Father’s Day Special

My dad and bossing when he was six weeks old.
My dad and bossing when he was six weeks old.

Aba syempre kung meron akong sinulat na Mother’s Day Special, hindi ko rin dapat palagpasin ang araw na ito ng mga tatay.

Binati ko na ang ama ng bossing ko, gamit ang Yahoo Messenger. As usual, parang lumipad lang sa hangin ang aking pagbati. Okay lang yun. At least kahit papaano ay napaabot ko sa kanya ang mensahe ng kanyang bulilit. Alam ko kasi na kung may isip na si boss ay ganun din ang gusto nyang sabihin.

Hindi ko naman pahihintulutang ang pangyayaring iyon ay magpalungkot ng araw na ito. Ang totoo ay napaka-inspired ko today. Ang ganda talaga na Sunday ang celebration ng mga parent’s days dahil mas spiritually uplifted tayo sa ganitong araw.

Pagkatapos naming magsimba ni bossing, nagpahinga kami ng kaunti at pumunta na sa bahay ng aking mga magulang para makapag-ukol ng oras na kasama sila. Tapos na rin silang magsimba at kasalukuyang nagbubutingting ng kotse ang aking Itay ng kami ay dumating. Hindi na bago sa amin yun. Parang naka-automatic kasi lagi na kung wala si Daddy sa loob ng bahay at nanonood ng TV ay nasa labasan sya at nagbubutingting ng kung anu-ano. Halos lahat nga siguro ng Tatay ay ganun ano?

Pagkatapos naming maghapunan, tumanggap kami ng mga bumisita galing sa simbahan, ย nag-share ng kaunting mensahe sa isa’t isa, maraming natutunan at umuwi dala-dala ang mga mabubuting aral galing sa aming ama.

Ang Daddy ko siguro ang isa sa PINAKAMABAIT na nilalang na nabubuhay sa mundo. Hindi ibigsabihin noon ay wala syang kahinaan pero mabait sa paraan ng pakikipag-ugnayan sa tao at sa pamilya. May mga malilit na bagay syang madaling ikainit ng ulo pero kahit kailan ay hinding-hindi ko sya nakita na magalit ng napakabilis. Sa aking mga magulang, kay Mama kami nakatikim ng palo o pananakit pero kay Daddy, ZERO. Yun bang feeling mo napakaswerte mo kapag napagalit mo sya pero hindi na kailangan dahil napaparating nya kaagad ang kanyang gustong sabihin sa malumanay na paraan.

Dala na rin siguro ng aming kahirapan, si Daddy ay nanatiling napakamapagkumbabang tao. Hindi siguro sya ang BEST PROVIDER sa buong mundo pero katulad ninyo sigurado ako na masasabi ko pa rin na sya ang BEST FATHER para sa aming magkakapatid. Hindi kami nauubusan ng pagtatawanan at pagmamahalan sa loob ng bahay dahil na rin sa pinakitang ehemplo ng aking tatay.

Ang legacy siguro na pinaka-proud akong dalhin galing kay Daddy ay ang kanyang pagkahilig sa musika. Sa kanya ko nakuha ang aking talento sa pag-awit, kaalaman sa pagharap sa tao, at ang interes sa pagtugtog ng gitara. Proud lagi si Daddy na ikwento sa amin na napakagaling nyang gitarista nung kanyang araw. Pagtungtong ko ng second year high school ay pinag-aralan ko rin ito ng sariling sikap at na-master.

