Smart Bro: The Evolution of Smart Broke

SmartBroTutal Pinoy Service naman ito ay tatagalugin ko na.

Sa ngayon ay pinipilit ko talagang mag-type ng napakabilis. Hindi ko kasi alam kung hanggang ilang minuto pa tatagal ang connection na ito. Sa mga nakaraang araw ito na siguro ang pinakamatagal kong nanatiling online. Let’s celebrate!

February last year noong una akong nag-subscribe sa SmartBro at masasabi ko talaga na super satisfied ako noon sa dati kong tinitirahan sa Mandaluyong. Walang disconnection at sobrang bilis talaga ng connection. Bakit? Dahil katapat lang ng apartment building namin yung tower nila. Swerte di ba? Tuwing mawawalan ako ng connection ay mag-power cycle lang ako–shut computer down, unplug cables, etc, power back on–at lagi na syang magwo-work.

Kinailangan kong lumipat ulit sa Makati kung saan mas malapit ang aking pinagtatrabahuhan at kung saan mas mura ang lilipatan. Pina-relocate ko rin ang aking SmartBro connection, kung natatandaan ninyo ang post kong ito, at na-set naman ang aking expectations ng maayos. Sabi ni manong contractor, malayo raw kami sa tower at may nakaharang na napakalaking puno ng mangga na syang magiging sanhi ng aming lag at disconnection. Tinanong ako kung gusto ko raw magpa-extend ng antenna worth P498 para sure na hindi magkakaroon ng problema sa connection. Sabi ko i-observe ko na muna at baka gumagana naman.

At ganun na nga. Gumana si SmartBroke ng halos limang buwan din. Lag kung minsan sa aking mga online games pero understandable at kapag nadi-disconnect ay naiintindihan ko at marunong din naman akong mag-troubleshoot mag-isa. Ayaw ko kasi tumatawag sa mga hotline nila ng madalas dahil mabu-buwisit ka lang eh. At tsaka dagdag sa pahinga na rin nila yun. Ganoon din naman ang work ko dati so naiintindihan ko rin sila at some point.

Kaso ito talagang nakaraang buwan ay hindi na ako pinahinga ng maluwag ng SmartBroke. Simula noong pumasok ang buwan ng Mayo ay dere-derecho ang lag ko hanggang sa madi-disconnect sya, mapa-browsing, online gaming, etc etc. Dati tumatagal pa ako ng mga ilang oras bago ma-disconnect. Maniwala kayo sa hindi, simula noong linggo ay hindi na talaga ako maka-connect ng mas matagal pa sa isang minuto! Tama po! Minsan kaka-open pa lang ng browser tapos isang click pa lang, madi-disconnect na sya. Kumusta naman di ba? Dahil nga sa SmartBroke ay nakatipid na ako ng kuryente. To lessen the frustration, I just don’t turn the computer on at all! Kaso kailangan minsan kapag nagre-request na si bossing ng “Mommy! Cars!”

Hindi naman ako madaling magalit sa mga ganung bagay. Ang nakaka-init lang talaga ng ulo ay yung pinangakuan akong tatawag sila within 24 hours dahil wala raw ma-pull up na contractor sa location ko, ek ek. Hintay ako 24-48 hours pa. Walang tumawag! Tawag ulit ako, nakalagay daw dun ay PHONE UNATTENDED! Sabi ko sa kanila “Bakit kayo gumagawa ng false records jan? Wala akong natatanggap na tawag kahit kailan. Hindi rin namatay ang phone ko dahil lagi ko china-charge ito bago pa mag-low bat. At sigurado rin akong hindi nawawalan ng signal sa bahay ko.” Maygulay. Bad yun. Bawal magsinungaling.

Tawag ulit ako di ba? Sabi naman ni Ginger ay may tatawag daw within TWO HOURS na galing sa support team. Hintay ulit ako ng 24 hours at wala pa ring tumawag. Pagtawag ko ulit, nakalagay daw ulit sa records ay NO ANSWER! Hahaha.. Galing talaga nila magpalusot noh? Kahit i-check ang missed calls ko ay walang maga-appear na kahit anong tawag dahil walang tumatawag sa akin. Hahaha..

Ang bait ko pa naman kapag nasa phone. Yung huling tawag ko ay napa-sungit mode na rin talaga ako dahil sa kainisan eh. Mabuti naman at inasikaso na ako nung huling customer care rep. Umabot na kami hanggang sa pag-schedule ng technician na pupunta rito bukas at 2PM.

O da vah? Sigurado naman ako magtatatawag na naman ako sa kanila dahil hindi na naman sila pupunta sa tamang oras or sa tamang araw pero medyo masaya na ako kahit papaano dahil may inaasahan na akong pupunta.

Kahit ano man mangyari bukas ay okay na ako. It’s either I would cancel the service and look for another or have the antenna extended to improve the connection. Eto lang siguro ang morale ng story–In every location there is always one ISP that would SUCK and one that would EXCEL. Tayo na bahala mag-identify kung sino sila! Hahaha..

