Never Ending Paranoia

Bago ang EMO na post ay balitaan ko lang muna kayo ng kaunti sa naganap na 3rd birthday celebration ni bossing. Napakabait naman talaga ni Mike para mag-abalang manlibre sa amin. Sa wakas ay nakaraos din ang birthday! I love you baby ko! Sana ay lumaki kang malusog at magalang sa iyong Mama, kapamilya at kapwa.

Ang maaksyong blowing of the candle with Lolo and Lola
Blowing of the candle with Lolo and Lola

Sa mga nakaraang araw ay talagang hirap na hirap na akong kumuha ng tulog. Kahit gusto kong i-control ang pag-iisip ko ay talagang patuloy itong nag-iisip ng mga bagay bagay na nagawa ko, hindi ko nagawa, at mga dapat kong gawin. First time kong magpo-post ng ganito kung saan magiging transparent ako sa lahat ng bumabagabag sa akin. Masyado pong mahaba ito kaya okay lang kung bumalik na lang kayo kapag marami na kayong free time. LOL.

  • Hirap na ako sa aking pag-aaral. Kahit sobrang lakas ng determination kong makatapos ay talaga namang discouraged na kaagad ako sa sobrang hirap ng subjects ko. Hindi ko masabi kung mahirap ang subject dahil sa sarili ko o dahil sa professors. Binibigay ko naman kasi lahat ng kaya ko sa pagre-review at pag-attend ng mga klase pero sadyang hindi ko na kayang mahalin ang kurso ko. Para sa kaalaman ng lahat Computer Science po ang pilit kong tinatapos. Nauunawaan ko ang programming at magaling ako rito kapag natututukan pero ang mga natitirang subjects ko ngayon (Automata Theory, Numerical Analysis, Algorithm Analysis kung alam nyo po ang mga ito, isama pa ang thesis na tinatawag naming Special Project) ay talaga namang hindi na nagme-make sense sa akin. Nag-uumpisa tuloy akong magtanong sa sarili ko kung gusto ko pa ba talaga tapusin ito o lumipat na ako sa kursong gusto ko (Psychology or Education). Pero lagi kong tatanungin sa sarili ko “Bakit ngayon pa?” Kung sakali mang gagawin ko yun, ibigsabihin ay kailangan ko na ring lumipat ng eskwelahan at alam ko ang sasabihin ng lahat–Sayang ang UP. Ako man ay nanghihinayang din. Natutuwa nga ako sa thesis adviser ko dahil kahit nawawalan na ako ng loob magpatuloy ay nag-aadvise pa rin sya.
  • Gusto ko na lang ulit magtrabaho. Hirap na hirap ako sa budget. Naubos na nga ang lahat ng savings ko sa pag-aaral. Katunayan hindi ako nakapasok this week dahil wala na akong pangbaon sa school. Nahihiya naman akong humingi sa parents ko kahit nakatira ako sa kanila. Masama ang loob ko dahil pumalya sa pagbigay ng pay ang part-time work ko na sya sanang gagamitin kong pang-budget at pang-birthday ni Alex. Dahil dito napapaisip na naman akong mag-trabaho. Alam kong nag-eexcel lagi ako kapag nagta-trabaho na pero syempre hindi pa rin mawawala sa isip ko ang fact na ako ay isa pa ring undergrad.
  • Gusto kong magtrabaho abroad. Ito ay labag sa aking mga prinsipyo pero minsan naiisip ko na ito malamang ang kailangan ko para magkaroon ng sense of fulfillment kahit papaano. Pero kapag naiisip ko na hindi pa tapos ang obligasyon ko sa DOST ay parang nagiging imposibleng pangarap na naman ito. Ako po ay dating DOST scholar ngunit dahil nag-stop ako sa pag-aaral ay hindi ko na ito naayos. Kailangan kong pumunta sa office nila, magsubmit ng letter at magbayad ng bond kung kailangan ko ngang umalis. Problema ang layo ng office nila at kung sakali mang pupunta ako run para mag-clear ay wala rin naman akong pangbayad ng bond na sobrang laki. Para po sa kaalaman ng lahat kapag DOST scholar po kasi at pumirma ng contract, hindi po kami maaaring umalis ng bansa for the same number of years na kami ay pinaaral nila. Kung sakali man na maki-clear ako at magkaron ng opportunity abroad, mahirap namang iwan si bossing. Yun ang hindi ko talaga kakayanin sobra.
