Zoobic Safari, Tag

Gusto ko po talagang humingi ng paumanhin sa inyo kung ako ay nawala nung mga nakaraang araw dahil ako ay nagpunta sa napakagandang bayan ng Subic kung saan kami, sampu ng aking mga kaklase noong kolehiyo, ay naglagalag, nagliwaliw at nagpakasasa.

Napakasaya talaga ng aming pagpunta doon kaso sa sobrang dami naming ginawa at nangyari pipiliin ko na lang ang para sa aki’y naging highlight ng aming bakasyon. Ito po ay walang iba kundi ang aming pagpunta sa Zoobic Safari.

Marami na kasi kaming bagay na narinig tungkol doon so bago pa kami pumunta, nakapag-research na kami sa internet ng kung anik-anik at may nabasa kami sa isang leaflet na ang park hours daw ay hanggang 4PM lang. Saktong 3PM na kami nakarating sa Subic kaya mega-rush kaming humarurot na parang kalahok sa Amazing Race para makarating sa Zoobic Safari at makapag-enjoy kahit isang oras lamang.

subicgetaway-0761

Pagkarating namin doon, malaman-laman namin na hindi pala eksaktong 4PM magsasara ito kundi 4PM ang last na cut off ng batches ng mga gustong pumunta. Isa pala itong malaking tour at hindi ka basta-basta maglilibot ng mag-isa. Hihi.. Ang ganda talaga. Well organized ang buong programa.

subicgetaway-0811

Take note. Lahat ng nakasulat rito ay talagang napuntahan namin. Sulit na sulit! Walang mami-miss. Hahay.. Ganda talaga.

Umpisahan na natin sa Animal Parade (2) kung saan ipinarada ang ilan sa kanilang mga animals na matatagpuan sa Zoo na ito. Nakakatuwa talaga. Imbes na mga tao ang lumilibot, sila ang pumaparada sa animong isang napakalaking stage. Lahat ng pumarada ay trained kung saan sila lalakad at lalabas para makabalik sa kanilang mga kulungan. Ang iba ay may mga choreography pa.

subicgetaway-0984

Ang mga doves na ito ay take note: lumakad lang! Ang cute talaga nila grabeh. May hinihipan lang na pito na may matining na tunog at doon na sila sumusunod. Napakagaling ng trainer dahil na-control nya lahat ng mga kalapati.

subicgetaway-1142

Ito naman po ang tinatawag na Alpaca. Para silang pinaghalong sheep at camel. Ang cu-cute nila. Ang hinhin lumakad at ayon po sa announcer napakalinis po nilang alagaan dahil sa iisang lugar lang lagi sila nagwiwiwi o nagpupupu.

subicgetaway-122

Syempre hindi mawawala ang mga tiger cubs. Napakarami nilang tiger sa zoo na ito. Grabeh. Magsasawa ka. Hehehe.. Una nga akala ko tiger lang ang animals nila. Yun pala ang sandamukal. Hahaha..

subicgetaway-134

Napakaraming snakes and reptiles na matatagpuan sa kanilang Serpentarium. Isa lamang ito sa mga magaganda nilang snakes na inaalagaan doon.

subicgetaway-142

Sa Zoobic Park naman matatagpuan ang napakarami nilang big animals. Isa na rito ang mga ostrich. Kasama rin siya sa pumarada kaso sa sobrang bilis tumakbo ng ostrich hirap kami kumuha ng picture. Yan ngayon di na sya tumatakbo.

subicgetaway-148

Ito naman ang camel na sobrang galing sa desert. Ang kanilang mga eyelashes ay napakakapal na nagpo-protect ng kanilang eyes sa sand storm tapos ang nostrils daw nila ay kaya rin nilang isarado. Pati pag-consume nila ng tubig sa katawan nila ay kaya nilang i-control kaya tumatagal sila sa desert ng 2-3 weeks ng walang water in take. Galing noh?

subicgetaway-158

Isa lamang ito sa napakarami nilang daga sa Rodent World.

