Eight Things

Naku! Welcome back Emilay!

Tama ba yun? Ni-welcome ko yung sarili ko? Hahaha.. Ang tagal ko kasi nawala. Pasensya na po talaga mga friendly friends. Nagiging abala na nga ang lola nyo sa mga kung anik-anik na bagay at kaya ko gagawin ang tag na ito para ma-update ko naman po kayo sa mga susunod na kabanata ng buhay kong itech.

RULE?

Sagutan ang iba’t ibang categories.

 

8 THINGS I’M LOOKING FORWARD TO

1. Resignation – Yiheeeee! May 16 is my last day at work. I’m so happy. May halos 3 weeks pa ako magagamit para magbakasyon bago mag-umpisa ang pasukan.

2. Getaways – Magsu-Subic daw yata kami sa birthday ng kasama kong si work na si Rani. Yiheee. Subic again. I super love beaches, islands, seas, and oceans. Saya! Tapos meron pang isang tao jan na may utang pa sa akin ng isang beach getaway na baka gagawin din after ng resignation. I like it!

3. School – Nakupu kahit toxic ang subjects, school at professors ko lahat po yan ay titiisin ko na talaga promise maka-graduate lang! Hahaha.. Handang-handa na akong magsunog ulit ng kilay (buti naman may kilay pa ako) sa ngalan lang ni OBLEEEE!! Yahooo!

4. Graduation – Naku magka-iba talaga yang number 3 and number 4. Heksayted na talaga ako mag-toga tapos mag-picture picture! Pray talaga ako. Sana..

5. Wedding – Napa-advance bigla? Hahahayzz.. Alam ko mas maraming guys ang excited dito kesa sa akin pero naiisip ko talaga lumalaki na yung bossing ko at kailangan na ng stable na father figure. Naguguluhan na kasi sya sa lahat ng mga pinapakilala ko sa kanya! Hahahaha.. Pero promise lahat yata ng arrangements ng kasal ko ay ayos na eh. Ang problema na lang ay hindi pa rin ako nakakapili ng GROOM! Ay mali. Yun palang napili ko ay wala pa. T_T

6. SLR – Feeling ko mapapagawa ko na yung digital camera ko na nasira this week kaso gusto ko na talaga bumili ng SLR na camera. Kakainggit kasi si ano.. (alam ko nababasa mo to. LOL).

7. Condo – Makakabili rin ako nito balang araw. Sana malapit na. Hihi.. Gusto ko Condo muna para mura-mura pa. Tsaka na ako mangangarap ng bahay. Hehe..

8. Groom – Kung si AC sis na nag-tag sa akin nito ay naghahanap ng boyplen ako ibang level na ang hanap. Hahah.. Ayos ba sis? Tenchu nga pala sa pag-tag sis. Promise. Na-appreciate ko sya dahil biglang wala na akong maisip na i-post dahil sa samu’t saring pangyayari ngayon sa akin. Buti na lang may mga tag. Haha..

 

8 THINGS I DID YESTERDAY

1. Pumasok sa trabaho at nakipag-away, nakipag-sungitan, nakipag-bolahan at naki-TULONG din naman sa mga tumatawag sa telepono. Hihi..

2. Watched “Wolverine” movie with the guys and EHEM.. Masasabi ko lang sa kanya, este sa Wolverine, ang ganda talaga huh? In purness! Hindi ako na-disappoint. Siguro kapag sinipag ako gawa ako ribyu.

3. Ngumata ng maraming STREPSILS at lumagok ng maraming-maraming tubig para pigilan ang pag-ubo habang nasa movie house. Kakahiya naman kasi sa iba di ba? Hehe..

4. Bumili at ngumata ng assorted flavors ng jelly beans galing sa Candy Corner. Peborit ko ang Candy Corner mula first year college hanggang ngayon. Peborit ko naman ang jelly beans mula nung fourth year high school. Peborit ko naman ang sweets ever since the world began.