  • Gusto ko na mag-asawa. Para po may kaunti kayong clue, masasabi ko pong napakakulay ng aking love life. haha.. Ang landi! Ang problema, hindi ko pa mahanap yung lalaking tama para sa akin. O kaya naman, malamang nandyan na sya sa tabi-tabi pero dahil madalas perfectionist ako, madali akong bumibitaw kapag nakakita ako ng butas sa isang relationship. Dala na siguro ito ng mga karanasan ko sa nakaraang relationships. Kapag nakagawa ng isang maling bagay, kapag ma-hassle, o kaya naman kapag hindi ko na nakikita na sya ang mapapangasawa ko ay sumusuko na kaagad ako. Iniisip ko lagi mas maganda pang matapos ng maaga kaysa mag-aksaya ako ng oras at mga araw sa taong alam kong hindi naman pang-eternity. At the same time tinatanong ko sa sarili ko “Baka naman hindi mo lang binibigyan ng chance na magbago o maayos?” Kapag naiisip ko na walang perpektong relationship o kaya naman wala akong mahahanap na lalaking makakatugon sa lahat ng hinahanap ko binibiro ko ang sarili ko “Mag-mamatandang dalaga na lang ako. Single mother for life, focused on career and child care.” Tatawa naman sila kapag sinasabi ko sa kanila yun. Kahit ako natatawa dahil alam ko na hindi ako sanay ng walang kaagapay sa buhay. Maaaring sabihin nyo ring bata pa ako, bente kwatro pa lang at marami pang pwedeng magawa sa buhay pero kapag naiisip ko po na lumalaki si bossing na walang ama o kaya father figure man lang, naaawa ako sa kanya. Mabuti naman at may lolo sya at tito na nagse-set ng example sa kanya. Mahirap kasi kapag ako lang lagi ang influence nya. Puro pagme-make up at pag-aayos sa sarili ang napapanood nya eh. Mabuti at kahit papaano napapanood nya na wrestling or basketball ang paboritong panoorin ng lolo nya o kaya naman DOTA ang paboritong computer game ng tito nya. Mahirap kasi magturo ng difference ng “boy” or “girl” nung kami lang ang magkasama. Naiisip ko rin na mas magiging magaan ang pagpapalaki ng anak kapag may asawa, at the same time gusto ko na talagang grumaduate sa “dating” stage ng buhay na ito. Marami mang pagpipilian ay nakakasawa na rin ang mamili.
  • Gusto kong tulungan ang pamilya ko. Matagal ko na pong pinilit gawin ito. Problema lang dahil sa pabugso-bugsong alitan namin ng aking ina ay napapaalis ako sa bahay ng wala sa oras. Gusto ko sana magtrabaho ulit at tumulong magpaayos man lang ng bahay naming barong-barong pero kapag naiisip ko na ang ibang kwarto ng bahay namin ay nakasanla, isama na ang walang katapusang kautangan ayΒ nawawalan na ako ng gana. Mali man pong magsalita ng hindi mabuti tungkol sa aking mga magulang ay talaga namang hindi maikakaila ng lahat na ang buhay namin ay umiikot sa utang simula ng aking pagkabata. Mali mang isipin pero minsan ito ang sinisisi ko kung bakit nawala sa tamang pagkakasunud-sunod ang buhay ko. Pero dahil ang una kong kaaway ay ang sarili ko, tinatatak ko na lang lagi sa isip ko na ako lahat ang may responsibilidad sa mga naging desisyon ko sa buhay. Wala akong pagsisisi at handa akong harapin lahat ng bagay para maibalik ito sa ayos. Kung tatama lang talaga ako sa Lotto, kahit hindi ako tumataya, gusto kong bayaran ang lahat ng kautangan ni Mama, paayos ang bahay at magtayo ng kumikitang kabuhayan. Dahil sa kagustuhan kong makatulong sa kanila, minsan naiisip ko na huwag nang mag-asawa o kaya ipagpaliban ang pag-aasawa.

Alas kwatro na naman ng umaga at gising na gising pa ako. Araw araw na po talaga ito. Pilit ko mang kumuha ng tulog habang maaga ay nagpapagulong-gulong na lang ako sa kama katabi ng anak ko dahil sa kaiisip. Sobrang masaya lang ako dahil nabawasan ang pinakamalupit na naging dilemma ko–Wala akong panghanda sa birthday ni Alex. Ang hirap pala ng ganung pakiramdam. Inaatake ako ng self pity. Ngayon ko lang naintindihan si Mama na kahit hirap kami sa buhay at walang panggastos ay nangungutang sya para lang makapaghanda sa kaarawan ng isang anak. Mabuti naman at hindi ko na kinailangang mangutang at hindi ko talaga gagawin yun. Si Mike ang tumugon sa paranoia kong iyon kaya medyo maluwag na ang loob ko. Pero bago noon tagaktak lagi ang luha ko kakaisip sa birthday at sa mga bagay na ito.

