay-sabay lahat. para kang pinagsakluban ng langit at lupa. pero wag mo hayaan masira mga susunod na araw ha? smile ka lang!πŸ™‚ isipin mo na lang lagi na buti ikaw may work ka pa.. yung iba ayun na-lay off na. kaya smile na lang ikaw.πŸ™‚

    btw, nagets mo na sinabi ko? ANNAGANDA wahahahhaa.πŸ˜›

    sana na-gets mo. sagot yun sa isang comment mo sa kin. hehehe.πŸ™‚

    1. Wow yaman sis! Penge na lang ng camera. Hahaha..

      Uu nga. 11Million Filipinos raw ang walang trabaho ngayon. Kakalungkot di ba? Kaya grateful pa ako na I’m employed at hitik sa sahod.

      Ni-email na kita about dun sa annaganda. Hihi..

  4. Hindi kahinaan ang iyong nadarama. May malasakit ka lang sa mga kasangkapan na pinundar mo. Maganda ang ganyang attitude dahil binibigyan mo ng halaga ang mga bagay na pinaghirapan mo.

    Normal lang na ma-discourage. Hindi maiiwasan iyan sa buhay natin. All you can do is learn from the experience and move on. Hindi madali sa umpisa pero eventually, time heals all wounds. Ingat ka lagi, ok? πŸ™‚

    1. Napakasarap naman basahin ng mga comments nyo. Naco-comfort talaga ako. Ganun kasi talaga ako sa mga gamit ko. Sobrang maingat kaya nakakalungkot kapag biglang nasisira sa mga hindi malamang kadahilanan.

      Thank you po panaderos! Time does heal wounds. Naniniwala ako jan.

  5. pareho teong walang kasama sa bahay ..ay may kasama pala ko kea lang lagi din ciang nasa field kea parang wala din akong kasama..at tulad mo may sira din akong gamit sa bahay..

    yung washing machine ko..may leak na yung tub..asar..kung simpleng short cicuit lang yun maayaos ko pa yun ee kaso leak na..amft!huhuhu

    bout sa new team mo keri lang yan..isipin mo na lang sisikat ka..hehehe

    yung digicam ko miss ko na..gang neon nasa beloved kuya ko pa…

    1. Haha.. Pareho tayo. Pahiram lang lagi with love tapos minsan natatagalan silang ibalik. Mas nakaka-bad trip pag sira na pagbalik. Huhu..

      New team na nga ako next week. Mangangapa na naman ako pero sige, keri lang ng keri. ^_^

  6. awts..sarap nga humiyaw with matching *$^&_+ pag ganyan..pero kakayanin yan..hehe..pero nakakapanginayang talaga dahil parang back to square one ka na naman..eniwey, isipin mo na lang that everything ‘happened’ for a purpose..just don’t lose your zeal..hehe..i wish you luck..πŸ™‚ good day..

    1. Uu. Sarap sumigaw talaga haha.. Siguro ang purpose nito ay para ma-test yung patience ko. Grabeh kasi talaga. Mangyayari pa kung kelan wala na akong pera pangpa-ayos tapos bukas pa ang sweldo. T__T Magkano kaya to noh?

  7. noong isang araw, nagjam din ang cam na ginagamit ko..ang ginawa ko, sinaksakan ko ng mas mataas na voltage na battery..parang shinock ko, ganun..hehe..and it worked naman, otherwise ewan ko lang..lagot ako sa hiniraman ko..hehe..

  8. kaya mo yan! ang lahat ng pagsubok na dumarating ay gawin mong opportunidad para lumago at

    kung kailan naman tayo mahina doon naman tayo lumalakas…πŸ™‚

    Have a nice day alwaysπŸ™‚

  9. hay sayang no..alam ko pag out of warranty na yang model mo na yan mahigit kumulang 100 dollars gagastusin mo…i convert mo nalang sa peso…sa Kodak kasi ako nag wowork…

    balak ko sanag mag bigay ng options sayu pero mukhang sira talaga..

    pero dont worry may naisip ako..try mo i download and firmware..total nag oon pa rin naman siya di ba? punta ka dito sa link na to at i follow lang ang process:

    http://www.kodak.com/global/en/service/downloads/dln_ekn032551.jhtml?downloadStep=s2&selectedDownload=dln00176&operatingSystem=windows_xp&selectedLanguage=en&downloadLanguage=en

    Try mo,,it might work…

    cheer up…mas mabuti na yung mga bagay ang masira..indi ang mga taong malapit sayu…napapalitan sila, ang mga mahal natin sa buhay indi. ayush?

    1. Wow! Nabuhayan naman ako bigla sa post mo Maldito! Yipeeee! Nagkaron ako bigla ng pag-asa. Eto dina-download ko na. Sana maayos!
      Talaga nag-wowork ka sa Kodak? One hundred dollars pero di ba $169 na lang ngayon tong camera ko? Ang mahal naman. T_T Sana di ba bago na lang? haha..

  10. ay nakakasad talaga yan. ako ayoko nagpapahiram ng gamit, sabihin na nilang madamot ako, pero kung super valuable talaga, hindi ko papahiram kasi wala akong tiwala. bad ko noh? hehehe. kala mo toothbrush ang hinihiram e no.πŸ˜†

    1. Maldito, pagtapos ko ilagay yung firmware upgrade nakita ko sa LCD prompting to upgrade or cancel. Nakahighlight sa cancel kaso di gumagana yung up/down/OK arrow keys ko hanggang sa nag-a-idle na lang sya. Ganun din yung flash, timer, delete, menu, review buttons. Ayaw gumana. Mukhang board na ang may sira noh?

