A Sad Farewell

Pasensya na po kung biglaan ito. Hindi ko rin naman kasi mapigilan ang biglaang pagbuhos ng mga pangyayari. Sa susunod na linggo ay lilipad na ako papuntang Canada with my second boyfriend. Dalawa po kasi sila ngayong nobyo ko, sabay. Di ko lang sure kung may established net na sya dun pero sigurado magiging busy ako for a while at hindi makakapag-blog hop ng medyo matagal-tagal. Worse comes to worst, I might stop blogging.

 

Pero may good news po ako.

Joke lang po yun. Sensya na. May hang-over pa ako sa April Fool’s statement ni Heleyna sis.

Okay sige wala ng patumpik-tumpik pa. Todo na to!

RULES:

1. Write down who tagged you

2. Answer these:

– your name/username/pseudo name

– right handed or left-handed

– your favorite letters to write

– your least favorite letters to write

– write the classic…”The quick brown fox jumps over the lazy dog.”

wptag

O da vah? Tama ba namang paghiwalayin ang mga letters ng word na JUMPS? Togoinks. Haha.. Di kasi nagkasya bigla. Carry na yan!

Pasensya na talaga sa sulat ko. Naku ilang dekada na yata mula nung huli ako nagsulat. Disadvantage talaga ng computer era, tumatamad pati sa pagsusulat.

Salamat nga pala kay Heleyna at kay khzr4u sa pag-tag sa akin dito.

===

2009friendlyblogger

Okay next tag naman. Here are the rules:

1. Take a Photo or install one now .

2. Do not change clothes, do not trim the hair, the main image is to be captured (we want to see the real you…he..he..) .

3. Post a picture that is in edit.

4. Post these instructions (required).

5. Tag people to show appreciation to them that touch your heart because of their friendly attitude (required).

 

wptag-0061

Oh ayan. Walang daya yan! Hahaha.. Haggard na haggard kaso naka-peace pa. Parang tanga lang noh?

Pero sa totoo lang hindi ko ma-gets yung rules nito. “Take a photo or install one now.” Ang photo ba ay parang application lang din na nai-install? Ahihi.. Joke.

Pero mas hindi ko naiintindihan yung number 3 rule. “Post a picture that is in edit.” Ibigsabihin ba nito ay ipo-post ko ang isang picture habang ine-edit ko? O i-post ko lang sya pagkatapos ko i-edit? Eh di dapat “Post an edited picture” na lang. Wahahah.. 

So overall ang ibigsabihin ba ng gumawa ng tag na ito ay mag-post kami ng dalawang picture na edited at un-edited? Tama ba? Anyway, kanya-kanyang interpretation na lang siguro noh? Hahaha..

Bihira kasi ako mag-edit ng picture. Sarap kasi pag raw data. Eto na lang lagay ko.

baby-ems_20051023_0165

Salamat nga pala kay AC sis sa pagpasa sa akin ng tag na ito. As usual, aym so tats. You always tats me.

Sa totoo lang hindi ko akalain na ganito ako iwe-welcome sa mundo ng blogging ng mga taong katulad ni AC, Joycee, Heleyna, Chicksy, Nortehanon and Winkie, at mga ka-gwapuhang guys na sina Ax, Coolwaterworks at DFish (May idea na kayo kung kanino ko papasa yung parehong tag. Harhar..)

Noong una wala naman talaga ako balak mag-publish ng posts ko. Gusto ko lang magsulat ng magsulat kahit walang nagbabasa. Parang retarded noh? Pero noong nag-umpisa nang may bumasa ng mga sinusulat ko nakaka-pressure na rin pala at nae-encourage ka tuloy na magsulat pa ng mas marami at mas maganda.

Mabuti na lang talaga at generally hospitable at appreciative ang mga Pinoy. Kahit minsan ang boring ng topic nya o ang pangit ng pagkasulat nya sasabihin mo pa rin “Ayos to ah” ek ek. Hindi naman plastic ang tawag dun. Gumagana lang talaga ang pagiging friendly nating mga Pinoy kapag ganun at dahil doon mas nagiging proud ako sa aking nationality (ano nga Tagalog nun?).