subicgetaway-162

Eto ang isa sa mga exciting part ng tour. Nasa kawalan ang mga tiger at ipapasok ang vehicle nyo na para bang kayo ang nakakulong at hindi sila. Papakain sila ng chicken na nagkakahalaga ng P200 each para lumapit sa inyong sasakyan. Nakupu exciting talaga lalong lalo na nung tumalon bigla yung tiger sa bubong ng vehicle. Waaaa.. Kakatakot! Hahahaha..

subicgetaway-174

Sa Savannah naman ay napakaraming Ostrich ang pagala-gala at ang inyong mga sariling sasakyan ang gagamitin para mag-convoy. Sa aming paglalakbay, isang ostrich ang nagpa-cute at literally tumigil sa harap ng aming convoy. Hindi talaga sya gumalaw ng exactly one minute and 10 seconds! Hahaha.. Pagkatapos ng photoshoot nya ay lumakad na rin sya. Ang kulit!

subicgetaway-169

Dito naman sa Close Encounter makakatagpo ka talaga ng napakaraming tigers. Close ang encounter dahil napakakipot lamang ng hallway na dadaanan ninyo at nakadikit talaga mismo sa mga kulungan. Sa aking kagustuhang makakuha ng magandang shot, nigigitna ko sa mga bars na bakal yung SLR na gamit ko. Habang ginagawa ko yun may sumunggab sa akin na isang napakalaking tiger! Waaaaaaaa!! Napatili talaga ako tapos napa-cover ng face! Grabeh. Sabi ko sa sarili ko, “Buhay pa ako! Buhay pa ako!” Hahahahha.. Adik kasi eh..

subicgetaway-184

Dito naman sa Muzooeum makakakita ng maraming stuffed animals at preserved skeleton ng iba’t ibang species ng animals. Marami ring mga bagong matututunan dito at dito rin makakatagpo ng anik-anik na souvenir items.

subicgetaway-192

The last but definitely not the least, Croco Loco. Dito makakatagpo ng over 200 crocodiles na naninirahan sa kanilang Zoo. Napakarami talaga as in! May isang steel bridge na dadaanan at nasa paanan lang ang mga crocodiles na ito. Pwede ka ulit magpakain ng chicken, P200 each, para magkaron ng excitement ang inyong pagdalaw sa kanila. Hihi..

Ayun! Natapos din! Napagod ako run ah. Hahaha.. Pero all in all, masasabi ko na ito ang pinakamagandang Zoo na napuntahan ko so far. Natalbugan nito ang Avilon, Malabon, Manila, etc Zoo na matatagpuan dito sa Philippines. Kung kayo ay magbabalik bayan ay hindi nyo talaga pwedeng ma-miss puntahan ito lalong lalo na para sa mga bata. Marami talagang matutunan dito.

Bilib ako sa serbisyo ng lahat ng staff nila rito. Lahat ay energetic, magalang, at no dull moments. P395 ang entrance fee pero masasabi ko na sulit na sulit talaga!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

sisterhood-award22I got an award!

In behalf of my staff and crew, I would like to receive this award and express my profound gratitude to all the people who has supported me and patronized my close-to-senseless blog articles and posted appreciative comments most specially to AC  and Muymuy who gave me this award. Thank you so much for my make up artist and wardrobe crew for keeping me cute all the time, Likas Papaya “para sa makinis na kutis,” and for Aling Nena’s sukang paumbong which is my deodorant, for keeping me fresh all the time. Aym so tats.

  1. Put the logo on your blog or post.
  2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
  3. Be sure to link to your nominees within your post.
  4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
  5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.

Ako pala ay may great attitude and/or gratitude noh? Di ko narealize yun. Hahaha..

Mukhang mahirap ang 10 ha? At tsaka sisterhood award kaya dapat sa girls lang da vah? Sige try ko.

  1. Chicksykat
  2. Infinity
  3. Jerbaox
  4. Joycee
  5. Khzr4u
  6. Kengkay
  7. Mary Grace
  8. Nortehanon
  9. Painuminmoko
  10. Winkie

Yehey! Nakakumpleto ako ng sampu! Kaso malamang iba sa inyo ay nakatanggap na ng award na yan kaya okay lang kahit di na ulitin. Gusto ko lang mag-lista. Hahaha.. Yan po ang ilan sa mga babaeng maimpluwensya sa akin sa mundo ng blogosperyo kasama na rin ang mga nagbigay ng award na ito na sina AC at Muymuy.