  11. Thanks po. Na-try ko na yang troubleshoot page ng Kodak po eh. Mag-end up lang sya sa paggawa ng service request so kailangan talaga dalhin sa service center po eh. Thanks sa info Maldito. Really appreciate it.

  12. Hi Milay…

    Huli man daw at magaling… cute pa rin…πŸ™‚ Sana nakangiti ka na…πŸ™‚

    I can relate to what you have experienced na mga nasisira ang gamit… During the SFC ICON here in Cebu last week, pinagpawisan ako ng malamig… Akalain mo ba namang ang antique film DSLR ko ay hindi naglo-load ng film…. Sa sobrang frustration ko, sinapok ko siya… Ayun, bigla na lang gumana ang winding motor niya… The same problem happened on my second and third load of film rolls…. Noong 4th roll na, kahit anong sapok ko, hindi na talaga nagload… By a stroke of inspiration, I prayed – “Lord, di ko pa kayang bumili ng DSLR!”…. To my amazement, gumana na siya hanggang natapos ang buong conference… Bukas I’m off to another adventure – sana gumana pa rin!

    I’m not saying na dapat mo ring i-pray-over ang camera mo (but it’s not a bad idea either – after He is the best engineer!). Sometimes, oppressions like these do happen… And I think you have been dealing it with grace…

    Grace abounds – to give us inner strength and yes, to drive away oppressions…πŸ™‚

    Coolwaterworks

    1. Naku. Pareho tayo ng ginawa. Nag-pray kaagad ako sabi ko “Heavenly Father please. Hindi ko pa po kaya bumili ng bagong cam. Please.. Please..” Ang honest ng prayer noh? Haha.. Hiindi naman masyado nag-demand na ayusin pero medyo parang nangongonsensya. Hahha.. Pero mas malakas ka siguro sa kanya kasi yung sa iyo gumana after ng prayer. Pero minsan kapag ganung hindi positive ang answer ng prayer ko, nag-iisip na lang ako logically na malamang hindi naman kaagad maayos ang isang bagay kahit pinagdasal kahit gaano pa kalakas ang faith natin. Hihi.. Mga apat na beses ko rin syang pinagdasal everytime bubuksan ko yung cam at mejo natagalan din bago ko tinanggap yung sad truth na kailangan ko na lang talaga ipaayos.

      Salamat sa comment mo cool. Kakatuwa kapag may kapareho ng experience. Hihi.. Pareho pang camera ang nasira sa atin. ^_^

  13. hehe. buti at okay ka na! ang gamit nasisira talaga yan. kahit mahal pa ang bili natin. kung ang mga tao nga ay umaalis rin, pati mga gamit ay nasisira rin. that’s the ‘cycle.’ hehe.

    ow, pwede po ba exchange link?

      1. ty sa pag-add. sorry po, late ang reply ko. galing akong batangas–kararating lang. eto, pagod pa.

        na-add na rin po kita! ty ulit!

  14. waaahhh.pareho tayo ng camera.parehong-pareho.pero yung unang binili ko Kodak C533.nasira ng mom ko nung dinala nya sa hundred islands.dahil may warranty,dinala namin sa Abenson sa Shangri la.after a month, pinalitan nila ng Kodak C743.

    baka naman may warranty pa yan?

    1. Hindi po eh. Over a year na po eh. Bali 18 months old na sya kaya okay na rin. Na-serve na nya ang kanyang purpose. Ganun lang talaga siguro life span ng mga Kodak cameras compared sa Cannon powershot. Problema lang sa Cannon minsan di ko type ang color.

  15. when one thing gets broken, the rest seems to follow….

    pero sabi nga nila, there’s always sunshine after every rainfall, kaso paano kung gabi umulan?

    la lang…

    1. Hehe.. Well at least after ng gabi kinabukasan sunshine pa rin ang susunod except lang kung bagyo talaga at di na talaga mag-shine and sun. Hihi..

      Salamat po sa pagbisita! Add kita. ^_^

  16. nabasa ko na ito dati pero wala pala akong naiwang comment?

    I’m praying for you, Emilayskie. Mahirap nga yang sitwasyon mo. Siguro at this moment eh konting tiis na lang. Sabi ng mga matatanda, pagkatapos daw ng sunod-sunod na malas eh sunod-sunod na swerte naman. diba, parang pelikulang FenShui ni Kris Aquino lang? hehe…

    smile na! God bless!

    1. Wa! Alala ko tuloy yung Feng Shui na yan. Huhu.. Katakot sya in jairness. Kainis yun si Lotus Feet eh. Hahaha..

      Thank you sa prayers Kuya Utoy! Bait mo. ^_^

  17. hahaha! naku ako pla ang may kasalanan kung bakit nasira ang camera mo noon…naku! napakatagal na panahon na pla yun, halos makalimutan ko na. sorry talaga ate😦

    1. Hi Jazze! Alam mo ba hindi ko na napaayos yung camera ko na yan dahil nung mga panahon na yan ay naglabasan na rin yung mga smart phones that time na may camera. Hindi ko na yan napaayos forever.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s