SSB – New Meaning

Kaninang umaga sinundo ko si Alex sa bahay ng Tita ko. Para sa mga hindi pa nakakaalam, si Alex po yung amo ko na dalawang taon ko nang pinaglilingkuran. Tuwing umaga po ay binubugbog nya ako lagi sa kama para lamang gumising at paghandaan sya ng pagkain. Pinagtitimpla ko pa sya oras oras ng gatas. Pati paliligo! Kinukuskos ko pa ang pwet nya sa pagligo! Imagine nyo naman yun?

Hindi lang yun! Tuwing pagkakasweldo ko ay kinakailangan ko ibigay halos lahat ng sweldo ko para lang sa mga bisyo nya! Puro inom! Inom lagi ng inom! Grabeh. Pati mga luho nya kailangan ko talaga pagkagastusan. Kailangan lahat ng ituro nya ay kailangan kong bilhin dahil kung hindi, hindi kami uuwi dahil uupo sya at tititigan nya yun buong maghapon. Pasalamat na rin ako dahil hindi sya nagwawala kahit papaano.

Kahit ganun yung amo ko, napakaraming bagay naman akong na-aappreciate sa kanya. Marunong sya magsukli ng hard work. Tuwing pagkagaling ko sa trabaho ay niyayakap nya ako ng mahigpit. Napakalambing din naman talaga kapag nasa mood. Ang higpit ng mga yakap nya at kahit parang ilang minsan ay hinahalikan din nya ako sa pisngi. Pero mas madalas beso beso lang dahil feeling nya matanda na sya para sa mga ganung bagay.

Teka nasan na nga ba ako sa kwento? So ayun nga, sinundo ko nga yung amo ko kanina sa bahay ng Tita ko kung saan ko sya pinagkakatiwala tuwing ako ay nasa trabaho. Ngumiti naman sya sa akin at medyo napalundag sa tuwa nung nakita ako. Hinablot kagad ang kamay ko. Niyaya ko syang bumisita sa tirahan ko para makita naman nya ang kalagayan ng alila nya run. Naglambingan kami ng amo ko sa higaan ko. Ahihihi.. Ang sweet talaga ni sir. Kaya kahit masungit sya madalas mahal na mahal ko pa rin talaga yun si sir.

Problema lang talaga sa sir ko, napaka-STUBBORN nya. Dati ay hindi ko pa makuha yung exact adjective na swak na swak para sa boss ko. Tapos nung mapag-aralan ko na ng maigi ang ugali nya, nakita ko na at napatunayang STUBBORN nga ang correct term.

Bakit ka nyo? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin masyado nagsasalita si sir. Sabi dati ng Mama ko, ang mga baby daw lagi dapat kinakausap para tumalino at madaling makapagsalita. Huwag i-baby talk para hindi bulol ang pagdevelop ng sounds at words. At dahil may karanasan na rin ako sa pagpapalaki ng baby dahil effective nga ang payo ni Mommy sa mga pamangkin ko, nung nasa tiyan pa lang yung amo ko ay hindi na ako nagsawa kakakausap sa kanya. Lagi ko pa ngang kinakantahan. Wala syang choice dahil nasa loob pa sya. Hanggang paglabas nya at unti-unting lumalaki, di pa rin ako tumitigil ng pagkausap kay sir.

Frustrated psychologist nga pala ako, para sa kaalaman ng lahat. Mahilig ako mag-analyze ng behavior ng mga tao pati na rin ang panghuhula ng kung anong mga nasa isip nila. Yun nga sana ang kukuhain kong kurso kung suportado lamang ng DOST kaso mahirap lang kami kaya kailangan kong sumunod sa kanilang kagustuhan na Science and Technology courses daw kaya napa-ComSci ako. Pero kahit ganun, hindi pa rin nawawala yung pagkahilig ko sa psychology at pagbabasa ng iba’t ibang articles or books tungkol dito.

So ganun na nga. Ina-apply ko tuloy sa amo ko ang psychology. Kakaiba kasi si sir. Hindi sya normal na katulad ng mga kasing edad nya. May mga kabarkada sya na mahilig mag-“mimic” ng mga bagay na naririnig sa ibang tao pagkasabing-pagkasabi. Si sir, kapag naririnig nya ito, pina-process na lang ng utak nya mag-isa. Hindi nya ito sasabihin at that instant pero sa mga hindi mo inaasahang pagkakataon, bigla na lamang nya sasabihin “AAAYY NOOOWW” (I know) nung pinagsabihan sya ng kaunti ng Tita ko.

Hindi rin sya yung tipo na pwede kayong umupo magkatabi at tuturuan mo sya. Kapag pinilit mo sya, titingnan ka nya ng with a disgusted face na parang gusto nyang sabihin “Haleerrr? Alam ko na po yan! Malaki na ako! I’m not a baby anymore.. Hmmp.”

Sa bagay. Tama naman si sir. Dalawang taon na rin naman sya. Napakarami na nyang pinagdaanan sa buhay. Nasaksihan ko ang lahat ng paghihirap ni sir lalong lalo na sa pagpupu. Kapag nagdurusa pa nga sya ay sinasabayan ko sya sa pag-iri.

