Tag, Bosay, Nodame

Wala ng paligoy-ligoy pa. Hahaha.. Ni-TAG ako ni Joycee at ito daw po ang rules:

List the names that you are called by and name the people who call you by these names.

Noong bata ako naiinggit ako sa mga batang may palayaw dahil ako wala. Lagi lang tawag sa akin ng buong family ko, mga pinsan at mga kalaro ay Emily. Wala ng iba. Kaya kapag nakakakilala ako sa school ng mga kaklase kong may palayaw ay talagang nakakainggit. Lagi kong sinasabi sa sarili ko noon “Bakit naman kasi hindi ako ginawan ni Mama ng palayaw? Hmmmp.”

Pero pagdating ng highschool hanggang college doon na nagsipag-usbungan ang mga pangalan na hindi naman talaga ako ang nag-isip kundi ang mga kaklase ko.

Ems – Tinatamad na raw kasi silang banggitin buong pangalan ko kaya yan ang unang-unang palayaw na binigay nila sa akin. Dati mga closest friends ko lang nung highschool tumatawag sa akin nito hanggang sa lahat na ng mga bago kong nakikilala at mga feeling close Ems na rin tawag. Hihi.. Sa ngayon lahat ng mga kasamahan ko sa work, college classmates, highschool friends at closest friends yan ang tawag sa akin.

Milay – Yan ang tawag sa akin ng mga kapatid ko pati parents ko kapag naglalambing sa akin. Madalas ate ko ang laging tumatawag sa akin nyan.

Ate – Yan ang tawag sa akin ng mga kapatid kong sumunod sa akin. Malamang di ba? Hahaha..

Ate Emily – Kapag ito tawag mo sa akin malamang kasamahan kita sa church na nakababata na lubos na gumagalang at rumerespeto sa akin, madalas mga naging students ko sa Sunday School at Youth class. Yan din nga pala tawag sa akin ng mga pinsan kong nakababata.

Melay – Ito naman ang tawag sa akin ng mga super duper closest friends ever ko sa Institute sa church din during college days.

Miles – Kung ito ang tinawag mo sa akin malamang kasamahan kita dati sa aking first job. Nan-trip kasi ako na magpalit ng nickname. Hahaha..

Ayan! Finish na. Hihi.. Bayad na ako sa utang ko Joycee ha? Haha.. At dahil mga byutipul kayo, ipapasa ko ang tag na ito sa dalawang byutipul gals:

AC

Chicksykat

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Last February 27 hanggang 28 nagpunta kami (mga kasamahan ko sa trabaho at ka-fafa-han) sa isang napakagandang resort sa Antipolo City na tinawag na Bosay Resort.

850344932

850344933

8503449371

850344938

8503449701

8503449721

850344973

850344974

850344977

Pasensya na po at wala ako nung exact address nitong Bosay Resort pero alam ko nase-search naman sya sa net. Kasi alam mo naman tayo minsan sama lang ng sama basta enjoy okay na yun! Hahaha.. To be fair naman sa resort na ito, masasabi ko naman talagang SULIT sya. Bilib ako sa design and landscaping ng buong kapaligiran. Alam na alam mong hindi tinipid ang mga materials sa pag-construct nito. Well maintained din ang buong paligid. Napakasisipag ng mga tauhan nila. Rates? No idea. Ang alam ko lang ay P3500 yung ni-rent naming veranda for 12 hours tapos P1500 naman yung room kung saan kami natulog. Dose kami lahat.

Umpisa pa lang ito. Naku! Excited na tuloy ako sa mga susunod pang summer getaway! Sana sa susunod beach naman. T_T

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

At para sa huling portion ng aking post, kung sino man sa inyo ang mga anime or manga lover, hinding-hindi nyo pwedeng ma-miss itong Nodame Cantabile. Hindi na ako magpo-promote ng specific website kung saan sya mapapanood dahil pakalat-kalat naman ito sa internet. Pinapalabas na rin yata sya ngayon sa Animax (Huhu.. La kami Animax!).

nodame_cantabile_by_arehandora

Bakit hindi ito dapat ma-miss?

