Mother’s Day Special

Napakasarap talaga ng pakiramdam kapag binabati ng Happy Mother’s Day tuwing darating ang okasyon na ito. Mas lalo ko lamang naintindihan ang totoong kahulugan ng mga salitang ito nung ako mismo ay naging ina.

Naalala ko tuloy ng mga panahong bata pa ako, kinakantahan namin lagi ang aming mga nanay sa church tuwing Mother’s Day, binibigyan ng flowers at cards na may I love you na nakasulat. Napaka-iyakin pa naman ng nanay ko. Hindi pwedeng hindi sya maluluha sa mga bagay na nakaka-touch or nakaka-inspire sa kanya. Naka-automatic yata ang kanyang tear glands sa mga ganoong pagkakataon.

Mommy with my bossing at 4 weeks
Mommy with my bossing at 4 weeks

Si Mommy ay isang walang kamatayang “stage mother.” Hindi pwedeng hindi nya ipi-prisinta ang kanyang mga anak sa mga kung anik-anik na programs at presentations. Lagi na lang lalapit sa akin “Anak dali kanta ka raw dito sa ganitong program” o kaya “Anak sayaw kayo nina ate mo dun sa kabilang kalye.” Mas madalas ko marinig sa kanya “Anak sali ka dito sa singing contest dahil malaki yung premyo.” Kapag nakakapag-uwi namana ko ng cash prizes ay kakapurik lang minsan ang nararamdaman ko. Hehe.. Pero siguro grateful lang talaga ang nanay ko na ang kanyang mga anak ay biniyayaan ng iba’it ibang talento at sinisigurado nya lagi na maishe-share ang mga iyon sa iba. Lagi nyang sinasabi “Sige anak kapag hindi mo ni-share yan babawiin yang talent sa iyo ni God.” Medyo ayaw ko namang mawala yung talento kaya nauuto pa ako hanggang first year high school kaso nung tumatanda na kami lalo na kaming naiilang at nahihiya.

Naging napakalaking suliranin ng aming pamilya ang kaperahan pero hindi ko pa rin makakalimutan kung paano pinilit ni Mama na i-survive ang aming pag-aaral. Si Mama yung nanay na hindi nawawalan ng paraan para makahanap ng pangbaon sa amin sa pagpasok sa eskwela. Yun siguro ang isa sa mga napakaraming bagay na pinapasalamat ko sa kanya. Kahit maraming pagkakataon na kinailangan naming tumigil ng pag-aaral ay hindi pa rin sya sumuko at hindi pumayag na tumigil kami.

Maraming mga kahinaan din ang aking ina pero ang masasabi ko lang ay sa likod ng mga kahinaang iyon, humahanga ako sa kanya dahil hindi pa rin nya nakakalimutang manalig sa taas at bumangon para ipagpatuloy ang hamon ng buhay.

Mommy, (alam ko mababasa mo ito dahil ipapabasa ko rin naman eh hehe) thank you po sa pag-anak mo sa akin sa mundong ito. Alam na alam ko kung paanong hirap ang dinanas mo sa pagluwal sa akin at aking mga kapatid. Salamat sa pagbuwis mo ng iyong buhay at pagukol ng iyong buong buhay sa pagpapalaki sa amin ng maayos at pagtuturo ng mga bagay na dapat naming matutunan. Salamat sa paghila mo sa amin sa simbahan tuwing linggo noong kami’y mga bata pa kung saan ko natutunan magpahalaga ng ispiritwalidad at kung paano maging mabuting tao sa aking kapwa.

Walang isang milyong salita ang makakapaglarawan ng pagmamahal ko sa inyo. Tandaan nyo po na kahit ano pa ang pinagdaanan ko ay hinding-hindi ko makakalimutan ang mga bagay na tinuro mo sa aming magkakapatid. Mahal ka po namin.

Happy Mother’s Day Ma! ^_^

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

49 thoughts on “Mother’s Day Special”

        1. Hahaha.. Pati si Ax din. Haha.. Naku super pretty yan si Mama nung dalaga sya. Ganda pa ng skin kaso di naman pinamana sa akin. Kainis. Nagsariling sikap pa tuloy ako sa balat ko. Wahahah..

  1. happy mother’s day sayo at sa mommy mo tita emi, masarap magkaroon ng isang mommy na alam mong andyan lang sila palagi sayo para gabayan at subaybayan ka sa lahat ng iyong laban sa buhay..siguro pag malaki na rin si alex mo tiyak ko na ganun din ang gagawin mo sa kanya para maging matatag din sya sa lahat ng pagsubok na pagdadaanan nya bilang isang tao..

    nga pala may tribute ako sayo dun sa site ko puntahan mo na lang ha..!ingat lagi at god bless

    1. Ay sige po. Thank you po Kuya Payatot. Bisitahin kita. Now na.

      Tama po kayo. Maswerte po tayong lahat sa lahat ng mga naging nanay natin dahil sa lahat ng mga bagay na itinuro at isinakripisyo nila para sa atin.

  2. Happy belated Mother’s day sa’yo Emilayskie gayun din sa iyong mama. Huli man daw at magaling ay naihahabol din. Sensya na po at ngayon lang ulit nakadalaw dahil medyo bisi-bisihan ang mode ko๐Ÿ™‚

    1. Thank you po sa pagdalaw Enjoy. Okay lang kahit busy-busyhan. Pareho lang po tayo. Hihi.. Sensya rin di ako makapag-blog hop. Ubos oras talaga.

