Conficker Worm – What to expect on April 1?

Kinalaman ng chocolates sa Conficker? Wala! Hahaha.. Virus din kasi ang tingin ko sa chocolates. Tsaka wala na ako malagay. Hahaha.. 

 

Kinalaman ng chocolates sa Conficker? Wala! Hahaha.. Virus din kasi ang tingin ko sa chocolates. Tsaka wala na ako malagay. Hahaha..

 

Okay so pagkatapos ng isang makabagbag damdaming post 3 days ago ay balik technical naman tayo. Mabilis na mabilis lang to. PROMISE. Hehe..

Kakagaling ko lang kasi sa work at ang dami kong natanggap na tawag na mga Amerikanong nagpa-panic dahil baka maapektuhan sila ng tinatawag na Conficker virus na tinatayang magiging active ngayong araw na to sa US, or sa buong mundo, April 1, 2009. At dahil ang aking trabaho ay malaki ang kinalaman sa mga computer at internet kinailangan kong mag-aral ng mabuti tungkol dito.

Ayon sa aking masusing pag-aaral nasa Conficker-c stage na tayo. Hindi ko pa rin alam kung delikado nga talaga pero sa totoo lang nae-excite ako dahil gusto ko ma-try kung paano nga magwo-work ito. Pero as a measure sinunod ko pa rin ang payo ng mga malalaking sites like McAfee kung paano maiwasan ang worm na ito para ma-activate.

So 30 minutes left na lang bago mag-April 1 sa US. Parang nae-excite ako na hindi maintindihan.

Ang chismis ay ang worm daw na ito ay nasa mga computers na natin without our knowledge at sabay-sabay itong mati-trigger kapag ni-activate ng mga promotor, kung sino man sila, kapag tayo ay nag-connect sa mga applications or websites na na-hack nila. Minsan ang mga websites na ito ay yung mga araw araw na nating dinadalaw kaya di rin daw natin alam. Makakaya nitong parang mag-remote access sa ating mga computers kung saan magkakaroon sila ng pagkakataon mag-install ng mga programs such as key loggers etc na maaaring makapag-record ng ating mga private at personal information katulad ng passwords, email addresses, credit cards, at kung anik-anik pa.

So ni-download ko na nga ang patch na sinasabi na dapat mayroon tayo sa ating Windows update. Para rin maging sure nag-update na ako ng aking spyware protection and virus protection software at kasalukuyang nagpapatakbo ng scan for spyware and viruses.

Gusto ko rin makita ko ano ang kalalabasan ng chismis na ito. Natutuwa ako kasi parang Die Hard 4 ang dating. Wahaha..

Anyway, good luck na lang po sa inyo. Totoo man o hindi, mas maganda pa ring maging maingat at mag-aral ng mabuti tungkol dito. Sana ay hindi tayo maapektuhan.

 

=========

UPDATE 04-01-09

So far there are no dramatic changes happening yet on April Fools day regarding Conficker but this is the latest news that we got from Inquirer.

=========

UPDATE 04-02-09

“There are a lot of people who are on standby waiting to see what happens,” said George Kurtz, senior vice president of McAfee’s risk and compliance division. “Ultimately, it could be a big event or Y2009 — April 1 rolls around and nothing happens. But that doesn’t mean it’s the end of the story.” – MSNBC

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

55 thoughts on “Conficker Worm – What to expect on April 1?”

    1. Yeah. Go go go Pinoy hackers! We are the best. Wahahah..

      Wala pa namang nangyayari so far. Sabi raw baka aatake na lang sa date na hindi masyado ni-broadcast. Silent attack kung baga.

      1. The bad guys have been smart daw sabi po rito. “These guys have been pretty smart until now — the worm is unfortunately very well done,” said Patrik Runald, chief security advisor for F-Secure Corp. “So far they haven’t been stupid. So why should they start on April 1?”