Salamat ulit mga sisters para sa inyong kabutihan at sa pag-welcome sa akin dito sa blog world. Hindi ako tatagal ng ganito rito kung wala akong mga babaitang friends na tulad ninyo.

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

65 thoughts on “Zoobic Safari, Tag”

  1. wow! buti napicturan nyo pa ng maamo yung tiger maski may chicken na sya sa harap. usually kase kapag ganun nagwawala na yan eh. haha.😀

    thank you din emilayskie for making me smile thru your entries. keep it up!🙂

    1. Uu nga eh. Ang amo ng mukha nya sa pictures noh? Para silang maaamong mga pusa na pinapakain lang. Ang babait! O nagpapanggap lang? Hehe..

      Thank you din sis! Salamat sa pagdalaw mo lagi rito. You inspire me. Hihi.

  2. hi tita emi, buti ka pa at nakakagala pa lalo na dun sa zoobic zafari na yan..ang sarap pumunta dun ano? katuwa naman ang mga hayup na nakikita dyan, parang ang laya laya nila…

    1. Opo. Sobrang saya ng mga animals doon. Feeling nila nasa haven sila. Hihi.. Malulusog pa ang mga animals doon. Either dahil bago pa ang place o dahil alagang-alaga talaga.

  3. ang saya sa zoobic safari noh?ah eh di mo natatanong laking gapo ako :)alagang alaga ang mga hayop dyan..para silang nasa eden at walang kinakatakutan..

    marami pang pasyalan ang nakatago sa mata ng tao, sana lang pag nadiskubre eh wag abusuhin at panatilihing maayos..:)

    salamat sa award sissy🙂

    1. Ay talaga? Laging Gapo ka pala ha? Uu sobrang alaga nga ang mga hayop. Pansin ko. Sana nga ma-preserve pa nila ng mas matagal ang mga ganitong klase ng pasyalan.

  4. Maganda po dyan, masarap mamasyal.

    Para po sa inyo tong kantang ito, sana naaalala mo…

    “Don’t Move”

    Good morning sunlight
    As I get used to you
    It’s all gonna be all right
    I did all I can do
    And as I’m waiting for those eyes
    To say what’s on your mind
    I finally think I’ve found the words to say…

    So baby don’t move at all
    Cause you’re about to break my fall
    Stay where you are, staring at the stars
    Don’t ever move at all

    So many black and white
    Are made to be so blue
    We’ve all got our wars to fight
    But I won’t fight with you
    If I could just get your attention
    I’d never let it go
    Until you’ve felt what I am gonna say….

    So baby don’t move at all
    Cause you’re about to break my fall
    Stay where you are, staring at the stars
    Don’t ever move at all

    Oh, why’s it gotta be that everybody’s gotta see the sadness
    Everybody’s lonely, we don’t have to be lonely
    Baby, no baby oh, I can move you like an earthquake
    Listen to me as my hands shake
    Cause I want you, I need you
    I can’t live without you, baby

    Baby don’t move at all
    Cause you’re about to break my fall
    Stay where you are, staring at the stars
    Don’t ever move at all

  5. wow, ang ganda pala jan… kaso di ako animal lover… hehe. thou nature lover naman ako… ay ewan basta gnun… dko lang tlg trip ang animals…

  6. Waw, may award na naman ako hehehe. Maraming salamat po sa award at salamat din po sa pagiging isa sa mga masisipag dumalaw sa blog ko kahit na nga hindi ko talagang magawang mag-update araw-araw.

    Ang ganda naman dyan. Hmn, di pa nadadalaw yan ng itchy feet ko eh hehehe. One day nga dalawin ko. I’ve been to Ocean adventure but there was no more time left to stop by Zoobic so hayun, di na ako nakapunta.

    1. Okay lang yun Miss N! Pareho lang po tayo hindi maka-update everyday. Ganun talaga kapag sagana pa ang social life. Hihi..