      Di bale malapit na ako mag-resign. Matututukan ko na rin to. Hehe..

  3. uy, ang laki ng kasalanan ko sa’yo. ngayon lang ako nakadalaw! i am on job hunting mode kase! ngayon lang ako nagkaroon ng time to blog hop! kamusta?!

    sorry, late din! happy mother’s day to all moms out there! i treat my mom a cake last sunday! hehe.

    and, ow, happy mother’s day to you.

    1. Nyeh ano ka ba? Kasalanan ba yun? Hahaha.. Pano naman ang kasalanan ko sa iyo at sa iba pang nasa blog roll ko? Hahaha.. Kung kasalanan siguro yung hindi pagdalaw nakupu makakarating ako impiyerno. Wahaha..

      Naku job hunting ka na? Ayos yan! Pero hindi ka pa nag-resign di ba?

      Wow cake. Ako sa 15 ko libre si Mama at family. Birthday kasi nya.

      1. yup, yup. di pa ako resign. search search muna, pag meron na, ill pass my resignation letter..! huwaw, 2 days from now na yung treat mo!

        sige, sige. treat mo lang ng: caviar at iba pang mahihirap bigkasin na pangalan ng food!

    1. Thank you po Kuya Utoy.

      Alam mo Kuya Utoy touched na touched ako sa backreading mo. Pakiramdam ko isa akong palaboy sa kalsada na nilimusan mo, pinakain at pinaliguan (ay may ganun?).

      Eh basta na-overwhelm ako nung nakita ko mga comments mo Kuya Utoy. Star truck sobra. Thank you po talaga. Aym sow tats agen.

  4. Awww this is super touching! Andameng similarities ng nanay naten, yung tipong bilib na bilib sayo kahet sintunado ang boses mo, at yung gagawa at gagawa ng paraan makapasok lang sa school ang mga anak.

    Sorry I’m late Ate, di ako nakakabloghop these days, pero happy mother’s day sa’yo at sa mama mo, hinde belated kase everyday should be mother’s day..

    lablab,
    joycee

    ps
    ginawa ko na pala yung tag mo
    http://joyceish.com/?p=1373

    1. Ay thank you sis! Sorry delayed na tong mga reply ko. Naku.. Busy talaga. Sige bisitahin kita sa bahay mo. Now na.

      Tama ka sa sinabi mo about our mothers. Pare-pareho ang mga katangian nilang positive halos. Lahat ng nakakabuti para sa atin ganun ang gagawin nila. Super belated happy mother’s day din sa iyong mommy!

  5. belated ate sa inyo ni mommy ko hehe..
    hawig nga kayo ate..lalo na ang smile..:)
    iba talaga po kapag nanay na ang pinag uusapan..saka iyakin talaga ang ibang nanay kapag nakaka appreciate ng mga things sa mga anak nila..

    1. Uu nga. Marami akong mga nanay na iyakin na kilala. Isa na ako run! Hahaha..

      Iba kasi kapag motherhood and parenthood ang pinag-uusapan. Kakaluha sa sobrang touching. ^^

      Naku kambal talaga kami nyan ni Mama. Mas beautiful lang sya ng konti sa akin dahil maganda ang kanyang skin. Hihi..

  6. your mOm is really a great person! I think all of our mother’s are having the same instinct. They always care for the family.. So HAPPY MOTHERS DAY TO ALL..๐Ÿ™‚

  7. hala super late na tong pagbati ko pero still HAPPY MOMSIE DAY sayo sistah..pero alam mo i still cnt believe na momy ka na rin pala..uu nga pwamis akala ko talaga dalaga ka pa hindi kase halata{inggit mode}…ahehehe^^

    god bless and ingatz^^

  8. Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin…

    Kaya, hinhabol ko na greeting ko: Belated Happy Mother’s Day to you and to your mom…

    Kungsabagay, arbitrary lang naman ang araw na inilalaan para sa mga ina… Dapat talaga araw araw… kasi araw silang nagmamahal at nagsasakripisyo…๐Ÿ™‚

    I honor you for celebrating your motherhood as well as your mother’s.

    1. Thank you po Mr coolwater! Uu nga. Dapat araw-araw mother’s day. Harhar.. Sarap talaga ng feeling hihi..

      Kahit super huli na yan po swak na swak pa yan! Hihi.. Salamat po talaga.

  9. Sorry sila ng sorry eh ako nga tong super late na ahehe. Sensya na sis ah. Kakaiba pala mommy mo sis, no wonder ganyan ka din kay bosing. May point nga naman sya dun sa talent na kelangan i-share. So kelan ba namin maririnig ang boses mo? weeheee

    Belated happy mom’s day sa inyong dalawa! At nga pala nagawa ko na yung tag mo..ala ng utang. mwaaah!

    http://romancinghelena.com/2009/05/eight-below.html

    1. Ay thank you sa tag sis. Bait bait mo talaga. Super byutipul pa!

      Ako rin mag-sorry kasi sobrang late na ang reply ko at greeting. Happy mom’s day sa mommy mo! Haha.. Na-miss ko na bahay mo. Teka.. Waaaa.. La na ako oras mag-blog hop. Gawin ko talaga pagbalik ko. T__T

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s