  1. paano nga kaya kung true yun? ano gagawin natin sa pc pagkatapos na mangyari yun? reformat ba ang kailangan pag ganun? ang dami ko namang tanong ano? pero sana wag na mangyari yon..

    nga pala, tita emi! nidownload mo ba itong comment page mo? dati kase di sya ganito di ba? o isa lang sya sa features ng wp? kung nidownload mo, paki turo naman sa akin yung site para madownload ko rin at ng madali ko na masagot ang mga comment sa site ko..ganda kase ng ganito..

    1. Ay hindi po kuya payatot. Part po talaga ito ng WordPress. Pwede po sya mag-thread ng comments. Iba po kasi ang design ng comments ng Blogspot. Check nyo po kung meron silang feature o specific setting na parang ganito rin.

      Kung sakali po infected nga kayo click nyo lang po yung links na nanjan sa post ko. Ang dami pong steps dun para maayos sya. Worst case scenario is to reformat.

  2. i agree sa lahat sa inyo, badtrip talaga yan, dahil naniniwala sila na maging worst ngayon a uno ng abril kaya ayun, last 2 days, napakabusy namin dito, you have to undergo 2 series of scanning, on 62 pc’s, yan lang sa lab na hawak ko, lalo na ang badtrip yung 3 labs ang hawak

    1. Ay uu nga pala. Dami nga po palang PC jan sa work nyo. Lahat yata halos talaga nag-panic sa virus na ito. Medyo harmless pa sya sa ngayon. Ewan ko lang mamaya pagpasok ko sa work kung anong magiging reaction ng mga tao.

  3. sis, teka pacomment ulet ha. ngayon2 lang. tinawag ako dito sa kwarto ni cris (helper namin) at sabi kakain na daw. eto sabi nya:

    “hala ate anna, alam mo na ba yung nasa balita? yung sa computer? makukuha mga iniingat-ingatan mong bagay. yung kumakalat.. ano nga ba yun? basta.. hala ka, sa ganda mong yan malalaman nila ang iyong pinakatago-tago na.. SINGLE ka pa pala.”

    loko lang noh? ang sinasabi nya siguro etong virus na to. pero di nya masabi. hehehee

    1. Uu nga. Wahahhaa.. Baliw talaga yang yaya nyo. Ang sarap batukan! Hahaha.. Pero okay sya sa kwela ha? Wag lang sana sosobra. Sa tingin mo okay pa sya? Parang ang tiyaga mo naman at nakakapag-timpi ka pa jan. Hahhaa..

      Pero uu nga sis. Yung virus nga siguro tinutukoy nya. Kalat na kasi sa news sa US eh. Ingat ingat lang din tayo. So far wala pa namang massive shut down akong naririnig sa mga affected nito. Sabi raw baka i-move nila yung date sa araw na hindi expected.

  4. waaaa @_@ mukhang chismax yan ah😀 wahahaha natatawa talaga ako kc pag nagkaroon ng ganun wala na silang mahahack personal account ko woooo

    sa mga hacker jan gudluk sa inyo…

    sana kayo bulatihin ng sarili nyong worm o virus @_@

    1. Wahahhaa.. Wala na ba silang mahihita sa iyo? Haha.. Kakatuwa naman yun.

      Ako meron silang maha-hack eh. Yung mga bills ko online. Hahaha.. Sige sila na lang magbayad.

      Tama. Sana nga bulatihin sila. ^_^

  5. ah ito nga yung ibinalita sa CNN kagabi… at ang nakakatakot pa dito yung thought na pwedeng icontrol nung gumawa ng virus ang pc mo kapag na apektuhan na…

  6. akala mo ikaw lang ah.. hehe.. ang dami ko din chocolates ngayon.. bigay lang hehe.. mukang tataba ako nito haha.. buti nga at di umatake yang virus na yan ngayon, kung di patay! hehehe..🙂

  7. hehe. di ko alam yan!

    uy, di ako masyado nakakapag net paano ba naman wala akong broadband ngayon! siguro 3 days pa bago magkaroon! hay. nandito lang ako sa opis!

    april fool’s day, di ako nakapag net sa bahay! sobrang ingat ko naman.

    1. Nyay bakit? Anong nangyari sa broadband nyo?

      Buti na lang at may mga internet connection sa offices natin. Haha.. Pero ako di maka-browse sa work. Sobrang busy kasi kaya dito na lang ako sa bahay.

