A-BA-KA-DA

Paano mo ba malalaman kung kelan dapat mag-post ka na ng bagong blog entry?

Ako kapag natatambakan na ako ng comments nape-pressure na ako. Mas nakakadagdag sa pressure kapag yung isang taong yun ay nakakarami na ng comment sa same post mo. Lalo na to si Ax, kapag sya na nag-comment nararamdaman ko na kagad na kailangan ko na gumawa ng bago. Napakasipag kasi nyan mag-blog hop. Kakabilib.

Mabuti na lang talaga at nagsimba ako kanina at inspired na naman ako. Napakasarap talaga ng pakiramdam ng sumisimba. Bukod sa nakaka-renew ako ng covenants sa taas, pakiramdam ko rin ay lumuluwag ang buhay ko kapag lumalabas ako ng bahay at pumupunta sa mga lugar na bukod sa office.

At dahil birthday ng Daddy ko ngayon, napilitan akong pakainin ang aking pamilya pagkatapos magsimba. Tsk. Tsk. Bad cheetah. Pero naisip ko na lang kasi na wala ng ibang araw na magkakasama kami ulit kundi Sunday lang so hindi ko na pinalagpas ang araw na to.

Pagkatapos naming mabundat sa malinamnam na lechong manok at inihaw na liempo ng Andok’s ay umuwi na kami ng amo ko sa aming kulungan. Wala pang tatlong oras na nakalipas ay tinawagan ulit ako ng aking ama para magpalamig sa binili ng aking kapatid na Selecta Double Dutch at Goldilock’s Black Forest. Sarap naman talaga. Nadelay nga lang yung dessert pero sulit na sulit pa rin.

At doon na nga nag-umpisa ang aking routine. Kapag napapabisita ulit ako sa bahay ng mga magulang ko (kung saan nakatira ang aking dalawang mas nakababatang kapatid, dalawang pamangkin at ang kanilang tatay, ang aming panganay na kapatid na lalaki) nag-aastang matanda ako. Masarap kasi sa pakiramdam yung nagbibigay ako ng mga positive comments and words of inspiration sa kanila. Lalong-lalo na yung panganay kong pamangkin na si Vincent.

101_3303cropped1Limang taong gulang na si Vincent at sa kanyang edad ngayon masasabi ko na na napakatalino talaga ng pamangkin kong ito. Sya yung tipo ng bata na kulang sa nutrisyon dahil sa sobrang kapayatan pero napakalaki ng utak at napakasipag mag-aral. Naalala ko noon, ako ang unang nagturo sa kanyang kumanta ng ABC at sandamukal na nursery rhymes, hanggang sa mag-memorize ng mga church songs noong sya’y dalawa hanggang tatlong taon pa lamang. Sa mga mata nya makikita mo na gustung-gusto nya talagang matuto. Bihira ka na lang makakita ng mga ganung bata sa panahon ngayon kaya ako naman ay nag-take advantage talaga.

So dahil kabisado na ni Vincent ang alphabet, hindi na kami nahirapan sa parteng iyon. Dumerecho kaagad kami sa phonetics o yung sounds ng bawat letter. Naintindihan kaagad nya ang mga vowels at consonants ng mabilisan. Inumpisahan kong pagtabihin ang vowels and consonants at doon kami nag-umpisang mag-aral at mag-basa ng mga syllables and words.

Crash course nga kung baga ang aming paraan ng pagtuturo pero bilib talaga ako sa kanya dahil ang bilis nyang makuha. Inumpisahan ko sa word na BAKA, sumunod BABA, sumunod BIBO, kahit ano lang na salita maisip ko. Wala kasi kaming libro man lamang. Kung nakapag-prepare lang ba ako di ba? Na-inspire tuloy akong bumili ng A-BA-KA-DA na pamphlet kapag napadaan ulit ako sa palengke o kaya sa book store. Alam nyo ba yun? Naalala ko kasi yun ang unang ginamit sa akin ni Mama nung tinuruan nya rin akong magbasa.