Oh my gas. I-congratulate nyo ako dahil hindi pa rin ako nadi-disconnect until now! Oh my gulay! This is the first and longest time in weeks! Yehey!

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

49 thoughts on “Smart Bro: The Evolution of Smart Broke”

  1. wow, eto na naman tayo mommy emi..natandaan ko yung post mo about dito nga sa smartbroke na ito at nag post din ako dahil laging wala akong connection noon sa net…

    nakakabanas ano pero wala tayo magagawa kundi siguro nga ay maghintay o maghanap na lang ng ibang ISP dahil di na talaga sya ganun katindi gumana ayon na rin sa wento mo…

    ang masakit pa nito ay ang mga kasinungalingan nila na inilalagay sa record book di ba? minsan kakaasar na rin pero sabi mo nga ay naiiintindihan mo rin sila dahil galing ka sa work na ganun siguro ay mali lang ang paraan nila ng pagharap sa problema..

    ako naman, ang net ko ay matatapos sa june 12, araw pa ng kalayaan sana nga lumaya na rin ako..hehehehe…di na ako mag rerenew dahil lilipat na talaga ako sa malakas at walang duda na pede kahit saan lugar..alam mo na yon kung saan ISP…

    1. Hehe.. Ako po matagal nang natapos ang contract sa kanila kaya anytime pwede na ako mag-cancel. Kaso ni-extend ko lang kasi gumagana pa naman. Tingnan ko po kung anong mangyayari. Sana maging maayos na. Kakatamad din kasi maghintay ng mga pagkakabit ng mga ISP. Sigurado matatagalan pa mga yan.

  2. Milay, di ko lang maintindihan bakit kailangang i-inform mo ang Smart when you transferred. I thought the concept of Smart Bro was for wireless internet, basically mobile internet service… Dapit maski saan, pwede ka magkonek without telling them kung nasaan ka…

    Anyways, napaisip tuloy ako… I am planning to buy a laptop in the coming months and I was trying to decide kung ano ang pipiliin: Smart Bro or Globe Tattoo….

    1. Ay Mr. Cool kasi iba po yung SmartBro sa SmartBro Prepaid. Yun pong prepaid carry mo sya anywhere. Yung plain SmartBro Plan 999 po ay may kasama pong malaking antenna po yun na kinakabit sa bubong ng bahay ninyo. Kahit po ilipat mo mag-isa yung antenna, kailangan pa rin iyong isetup ng tech nila para makakuha ng signal sa pinakamalapit na smart tower. Gets nyo po?

      Siguro kapag nagka-laptop nga ako ay mag Globe Tattoo ako pero mukhang matatagalan pa yun. Sana malapit na. ^_^

      1. naku mommy emi mas ok nga ata ang may laptop dahil plano ko na ibenta na lang tong pc ko at dagdagan na lang ulit para makabili ng laptop…may nakita ako na laptop yung acer aspire one sa amazon ata yon at us$ 297.00 lang sya ibig sabihin mas mura kesa sa mga tindahan sa mall…

  3. yang SmartBroke lagi ko kaaway sa telepono. E alam mo naman sis diba wala akong pasensya sa mga ganyan. Haha! Nagkaroon kase ng time na halos isang linggo ako walang internet. Ay day, inaway ko talaga sya.. kase ipasa-pasa ka ba naman ng walang solusyon.. sabi ko binabayaran di naman nagagamit. Nireverse tuloy yung payment ko. Ahihihi..

    Sorry ha, alam ko nasa call center ka. Pero kase minsan di ko mapigilan mainis lalo na pag ginawa kang bola ipapasa-pasa ka ng paulit2 na walang pinatutunguhan. hehe

    1. Wow talaga? Ni-reverse yung payment? Magawa nga rin yan. Hahaha.. Sige pagkaayos nila ng connection magpapa-reverse payment din ako. Hahaha..

      Okay lang yun noh! Sanay na kaya kami sa irate callers. Para kaming hindi nag-agahan kapag wala nun. Hahaha..

  4. pa extend ka na kasi ng antenna..hehe

    ‘Ayaw ko kasi tumatawag sa mga hotline nila ng madalas dahil mabu-buwisit ka lang eh. At tsaka dagdag sa pahinga na rin nila yun. ‘

    bait mo naman.sana ganyan lahat ng kliyente..hehe

    1. Hahaha.. Ganun talaga! Taga call center din ako dati eh. Haha..

      Nagpa-extend na nga po ako ng antenna. Umayos sya nung nandito yung tech. After thirty minutes nung umalis na sila, nagdi-disconnect ulit. Haha..

  5. ahehe naalala ko tuloi yung isang agent ng network provider ko..shunga shunga kasi ipinipilit niang hindi ako walang pumasok na loading transaction sa number ko.di man lang nagiisip..matatawagan ko ba cia kung hindi ako naloadan..ahahay

    mabilis talaga uminit ang ulo ko sa mga ganung cs…

      1. bait baitan din naman ang drama ko sa kanila kasi tulad mo ganun din ang trabaho ko dati..

        kaso pag ganung maling info yung binibigay tas tayo pa ang palalabasin na mali ee nakaka asar na yung ganun..