      At least safe na safe ka sa infection di ba? Hehe..

      1. di ako nagbayad! haha. biro lang. wireless kase ako dati, nagpa wired na ako. ang mali ko, sinoli ko agad yung modem ng wirelsess. sana di muna!

        sana pag-uwi ko meron na!

        busy rin dito sa work kaya di ako nakakapag surf!

        1. ay. naging magulo kase sa bahay. meron kaming landline pero nagpakabit pa rin ako ng wireless..

          ayun, after six months, aba, napansin ko na mas napapamahal ang bills ko dahil hindi ko na lang ginawang bundle yung phone at broadband.

          ayun, pinatanggal ko ang wireless at nagpa wired na ako. hehe. globe po kami!

  8. waah..katakot naman yun..pero wala naman akong pc kaya, okei lang..go go go lang ang mga worms na yan! hehe..may mageexterminate din diyan kung sakasakali..

    1. Haha.. Bad. Ang wag sanang mangyari eh ma-hack nila pati mga electricity companies ng mga bansa tapos i-shutdown or i control lahat ng power source. Galing. Parang movie.

  9. hello sis sencia na ngaun lang uli nadalaw sa bahay mo..busy lang lagi sa kawalan…hehehe

    sana nga ndi totoo yang chismax na yan..mahirap kase yan lalo na sa mga tulad kong wala masyado alam sa tarnets.

    waaaahh natakam nman ako sa crunch sis..makabili nga nyan..hehehe

    1. Hahhaa.. Sarap nyan noh. Naku nagke-crave na naman ako. Kainis!

      Okay lang kahit magbusy-busyhan ka muna. Basta kapag nagbabalik ka wag mo kalimutan magpasyal dito. Hihi..

  10. hakhak. tapos na ang april 1. anong nangyari? wala!
    wahaha!
    pero yunnga… ingat lang sa virus.
    lalo na ako. expired na antivirus ko. wapak!
    nitatamad kasi ako mag-update!
    argh!

    1. Hahaha.. Okay lang po yan basta ingat lang po sa pag-download ng files, pag-visit ng sites at pag-saksak ng mga external drives. Safe pa rin naman basta maingat lang.

  11. I heard about this news sa mga bata sa bahay namen, mas updated pa sila kesa saken, wehehehe. Very well done? Wahh katakots!

    Gusto ko nyang shoklats pengeee!

    1. Ay sige sis. Padala ko na sa email mo tong mga natira ko pa. Ahihi..

      Malay mo in the very near future mag-meet tayo tapos libre kita chocolates di ba? Haha..

      Ganun talaga mga bata ngayon. Laging una sa balita. Patalino ng patalino mga generations eh.

  12. nagkokomento habang nakikinig sa bg-music ni kuya payatot.😛 Anong kinalaman? parang chocolates din,wala lang. Parang virus din kasi. (lol)
    haay sana naman wala ng mga virus virus na yan, nakakainis na. Ang gumagawa naman kasi ng mga yan ay ang mga gumagawa din ng antivirus para bumili ka.😦

    1. Tama. Jan din naman kasi nag-umpisa ang Norton, McAfee etc. Naging popular lang sila dahil sila rin mismo gumagawa ng viruses dati. Nung sumikat na taga-update na lang sila ng virus definitions. ^_^

  13. truth be told, natakot din ako sa conficker na yan. not because i understand it. di ko nga maintindihan, kahit ilang articles sa internet na ang nabasa ko. kaya lang, sa tulad kong walang alam sa programming, kapag nagcrash ang computer ko, para siguro akong namatayan ng aso o nagasgasan ng kotse. buti na lang, after more than one month, parang walang nangyari. whew!

    1. Uu nga po eh. Ibigsabihin effective naman yung Microsoft Update na ni-release for windows.

      Naku ako rin Kuya Utoy. Di ko ma-imagine kung di na bigla mag-boot ang PC ko pagtapos ng ilang araw kahit anong troubleshoot gawin ko. LOL. Iyak talaga ako siguro.

      Teka makapag-back up na nga hahaha..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s