Pero mas madalas sa atin, madali tayong maka-appreciate ng bagay dahil nalalagay kaagad natin ang sarili natin sa ganoong situation ng author at madaling nai-imagine kung ano yung nararamdaman nya sa mga ganoong pagkakataon. Yun kasi ang definition ko ng pagiging appreciative and friendly.

In real life (IRL) naman, super friendly talaga ako. Palabati kasi ako at ang daming kwento kaya medyo madaling mag-attract ng friends (pati mga may HD) and acquaintances pero sa isang buong crowd ng friends ko, iilan lang doon yung closest na makakaalam ng mga saloobin ko, plano at nakaraan ko sa buhay.

At kung sino ka man na nagbabasa hanggang dito sa dulo (sana lang talaga hindi lang dulong paragraph ang binasa mo), salamat talaga ng marami sa paglalaan ng oras mo para dumaan dito. Hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya sa tuwing pagdagdag ng hit count sa stats ko at lalo mo akong napapangiti kapag nagco-comment ka. I love you na. ^_^

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

66 thoughts on “A Sad Farewell”

  1. hahahah! salamat salamat! at ako din natatawa di ko ma-gets talaga yung rules din eh. pero sige, nagpost na lang ako ng pic. wala lang ako kase recent na close up pic kaya mukang shunga nilagay ko. yaan mo na, nagkalat nman ang pagmumuka ko sa mga entries ko sa blog ko. haha! so parang ganun na din yun!

    ang ganda mo naman! pag tulog. hahaha. jooooke!😛
    e kaya naman pala nahumaling sayo ang tatay ni alex noon at ang jowa mo ngayon eh kagandahan ka pala eh. at impairness ganda ng teeth mo ah. yan ang isa sa aking insecurities… dahil ako ay 5years nagbraces tapos bumalik din sa dati. yung teeth mo ang ganda straight na straight.

    purrfect!😉

    1. Haynaku sis! Salamat dok din ang teeth ko. Hehe.. Two years ako nag-braces tapos two-years din retainers. Pero kapag nafe-feel kong bumabalik sa dati, sinusuot ko ulit yung retainers. Ahihi.. Kaso pati pagsakit ng teeth bumabalik din Haha..

      Uu nga. Dami mo namang pictures na naka-post. Okay lang kahit di mo na sundin exactly as it is. At tsaka gulo ng rules eh. Hahaha.. Kahit ano na lang.

      Ang sipag mo talaga mag-blog hop at mag-comment ha? Kakaiba ka talaga.

      1. oo kase nawawala lang ako sa harap ng computer kapag nasa byahe o kaya ay nasa gimik. pag nasa bahay at office bukas lang to lagi. hehehe.

        may expanders/retainers din ako sa teeth. mga 1linggo ko lang yata sinuot. hahah! yoko eh hassle. yaan na nga yan bahala sya sa buhay nya kung gusto nya bumalik sa dati. wahhaha. wala na ko pera pampaayos sa kanya. hehee

      2. Yun ang kailangan mo sis. Kung gaano katagal yung braces ganun din katagal ang retainers. Hehe..

        Ako kapag may lablayp sa tabi-tabi at family napapalayo ako sa pyuter pansamantala. Haha.. Sa work super busy. Hindi maka-browse.

    1. Waaa.. Pati eyelashes napansin ah. Haha.. Hinabol pa talaga eh.

      Hanukaba sis. Super byutipul ka para sa akin. Kung lalaki lang ako sisiguraduhin ko girlfriend na kita ngayon eh. Hahaha..