5. Nakipaglaro sa amo ko ng mga trumpong automatic at umiilaw na binili ko sa palengke. Tuwang-tuwa sya at dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas. Kapag nakita nya kasi ako um-exit, iiyak sya ng malakas. T_T

6. Nagpa-sweldo ng kapatid. Haha.. Nikontrata ko kasi yung bunso naming kapatid para maglaba para sa akin. Haha.. Napaka-busy ko na kasi at tinamad na maglaba. Natambak tuloy. Ang sipag ng kapatid ko basta bayad eh! Tapos hanap-hanap nya ako para maningil. Teka post ko nga picture nya rito para makaganti. Hahaha.. Sya nga rin pala yung nag-yayo sa amo ko nung Christmas vacation nung pangalawa kong yaya. Sya rin yung kapatid na nabanggit ko sa last post ko. Glenn name nya. ^_^ Harhar.. Eto yung mga pictures na kasama nya si amo ko, 1 week old and 21 months old.

alex-first-few-weeks-024resized1
Glenn, Our Youngest Brother
100_88061
Glenn and my Bossing

7. Bonding moment with EHEM.. Period.

8. Kumahol ng kumahol. Hanggang ngayon po talaga ay di pa rin matigil-tigil ang ubo ko. Isang buwan na sya. O di ba pati ubo nagmo-monthsary? Di ko pa rin binili yung huling prescription ng doctor na nag-check sa akin sa Maxicare. Mag-vitamin C daw at Co-Aleva (betamethosane, ebastine) raw kasi ako. Steroid sya. Gusto ko magpa-second opinion sa ENT doctor ko ulit sa Healthway sa Market2.

 

8 THINGS I WISH I COULD DO

1. Travel the world.

2. Reach the moon.

3. Perform in a live concert.

4. Play the violin.

5. Sing “Ikaw” by Regine Velasquez in my wedding reception.

6. Sing a duet song with Sandstorm in anybody’s wedding reception.

7. Dance again.

8. Establish my own Pre-school and teach.

 

8 SHOWS I WATCH

I don’t really watch television shows or programs that much. Lista ko na lang siguro mga Anime na peborit ko.

1. Nodame Cantabile

2. Bokura Ga Ita

3. Itazura Na Kiss

4. Nana

5. Honey and Clover

6. Fruits Basket

7. Vampire Knight

8. La Corda D’oro

 

8 PEOPLE I TAG

1. Joycee

2. Heleyna

3. Nortehanon

4. Winkie

5. Ax

6. Payatot

7. Epfi

8. Flamindevil

Yehey natapos din! May isa pang award na binigay sa akin si AC sis pero hindi ko na muna ipapasa sis. Tenchu po sa award na ito. You always make me feel loved. Labshu! ^_^

bloggerfriendshipaward2

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

73 thoughts on “Eight Things”

        1. ah. ayos yan! ako, planning to resign na rin sa work ko. not happy any more. im not growing there.

          apply mode muna ako the next few weeks!

        2. Ay tama yan Ax. Kapag wala ng growth time to quit na. Hihi..

          Goodluck sa pag-apply mo po! Sana makahanap ka kaagad ng company na makaka-meet ng needs mo. ^_^

          1. hehe parehas pala tayo nito, ako planning to resign na rin kasi may chance to continue my studies and work at the same time… kapagod talaga call center.. ako since incoming 3rd year college til now na graduate na ko. perhaps its time to move on..

            cute talaga ni pareng alex! Pagaling ka po… baka allergies yan at di lang basta ubo.

          2. Yun nga po ang sabi ng doctor kaya anti-histamine ang unang pinainom sa akin eh.

            Buti naman at back to school ka na rin. Pareho pala tayo Basti. Hehe.. At tama ka jan. Kapagod din talaga ang call center. Maygulay. Di ko nga akalaing tatagal ako sa ganitong klaseng work. Hihi..

            Pero eto nag-survive naman. After nito di na ako babalik. Harhar..

