Kumusta si Bossing?

Si Bossing nung huli naming pictorial
Si Bossing nung huli naming pictorial

Tinatanggap ko na talaga na mas sikat na si bossing kesa sa akin. Bakit ka nyo?

  • Tuwing may mga kaibigan akong matagal ko ng hindi kinakausap, ang tanong kaagad eh “Kumusta na si bossing/baby/Alex?” tapos tsaka pa lang ako kukumustahin.
  • Kapag naglalakad kami sa kalsada lahat babatiin sya “Hi Alex!” tapos may ibang mga bata bubulong “Ay sya pala mama ni Alex?”
  • Lalong-lalo na tuwing gagala kami o magsisimba kung kailan pusturang-pustura si bossing at naka-necktie pa, lahat ng mga taong makakasalubong “Ay ang cute naman nung baby!” sabay titingin sa akin na parang sinusuri kung ako nga talaga ang ina. Ako naman smile din ng konti tapos minsan deadma lang.

Pero sa totoo lang tuwing lalabas kami na kasama ang anak ko, nape-pressure ako na magpaganda o kaya magbihis ng maganda dahil napakataas ng expectations ng mga tao kapag nakikita nila si bossing. Ang tanging silbi ko lagi ay escort, o kaya yaya. Β Buti na lang mejo hindi PA patapon ang beauty ng lola mo. Nakaka-cope up pa kahit papaano.

So kumusta na nga ba si bossing?

  • Malaki na po ang pinayat nya simula nung nag-stop sya ng milk. Sakto lang dahil hindi na rin ako nagwo-work. Nung binilhan ko sya ulit ng milk parang mejo hindi na nya feel ang sumipsip ng tsupon. Nung nilipat ko naman sa baso, ayaw pa rin nya. Bumili pa ako ng glass na pang toddler, ayaw nya, kahit yung may straw, di na nya talaga feel. Isip isip ko, “Anak, very good. Malaki matitipid ko nyan.”
  • Isang napakalaking advantage ngayon ay hindi na sya nagwiwiwi sa bed. “Thank heavens!” Ang mahal pa naman ng diapers na binibili ko dati sa kanya. Mapa-siesta, o kaya overnight, naco-control na nya ang wiwi kaya super satisfied na talaga ako. Marunong na sya magwiwi sa trainer, at magpupu sa bowl mismo. Wala ng gastos! Yipeee!
  • Nagugulat ako sa laki ng improvement nya sa speech at memory. Meron kasi akong biniling flashcards ng animals dati pa at na-discover kong 21 out of 36 animals na dun ay kaya nyang i-identify. Bulol nga lang pero okay na okay na. “Ampant” (elephant), “mouth” (mouse), “ayger” (tiger), “impin” (dolphin), “teep” (sheep) at maraming-marami pang iba. Ang pinakapaborito namin ay yung monkey dahil ang pagkaka-pronounce nya rito ay “dadi.” Sasabihin ng daddy ko “Bastos kang bata ka!” sabay tawa.
  • Marami na syang alam sa alphabet. Kabisado na nya yung letters A, B, R, W, at O. Dami noh? Kapag pinakita ko yung letter M, sasabihin na naman nya “abayu” (double u). Magkamukha nga naman.
  • Marunong na sya magbilang hanggang ten. Nakakalimutan nga lang lagi si five. “Wan, tu, ti, por, tis, teben, eyt, nan, ten.” Kapag sinisingit ko si five nawawala na sya sa bilang.

Two years old and nine months na si bossing. Sa October pa sya magta-tatlong taong gulang. Hindi naman ako nagpa-plano ng engrandeng handaan. Siguro pag-eight na lang nya ulit. By that time siguro naka-graduate na ako. Kung hindi man ako naka-graduate ay nag-asawa na ako ng matandang mayamang madaling mamatay (4M’s). Haha.. Joke lang po.

Si Bossing at ang kanyang Yaya
Si Bossing at ang kanyang Yaya

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

52 thoughts on “Kumusta si Bossing?”

    1. Haha.. Talaga? Cute din yung yaya? Sana wala ng ibang kumontra. Hihi..

      Uu nga po galing na nya mag memorize. Sana in the future makabisado na nya yung lahat na 36 na yun.

  1. pansin na pansin ko rin yung yaya, para kasi flawless…mabuti naman at ok na sya mag memorize ng mga letra, at least meron kumpara sa iba na nahihirapan pa din at his age di ba? basta cute talaga ang yaya, hihihihihi

  2. soooooooooo cute nyong dalawa..hehehe

    ay naku sis same situation tayo,ganyan din ako kapag umaalis kame ni “kulet” kinda pressure din na mag ayos talaga para hindi ako matawag na yaya..pero minsan nakakatuwa kapag sasabihin ng mga pumapansin kay kulet na kung ako daw ba yung momy kase para lang daw kameng magkapatid..hehehe

    sencia na pala ngaun lang nakadalaw ha.wala pa ko maisip na iblog eh.napabayaan ko na nga yung bahay ko eh..haaayy!

    ingat sis mwaaahh^^

    1. Naku naiintindihan kita sis. Pareho lang tayong matagal nawala. Hehe..

      Ako rin laging tinatanong kung ako nanay. Lol. Kakatuwa naman dahil pareho pala tayo ng scenario. Hehe..

      Hintayin namin next post mo. Take your time. ^_^

  3. Masyado ka naman humble sister, di ka naman mukang PA.. yaya lang! hahaha! joke!πŸ˜†

    Ang ganda mo kaya, seksi pa.. ahem ahem (ako din purihin mo ahahaha joke!)