All in all, naka-master sya ng dose na salitang tagalog IN ONE HOUR! Imagine that? Kung may oras lang ako mag-stay pa sa kanila ng dalawa pang oras maka-master siguro sya ng less than 36 words. Tsk. Tsk. Pinagsabihan ko tuloy bigla ang mga kapatid at magulang ko na magsipag man lamang sa pagtuturo sa mga bata. Naging napakahirap ng kanilang buhay pagkabata dahil sa struggle ng parents nila (ang kuya ko at ang dati nyang asawa) kaya masaya pa rin talaga ako na kahit papaano ay matatalino sila at lumalaking mabait.

Naniniwala pa rin ako na mataas ang literacy rate ng sambayanang Pilipinas, yan din ang sabi ng statistics. Kaya nga siguro kahit naghihirap ang karamihan ng populasyon natin sa bansa ay nakaka-survive pa rin tayo kahit papaano dahil na rin sa ating karunungan. Sana lang talaga ay sa kahit mumunti nating pamamaraan ay maging instrumento tayo sa pagpapakalat ng karunungan o kabutihan sa ating paligid. Ayaw ko namang lumabas na isang napakahabang sermon ng blog post na ito di ba? Gusto ko lamang sana kayong ma-inspire sa mga bagay na napagnilay-nilayan ko (nosebleed) ngayong araw na ito.

Huwag sana nating kalimutang magpadala ng sandamukal na lapis sa Pens of Hope project ni Miss N. O di ba? Nag-promote! Hindi ako ni-kontrata nyan ni Miss N pero dahil sobrang bilib ako sa proyekto na ito ay susuportahan ko talaga. Kahit hindi natin maturuan ng A-BA-KA-DA ang mga batang mabibiyayaan ng mga iyon ay magiging instrumento naman tayo sa kanilang pag-aaral.

Ayun teka, pumipikit na mga mata ko sa antok. Hahaha.. Bukas na lang ako mag-blog hop. Super antok na! Weeeeee…

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

68 thoughts on “A-BA-KA-DA”

  1. Belated Happy Birthday sa iyong minamahal na ama. I wish him many more happy, healthy, and blessed birthdays to enjoy with your entire family.

    Congratulations din sa iyo for having a truly gifted nephew in Vincent. Basta patuloy ang pagsubaybay sa kanyang development at pag-aaral, he will bring home many more achievements and honor to your family in the years to come.

    Pasensiya na, Ms. E, at ngayon lang uli ako nakabisita. I just had too many things going on sa buhay at sa trabaho. Pero I’m back na. Ingat ka lagi, ok? ๐Ÿ™‚

    1. Okay po Panaderos. Thank you sa pagbisita ulit. Buti naalala mo pa ako! Hihi.. Welcome back po!

      Sisiguraduhin ko pong mapapagpatuloy ko ang pagtuturo sa kanila. Ang sarap kasi ng ganung pakiramdam. At papaabot ko rin ang iyong pagbati kay Daddy. Hihi.. Thank you po!

    1. Sige sige sis. I-email ko na lang sa iyo yung cake at ice cream okay? Hahahaha..

      Sige paabot ko kay Daddy yang pagbati mo. At tama ka jan, mahilig nga ako mag-tutor. For free pa nga eh. Hilig ko talaga magturo. Yan nga ang gagawin kong retirement work ko. Wahahaha..

  2. Wow, thanks! Special mention pa ang Pens of Hope. Nakakatuwa naman, nakakataba ng puso. Maraming salamat talaga. I am overwhelmed with the support that this little endeavor is getting that I am now thinking of some other future batch of collections๐Ÿ˜‰

    haha ako rin, problema ko rin yang pag-post na yan. Madalas naman ako, marami akon ggustong ipost. Talaga lang walang time to write my thoughts down. Hindi naman ako napi-pressure. I am more of nahihiya ako sa inyo, sa totoo lang. Kasi hindi nga ako ganun kadalas mag-update. But I hope I can do better in the coming days. Kaya bilib ako sa mga taong araw-araw ay may update at tulad ni Ax na araw-araw ay sabi mo nga dumadalaw.