  1. sya na ba yung ehem mommy emi? aba ok nga sya..magaling ka ata pipili ano;? teka mag reresign ka na ba sa work mo? totoo ba yun? sana gumaling na rin ubo mo para wala ng sagabal sayo..ang hirap ba naman umubo lalo sa work mo

    1. Naku mukhang hindi mo binasa ng mabuti Kuya Payatot ah. Hehe.. Hindi po sya si EHEM.. LOL. Kapatid ko po yan.

      Opo, re-resign na po ako. Sana nga po gumaling na. Salamat po sa pagdalaw! ^_^

  2. na TAG ako!!!
    utang na naman to

    ate emilayskie
    utang muna to ah
    pwede?

    pero gagawin ko to promise
    thanks sa pag tag
    mwahugs

  3. welcome back, same here.. ngayon lang din me bumalik harhar.. :0 wow exciting subic.. love that place..

    bakit condo pa? pwede naman house and lot hehehe..🙂

    1. Condo para malapit sa office area kung magwo-work pa ako pero kung magiging plain house wife ako sige malaking house and lot. Wahahah..

      Subic nga eh. Lapit na. ^_^

  4. yey! back to school ka? if so, yehey! nice one! galingan mo iska! hihi..😉

    btw, salamat nga din ako kay enjoy sa pag-tag sa kin eh. masyado kase malungkot ngayon sa bahay ko. sa pag-tag nya sa akin nito biglang naging masaya ulit. hahaha!😀

    lam mo, i tried teaching na din before kase after i finished my degree.. nagstart ako sa educ naman ng post grad.. kaso ayun… nagkaroon ng offer sa corporate world kaya nag-iba landas ng career ko. fulfilling naman ang teaching job, yun lang kelangan matinding patience at lakas ng loob kase matinding responsibilidad. lalo na pag nagtayo ka ng preschool mo. hehehe. yung mga barakda ko ayun natuloy sila sa pagiging teacher, at ngayon matatapos na nila ang masteral nila sa sa SpEd..

    at ako eto, huwarang nilalang pa din naman… ng mga matatandang siraulo hahahah jooooke!😆

    1. Wahaha.. Ano ka ba sis? Okay lang yang nasa corporate world ka. Basta kumikitang kabuhayan swak na swak! Hahah..

      Hindi nga nga raw tayo iska dahil ang mahal na ng tuition sis. P1500 per unit na! Di ko lang alam kung mag-apply sa akin dahil old student number pa ako. Wahaha.. Check ko ulit pagbalik ko.

      Naku kahapon at ngayon balik balik ako sa school grabeh tapos derecho work! Buhay pa ako di ba? Walang tulugan! Hahaha.. Di bale kaya ko to. Konting tiis na lang. Hihi..

      Alam mo gusto ko magturo kasi ang gandang trabaho nya kapag retiring ka na di ba? Hihi.. Pero kapag bata ka pa mas maganda kapag malaking kita. Nyahaha..

  5. at take note ateh: di pa ko looking forward sa GROOM dahil matinong boyplen nga wala ako eh. yun na lang muna.. you know.. get to know each other kyeme.. nakow umeechos echos pa ko.. hahaha.. feeling bagets! harhar!😆

    ahhh pero totoo yun. at sana di na ulit malungkot ang blog ko. hehe.🙂

    salamat!🙂

    1. Naku sis hindi na yan lulungkot dahil in the process na ako ng paghanap ng boyplen para sa iyo. Kapag may nakita talaga ako matino bigay ko blog site, peysbuk, at multiply mo. Hahahaa..

      1. yey!!! hihintayin ko talaga yan! wahahahahhahahahah!😆 nakow lumalabas pagakahitad ko haha.😆

        onga daw, mahal na nga daw tuition. buti na lang di ako naabutan (ang tanda ko na! haha!)😆

        yung mga barkada ko enjoy na enjoy sila sa pagtuturo. mejo maliit lang kinikita nila pero andami naman perks. tsaka fulfilling daw talaga. ako nagagamit ko naman sya dati sa mga NGOs at volunteer works.. dun pwede mapractice ang aking teaching skills, kung meron man. haha!😀

      2. Ay tama ka jan sis. Maliit sahod sa teaching pero fulfilling talaga. Matagal ko na nga gusto maging titser. Hihi.. Tutuparin ko talaga ang pangarap na yan promise. Haha..