Kapag nasa mood naman si sir, pwede mo syang pasunurin.

Me: “Tiii-to”

Alex: “Tiiii-wo”

Me: “Tiii-ta”

Alex: “Tiii-wa”

Me: “Aaa-te”

Alex: “Aaaa-te”

Me: “Ma-ma”

Alex: “Ma-ma”

Me: “Dooog”

Alex: “Dooowg”

Me: “Caat”

Alex: “Kkaat”

Me: “I loooove yooouuu”

Alex: *taas kilay, tingin ng masama*

Pero one time nung pumunta ako dun kina Tita at naglambingan kami ni sir sa may sala ay niyakap nya ako ng mahigpit at sinabing “a-wa-buuuu.” Naku! Mahimatay talaga ako sa kilig! Ang cute!

Ito na nga ang bagong meaning ng SSB ngayon–STUBBORN SINCE BIRTH. Ganun pala talaga ang mga babies noh? Mayroon silang mga katangian na nakukuha nila sa paglaki, sa pag-observe ng mga bagay-bagay lalong lalo na sa mga nakikita nila sa paligid. Pero meron talagang mga qualities at attributes na in-born. Hay naku! Sino nga ba kasi ang nanay nitong sir ko? Hmmmp. Kapag nakilala ko talaga yun makakatikim yun ng batok. Ahihihi..

Bilang pangwakas, share ko na lang po sa inyo ang pictures ng aking mahal na amo. Sana ay magwapuhan din kayo sa kanya dahil talaga namang in love na in love ako eh. ^_^

Number 1 Bisyo - BALLS!
Number 1 Bisyo – BALLS!

Kahit saang parte kami ng mall mapadpad basta makakita ng ball, tititigan nyang mabuti at mangongonsensya na ba na dapat kong bilhin ang bola.

Number 2 Bisyo - Animated Films DVD and Characters
Number 2 Bisyo – Animated Films DVD and Characters

Mga sampung beses kailangan i-play sa isang araw ang isang movie na napag-trip-an nya for the day.

Number 3 Bisyo - Toy Cars
Number 3 Bisyo – Toy Cars

Salamat naman at toy cars ang peborit nya. Hindi Barbie Dolls. Ahahahay!!

Number 4 Bisyo - FOOD!
Number 4 Bisyo – FOOD!

Dati mahina pa sya sa food dahil puro milk pero lately ang lakas na kumain. Salamat sa Children’s Clusivol. Plugging? Hahaha..

All Time Bisyo - TUNGGA hanggang BAGSAK
All Time Bisyo – TUNGGA hanggang BAGSAK

Milk keeps him healthy and strong. Salamat sa NIDO JR. Plugging ulit? Hihi..

Latest picture taken bago nasira yung camera.
Latest picture taken bago nasira yung camera.

Sobrang likot sa church. Nung araw na to nakagat sya ng malalaking langgam dahil ayaw papigil. Taken sa likod ng chapel.

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

49 thoughts on “SSB – New Meaning”

  1. okey ah… ( taas lang ang kilay ko pero ‘di tingin masama)πŸ™‚

    Gusto ko rin mag tambling… namimiss ko yan!

  2. aaa-waaaaaaa-buuuuuuuuuu, kakakilig ano para sabihin ka ng isang bata ng ganun e ang sarap ng feeling di ba?

    yung isa kong anak e 11 yrs old na sya pero parang bata pa rin sya sa aking paningin dahil nga iisa lang sya at maniniwala ka ba na tuwing umaga ay pinapasan ko pa sya mula sa kama papunta s mesa para kumain..minsan nga susubuan ko pa dahil gusto kong maramdaman nya mahal na mahal ko sya..

    ay nadala ata ako sa post mo tita emi…good health kay alex tita emi..god bless…

    1. Thank you po payatot! Ang sweet naman! Sinusubuan pa.. Nux. Ganun talaga. Siguro gagawin ko rin naman yan sa amo ko kahit lumaki na pag tatamad-tamad din sa umaga. Hihi..

    1. Hehe.. Ang cute noh? Ang sarap talaga pakinggan grabeh. Pinaulit ko nga sa kanya eh. Kaso ayaw na ulitin. Kainis! Papa-miss nga ulit ako sa kanya para sabihin nya yun. Hahaha..

    1. Abay sobra talaga. Love na love. Mabisyo at makulit talaga pero buti na lang kyut dahil nakakapawi ng pagod din araw-araw. Haha.. Kahit gusto mo na magalit dahil sa ginawa nya mapapangiti ka na lang sa ka-kyut-an nya. Haha..

  3. huwaw! ang cute cute naman ng amo mo.. nakakainlab.πŸ˜‰ papalakihin ko sya, pwede ba mom? baka sya na ang kapalaran ko eh.

    hahahahah! joke lang! nangungulit lang.πŸ˜€

    pero napapaawwww ako kase ang cute cute nyo siguro tingnan together. at ang healthy nya ha.πŸ™‚

    naks promil kid pala si miss emilayskie, DOST scholar pala itech. nyahah! nosebleed na ko tuloy ayan.πŸ˜€

    1. Hahaha.. Hindi naman promil kid. POOR lang! Hahaha..

      Ay sige. Sabihin ko ba sa kanya AC hihintayin mo sya? Sige palakihin ko na sya ngayon. Hahaha..