  • Sa lahat-lahat ng mga romantic-comedy anime na inadik ko, ito lamang talaga ang CERTIFIED NO DULL MOMENTS anime! Kung baga sa isang turon ay siksik na siksik sa laman! Walang masyadong makapal na wrapper at kakapiranggot na saging sa loob. Bawat linya at istorya ay napakaimportante. Kaya kapag may hindi ka naintindihan sinasabi ko sa iyo kailangan mo ng ibacktrack dahil magiging importante ito sa mga susunod pa. Bawal ang kukurap-kurap at talaga namang hindi ka mapapakurap dahil lahat ng eksena rito ay buhay na buhay. Tatlo lagi ang reaksyon mo sa mga eksena. 1. BWAAHAHAHAHHA.. (super laugh trip talaga) 2. OH MY GOSH!!! (shocked sa bagong info na natuklasan or dahil sa sobrang ganda) 3. HMMMM… (nag-iisip ng mamalim sa mga katagang binitawan)
  • Sa tingin mo magaling ka na sa music? Pag pinanood mo ang buong series na ito mare-realize mo na novice pa lang pala tayong lahat pagdating sa musika. Ang lahat ng mga character dito ay mga music genius. Dahil sa anime na ito na-engganyo na naman akong makinig ng mga classical music. Gusto ko na tuloy bumili ng piano para ipagpatuloy ang naudlot kong piano career noon. Hahaha.. Pero parang gusto ko na rin ng violin? Ano ba talaga mommy? Hahaha.. Ganda kasi eh. Grrr…
  • Sobrang bagal ng progression ng love story nito na kapag umabot ka sa dulo ay talaga namang maiiyak ka sa kilig kahit sobrang simple lamang ng mga nangyari. Bilib talaga ako sa author nito. Tsk. Tsk. Ang galing ng lahat ng mga linya. Natural na natural. Bawal ang mushy at sobrang cheesy. Swak na swak to para sa mga pa-cool effect na mga guys and gals.

Wala akong balak ikwento ang plot dahil I want you to see for yourself. Hay naku! You’re missing half of your anime life kung hindi ito napanood. Hahaha.. Pangatlong beses ko ng napanood ang buong series na ito at hindi pa rin talaga ako nagsasawa. Twenty-three episodes lang ang first season tapos 11 episodes naman ang second season. Kung kayo ay may sandamukal na time, wag na magpatumpik-tumpik at mag-stream na ng first episode! Game! Sakay na!

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

78 thoughts on “Tag, Bosay, Nodame”

  1. wow byutipul pala ako! haha! salamat ha.. malabo na pala mata mo. hihi.😉
    oh nanjan pala sa bosay yung isang long lost brotehr natin eh. isama ko kaya jan si jenny? watchathink? hahaha.😀

    1. You’re welcome po! Wow mukhang desidido na ikaw kagad Sandi ah! Yaman mo siguro. Hihi.. Nai-imagine ko pagsabi mo sa mga kamag-anak mo “Bukas na bukas pupunta tayo sa Bosay Resort sa Antipolo City!!!” Tapos masigabo ang palakpakan nilang lahat. Hahahaa..

      1. hehe.. patak patak ang balak ko o kaya’y ako ang ililibre nila pero parang imposible ang libre nila ko( makunat kasi) kaya patak patak na lang🙂

    1. Uu nga noh? Hahaha.. Alala ko dati sa unang work ko sabihin ko “This is Miles.” Sabihin sa akin “Okay SMILES this is my problem!”

      “Lolo, Miles po! Hindi smiles..” (naka-mute)

  2. haha, nice ang dami mong nicks =)

    wow, may summer getaway ka na agad! asan kayo ni fafa mo jan? post mo din hihi =)

    1. Hahahah.. Nandun kami sa may paanan nung mga dinosaur. Na-capture kami at hindi na pinauwi. Hihi.. Sige po pag ready na akong sumikat ipo-post ko na ang aking mukha. Hahahha.. Kapal noh? ^_^

  3. ok din pala ang mga tawag syo at ubod ng dami nyan ha..pero dun ako sa ate kase kahit sino naman talaga e pede tawagin noon basta babae ka lang ha?

    di ko pa rin napupuntahan yang resort na yan at tila maganda sya ha!

  4. Uy sis, thanks sa paggawa ng tag, tats ako pramis. wehehehe.

    Protestant kaba? Sang church? Wee.

    Ang ganda naman jan sa resort na yan! Hangkyut nung malaking pagong!

    1. LDS ako sis. ^_^ You’re welcome Joycee anytime. Tagtagan na to! Hahaha..

      Uu. Ang saya talaga jan in jairness! Sayang nga at di kami nakapaligo jan sa pagong dahil pang-kids. Hahaha.. Kakahiya naman kung makitampisaw rin kami. T__T

    1. Wow talaga! Swerte mo naman! May animax kayo. Huhu.. Ako nga wala ng Animax ang cable, sira pa ang TV!!! Waaaa.. Di bale. Streaming na lang ako as usual. Hihi..