    Ang galing naman ng crash course mo sa pamangkin mo. And you know, I still think the old school katon is effective. Ewan ko kung naabutan mo pa yun (haaay, heto, nare-reveal na ang age ko hahaha!). Di ba mas madaling mag-aral bumasa kapag pagsasamahin mo ang pantig? Yung katon dati ganun eh: BABA, BABABA, BABABA KA NA BA? ANG BATA AY BABABA. BABABA ANG BATA hehehe๐Ÿ˜‰

    Belated happy birthday sa Dad mo. God bless you for being a dutiful daughter, sister, mother, and aunt.

    1. Aba, “katon” ha? Hmmm.. Hindi ko pa narinig yan ah. Makapag-Google nga tungkol jan. Ahihi.. Ang ganda ng pattern na binigay mo Miss N eh oh. “BABA, BABABA, BABABA KA NA BA? ANG BATA AY BABABA. BABABA ANG BATA.” Bigay ko nga sa kanya yan.

      Sige po paabot ko sa Daddy itong mga pagbati ninyo. Ang saya naman!

      Pareho tayo, nahihiya din ako kaso medyo pressured. Siguro sa umpisa lang to noh? Hahaha.. Pero tuwa talaga ako sa mga post mo Miss N. Kakataba ng puso lagi at nakaka-relax. I like that. ^_^

  3. Haha. ispeyshal mention ako. natats naman ako. Actually, hindi ako masyado bumibisita sa ibang blog. ang mga binibisita ko lang ay yung nasa webs and spiders ko. Pag nag blog hop ako, dun ko lang nabibisita yung ibang blog!

    Yay. Npre pressure ka pala sa akin hehe. Ako, gumagawa ako ng another post kapag may naisip ako. Sabi kase sa akin ng opismate ko, wag ako ma tense sa paggawa ng post. Wag isipin na trabaho ang pag b blog. Enjoy lang.

    Belated pala sa dad mo! At, ang galing galing mong titser!๐Ÿ™‚

    1. Ay tenchu po. Aym so tats din. Mabuti naman talaga at masipag ka pa rin maglibot-libot. Ayos ba ang pagka-special mention? Hindi naman halatang scripted noh? Hahaha.. Joke! Baka maniwala sila. HINDI PO AKO NABAYARAN, PROMISE.

      Tama ka jan. Dapat hindi ma-tense at mag-enjoy lang. Sige. Gagawin ko nga yan. Thank you po ulit!

      1. Hehe. nakow, nahihiya talaga ako dahil maliit ang porsyento na nakuha mo. hehe.

        Nakow, site mo na talaga ang una kong bibisitahin! at tuwing magne net ako may comment ka!๐Ÿ™‚

  4. aba sister, at pwede ka naman pala maging teacher. pwede bang paturuan ko sayo magiging anak ko? (naks, nangarap na naman haha)๐Ÿ˜‰

    1. Hahahaha.. Okay lang naman mangarap sister basta kailangan pa rin mauna ang jowa bago ang bunga di ba?

      Sureness! Ako ang magtuturo sa mga magiging junakis mo. Wow! May bago akong natutunang baklang term. San ko nga ba narinig yun?

  5. kaya naman pala magaling ang pamangkin mo tita emi, ikaw pala ang nagturo sa kanya kaya ganun…hapi bday kahit late na kay tatay ha at masarap naman talaga ang makasimba ka kahit di malimit dahil parang ang luwag ng ramdam di ba?

    1. Magaling talaga yung pamangkin ko. Nagkataon lang na magaling din yung nagtuturo. Bwahahah.. Nagbuhat ng sariling bangko noh? Hahaha..

      Salamat po sa pagbati. Sabihin ko sa kanya. Tama po. Kaya dapat lagi magsimba para hindi nawawala yung masarap na feeling. ^_^

      1. feeling ko nga ang bad ko na kase minsan lang ako makasimba..di ka naman masyado nagbuhat ng bangko, hehehe, lamesa na ata ang binuhat mo..waaaaaaaaaaaaaa

  6. Kagaleng naman o, may future ka sa pagiging teacher hihi. Ako din gustong gusto ko magturo ng kids kaya lang minsan maikli ang pasensya hehe.