    E kanino pa ba magmamana ng kagwapuhan at kabibohan si Bossing kundi sayo.πŸ™‚

    1. Naku yan ang gusto ko sa iyo sis eh. Napakagaling mong magpalubag ng loob at mambola.

      Pero eto hindi bola, ikaw ang sexy at byutipul. Ang sarap mo nga i-hug sa buddypoke eh. Hahaha..

  4. Hmmm… Dami na palang home runs dito…. Nahuli ako…

    Ang cute naman ni bossing…πŸ™‚ At alam ko, maligayang maligaya ka sa mga achievements niya.

    Ang hirap mag-alaga ng bata. I’m speaking out of experience sa dami ng maliliit kong pinsan, pamangkin at kapitbahay na inalagaan ko… Ang isa pa nga dun, ilang buwan pa lang sa tabi ko na parati natutulog kasi di maalagaan ng nanay, at hanggang ngayon parang sa amin sya nakatira (high school na next year). Umuuwi lang sya sa bahay nila paminsan minsan (malayo na kasi lumipat na kami ng bahay)… hehehe…

    Pero in moments like nakakapagbilang na, nakaka-identify ng letters at marunong nang makipaglaro ng habulan o peek-a-boo, nakakawala ng pagod, ng puyat, ng galit, ng inis…

    Kids are just angels when you need them to be…πŸ™‚

    1. Everything you said is true Mark. Kakatuwa ang mga bata. They never fail to make us smile every single day.

      Ganda naman ng experience mo sa pag-alaga ng bata. I’m sure you’ll be a responsible dad kung magkakaron ka ng kids in the future. Hehehe..

  5. parang isa ako dun sa nangangamusta lagi kay bossing ah hehe..bago ang nanay nya ang kamustahin ko hehe..
    alam mo naman ate pag dating sa bata hehe..sobrang importante sakin hehe..
    ang gandang yaya ni bossing hehe..cute nyo talagang dalawa..
    namiss ko na naman sila kilala mo na kung sino hehe..:)

    dami na alam ni bossing hehe..dami nadin alam si panganay ko hehe..mag 2 na sya dis sept hehe..

    1. Wow lapit na nun ah? May regalo ka na ba sa kanya?

      Uu nga ikaw ay isa sa mga nangumusta kay bossing nun bago ko ni-post to. Hahaha..

      Pareho lang tayo. Mas importante talaga lagi para sa atin ang ating mga chikiting.

  6. naku, bigla tuloy akong nagreminisce sister. 2 yrs old din ng tumigil maggatas yung 2 amo ko. same age na di na rin sila nag-diaper at natutong magwiwi sa trainer. matatas na rin silang bumigkas ng words at letters nun… hay namiss ko tuloy bigla ang aking mga bebi.

    siyanga pala, kamusta na si bossing? eh ikaw kamusta naman?πŸ˜†

    1. Hahaha.. Okay naman po ako. Toxic ang school pero surviving.

      Kaka-miss ang ganung mga moments with your babies kapag lumaki na sila noh? Haha.. Kaya naman tine-treasure ko talaga ang ganitong memories. Ang sarap lagi pagmasdan at alalahanin.

  7. naku sis ang laki pala ng pagkakahawig nyo ni bossing (aba’y natural) sayang at hindi ko na mahihintay sa paglaki yan.
    at aminin mo na ring super proud ka naman sa super stardom na tinatamasa niya hahaha. namiss kita oist!

    Ampant! Ahihi

    1. Flying ampant sis! Wahaha..

      Ako rin na-miss kita sobra. Buti nga at nakikita kita ngayon sa pesbuk eh.

      Syempre super proud. Wahaha.. Kahit sya na lang ang makatamasa ng stardom na hindi ko nakamit. Okay na okay na ako! Hahaha..

  8. hey, musta bossing mo, gaya ng iba siyempre yung bossing mo muna kukumustahin ko, hehehe, cute nya & infairness huh, malaki ang kahawig sayo, sana di na sya magsakit, kawawa kasi ang bata eh pgnakakasakit, at siyempre kawawa din yung nag-aalaga, namiss ko 2loy yung bunsong kapatid ko, huhuhu, makulit yun kasi, & specially mahilig ako sa mga bata kasi pinanggigilan ko sila, kawawa nga yung mga pinsan kong maliliit eh, malayo pa ako sasalubungin ako ng mga yun, ay naku sarap kaya ng my bata sa bahay, well tama na yan, ikaw naman kukumustahin ko, well musta kana nga ba? bilib ako sayo, your a SUPERMOM, basta your the best mom ever that i’ve meet, to tell you the truth your blog is the 1st blog that i’ve read, and i found it interesting, hehehe, just keep up the good work, god is always there no matter what hinding-hindi ka nya iiwan, normal lang sa tao ang pagsubok sa buhay, wow ang haba ng comment ko ah,, hehehhe, sorryy po, ingatz, god bless, naku sarap pisilin ng pisnge ng bossing mo, hehehe

    1. Wow napaka-sipag mo naman at nag-comment ka pa Jay! Salamat po ng marami sa pagdalaw mo rito at sa lahat ng mga sinabi mo.

      Supermom ba? Naku wala pa yan sa hirap ng nanay ko or ng nanay mo kaya di natin masabi. Hehe..

      Buti naman at ako ang first blog na nabasa mo! Ayyiiii.. Hangswit! Haha.. Balik-balik ka po rito ha? ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s