  5. hmmm… miles pala ha.ü
    pero alam mo, pareho tayo. buong buhay ko, wala akong palayaw, except sa Utoy na generic na palayaw naman para sa lahat ng totoy na batangueño.

    gusto ko yung resort na napuntahan mo! parang ansarap maligo sa ilalim nung dumudurang pagong at saka yung umuulan na payong. sana makauwi na ako para dyan!

    1. Hahahah.. Natawa naman ako dun sa “dumudurang pagong” mo Kuya Utoy. Hahaha.. Pati payong umuulan noh? Hahaha..

      Ano ba yung comment ko? Puro tawa. Hahahaha.. Kasi ewan ko ba pag ito si Kuya Utoy nagco-comment tawang tawa ako na parang kinikilig na di maintindihan. Hahahaha..

  6. buti na lang hindi mo ako isinali sa mga na-tag mo. Or else hindi ko magagawa ang tag kasi naman kelangan ng rebeleyshion ng name eh hehehehe.

    Hmn, mukhang maganda ‘yang Bosay na ‘yan. Tamang-tama, meron akong fwend na naghahanap ng mapupuntahan sa weekend escapade nila ng family niya at gusto ay sa malapit lang. Dahil pasado naman sa panlasa mo ang Bosay ay ‘yan na rin ire-recommend ko sa kanya.

    1. hahaha! onga pala noh. bawal nga pala ang rebeleyshon sa iyo. ni-tag pa naman kita sa entry ko. wahahah! wrong move!😛

      misteryosa ka nga pala. hihi. pero kagabi sabi ng isang guy friend ko “napakamisteryosa mo talaga”.. seryoso kaya sya dun? e halos ginawa ko ng diary ang blog ko. hahah!😀

    2. Ay uu nga pala noh? Hidden nga pala identity ni Miss N. Pero sa totoo lang hindi kita nisama sa tag kasi parang feeling ko hindi ka pumapatol sa mga tag. Wala pa kasi akong nabasang ganung post sa blog mo kaya ni-excuse na kita. Hihi.. Tapos yung iba naman busy na rin sa karamihan nilang mga tag kaya si AC na lang at si Chicksykat ang ni-tag ko. Mga byutipul gals na super sipag sa pag-blog hop.

      Ay sakto nga yan Miss N! Hindi sila manghihinayang sa babayaran nila dun. Promise. Basta handa ng maraming food. Di ko kasi alam kung available ang food dun eh. Sandamukal kasi baon namin kaya tuluy-tuloy ang ligaya. Pero saya dun in jairness. Sana di ako mapahiya. Hahhaa..

      1. hahaha! Natawa naman ako dun sa sinabi mo dun sa hindi ako pumapatol sa tag. Eh kasi, wala pa namang nagta-tag sa akin harharhar! Kasi feeling yata ng mga bumibisita sa blog ko, seryoso akong tao hahaha! Atin-atin lang ‘to ha, sa totoo lang, makulit din ako whehehe

        Speaking of tag, meron nang nag-tag sa akin. Dalawa sila. Kaya yung dalawang latest post ko, mga tag yun😉 Todo effort nga mga sagot ko eh hahaha!

        1. Ah kaya pala. Akala ko sadyang di ka pumapatol sa mga tag. Ang formal kasi ng blog mo kaya siguro nahihiya kaming lahat i-tag ka. Hahahaa.. Ako rin first time lang ako ni-tag kaya ginawa ko naman kagad. Hihi..

          1. ako nahihiya lang ako talaga sayo kaya ko ginawa yung ni-tag mo. kaya matuwa ka na sa akin. kase ang totoo naman talaga nito seryoso akong tao. malalim. hindi totoo yung nakikita nyo sa blog ko na parang wala ako ginawa kundi tumawa at magpakabaliw. seryoso po ako.

            ano ngang pangalan mo? teka, mali yata ako ng napuntahang blog.

            wahahaha! ayan na nabaliw na po!

            joke lang lahat yan. hahahah!😀

  7. naku mukang kelangan ko na talagang gawin tong tagness na to kase dalawa na kayo ni joycee na nagtag sa kin..hehehe

    ang ganda nga jan sa resort na yan,tamang tama naghahanap kame ng magandang pagswimmingan mairecommend nga din sa aking inlaws..

    1. Abay swak nga yan sis. Lapit lang naman Antipolers di ba? Hihi.. Di ko naramdaman ang haba ng biyahe dahil mahimbing akong natutulog sa mga bisig ni Sandstorm. Wahaha.. Landi!