Daddy, alam kong mababasa mo rin ito parang si Mommy. Hehe.. Ito lang po ang masasabi ko para sa inyo. Maraming-maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa ebanghelyo ng simbahan at sa pagtuturo sa amin ng mga aral na hindi namin matututunan sa kahit anong sikat na unibersidad sa mundo. Salamat po sa pagiging matapang ninyo sa hamon ng buhay. Salamat po sa pagpapalaki ninyo sa aming mga magkakapatid na malapit sa simbahan at sa walang sawang pagmamahal na pinapakita ninyo sa amin. Walang-wala na po talaga akong mahihiling pa galing sa inyo. Alam ko po na naging napakahirap para sa atin ng lahat ng mga pagsubok na ating dinaanan ngunit salamat po sa pagiging matibay ninyo at hindi pagsuko sa lahat ng problema. Kayo po ang inspirasyon ko sa pag-ayos ko ng aking buhay at sisiguraduhin ko na gagayahin ko ang inyong ehemplo. Balang araw ay makakaahon din tayo. Ako po ang aakay sa inyo nyan. Sana po ay humaba pa ang inyong buhay dahil gusto ko pa po kayong makasama ng mas matagal pa dito sa mundo. Mahal ko po kayo.

Sa mga tatay na nagbabasa, At sa mga tatay ng mga nagbabasa ng post na ito, pakibati na lang po ako ng Happy Father’s Day sa inyong mga ama. Ipagpatuloy po natin silang mahalin, irespeto at ipagpatuloy ang kanilang kadakilaan. Happy Father’s Day po!

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

43 thoughts on “Father’s Day Special”

  1. Hi Ems! Happy Father’s Day poh! Thanks sa comment sa site ko heheheh uu nga, nabasa ko ung review mo right after ko napost yun, katawa, hehhehe, yeah i also laughed nung nakita kong kumikinang yung body ni Edward… harharhar๐Ÿ™‚

  2. ang mga tatay minsan mahirap intindihin, pero pagdating sa pagmamahal sa anak, kahit di sabihin, laging nangingibabaw sa puso yan.๐Ÿ™‚

  3. hahaha parang binata si daddy ah? feel na feel pa ni bossing pagka-kakarga sa kanya ni lolo..

    At judging sa kung paano ka lumaki…naniniwala ako sayo na “ang Daddy mo siguro ang isa sa PINAKAMABAIT na nilalang na nabubuhay sa mundo.”

    belated happy father’s day din sis sa daddy mo at like joycee wala din ako na-ipost haha.

    1. Uu nga sis. Feel na feel with matching noo pa si Alex. Haha..

      Busy-busyhan ka rin sis noh? Hehe.. Teka madalaw nga ang mga bahay nyo ngayon. Miss ko na kayo. ^^

  4. Ang galing naman ng post mo for your father. I am sure your father will appreciate this very much.

    Looking at the picture, I can see how happy he is having your bossing in his arms. Proud lolo๐Ÿ˜‰

    Kumusta ang school?

    1. Eto po start na ng intoxication! Hahaha..

      Na-miss naman kita Miss N! Grabeh! Sana nga ma-appreciate nya. Hindi pa rin ito nababasa ni Daddy dahil la pa kaming net dun. Hahha..

  5. dahil tatay din ako, napaluha ako sa post mo..sori kung ngayon ko lang nabasa ito kase tulad mo, di na rin ako masyado nag update ng blog ean ko kung bakit..pero saludo ako sa tribute mo kay daddy mo at alam kong maswerte rin sya sa pagkakaroon nya ng isang anak na katulad mo na mapagmahal at marunong umunawa sa lahat ng bagay..ingat lagi mommy emi..god bless you

    1. Thank you po kuya Payatot! Wow buti naman na-tats kita sa post na ito. Napaka-noble po kasi talaga para sa akin ng mga tatay kaya talagang bigay na bigay ako rito. Hahaha..

      Sana si Daddy rin maluha pag nabasa to. Hahaha.. Bad eh noh?

      Hamishu na po kuya payatot! Dalawin ko bahay mo pag may time po ako.

  6. okay pa rin ba? late na late na itong greeting ko pero kahit na HAPPY FATHER”S DAY SA DAD mo.

    malapit talaga ako sa papa ko. syempre naman eh papa’s girl ata ako.

    papa ko ang pinakagreat na father sa lahat.

    mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko papa ko!

    1. Naku for sure super love ka rin ng papa mo at swerte sya for having a very loving daughter like you! Pagpatuloy mo lang yang TLC mong yan kay Papa at sigurado hahaba ang iyong buhay. Hehe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s