PAKIUSAP–Wag mag-comment kapag hindi nabasa ng buo. Hahaha.. Inis ako sa mga blogger na ganyan. Basta masabi lang na napadaan sya eh magco-comment kahit umpisa at huli lang ang binasa. Bad yun!

Gusto ko nga po palang magpasalamat sa lahat ng kapwa blogger ko na patuloy na bumibista o kaya hindi sinasadyang napapa-click dito. Sobrang na-aappreciate ko po talaga kayo. Hindi ko lubos maisip na ang ganito palang gawain ay talagang nakakataba ng puso. Lilibot po ako ngayon para mapagod hanggang sa antukin. Mahal na mahal ko po kayong lahat. Sana pwede ko kayong hug ngayon. Hug ko na lang monitor ko. Hahaha..

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

40 thoughts on “Never Ending Paranoia”

  1. Wala bang Educ o Psych ang UPM? Lipat ka UPD sa Educ dali lang.. madami naman siguro maccredit na units sayo. Hehehe.πŸ™‚

    Ano ba ang part-time job mo? Gusto mo ba nagsusulat? May part-time job na opening yung isang co-blogger. Baka gusto mo i-try.πŸ™‚

    Alam mo, cliche etong sasabihin ko ha kaya pagpasensyahan mo na. Meron din kase ako friend na katulad mo, single mother din sya. Ang kaibahan nyo lang ikaw umiikot ang buhay mo kay Alex, sya kase di nya nakikita na blessing yung anak nya e. Lagi sya nagrarant na kesyo depressed sya kase wala pa din sya lovelife, ek ek.. at sa magulang nya lumaki yung bata na ngayon ay 9years old na. Hanga ako sayo kase naitaguyod mo mag-isa si Alex kahit mejo nahihirapan ka. Napakaswerte mo, ang anak ay ultimate blessing.πŸ™‚ At least di ka baog diba? Assured ka na may makakasama ka na habang buhay.. e ako hindi ko matest ang matris ko kung gumagana. Wahahaha!

    Pwede magtanong sis? Sino si Mike? Hehehehe.πŸ˜‰

    O ayan ha binasa ko talaga yang buong entry mo. Kapag dumadalaw ako dito binabasa ko talaga mga nakasulat. Lam mo naman ikaw ang isa sa paborito ko dito eh. Hehehe.πŸ™‚

    1. Naku nakakataba naman ng puso ito AC sis. Ichika na lang kita sa pesbuk tungkol sa tanong mo. Hahaha..

      Problema sis di ba hindi na tumatanggap ng transferee or shiftee sa UPD kapag umabot na ng Fourth Year? Kung pwede pa try ko mag-inquire. Problema ko lang talaga sobrang extension na ako ng residency ko. Malamang ay hindi na ako papayagan.

      Nag-online English tutor ako sis kaso di ako natuwa dahil na-delay ang pay.

      Salamat sa pagbasa mo at pagpayo mo sis. Kahit hindi pa tayo nagme-meet feeling ko mahal na kita. Hahaha..

      1. Hahaha. Yung part-time job na sinasabi ko kilala ko personally yung naghahanap so baka naman okay sya. At madali kulitin kase within your reach. Hahaha. Blogger din sya dito tsaka dati nabigyan na nya ko ng FREE slot sa isang training/workshop nya sa HR. wahahah! Di ko tinanggihan noh, sayang yun ang mahal pa naman ng workshop kung binayaran ko. Hehehe.

        Onga noh, matanda ka na nga pala.. wahahahah jooooke! (Ibig sabihin ako din matanda, dahil mas matanda pa ko sayo ng ilang buwan.. hahahah!)