        Ay sige sis. Nasa work ako ngayon at naghahanap ng guy for you. Hmm.. Sino kaya? Ini-mini-mayni-mu.

  6. welcome back! i thought i was missing something. now i know what that was.

    sa wakas, matutuloy na uli ang naudlot na pag-aaral. it’s never too late. are you working for your ged? 😦

    1. Thank you po! Uu nga po. It’s never too late for education. Sana nga matapos na. GED po ba you mean education units? Hindi pa po eh. Finish ko muna yung bachelors tapos try ko po yun.

      Salamat po sa pagbalik dito Mr. Plaridel! Musta po ang bakasyon nyo? ^^

      1. ged as in general equivalency development certificate which is equivalent to a high school diploma. it was meant as a joke, but it didn’t come across as such. as a result, the joke was on me. haha!

        what vacation? perhaps you missed reading my post traveling in the time of diarrhea.

      2. Ay.. Yun pala yun. Haha.. Sorry po. Ang slow ko. Pero first time ko sya narinig promise. ^_^

        Ay opo. Nabasa ko po yun. Nawala na sa isip ko. Tumatak sa utak ko yung post nyo tungkol sa washing machine na nangangain ng medyas. Hehe..

  7. Anlakas ng kutob ko, matatag ako wahahaha!

    Magreresign ka na pala, para sa school, naku makapagblog ka pa kaya? Sigurado ko, hinde mo kame matitiis noh!

    May ubo ka pa din? Grabe waaah, tas tag-ulan na tsk!

    Goodluck sa mga plano mo sis! Lalo na sa SLR, sa condo, studies, wedding lols.

    Thank you po sa tag. *mwahugggs*

    gagawen ko yan syempre, eh kaso kakapost ko lang nyahahaha.

    Godbless!

    1. Naku sigurado sis hindi ko kayo matitiis at ia-update ko pa rin tong blog ko in the middle. Kaso baka mga programming codes na lang ang i-post ko bigla dito habang natutulog akong nagta-type? Katakot! Hahaha..

      Ubo pa rin sis. Love na love ako ng mga plema sa lalamunan na hindi matanggal tanggal. No time bumalik sa doctor dahil ang dami kong niaasikaso. Kapagod.

      Nabasa ko nga last post mo sis. Saka mo na gawin pag pwede isingit. Basta lagi lang kita naaalala kapag ganyang mga tag dahil ang sipag mo mag-post. Hihi.. Haylabshu! So much..

      1. katakot sis pag yun ang pinost mu hehe! scary!!

        nyemas na ubo yan, papray-over mu para magsilayas na sila!

        Thank you sis!!! Haylabyuuu wag mu kame kakalimutan pag school mode ka na *mwahuggs*

      2. Hahaha.. Uu nga. Katakot yung ganong post. Sige I’ll try not to.

        Mejo hindi na sya masyado malala sis. Hindi na ako naluluha kakaubo pagkagising ko. Konti-konti na lang tapos may plema na sya. Hindi na malagkit. Mas masarap yung ubo na pumuputok eh kesa yung hindi matanggal tanggal na plema. Kainis talaga yun!

        Uu naman syempre hindi ko kakalimutang dumalaw sa iyong napaka-welcoming na bahay tuwing may time ako. Tenchu po sa laging pagdalaw rito. Halabshu na..

  8. haha napansin ko si kuya efpi madalas umutang singilin mo na ate hehe..:)ang dami ng tag nun ah..
    wow island hopping ang saya gusto ko din nyan..
    condo hmmm pwede na din..before ang bahay..
    mahilig ka pala sa anime ate..ako sa japanese telenovela naman hehe…:)woot
    cute ni ehem oh..

