Kuya Rev and Rome

Thank you Kuya Rev!Unang-una sa lahat, gusto ko sana humingi ng patawad kung napapaliban ako sa pagba-blog hop. Pakiramdam ko tuloy ang dami kong assignment na hindi nagawa tapos papasok kagad sa klase. Sadya lamang pong nagkasakit kaming mag-ina nitong Holy Week. Kumusta naman ang bakasyon di ba? Sa ngayon habang sinusulat ko to ay walang tigil ang ubo ko dahil sa kati ng lalamunan at pagtulo ng aking uhog na parang tubig sa aking labakara. Ngunit kailangan ko lang talaga i-blag ito para maipaabot kay Kuya Rev na natanggap ko na ang matagal ko ng hinihintay at para rin naman may bago kayong mabasa kung sakaling mapadpad ulit kayo rito.

Promise pag normal na ulit ang aking bodily functions (nakanang) ay susuyurin ko ulit ang mga posts nyo.

 

===========

Ako po ay isa sa mga pinagpalang nabiyayaan ng gift from Kuya Rev dahil sa simpleng pagsagot ng kanyang questionairre sa blog post nyang ito.

Kaninang umaga ay na-claim ko na finally yung package na pinadala ng ating isang bubutihing Kuya Rev na nasa Rome. Sobrang saya kong kinuha ito at hindi ko na ininda ang P35 na fee para lang ma-claim ang package. Ganito na yata talaga sa Makati ang lahat ng packages. Hindi nakakarating sa mismong pinto. Kailangna pang i-claim. Di ko alam kung ganun din sa ibang mga post office.

Anyway sa bahay ko na sya binuksan para naman mapaghandaan ko. At gaya nga nag inaasahan ko dahil nabasa ko na rin ito sa blog ni Joycee, at dahil na rin sa nakalagay na description sa package sticker, ito ay naglalaman ng cute na cute na key chain (sakto Kuya Rev dahil talagang nung isang araw ay naghahanap ako ng key chain para sa susi na isinurender ng kung sino man), isang 2010 calendar na sigurado ako magagamit ko dahil next year pa ito (mahirap siguro kung 2009 dahil nangalahati na ang taon kaya bilib talaga ako kay Kuya Rev), isang post card na signed ni Kuya Rev sa likod (ang ganda talaga ng sulat mo promise), at isang super mega over sa gandang scarf (maygulay Kuya Rev ang ganda talaga ng kulay na binigay mo sa akin). Sobrang ganda talaga ng quality nung scarf. Hindi naman talaga ako napapagamit pa ng scarf pero dahil kay Kuya Rev ay natutunan ko kung para saan ito at kung kailan dapat gamitin. Saktong-sakto to dahil magagamit ko sa work. “Ano say nyo? From Rome, Italy ito?” Yun yung mga words na sinasabi ng scarf ko dahil basang basa nila. Haha.. Ang cute!

Sayang lang talaga di ako masyado nakakuha ng maraming pictures dahil nagmamadali ako kanina. Pero salamat talaga Kuya Rev ulit sa iyong padala. Nakakatuwa na kahit sa ating mga mumunting paraan ay napapaabot natin ang atin concern sa isang taong napakalayo at hindi pa natin nakikita sa mata. Tats na tats talaga ako kung paano mo ni-print ang pangalan at address ko, nilagyan ng scotch tape ang address, sumulat ng isang personalized message sa post card, pumunta sa post office para ipadala at gumastos ng hindi maliit na halaga para lang makarating dito yun.

Gusto kong gayahin ang halimbawa ni Kuya Rev. Sana makapag-abot din ako ng aking pagkalinga sa mga taong malayo sa akin lalong lalo na sa mga malapit sa akin. Sakto lang ang kinalalagyan ni Kuya Rev ngayon. Alam kong busy ka pero gusto kong ipaabot sa iyo ang aking pagbati.

Sarap naman nito Kuya Rev!
Kuya Rev and his Gelato

HAPPY Nth BIRTHDAY KUYA REV!


Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

44 thoughts on “Kuya Rev and Rome”

  1. congrats sa atin! sa wakas natanggap mo na rin..

    may binayaran din ako..parang 35 nga.. hehe..nakalimutan ko na kasi kung magkano dahil ang mahalaga yung regalo🙂

    get well soon!

      1. thanks thanks sa pagwelcome. eto, medyo busy ako these days kaya di ako masyadong nakakadalaw sa blogosphere.

        ngayon ko lang napansin, magkaiba ng binigay si kuya rev sa yo kaysa kay FD.. tama ba?

      2. Mejo magkaparehas yata. Pero may scarf sa girls tapos sa guys iba rin. Hehe..

        Ako rin super busy. Kahiya na nga dahil di pa makalibot. Laging patulog na ako paguwi. Huhu..

        1. Naku kahit na. Napaka-sipag mo pa rin maglibot. Kakabilib ka. Hehe.. Salamat sa laging pagbisita rito. Nare-remind ako mag-check ng blog kapag nagkaka-comment ako. Sa YM na lang kasi ako nakaka-online these days ka-busyhan.