        Oo, ikaw isa sa pinakapaborito ko dito. Kase ayoko din ng bumabahang comments na wala naman sense at di naman nila binasa, makalink back lang. Hahaha. Bad ko ba?πŸ˜†

        Ilang units ka na lang ba? Pero alam mo sayang yang CompSci mo.. kase ako kung alam ko lang na ganito pala sa corporate ngayon sana yun na lang kinuha ko, kaso I hate Math eh. Haha! Langya kase diba Technical Recruiter ako, naman talaga mga IT people na nirerecruit ko hanggang langit ang sweldo.. hahahaha!πŸ˜†

        1. Yun nga ang advantage sis. Kung matapos ko sya sobrang laki ng sweldo kahit hindi ko na kailangan mag-abroad. Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari. Hayz..

          Nag-job hunting na ako ngayon sis. Balik corporate world muna tapos tsaka na ako mag-isip tungkol sa aral kung anong mas maganda. Hahahayz.. Mahirap kumilos kapag walang kaperahan. Hahaha..

  2. Belated happy birthday po kay AlexπŸ™‚

    Minsan sa buhay ng tao, nagkakasabay sabay lahat ng problema, minsan pa sunod sunodπŸ˜€ pero ang mahalaga naman dito, matuto lang tayong tanggapin na dumarating talaga sa buhay ng tao ang problema, mahirap man lagpasan pero sigurado magagawan mo rin ng solusyon ito..Isipin mo lang na hindi magbibigay si Bro ng pagsubok na hindi mo kakayanin…

    Napadaan lang po, ngek! Baka magalit ka dahil napadaan lang ako lolzz

    1. Maraming salamat po sa pagdaan LordCM at sa inyong mga pinayo. Totoo po ang sinabi ninyo. Lahat ng mga ito ay magagawan rin ng solusyon at sigurado akong marami akong matututunan kapag nalagpasan ko na lahat ng mga problemang ito.

  3. ok lang yan sis.. kaya mo yan, naniniwala ako na ang hirap ay nasa utak lang.. ganyan din ako eh, lagi kong iniisip na mahirap.. pero natapos ko ang nursing at RN naku, kaya masasabi ko na kaya natin ito kung pagsusumikapan natin.. GOODLUCK!!!

  4. nag-quit ka sa trabaho para makatapos. isang malaking desisyon yun. bakit nagbabago ang isip mo? di ka dapat matakot sa natitira mong subjects (automata theory, numerical analysis, at algorithm analysis). dahil sa totoo lang, wala naman silang silbi. ok na, basta maipasa mo sila. after school, di mo na sila makikita pwera lang kung ang magiging trabaho mo ay related sa statistics gaya ng performance analysis, capacity planning or resource management. at saka wag mong masyadong intindihin ang overall gpa mo. mas importante and gpa mo sa iyong major.

    kung marami kang isyu na hinaharap, kailangan mong pagisipan ng mabuti ang mga dapat mong gawin. makakatulong kung kukuha ka ng lapis at papel. gumawa ka sa papel ng dalawang column. ang isa ay pangalanan mong ‘need’ at ang isa naman ay pangalanan mong ‘want’. i-break down mo ang mga isyu sa dalawang column na yan. pagkatapos eh prioritize mo ang nasa ‘need’ column and then act on them accordingly. be honest. don’t worry if it may appear that you’re selfish. selfishness can be a virtue. how can you help others effectively if you don’t help yourself first?

    makakatulong din kung isusulat mo sa ‘sang papel ang future na gusto mo at pagkatapos eh ilagay mo ito sa yung purse to review on a regular basis. for example, you can write something like, on this date, i will …….. naalala ko yung istoria ni jim carrey. during a time when he was down on his luck, he wrote a check to himself in the amount of $10 million. he put it in his wallet and kept looking at it. he said it helped him persevere until it became a reality.

    isa kang matapang na nilalang, miss emilayskie, at ang puso mo ay nasa tamang lugar. napakaswerte ni bossing at ng magiging lifetime partner mo.

    1. Maraming salamat po sa lahat ng inyong sinabi Mr. Plaridel. Naluha ako ng konti pero napagtanto ko na ganitong mga salita ang kailangan ko.

      Patuloy pa rin po ako sa school. Tatapusin ko pa rin sya sa abot ng aking makakaya. Katunayan finals po namin mamaya at nag-review naman ako. Nag-apply na rin po ako ng work kahapon. Later after ng exam interview ko ulit to check yung client and company benefits and compensation. Kung magiging maayos po ang arrangement ay tatanggapin ko na ang work para hindi po ako nagagahol sa panggastos. Mahirap ang ganitong sitwasyon kaya pagsusumikapan ko nang maging working student ulit gaya ng dati. Sa ganung paraan siguro mas makakatulog ako ng normal. Ngayon kasi, marami man akong oras, hindi naman ako makatulog kakaisip.