      Uu bisita ka jan one day. Saya talaga jan promise. Sulit na sulit!

    1. Ay uu. Ang cute talaga nila. Ang cute pa naman ng paglakad ng mga kalapati. Tapos mapanood mo silang lumalakad lahat ng ganun. Hahaha.. Kaaliw!

      Marami pa nga po akong kuha ng camel at ng iba’t ibang hayop kaso pinili ko na lang yung isa bawat area. Hirap naman ipost lahat. Hehe..

  7. Nakapunta na rin ako dyan sa Zoobic Safari. At korek ka sis, kalokah ang close encounter with the tigers. Ibang level ang pagsakmal sa dressed chicken… tapos few inches or feet away lang.

    On the tag thing… wait lang! Naluluha pa ako. I would gladly accept your award. I’m flattered too kasi you consider my blog na with Attitude and/or Gratitude. Pero sis, baka di ko macontinue yung tag, konti lang female bloggers sa list ko. Baka di umabot ng 10. I’ll try though. Thanks thanks again!!!

    Mwuuuuaaaahhhh!!!!

    1. Haha.. Okay lang yun sis kahit di umabot sa ten. Ako ng arin hirap na hirap eh. Hahaha.. Nasama ko pa nga si Pritong Pretsels tapos narealize ko lalaki nga pala sya. Hahaha..

      Saya talaga sa Zoobic noh? Buti naman nakapunta ka na rin dun! Galing!

  8. Huy angganda naman jan, magkano entrance?? Parang ansarap dalhin ng mga kids jan noh??

    Ang cute ng parade! Pero iskeyri anf buwaya baket nakanga-nga waaaah!

    Uy sis thanks sa award, nahipuan (tats) ako isa ko sa binigyan mo, waaah. Thank you thanks!

    *mwahugssss!

    1. Talaga? Nihipuan talaga kita eh. Alam kong mata-tats ka kasi. Hihi..

      P395 po ang entrance. Saktong sakto para sa mga kids ito. Ang ganda talaga. Daming bagong matututunan here. Yung mga buwaya laging carry kumain kaya laging nakanganga hahaha..

  9. waaaahh! elow der!

    sa wakas nakadalaw rin po.. hahha

    first, thank you nga pala sa sisterhoo0d award huh! buti naalala mo pa ako, tatz din ako! hahah..

    second, ganda naman dun sa zo0bic safari.. pu2nta ako jan nxt time.. hahha
    …… nxt tym na ako comment ng mhaba huh.. takas lng toh at mejo bad3p eh.. hehe.. miz ko na rin blog ko..

    1. Okay lang yun sis. Haba na nga rin ng comment mo eh. Miss ka na namin dito sa blogosphere. Hihi..

      Sige punta ka ng Zoobic. Saya dun. Kung ano man yang kinaka-badtrip-an mo sigurado mapapawi yan doon. Hahaha..

  10. Wow! Laboy trip!! Ganda pala dyan sa zoobic zafari, ang cute ng name, hehehe..

    Ang gaganda ng mga pictures, pero sana nakasingit ka sa bawat pictures para mas maganda, di ba?

    Sige, enjoy your life, laboy pa ha! Godbless!

    1. Ay sige po. Next time kapag may lakas na ako ng loob magpakita sa inyo. Hahaha.. Kakapalan ko na mukha ko para isingit sa mga pictures na yan. Hahaha..

      Galing ng name noh? Subic kasi sya matatagpuan kaya ginawa nilang Zoobic. Hihi..

    1. Hahaha.. Opo. Ang cu-cute nila! Sobrang hihinhin pa nila maglakad tapos poised na poised. Hihi..

      Sulit talaga yung P395 rito for adults. Hindi ko nacheck yung for kids pero sigurado naman mas mura.