  6. sa totoo lang napakakagagandang salita ang ginagamit kung ipakilala ang mga broadband na yan pero kpag na-try mo hindi naman pala ganun kaganda.

  7. nakow! congrats! hehe. ako kase globe broadband. okay naman siya! ilang beses ko na rin ginugulo ang globe sa business center nila. take note, not on phone but on their business center! hehe. pero ayos naman. dati natatandaan mo wireless ako, ngayon kase wired na ang gamit ko. mas mabilis siya at mas okay!

    okay lang yan! sana bumilis na ang connection mo or else, punta ka na lang sa kalabang kumpanya. hehe!

    1. Mabuti naman at maganda na ang samahan ninyo ni Globe broadband. Hehe.. Okay naman sila talaga eh sa bandang umpisa. Depende rin talaga sa location. Maganda na rin yung gamit nilang modem ngayon compared sa dati kaya siguro nag-improve na rin.

        1. ah! okies! actually sa mga wireless di mo siya pwede gamitin kapag may storm! ganun din sa globe. may dumaan lang na eroplano na d DC ako! hehe.

          kaya pinapatay ko yung mga manananggal na dumadaan, mahirap na baka ma d DC ako!

    1. Wow congratulations sa iyo! Ganyan din ako dati. Nag-work naman sya for almost a year na rin.

      Hamishu too! Super busy ako ngayon with enrollment kaya di makapag-online ng madalas.

  8. Nag SmartBro din ako dati dyan sa Pinas before I switched to using Bayantel bundled service. Madalas din kasi ako madisconnect nun and almost every week ay may “intermittent connection” complaint ako. Nakilala na nga ako sa buong SmartBro call center dahil sa madalas na pagko-complain ko at talagang hindi ko sila tinatantanan. Hahaha! Kung gusto mo i-try mo yung bayantel o kaya ay sun. I heard OK yung signal ng sun🙂

  9. ay naku! parang ganyan din sa akin kaso mas malala sayo hakhak!
    kakaloka ng ganyan. kasi sa amin eh digitel. nakng! lagi na lang disconnect! si nanay ang tumatawag at nagrereklamo! nakakatakot nga eh!
    hakhak!
    umaasa kami na pupunta sila dito sa bahay pero hayun wala. ang adik nila! nakakaasar! amp!
    imbes na masulit eh wala tuloy! hay naker! nakakainis! amp!

    congrats ate! sa wakas naman at bumalik na rin si connection mo!
    sana nga humaba pa buhay niya! hakhak!

    1. Uu nga eh. Yun din ang pinagdadasal ko. Sana ay humaba pa nga ang buhay nya. Hahaha..

      Naku may alam din akong friend ko na gamit digitel. Ayun, sa awa ng nasa taas ay wala pa rin silang connection hanggang ngayon. Hehe..

    1. Pansin ko nga eh. Ako rin busy busyhan eh.

      Hindi muna ako nagiba ng ISP. Naayos ng konti nung nagpa-extend ako ng antenna eh. Siguro pag nasira sya ulit tsaka na ako lilipat.

    1. Depende naman po eh. Check nyo po kung gaano kalayo yung tower sa inyo. Kung malapit lang namana at walang nakakasagabal maganda naman po ang smartbro.

  10. Ayun halo halo naman din feedbacks di ko tuloy malaman ano ba magandang ipakabit. Pero sabi nga nila depende lang sa location mo din.

    Well, congrats sis at natawa naman ako sa ranting mode mo, bihira ka naman kasing ganyan hahaha.

    Hinga ng malalim. mwaaah!

    1. Hahaha.. Uu nga noh? Ang tagal na rin pala mula nung huli akong nag-rant. Haha..

      Uu sis kung malapit lang sa inyo yung smart tower at walang sagabal baka maganda rin ang labas ng smartbro. Tanong tanong ka sa mga kapitbahay mo kung ano ISP nila. Hehe..

      Miss na kita sis! Nakupu napakabusy ko. Teka makapag-update na nga.

  11. isa lang masasabi ko walang kwenta ang mga ISP sa pilipinas!!!!!!! mapasmart bro, pldt or globe, wala rin… walang mapagpipilian. huhuhuhuh

  12. hehehe ako nga nagsubscribe sa sun kasi balita ko malakas at sabi nila may coverage sa area namin, pag dating sa house, hindi gumana, hindi naman daw pwedeng bawiin sabi ng customer service rep, bumalik ako sa hub, sabi ba naman sa kin, masyado daw makapal ang sementong ginamit sa bahay namin at hindi makapasok ang signal. kaadikan. para namang nakita nila ang bahay namin hehehe. mabagal nga sng smartbro, nasubukan ko rin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s