      Nagawa ko na po ang list na sina-suggest ninyo dati pa. Kaso etong listahang ito ang mga paulit-ulit na bumabagabag sa akin sa gabi. Pero sa kakaisip ko may isang bagay akong napakaimportante na na-realize. I HAVE TO TAKE CAREFUL LITTLE STEPS AT A TIME. Hindi ko man naisama sa blog post ay isama ko na rito sa comment reply ko sa inyo.

      Na-appreciate ko po ang feedback Mr. Plaridel lalo na ang pagbasa sa napakahabang post kong ito.

      1. Hey hey.. Plaridel, I was also moved by what you said. Hehe. Sorry, intruder ang drama ko.πŸ˜†

        But Miss Emilayskie, he is absolutely right! Ang tapang mo sa mga desisyon mo.. at kung anuman ang naging desisyon mo, sana pangatawanan mo.

        At tama din, wag mo isipin ang GPA. Ako bilang isang Recruiter/Human Resources Diva eh di naman tinitingnan ang grades.. wala dun ang sukatan ng buhay at pagkatao.. nasa pagiging street smart yan at sa kakayahan na magsurvive sa lahat ng panahon. Parang ikaw — SURVIVOR!πŸ™‚

        1. you’re right on the money, ac. nasa diskarte yan. at dyan magaling ang pinoy. may nakaka-meet akong ibang nationalities. di ko na babanggitin kung san mga bansa sila galing. graduate daw sila dito. graduate daw sila dun. ang galing sa papel pero pag nagkaproblema na sa trabaho eh madaling sumuko. pag wala na sa documentation eh nawawala na rin. ang mga pinoy eh marunong gumawa ng paraan. in other words, they are able to think outside the box.
          yun ang importante.

      2. Galing mag-payo ni Mr. Plaridel noh sis? Mula ngayon ang tawag ko na sa kanya ay “Kuya.” Hehehe.. Papayag kaya sya?

        Naku buti nga sis at hindi talaga kasama ang GPA sa pag-apply ng work. Kung hindi nakupu! Wahahaha..

        Anyway, kahapon grabeh sobrang saya ko. Nag-sauli ng exam results yung isa akong prof at natuwa talaga ako sa grade na nakuha ko. Kahit papaano eh nabigyan na naman ako ng konting pag-asa.

  5. One big hug coming up for Emilayskie!

    Dunadating talaga tayo sa gantong point na tipong parang lahat na ng klaseng problema eh dala na natin. Sabayan mo pa ng pagod, puyat, at lahat ng klaseng stress, mahirap talaga.

    I don’t know how to make you feel better, pero eto nalang.

    x Lahat ng hirap na dinadanas natin ngayon, it will all pay off in the future. Kung anu man ang hirap na nae-experience mo ngayon sa studies, meron naman syang sweet effect eventually. Keri mo yan sis!

    x Keri mo ba maging part-time student at part-time employee? Go kung san ka comfortable.

    x Just weigh the pros and cons of working abroad. Kung sa tingin mo yun ang makabubuti, go ka din, pero kung sa tingen mo, hindi mo din kakayanin mapalayo sa bebe mo, think 100000000x.

    x Indeed, there is no perfect relationship. Pero once the right guy comes, mararamdaman mo nalang yun eh. At kapag dumating sya, grab agad. Basta ang importante, mapapasaya ka nya at si Bossing mu.πŸ™‚

    x Eventually, matutulungan din natin ang mga pamilya natin, but in teh first place, kelanagn tulungan muna natin ang mga sarili naten. We can’t give what we do not have diba?

    Just keep on praying sis, hinde ka bibigyan ni Lord ng mga pagsubok na alam nyang hinde mo kakayanin. Wag kang bibitaw, okay?

    God bless you sis!

    1. I will sis. Hindi talaga ako bibitaw. Maraming salamat sa lahat ng payong sinabi mo at inisa-isa mo pa. Na-appreciate ko talaga.

      Alam mo mula nung sinulat ko lahat ng mga bumabagabag sa akin ay talaga namang gumaan na ang loob ko at mas madali na ulit mag-draw ng motivation ngayon. Minsan talaga kailangan muna natin mag-pour out ng emotions tapos pagkatapos nun lumuluwag na sa pakiramdam.

      Mabuti naman at may mga kaibigan ako rito na katulad mo sis. Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta Joycee!