    Beleyted hemverdei sa Daddy mo. =)

    1. Ay uu sis. Medyo mahaba talaga ang pasensya ko pagdating sa pagtuturo sa mga bata. Pati matanda naman mahaba rin pasensya ko basta computer ang tinuturo pero kapag prinsipyo sa buhay ang kailangan ituro sa kanila doon talaga ako nawawalan ng pasensya. Bwahahah…

      Ay thank you sa pagbati. Ma-overwhelm na siguro Daddy ko kapag nabasa nya ito. Hihi..

  7. Wow! Belated Happy birthday sa iyong ama! Ako kapag meron na nagpaparamdam at nagtatanong kung bakit wala pa akong post tulad ng “mag-agiw ka na ng bahay mo” mga ganun ba haha.

    Napapapaisip tuloy ako..teka isang linggo pa lang naman nakakaraan kelangan na ba magpost ulet? wahaha. Di kasi maiiwasan may mga makulet tayong friendships na kahit alam na buong buhay natin. Gusto pa rin makabasa ng intriga, balita etc etc.

    Mukhang Promil Kid si Vincent…baka next president of the Philippines! Astig!

    1. Uu nga noh? Ganito pala kapag active na sa blogging. Wala pang isang linggo parang nihahanapan na tayo ng bagong blog post. Hahaha.. Pero ang saya kasi nakakataba ng puso. Ibigsabihin na-appreciate ang mga pinagsasabi natin kahit papaano.

      Promil Kid ba? Partida pa yan. Tumigil na sya mag-milk nung nag-2 years old. Sabi nya gusto nya raw maging pilot eh. Pero sige sabihin ko maging presidente na lang sya. Haha..

      Teka na-miss kita sis ah? Bakit ganun? Hindi gumagana snapshots sa site mo. Huhu.. Kala ko ang tagal mo ng walang blog post. Teka masuyod nga ito site mo.

  8. hapbertday sa iyong papa bear at xnxa na epal ako. napadaan lang.. ahahaha๐Ÿ˜€ ang yong pamangkin? hmm.. pamangkin ko din ganyan, kaso brat! ahahaha๐Ÿ™‚

    1. Ah talaga? Katuwa ang mga pamangken noh? Sige sabihin ko kay Daddy ang iyong pagbati.

      Gudang salamat sa pagdalaw mo rito ha. Pahingi naman ng link ng blog mo para madalaw rin kita minsan. Hihi..

  9. andito ako!
    lolz… matagal na kitang nakikita sa kung saang sulok ng blog pero ngayon lang ako napadalaw๐Ÿ™‚

    *** belated habertdey kay dad mo. miss ko tuloy peyrents ko sa pinas.
    ** ako, kelan ba ako nag iisip gumawa ng blog? parehas tayo, kapag napuno na yung comment box at ginawa ng forum. ehe๐Ÿ™‚
    * and infarnes, magaling ka magturo ah. antyaga mo, mahirap kaya magturo sa bata

    – added ka na sa linkisan ko

    1. Ay sige. I like that term. Linkisan. Hhmm…

      Uu nga po kuya eh. Kita kita sa blog world pakalat-kalat ngayon lang kita nabisita. Hehe.. Joke.

      Salamat po sa pagdalaw rito! Di naman po masyado magaling. Konti lang. Hahaha..

  10. Hi Milay…

    Bilib naman ako sa passion mo sa pagtuturo… Kasi dati, umiiyak ang mga kapatid ko kapag ako ang nagtuturo… Haha!

    Anyways, nag-improve naman ako… Naparami na kasi ang practice sa mga pamangkin na mga anak ng mga pinsan ko… At ngayon, iba na ang request nila parati sa akin – storytelling…๐Ÿ™‚

    Parang ako naman pala yang si Vincent! Matalinong bata! (Pasensiya na, kasi minsan gusto kong ibahin ang childhood memories ko… Hahaha! )

    Hmmm, kelan ko nalalaman na kailangan ko na magpost ng bago? Hindi ko alam…. Dati, once every two weeks ako magpost… Ngayon ay almost every week na…. Medyo napaparami na kasi ang gala dahil summer na…๐Ÿ™‚

    1. Uu nga. Ang sarap talaga ng ganitong season sa Philippines. Hindi ko gusto ang sobrang kainitan pero gustung-gusto ko yung pagpunta sa mga beaches at kung saan-saang lugar sa Pilipinas. Abangan ko po mga pictures mo pa.