      Buti nga at healthy pa. Naku yun lang talaga lagi prayer ko everyday.

  4. I am more inspired to take care of my own boss with this post emilayskie. by the way, mahilig din sa balls si bossing ko…mukhang may pagka-stubborn din yata at grabe ang tantrum pero ino-obserbahan pa namin…

    1. Wow! Katukayo sya ng boss ko! Hihi.. Hilig din sa balls pati stubborness and tantrumnesseses! Hahaha..

      Sarap po mag-alaga sa mga boss natin noh DFish? Thanks po sa pagbalik. ^_^

  5. napaka-cute naman pala ng amo mo, ems! marami na rin akong naging amo na ganyan at oo, sinasaktan din nila ako nun at inuubos ang sweldo ko, hehehe! pero tama ka, nakakawala ng pagod pag kauwi ng bahay after a long day’s work.

    nakakatuwa ung smile ni sir mo dun sa pic sa dining table, hehehe!

    1. Uu nga eh.. Sobrang excited yan sa dining table kasi nung kakalipat lang namin sa sahig kami kumakain. Wahaha.. Eh gusto nya may sarili syang plate, spoon and fork kaya naisip ko sige na nga bili na ako. Haha..

  6. nakakagigil ang amo mo…ang cuteeeeeeeee!!!!!

    naalala ko tuloy ang pamangkin ko:( nasa pinas na sya now eh for good na..wala na tuloy akong mabugbog hehehe i mean mabugbog sa halikkk nakakagigil kasi ang mga bata..hihihi

    1. Naku ganyan nga si bossing. Nagagantihan ko rin sa pambubugbog ng mga yakap at halik. Hahah..

      Di bale. Gawa ka na rin ng sarili mong amo noh para di ka na lonely? Haha..

        1. Wow I’m so tats. Thank you po. Sige bisitahin ko yan mamaya pag-uwi ko.

          Natawa ako dun sa kailangan “naeenjoy ko ang paggawa.” Ang dumi na talaga siguro ng isip ko. Sa bagay yun lang naman yun noh? Hahaha..

      1. Hehe… Member ako ng Singles for Christ… Kaya wala pa akong ibang amo aside from JC….πŸ™‚

        By the way, yung ipingako kong basic photography tips nasa inbox mo na siguro…πŸ™‚

        1. Wow talaga? San nyo po nisend? Thank you po!

          Singles for Christ po pala kayo. Di bale. Kapag naging Couples for Christ na magkakaron ka na ng maraming amo. Hehehe..

  7. hehe..ang cute naman ng story niyo..and frustrated psych ka din pala..dati kasi yun at journalism ang pinagpipilian ko pero walang napili dahil, lam mu na, paberti..hihi..but i’m leaving comsci na..work work muna and konting saya..πŸ˜€

  8. Hangkyuuut! Bebes are really cute! Haaay ako nga kinikilig din sa pamngkin ko pag kini-kiss ako eh, panu pa pag amo mo, wehehehe.

    Saglet ikaw ba ang nagsasalita sa video?? Ganda ng voice waaah kinilig ako, *natitibo na naman wahahaha.

    1. Hahaha.. Baliw ka Joycee! Natibo raw oh. Ako nga yung baklang boses sa video. Wahaha..

      Pwede mo rin namang maging amo yung mga pamangkin mo eh. Basta wag muna gawa ng sariling amo. In dyu taym na di ba? Hihi..

  9. Awwwwww…ang cute-cute namang ng amo mo na ‘yan. Yung amo ko naman, apat ang paa. Hinihingi rin niya ang pera ko. Pero hindi siya mahilig sa milk. Eukanuba pellets ang gusto niya. Pihikan pa. Masyadong demanding. Kung pwede nga lang 24 hours eh play kami ng play ng “fetch” hehehe

  10. ayoko sanang manggaya ng ibang komento pero sige na:

    “ang cute naman ni alex.”

    hehe… inggit ako sayo, Ems (short for emilayskie). may baby ka na naglalambing sayo. sa pinili kong career, di ako pwedeng mag-anak eh. (siguro pwede pero secret, nyahaha!). gusto ko rin na may aakap sa akin at sasabihan ako ng “aa-waa-buh!”

    hayz… pero teka. DOST-SEI scholar ka rin? wow! eh di tambay ka rin sa Taguig tuwing enrolment?ΓΌ

    Backreading ako, Ems. andami kong na-miss na posts!
    God bless!

    1. Teka tawa ako ng tawa sa comment mong to. Wahahah..

      Secret na anak ba? Wahahaha.. Pwede nga! Hahaha..

      Uuuyy.. Si Kuya Utoy DOST rin! Hahaha.. MaSci ka na tapos DOST ka pa. San ka college? Jan na? Yiheee..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s