  11. sis sencia na ngaun lang uli ako nakadalaw at nakapagiwan ng bakas dito iyong bahay..

    cge gagawin ko yan sis,pewo ndi muna ngaun ha..mejo tamad mode ako ngaun sa pagpost sa blog eh..

    anyhow tenchu sa award lab yah…mwaahugss^^

  12. wow.. pasubic subic ka na lang ah.,. naku same here, nawala din ako.. ah basta..

    talagang nagpakasaya ka ah..

    sige check ko yung award🙂 THANK YOU…

    offtopic: may sagot na ang tanong🙂

  13. astig!! sarap dito!! I have this love or the animals talaga, mag veveterinary sana ako, pero.. pang matatlino lang yata un. haha. pati naisip ko na alagad ako ng sining.hahaha

    1. Pwede po mag-vet kahit hindi matalino basta masipag mag-memorize at mahal ang mga hayop. Hihi.. Dami ko pong friends na vet med passers na. Enjoy naman sila.

      Alagad ng sining? Fine arts ka po ba?

  14. panay yata pasyal mo ah? nalalamangan mo na kami nyan🙂

    ang ganda ng zoobic safari.. pero naawa ako sa hayop kasi wala sila sa kanilang talagang tirahan..🙂

    1. Uu nga po eh. Hahaha.. Ang sarap kasi gumala di ba? Daming pwedeng puntahan na place dito sa Pinas kaya enjoy ko talaga.

      Okay lang po yung mga animals dun kuya sandi kasi yung mismong area ay conducive sa mga animals po. Sobrang daming puno, mataba yung lupa tapos sagana sila sa pagkain. Masisipag din po ang mga nag-aalaga at nagme-maintain sa kanila kaya sobrang swerte po nila na nasa zoo sila.

      Isipin nyo na lang po sina Alex at Marty sa New York Zoo bago sila napadpad sa Madagascar. Sobrang sarap ng buhay. Hihi..

  15. ang lakas ng animalistic appeal nitong blog mo. hahaha! di pa ko nakakapunta dyan pero gusto kong madaanan. pati tuloy manila zoo namiss ko bigla. aheks!

    ms. ems, naawardan din kita. ok lang kahit di mo na damputin kasi nagawa mo na rin yung award. ahehe😀

    1. Ay thank you po sa award. Hehe.. Aym so tats. Uu nga eh. Nakita ko kasi ni-award-an ka rin ni AC. Hehe.. Thank you sis!

      Uu halata bang mukha akong animal? I mean, mahilig sa animal. Wahahaha.. Kahit ano kasi sa nature gusto ko. Sarap pagmasdan at i-appreciate. Buhay pa ang Manila Zoo! Maganda at inaalagaan na talaga ito. Dalaw ka ulit dun minsan. Miss ka na ng mga kamag-anak natin, I mean, yung animals! Hahahaha..

  16. wow. stress-free zone. okay ‘yang zoobic a. sarap puntahan ng mga ganyang lugar e. nature. animals. parang si tem-i at tikboy. biro lang.

    – tenco

    1. Hahahaha.. Baliw ka Tenco! Buti hindi nila nababasa tong mga comment mo sa ibang blog. Hahaha..

      Sarap jan sa Zoobic. Ikaw ba? Kelan mo bisitahin pamilya mo dun? Joke lang din. Hahahha..

    1. Ay sorry kung di kita niyaya. Bigla kasing nagpatawag ng family reunion mga kamag-anak ko run eh. Immediate notice kaya mabilisan din lahat.

      Sige pag nag-reunion kami ulit sabihan talaga kita. Sabihin ko ikaw yung long lost relative nila. Wahahahaha..

      Oi Husan pag pumunta kayo dun sama mo ko. Ahihi..

  17. ganda sa zoo. gusto ko yong kuha mo sa tiger. nakatanaw kase ito mula sa maliit na bintana. parang iniisip nya “kailan kaya ako lalaya?”

  18. natawa naman ako dun sa camel na “sobrang galing sa desert.” hehe… alam mo, dapat bayaran ka ng Zoobic. sa post mong ito, andaming naeengganyo na dumalaw sa zoo na yun. isa na ako syempre. ako pa, eh favorite kong hayop yang tiger. hehehe…

    God bless you!

    1. Haha.. Free promotion di ba? Hehe.. Kahit libre okay lang. Ganun naman tayo mag-value ng good work and satisfaction minsan eh. Nipapakalat sa iba. Hihi..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s