      1. aray ko po. e wala e alindog ko lang gusto nila eh. di nila alam mas maganda ang puso ko. naks naman! wahhaha! nabaliw na ko.😛

      2. Aba ganun talaga sis. Nauuna ma-attract ang mga lalaki sa alindog. Hahaha..

        Kapag alindog lang gusto sa iyo sis saktan mo ng matindi. Sigurado guguho mundo nun. Wahaha..

        1. waaaaaaaahhhh! e ako nga ang sinasaktan eh. wahahah! ang puso ko, ang puso ko!

          hahaha.. sori sis, carried away. hihi.😉

          ibig sabihin 5 years dapat ako nakaretainers? ouch naman yun. baka naman lola na ko nakaretainers pa ko nun. hahaha!😀

        2. Haha.. Ganun talaga yun sis. Kasi babalik talaga sya kapag hindi exact same number of years mo sya sinuot.

          Ganun ba? Ikaw ba sinaktan? Kaya nga yan ang assignment mo. Dapat ikaw na ang marunong manakit. Wahahha.. Ang puso mo sis. Ang puso mo.. Hahah..

  2. akala ko e mauuuna ako dito na mag comment di naman pala, sa rami ba naman ng kaibigan ni mommy emi…ang ganda ng pix mo na tulog ka, sa totoo lang nag enjoy akong tignan yun..hahahaha…parang inosente lang na bata kung titignan mo..salamat at di mo ko isinama sa tag, ibig sabihin nun di pa po tayo close mommy emi..waaaaaaaa…

    1. Waaaa.. Sorry Kuya Payatot. Ibigsabihin nun nakalimutan kita isama. Sige sa susunod ikaw lang ita-tag ko. Hehe..

      Nag-enjoy kang tingnan huh? Haha.. Ang bait ko jan di ba? Hahahaa..

      1. para tuloy gusto kong dumekwat ng piktyur mong tulog ka para mai-post sa blog ko..kaya lang baka magalit po si mommy emi saka di pa kami close…sayang talaga..nakakuha sana ako ng piktyur na yon..

  3. wahooo! nagulat pa ako dun sa dalawang boyplen.. juk lang pala. hakhak! at juk rin pala na hindi ka magbloblog. hakhak!

    wapak! wala siyang nitag pero hayun may nagtag din sa akin ng ganyan… kagagawa ko lang nga eh… hakhak! parang engots lang… wapak!

    so ayun nakakaabot ako hanggang last so pwede ko na ring sabiihin na aylabyutu! hakhak!

    1. Ay uu naman. Haylabshu na! Haha..

      Sige tingnan ko yang gawa mo ring tag. Parang engots lang rin ba? Haha.. Okay lang yan.

      Actually parang medyo true yung first statement eh. Wahahah.. Joke lang ulit!

  4. Natawa ako dun sa sinabi mo about sa pagiging appreciative ng mga Pinoy. Haha!

    Nationality – kabansaan, kataumbansa, or loosely as “lahi”….

    At nabanggit pala ako dito…🙂 Well, isa sa mga nagustuhan ko sa mga entries mo is your candidness and honesty laced with sweetness…

    At dahil pinuri kita, excused na ako sa tag… Hahaha! Ang dami ko na talagang tag na hindi pa nasasagutan…🙂 For one, I always try to maintain my blog theme… I deviate only when I write about my passions and advocacies – like yung sa cancer awareness week, traveling (where the hell is matt), pencils of hope, Easter, etc…🙂

    1. Ay sige po. Okay lang naman kahit di gawin yung tag Cool. Walang problema. Sa totoo lang di ko rin masyado feel ang mga tags. Bago pa lang ako rito kaya medyo pinapatulan ko pa. Hehe..

      Haha.. Natawa ka ba? Na-imagine ko tuloy humalakhak ka sa part na yun. Wahahaha.. Salamat naman napatawa kita kahit konti.

      Ganda naman ng words na yun, candidness and honesty laced with sweetness. Parang gusto kong mahimatay bigla. Bihira po ang mga taong naiisip at nasasabi yung mga exact words and description ng kanilang interest. Katuwa ka.

