LRT Buzzers

Yehey! I’m back online. It’s been a while but I already know what’s the first best thing I would blog about as soon as I get back online.

What’s wrong with our LRT Buzzers?

ANG SAKIT SA TENGA GRABEH!

Oh my gulay. Kung meron lang ako decibel meter na dala tuwing pumapasok ako ng school eh gusto ko talagang patunayan na mas matining pa ang buzzer ng LRT kesa sa sirena ng tren o kaya ng firetruck!

Naiintindihan ko naman kasi ang gamit nito. Nagbibigay babala ito sa mga taong pasakay ng tren na magsasarado na ang mga pintuan. Eh pano naman yung mga nasa loob na? Lalong lalo pa kung NASA TABI KA NG PINTO?

Promise. Kung hindi ko tatakpan ang kahit isa sa dalawa kong tainga ko tuwing tumutunog ang buzzer ay mabibingi talaga ako bago pa ako maka-graduate ngayong taon. Hahahaha.. Kaya kapag nararamdaman ko na ang sakit ng ear drums ko tuwing tumutunog ito eh talaga namang pinipisil ko na ang paloob ang aking tainga.

Sa ngayon hindi ko pa alam kung paano mag-forward ng formal complaint tungkol dito dahil katulad ng ibang mga pasahero, lagi akong nagmamadali papasok sa paaralan. For the meantime, I’ll just blog about it. Maybe it’ll reach somebody, somewhere. ^_^

===

At dahil ako ay nagbabalik, gusto ko munang pasalamatan kayong lahat sa patuloy na pagbasa nito kahit nawala ako ng apat na taon, este apat na linggo. Nakakatats lagi pag nakikita ko kayo rito. Promise susuyurin ko na lahat ng mga bahay nyo. Hehe..

Greetings to my bestfriends in college, Daisy, Ronky and Akee. Happy birthday Akee! See you all on Sunday! ^_^

Happy viewing to my family in Makati (o di ba parang noontime show lang?), Mommy, Daddy, Cherry, Glenn, Vincent, ME and my bossing Alex.

Special thanks to Mike for everything, Likas Payapa and Pongs for my smooth skin and Clean for my shiny and dandruff-free hair.

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

34 thoughts on “LRT Buzzers”

    1. Ay thank you po Mr. Cool Water. Buti naman at hindi nyo napansin yun. Actually depende naman siguro sa driver yun kung gaano kalakas. Minsan wala, minsan sobrang lakas.

  1. ayus naman to.may batian portion.haha

    hello sa mga friends ko dyan sa pasig. sa mga classmates ko. sa family ko na rin. mommy!daddy! musta na kayo dyan?

    can i pass the phone?

    1. Ay uu nga Lovely. Magandang idea yan. Hindi ko kasi maisipang gumamit ng music player pag nag-travel dahil ang bigat ng bag ko at kung anik-anik pero sige gawin ko yan. ^^

      Okay naman po si bossing. Siguro next post ko sya na lang muna ulit topic. Dami na nangungumusta eh. Hahaha..

  2. sorry nemen! hindi ako makarelate sa lrt buzzers na yan… kasi kasi kasi hindi naman ako sumasakay niyan at kasi kasi kasi kasi wala namang ganyan sa baguio at kasi kasi kasi kasi hindi pa ako nakakasakay niyan eh. hahahahaha!

  3. oo nga sinabi mo pa.

    pero di naman lahat ng tren..

    kakatuwa ang LRT ngayon no?

    may banderitas pa sa loob NYahahhahahh😀

    hindi ko nga alam kung mabubwisit ako dahil parang iniinsulto kaming maliliit. NYahhahahaha

    average height naman ako e, abot ko pa naman..:D

    marami ding disadvantages yung hand.. achu-chu nila, daming nauuntog, dami ko na nga nakita e… araw-araw ba naman akong sumasakay ng LRT.

    Ang laki na ng kita ng LRT sa advertisment sana i-improve naman nila, at palitan ang mga napaka-ingay ng buzzer

    e kung ipalit kaya nila yun sa speaker ng piloto..?

    kung anong lakas ng buzzer s’yang hina ng mga speaker nila. asus. hehehehe

    1. Haha.. Tama ka. Ang laki na nga ng kita nila dahil sa mga ads. Sana may improvement. Pero sa totoo lang mas enjoy ako sumakay ng LRT ngayon kesa MRT dahil mas malamig sa LRT at nakakaupo ako. Haha.. Sa MRT di na ako makaupo. ^^

      Minsan naman yung speakers ng piloto eh sabog na sabog. Ang sound eh parang kinakain na nila yung mic. Wahahha.. Pero tama ka. Merong ibang trains na mahina lang naman yung buzzer.

      Nice naman. Average height ka pala. ^^ Salamat po sa pagdaan dito Kuya Otep. Add kita ha?

    1. Hahaha.. Buti naman at naka-relate ka run? Ang sakit talaga di ba? Parang tuwang tuwa yata sila na nagtatakip yung mga pasahero lagi ng tenga tuwing nagsasara. Haha.. Pero minsan naman mahina. Ang gulo. ^^

  4. welcome back milay!

    hindi ko pa naririnig ang buzzer ng lrt.. bihira kasi akong magawi sa ruta nya..madalas ruta ng mrt🙂

    thanks for sharing this to us!

  5. hahahahah! para kang nasa wowowee kung makabati ah. hehehe.🙂

    di ako sumasakay ng LRT, hehe.. kase wala naman rason para sumakay ako dahil taga-pasig lang ako at ang opisina ko ay sa ortigas. haha o diba bongga?!😆

    goodluck sa studies, iska!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s