      1. It really helps na may ganto tayong mapaglalabasan ng mga sama ng loob. Minsan nga iniisip ko, mas okay pa dito ka magrant kesa kausapin ang mga taong madalas mo nakakasama, feeling ko minsan mas naiintindihan pa ko ng cyberfriends ko.

        I know exactly how you feel. Cheer up, di ka Nya papabayaan.πŸ™‚

        1. Thank you sis!

          Uu naman. Kahit cyberfriend mo lang ako totoo ako sa iyo. Ganun din lalo sina Heleyna, Kathy, Lovely, etc. Totoo, gumagaan ang feeling makapaglabas lang ng sama ng loob. Pagkatapos nun ayos na.

  6. Hi Ems.. I read your post ha.. basta always remember dito lang din ako, eventhough wala tayo bonding moments talaga, you can also call me if you have problems or kung gusto mo ng katsikahan. Di man me magaling magpayo, I am willing to listen. Belated Happy Birthday pala kay Alex! Big boy na syaπŸ™‚ Luvyah!!!

    1. Thank you Tina. Touched ako kasi napapadalaw ka rin dito. Alam kong tunay kang kaibigan. Kahit wala tayong masyadong heart to heart talk during our highschool days eh kita ko naman ang kabusilakan ng iyong puso at tapat na pakikipagkaibigan. Ang lalim!

      I super miss you na Tina! Uu nga kung meron tayong chance makapag-meet ulit why not o kaya chat chat na lang. Teka dalaw ako sa bahay mo.

      1. Yep yep, abangan na lang kita online sa FB hehehehe! Nyt shift kasi me ngaun sa work ko. Basta chikahan tayo ha! I super miss u too..πŸ™‚ Hope magkaroon ng chance na maging super close tayo hehehehe..

        Nakow, dont call me tina here, pickleminded na lang, nyahahaha may ganun pang tago ng identity noh?! nyahahaha!

        Nakow, yung bahay ko, di ko pa namamaintain, wala bago post, inaatake ng matinding katamaran… buti nga kahit papano may sumisilip silip pa din, hihihihi

  7. nabasa ko naman lahat hehe, khet m0bile lng gamit ko at my kaliitan mga letra. Sa pgaaral, tingin mb pg kmuha k ng trbaho n0w eh mtTpatan ung mkKuha m0ng w0rk pg ngaradweyt ka? Ung w0rk abroad mgnda ring opti0n un kaso nga maiiwan beybi mu. Para sa akin wakna yun! anu na nga ule ung b0nd? Hahaha. Naku yang utang lahat tayo mer0n nian. Wag mo na tanungin magkano sa amin! kailangan lng talaga sa usapang father figure kay b0sing eh andito lang naman ako hehe. Figure lang ha! Sa yo ung financing hahaha. Npadaan poh emilayzki… =p

    1. Haha.. Figure lang ba? Ayos yan.

      Salamat po sa pagdaan! Tama po kayo. Mas magandang opportunities makukuha ko kapag nakatapos. Eto nga at mag-eexam na mamaya kahit walang isasagot. Hehe..

      Ang sosyal mo naman! Sa phone pa nagba-blog! Hehe..

  8. Ang haba.. sumakit ang mata ko na nagbasa..

    Payo ko lang wag ka ng magtrabaho sa abroad.. mas masaya kapag araw-araw ay kasama ng pamilya.

    napadaan lang po.

  9. hang kyut ni bossing…

    pati ang handa nakatatakam…

    nwei, life must go on…

    ano man nangyayari sa buhay natin mapagood or bad, lahat yan may dahilan ang God. wat is important is we ask fro His guidance in your life…πŸ˜‰

  10. hi! been reading your blog for weeks now but ngayon lang ako magpo post ng comment. first ang cute nung reactions nila sa photo

    i really cant say that my life is heading to where i planned it to be so parang wala akong right to give advices here. but one thing ive proven, that no matter how hard life is, the people who are important to you will be the ones who will give you most motivation to strive harder. ang labo sabi na ngang di magbibigay ng advice tapos….

    oh and btw, goodluck sa mga subjects. i can somehow relate to those. bs math graduate hereπŸ™‚

    1. Naku muntik na pong BS Math ang kuhanin ko sa UP Baguio. Buti nga at hindi ako natuloy dun. Mas madugo yun kesa sa ComSci.

      What you said is true. My best motivation is still my bossing, even my motivation to live.

      Thank you for reading my posts. Kakatats ka naman. Eto nga at nag-uusap na tayo. Hahaha..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s