  5. Kaka-shock na balita naman yan leche. DInugo ako muntik na ko makunan lolz. At bakit parang sobrang leyt ako..bunga ng kabagalan ng internet konekshun ko..haays eto ang napapala ko!

    Una salamat sa paggawa ng tag sis. Ahlabshu! Kakaiyak naman yang mga echos eklavus mo..hanube..basta totoong tao..sigurado marami ring totoong taong tatanggap sayo.

    Basta sa ilang buwan ng pagbablog at pagba-bloghop ko. Isa lang natutunan ko. Napakaboring at napaka-walang kwenta ng blogging kung walang mga kaibigang totoong nagbabasa ng post mo. Kahit nga sa milyong milyong nagbablog…kung meron isang magsasabi sayo ng “sis, okay ka lang..parang ang lungkot ng post mo? usap tayo” Diba kaka-toouched. There are people or friends who can read between the lines. At alam nila na hindi porket maloko, malantod at puro tawa ka..eh masaya ka.

    Yan ang benefit ng blogging na kindi ko kinakaila..kaya ang tag mo sa kin? sapakan na lang wahaha. Nagawa ko na kasi yan! Eto: http://romancinghelena.com/2008/12/tag-tag-mo-mukha-mo.html

    ~kaya yung edited na lang utang ko wahaha. salamat ulit sis! mwaaah..mahal na din kita!

    1. Huwaw naman sis! Napa-tulo laway talaga ako sa tag mo na yun. Promise! Tsk. Tsk.

      Alam mo totoo yung sinabi mo. May mga tao minsan na maiintindihan nila kung ano yung totoong nararamdaman mo sa post na yun tapos mag-initiate sila ng talk. Kakatuwa mga ganung kaibigan eh. Kilalang-kilala ka na kahit ano pang ngiti at paghalakhak ang gawin mo.

      Dahil nga rito, narealize ko, “No blog is an island.” Hahaha.. Pero ayos di ba? Swak na swak!

  6. ang haba pala ng pilik mata mo..hehe

    at pansin ko lang parang random topics itong entry mo na ito..o akala ko lang yun?hehe

  7. I’m glad to know that the “farewell” was just an April Fool’s stunt. 🙂

    Pareho pala tayong mahaba ang pilik-mata. Hahaha Tama na nga at baka mapagkamalan pa akong syoke dito. 😀

    Btw, regarding my previous comment, I apologize for mistaking your son for a daughter. It just goes to show that I’ve been where I am for way too long now. “Alex” here is short for Alexandra or Alexis and I’ve worked with quite a number of ladies with such nickname and name. I’m very sorry about that. Take care. 🙂

    1. Haha.. That’s okay po. Hihi.. Yeah. Most of Alex’s in the US are females. No wonder why.

      Talaga? Haba rin po eyelashes nyo? Haha.. Kaso sa akin parang kay Aloycius Snuffleupagus. ^_^

      What if that farewell is true? Naku paktay na. Haha..

  8. hahaha… may gut feel ako na joke ung canada. dalawang BF? haller? panu na si bossing mo? hehehe!

    ganda ng penmanship… at ang ganda ng haggard pic. panu pa kaya pag di haggard? hehehe!

      1. naman! pretty ka kahit haggard noh… at kahit natutulog. pwede mo palitan si aurora sa sleeping beauty🙂 i wish ganyan din itsura ko pag haggard at natutulog… kaso hindi! ang pangit! hehehe!

      2. Naku haylabshu na! Minsan lang yang ganyang itsura ko kapag natutulog sis. Mas madalas kung anu-anong pwesto. Minsan nga yata tumutulo pa laway ko eh! Wahahah.. Joke. Huli yatang nag-TL ako ay grade 4. Buti ngayon hindi na. Hahaha..