    1. Japanese telenovela ba? Hmmm.. Hindi ko nga type yung ginawa nilang Nodame Cantabile eh. Kainis. Pero pwede na. Basta cute pa rin anime. Hihi.. Tapos fresh na fresh yung comedy. ^_^

      Hindi po yan si Ehem. Haha.. Kapatid ko po yan!

  9. woot woot🙂 Welkam bak Milay( ayan binati kita ha?)

    ang saya saya naman ng iyong otso otso pati yung resignation ah.. para bang nabunutan ng tinik eh..

    napanood ko rin wolverine.. oki!

    1. Thank you po Sandi! Uu sarap talaga. Para talagang nabunutan ng napakalaking tinik kapag nagre-resign. Hahaha..

      Ganda po ng Wolverine noh? Hihi.. Want to see it again. ^^

  10. Dumaan lang po ako uli para batiin ang nanay ng bossing mo ng Happy Mother’s Day!😉 I can see how great you are as a mom, Emilayskie. Keep it up. Your son will forever remember everything that you are doing for him. He is so blessed to have you for a mom.

  11. Huy ang saya naman ng mga nilu-look forward mo na yan. Imagine may school, graduation and WEDDING!?? Huwaw!

    Haays buti ka pa, ako deds na deds ako dyan kay Wolverine pero hanggang ngayon di ko pa rin napapanood. Wala naman kasing boylet na nagyayaya. {weh di nga?}😛

    Sis pa-check up ulit ang ubo…one month is baka something else na. {wag naman sana} Bakit nga pala sa ENT ka pacheck-up sis?

    Namiss kita! Pasensya na din kung matagal di nakadalaw, medyo busy lang. Salamat sa tag, may bago na naman akong pagpupuyatan. Mwa Mwa…sa inyong dalawa ni bosing!

    1. Walang problema sa tag sis. Kahit utang pwedeng-pwede. Hehe..

      Ang ganda talaga ng Wolverine. Ang wafu nya at in perness nabilib ako sa lahat ng aking nasaksihan. Sis wag mo na intayin ang boylet magyaya. Ikaw na tapos sabihin mo libre ka hahahahah.. Joke! Kala mo ko kaya kong gawin yun eh noh?

      Okay na po yung ubo ko sa wakas. Wala na sya. Paunti-unting cough na lang pero hindi katulad ng dati. Improving. ^^

      Wedding talaga sis noh? Hahaha.. Kaso long term goal pa yata yun. Haha.. Labo eh.

  12. naku, kung ginie lang ako eh napagbigyan na kita sa kahilingan mo. pero syempre, three wishes lang. hehe…

    di ko alam lahat ng animé na sinabi mo. nakakahiya ako.

    speaking of singing “Ikaw” on weddings, dalawang kabarkada ko, they sang Ikaw for their brides habang nagmamarcha papuntang altar. both brides (two different weddings syempre), bago makarating sa altar eh nawala na ang poise at nasira na ang makeup sa kakaiyak. masyadong natouched. hehe…

    God bless!

    1. Waaaaaa.. Nakakatouch naman talaga yun Kuya Utoy eh. Huhu… Kung sa akin siguro ginawa yun maygulay di na ako magme-make up dahil sigurado ubos kagad yun kakaluha. Waa…
      Teka. Di pa ako maka-recover sa pag-imagine. Parang ako rin napapaluha na ngayon. Hahaha..
      Sige po. Kung three wishes lang kahit yung 1, 5 and 8 na lang muna. Harhar..
      Kahit di ka na manood ng anime Kuya Utoy. Sigurado sa schedule mo mahihirapan kang isingit yun. Hihi..

  13. Milay, pasensiya na ngayon lang uli ako nakadalaw…

    Naku wish mo palang mag-upgrade na to DSLR… I-wish nating pareho para mas powerful… Hehehe…

    Stay happy and hopeful kapatid…

    1. Opo. Super wish ko yun eh. Sige sabay po tayong mag-wish at mag-pray. Hahaha..

      Na-miss po kita Mr coolwater! Sensya rin po di ako maka-blog hop. Huhu.. Ka-busy-busyhan po. T__T

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s