  2. Yehey congrats girl! Parehas tayu ng iskarp magkaiba lang ng kulang hehe.

    Kamusta na kayo ng bebe mo? I’m hoping and praying that you’ll both be well soon. wag muna intindihin ang tarnets ang mahalaga makapahinga..

    Godbless!🙂

    1. Hay salamat naman sis. Nakomport naman ako sa “wag muna intindihin ang tarnets ang mahalaga makapahinga.” Parang binigyan mo na ako ng excuse sa pag-absent ko sa Blog University Ma’am.

      Pareho ba? Ah talaga? Ganda rin ng color nung sa iyo di ba? Purple yata yun o lavender? Basta ang ganda ng scarf. Katuwa.

      1. Nakakadepress pag hinde ka nakaonline sa isang araw pero ibang usapan na pag health na ang argabyado diba??

        Parpol nga yung akin weeee ginagamit ko sya sa office.🙂

        1. Naku hindi pa nga sis eh. Wala kasi ako talaga makitang time. Pagkakauwi ko galing work dumederecho ako sa kung saan para mag-asikaso ng kung ano man. Iba-blog ko yun pag nagkaron ako ng time.

          Sa ngayon nagse-self medicate ako. Hehe.. Solmux lang para sa ubo. Hehe.. Kaso hindi talaga makapahinga pa ng mabuti dahil sa mga lakad lakad. Hahayz.. Sayang yung gamot. Hehe..

          Tats naman ako sis at natanong mo yan. Haylabshu na talaga.

          1. O wag masyadong mainlab! Baka masaktan lang kita..

            Pagamot ka sa doktora naten na may sakit sa puso este kakagaling lng sa sakit wehehehe mahirap yan self-medication ek ek..

            Pagaling pagaling pagaling!

  3. ok to ah! happy bday kay kuya rev at sempre mommy emi, kaka tats naman talaga na padalahan ka ng isang taong di mo naman pa nakikita sa mata ng isang souvenir na mapapakinabangan mo rin..hangad ko na lumawig pa ang inyong pagkakaibigan at ingat po lagi mommy emi..babay

  4. waw! ang generous naman ni Rev! Congrats emilayskie!

    At maraming-maraming salamat po! Nakarating ang iyong padala sa P.O. Box noong April 8. Hindi pa ako makapagpost tungkol dun dahil hindi pa nakukunan ng picture ang padala. Pakisabihan na lang po ako kung sakali lang na hindi mo nais na mag-include ako ng picture ng iyong padala. Salamat uli!

    Pagaling ka po.

    1. Wow salamat naman at nakuha mo na. Natakot ako na hindi makarating dahil hindi ko masyado napaghandaan yung balot nun. Baka kako mabura yung pentel pen na pinaglagyan ko ng address.

      Okay lang po mag-post tungkol doon. Hindi ko naman masyado gusto ng fame pero ayaw ko po kayo limitahan sa ganung bagay. Basta masaya na ako na nakuha mo na. Mas gusto ko makita ang mga ngiti ng mga batang makakatanggap nun. Hahaha..

  5. hindi ko maxado kilala si rev ^_^ pero sa lakas ng karisma nya sa inyo sa tancha ko e sobrang bait ng tao na yan😀

    o xaxa

    bb

    n

    poe😀

  6. swerte mo naman, bait nmn ni kuya rev, makiki-kuya na rin ako😛

    magpagaling kayong mag-ina at mahirap magkasakit sa panahon ng tag-init… lalo na pasok ka sa work at malamig. ingat ingat…

    1. Thank you po! Hanggang ngayon lakas pa rin ng ubo ko. Para akong may hika kapag inatake ng malakas na ubo. Kakainis. May luha-luha pa. Haha..

      Bait talaga yan si Kuya Rev. Kuya ng bayan. Hehe..

    1. Hehe.. Wag po mainggit. Baka next time kaw naman. ^_^

      Nabasa ko yung topexpress kanina sa work. Hindi ako maka-comment dahil patago ako nagbabasa. Teka makabalik na nga dun.

    1. Mishu na din sis! Talaga? Nakuha mo na rin? Hehe.. Bait ni Kuya Rev noh kaso di pa rin nya nababasa to.

      Okay na si baby mo kaso ako naman ang hindi okay. Haha.. Mag-isang linggo na tong ubo ko.

  7. i hope you’re ok na. pero ang galing! bihira ang mga nananalo sa mga contest na ganyan. next time, subukan mo ang lotto. baka manalo tayo. tayo? kasi, idea ko. haha!

      1. ay ako din i miss you na!
        mejo busy kase ako e… sa panlalalake! hahaha jowk!
        umuwi kase ko sa province mejo matagal ako walang internet access. ngayon andami natambak kaya pasingit-singit muna. hehehe.

        eto na ko ulet!😀

  8. wow! anyaman talaga ni rev.ü

    pero generoous talaga yang si jhoen, kaya sa ordination nyan, pupunta ako kasi baka mamigay ulit ng scarf. hehe… jokes lang, rev!

    congrats, layski! God bless.ü

    1. Wahaha.. Type mo rin ang scarf Kuya Utoy? Hahaha..

      Sad nga lang kasi hindi yata nabasa ni Kuya Rev itong post kong ito. Pero okay lang din dahil naiintindihan kong busy sya lately. I wonder how he’s doing.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s