      Naku natag-tag na pala ang mga tag sa iyo ha! Hihi.. Tsaka new post na! Miss na namin ang iyong makabagbag damdaming mga kwento. Kakabitin yung huli mong post eh. Ano na ba ang progress nung fafa na yun? Abangan ang mga susunod na kabanata ba?

  8. kainggit gusto ko na ding magswimming..sana malapit lang sa subdivision ng ti2 ko yang resort para jan na lang kami magswimming..maiba man lang ang ambiance…

  9. “P3500 yung ni-rent naming veranda for 12 hours tapos P1500 naman yung room kung saan kami natulog. Dose kami lahat.”

    Mahuhulog lang na tig-416 pesos each kayo. mura na at maganda pa.

  10. So pano, EMS ang tatawag ko syo? Feeling close agad! Hehehe! Salamat ng marami sa pabisita sa e-tahanan ko at sa pag-add sa blogroll mo.

    Will add you too so I could also visit you frequently from now on.

    Have a happy day!🙂

    1. Naku ate Kengks di ko alam about food. Nagbaon kasi kami ng sandamukal na pagkain eh. Di ko alam kung may nabibili or nao-order. Pero mas masaya talaga pag nagdala kayo ng mga lulutuin mismo or baong food kasi kung meron man sigurado mas mahal.

  11. Salamat ng marami at isinama mo ako, talagang maganda yung lugar at refreshing ang atmosphere d2…gus2 ko dumating panahon na muli taung pupunta sa mga lugar na ganito.
    Mahal ko pwede mo rin ba ako tawagin sa palayaw ko?
    I love you…

  12. wow.. ang cute ng milay.. tawag ko na syo ngayon milay ah.. para lagi ako naglalambing sayo..hehehe..

    Ui I know bosay.. jan din kami nagswiswimming saka yung VILLA.. ahm.,. I forgot.. basta I love antipolo, magaganda resort nila jan..

  13. Hello! Napadaan lang, lagi kasi kitang nakikitang nagcocomment sa mga blogista eh, hehehe..

    Ang ganda naman ng resort na yan, sana makalaboy din ako dyan pag uwi ko, mura na actually ung rent if 400+ per pax, maganda pa ung lugar.

    Godbless!

    1. Ay salamat naman po at napansin mo ko. Hahaha.. Salamat sa pagdaan po. Daan ka sana lagi ng mas madalas! Hehehe..

      Uu nga eh. Ang sulit ng gastos namin talaga promise. Sarap talaga mag-getaway this summer. Excited na ako sa susunod naming gala. ^_^

  14. You’re welcome! Mapapdalas ang paglibot ko dito sa bahay mo, kasi mahilig ka din sa gala. hihihi..

    Sa pinas din ako mag ssummer, excited na din ako! Yahoo!

  15. korokoy nalang magandang nickname un…
    ano kaya kuro-chan!
    pwd din sky!
    mikie…
    aysie…
    mimi…

    ako kokey lang talaga tawag sakin…
    kukurukuku…

    1. Kakaiba ang reply mo kuya ha? Para kang naghalungkay ng isang old blog post sa baul. Hehe.. Salamat po sa pagdalaw Kokey. Sige bisitahin ko site nyo pag-launch nya. Sana dalaw ka na lang pag nag-launch na para maalala ko. Hihi..

      Pero tungkol sa sinabi mo, meron na dati tumawag sa akin ng “mimi” pero wala pa ng mikie at aysie.

  16. hi sis. binalikan ko talaga itong entry mo na to. kase i need a place/resort to stay this weekend na near manila lang.

    how can i reserve a room ba?

    kase we were supposed to go to galera kaso yung friend ko biglang may work ng sunday e kelangan talaga magrelax at umalis. hahaha! so naisip ko dito na lang sa malapit.

    pa-help naman o. huhuhu.

    busy ka? email mo naman ako sa acdm84@gmail.com hehehehe😀

  17. COOL! buti nakita ko to. nagpaplano din kami ng outing. Bosay target namin.. pwede ko ba mahiram ang ilang larawan? papakita ko lang sa mga kaklase ko.. salamat po. lagyan ko naman ng credits..🙂

    xlinks din po kung ok lang? :))

  18. ang ganda sa bosay!!!!!!! talagang mag-eenjoy kayo lalo na sa kiddie pool na 3ft… yung may slide pero mas maganda sa disco pool…. naka swimming ako…. may bubong kaya hindi ka masyado m

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s