  9. Totoo yan sis, no blog indeed is an island. Ako din nung una; talagang deadma kahit walang nagbabasa, pero habang tumatagal at may pumapansin na, nakakaantig nga ng damdamin; dahil alam mong sa kahit anong posts mo eh may nakakarelate (hinde man lahat)

    Finally, nakakita na din ako ng fechur mo, weee, ang ganda ng skin! Anu gamit mo moisturizer??? At ang haba ng lashes! Levvet!

    Sorry nga pala sis at nalate na naman ako, as usual busy pag weekend, hihi.

    Nagawa ko na din yang fechur fechur na yan, hihi, eto o:
    http://joyceish.com/?p=578

    natats ako sa post na ‘to, ispisyal minshun hihi,

    Lablabs! *mwahhhh

    1. Na-tats ba kita? Sarap mo kasi i-tats. Waaaa.. Parang obscene yun ah. Hahah..

      Ay uu nga ano? December pa tong post na ito ah? Naku halatang batikang blogger ka na sis.

      Nisama lang talaga kita sa list para wala lang. Kasi labs kita. Ayos ba ang isipisyal minshun?

      Natawa ako dun sa moisturizer na tanong! Hahah.. Di ako gumagamit ng moisturizer daily pero pag may lakad ako yung Pond’s gamit ko. Actually puro Pond’s products ko. Togoinks.

  10. waaahhh.. super late na nmn komento ko… hahha

    fudaan lang sis, namiz ko kau uber..

    infairness, ganda nga ng teeth.. waaahhh..

    hindi ako naiinggit pramiz.. hahha..

    tama ka sis, wula sa ganda ng paggawa ng blog yun, bzta ba nagpapakatotoo ka, ayos na yun..

    hamishu na.. yngatz.. muahh.. muahh..

    1. Ay tama ka jan. Basta nagpapakatotoo at sincere sa mga sinasabi mas madaling makakuha ng loob ng mga readers. Ganda naman nun. May natutunan na naman ako sa iyo!

      Miss na miss ka na rin namin! Busyng busy ka yata sa lablayp mo lately eh kaya di ka makapag-blog hop at update noh? Yiheeee..

  11. haha, xmpre di ako naniwala.. una kc, di me naniniwala na may 2nd bf ka.. haha, di mo kaya yun nakwento ni minsan sa blog mo hahaha..anyway maganda ka pa rin kahit na walang suklay ^.^

  12. ayun at meron ka rin pala nito. hehehe! naku, mashado ng na-exploit ang ating mukha sis. napilitan tuloy akong lagyan ng expiration ang aking pektyurs at baka bukas nsa FHM na ko. aheks! hahaha!

  13. two boyfriends at the same time? awesome! i won’t be surprised if there’s a third one in waiting. haha.

    the pictures look great. pero parang dalawang tao. mukhang mas mabait yung nakapikit.

    1. Hahaha.. Natuwa naman ako dun sa third one waiting. Ekshuli marami nga po waiting eh. Wahahah..

      Ay ganyan po talaga. Mabait ako super kapag tulog. Makamandag kapag mulat. Laki kasi ng mata ko. Hahaha..

  14. kinabahan ako dun sa intro ah. kasi naman, may pa-sad farewell pang title, akala ko, kung ano na. hehe…

    sleeping beauty ka pala.ü ayoko sanang magcomment sa mga beauty ng mga bloggers pero di ko maiwasang matuwa sa picture mo habang tulog. ang ganda kasi ng lips mo dun.ü parang nasarap… uhhhmmm, tingnan.

    teka, baka kung ano pang masabi ko.ü
    God bless!

    1. Hahaha.. Natuwa naman ako sa comment mong ‘to Kuya Utoy. Lips ba? Aba.. Bago yun ah. Yun na lang ang hindi ko pa naririnig na comment sa picture na yan eh.

      Pareho pala tayo ng naisip nung nakita ko rin yung picture mo sa peysbuk. Parang angsarap.. Uhhmm.. Hahaha.. Joke po. Naku.. Haha..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s