      Storytelling, aba pwede ko nga rin gawin sa kanila yan pero siguro kapag nag-three or four years old na yung amo ko para sabay-sabay silang basahan tapos maiintindihan na nya.

      Salamat po sa pagdalaw Mr. Coolwaterworks! ^_^

  11. wow! happy bday sa daddy mo!
    ang saya turuan iyong mga batang willing talagang matuto!
    ang saya sa feeling.

    pero iyong kapatid ko kasi kakaiba.
    hindi siya mahilig magpaturo kahit siya lang talaga eh grade 2 pa lang yun at sa tingin ko eh kelangan niya pa ng assistance pero aral pa rin ng aral.
    meron nga noon pinag-aaralan niya yung book niya sa science kasi icocontest daw siya sa quiz bee. maya-maya nakita ko hawak na niyang book eh libro ng kaptid kong grade 5. tapos na raw kasi niyang basahin iyong libro niya!

    wapak! kung ganyan sana lahat ng mga bata malamang na madali ang pag-unlad ng bansa natin.

    natuwa ako sa post mo!
    hakhak!
    napakwento tloy ako!

    1. Wow. Alam mo po yang kapatid mo di na kailangan ng tulong sa pag-aaral kasi matalino na talaga sya. Kapag book worm talaga mas mabilis ang proseso ng learning nila. Sana nga yung amo ko ganyan din sya paglaki. Hihi..

      Sarap talaga magturo. Peborit ko ang pagtuturo talaga sa totoo lang kaya bago ako mag-retire magte-teacher muna ako hahaha..

      Salamat po sa pagdalaw sa bahay ko eloiski. Dalaw din ako sa bahay mo. Eto na. Now na! ^_^

  12. Ooopssss… na ligaw lang ako dito kaya napa comment na rin kahit ahaba yung post…
    sa itsura ng pamangkin mukha talaga syang matalinong bata๐Ÿ˜€

    ahaha si miss N. pala ang pasimuno ng pens of hope na yan

    1. Hehe.. Tamad ka pala magbasa. =P Oo matalino talaga yan si Vincent. Mana-mana lang yan eh.

      At tama ka, si Miss N pasimuno ng magandang initiative na yan. Galing nga eh.

      1. waaa d po binasa ko nga ng buo ung post mo T_T promish!๐Ÿ˜€ at isa pa hindi po ko tamad mahilig lng ako mag hintay…

        hintay ko pa reply mo๐Ÿ˜€

  13. hehe..tama ka, kokonti na lang yung mga batang ganyan..panu kasi hindi nabibigyan ng sapat na atensyon.sana itrain niyo din siyang mahilig sa pagbabasa para mas tumalino..๐Ÿ˜€

  14. and speaking of pens of hope..5 stars para sa’yo..naunahan mo’ko magsinget..kahit kasi ‘di pa ako nakakapagcontribute dun eh bilib na bilib ako sa campaign ni norty…๐Ÿ˜€

  15. naaalala ko yang booklet na yun! dilaw yun tapos may drowing ng nanay na binabasahan ang anak niya ng libro. grade one yata ako nung meron ako nyan.รผ

    kakatuwa naman si Vincent. dapat talaga manourish ang intellectual appetite (naks, intellectual appetite!) ng bata.

    God bless you and Alex!

    1. Tama po! Waaaaaa.. Ginamit mo rin pala yun Kuya Utoy. Ang galing naman! Hahaha..

      Intellectual appetite wahahhaa.. Sige Kuya Utoy tatatakan ko ng copyright sa utak ko yang phrase na yan. Copyrighted sa iyo. Haha..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s