Reminiscin’ High School

MakSci IV-Newton Class Wacky
MakSci IV-Newton Wacky

Noong isang araw ay kinailangan kong pumunta sa isang montessori para mangalap ng impormasyong makakatulong para sa aking SP (thesis). Sakto lang na bago ako makarating doon ay madadaanan ko muli ang kalsadang araw-araw kong tinatahak noon tuwing pumapasok sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Makati. J. D. Villena St. ang pangalan ng kalsadang iyon sa Poblacion, Makati City kung saan sandamukal na alaala ang tumambad sa akin habang ako’y naglalakad.

Ang una kong nakitang makabuluhan ay ang karinderya islash restawran na ang pangalan ay Top Meal. Naalala ko na mas mahal sa karinderyang ito kaysa sa ibang tapsihan dahil daw sa “ambiance” kahit siksikan kami lagi at nagkakaubusan pa ng upuan. Ang pinakapaborito kong orderin dito yung pinaka hindi popular, yung kakaiba. TAPSILOG yata tawag dun! Sarap na sarap ako pag kumakain rito kahit minsan nauuna pang madurog ngipin ko kesa sa tapa nila. Pero sa kabuuan, okay naman kumain sa Top Meal basta may pera. Kapag wala at napapadaan ako rito o kaya nagkakayayaan, iniisnab ko na lang o kaya sasabihin “Busog pa ako eh” kahit lakas ng kulog sa tiyan ko.

Pag lakad ko pa ng kaunti ay nakita ko na ang tindahang pinakapopular sa amin kung saan kami bumibili ng sari-saring school supplies na aming kailangan. Sa sobrang popularidad nito, na-realize ko na hanggang ngayon wala pa rin itong pangalan. Sinasabi na lang namin kapag tinanong kung saan kami bumili “Doon sa tindahan sa may kanto” at naiintindihan na nila yun. Popular di ba? Pinakapaborito kong binibili sa tindahan sa kanto yung transparent folder na kailangan sa halos lahat ng uri ng project, isama na rin ang black BIC ballpen. BIC daw sabi ni Jaja, classmate ko, para mas sosyal kesa sa Panda.

Sa kaliwa naman nakita ko ang Poblacion Public Market na napakalapit sa aming eskwelahan. Sa palengkeng ito naging milyonaryo ang mga tindera ng foot rug, basahan at kung anu-ano pang cleaning materials dahil sa amin. Kulang na lang ay magtayo ang school namin ng sariling factory ng basahan dahil sa taas ng demand nito. Nakita ko rin naman ang advantage nito dahil napanatili namang malinis ang eskwelahan kahit papaano. Sa may kanto ng palengke naaalala ko rin yung tindahan ng flying saucer, tacos, palamig, at nagmamahalang gift items. Ang pinakamahal kong binibili sa kanila ay yung Globe 250 cell card. Ang mahal pa kasi ng load dati at wala pang unli tapos adik na ako mag-text. Nagka-utang tuloy ako kay Nono (Hernando Salapare), isa ring classmate, ng 50 pesos dahil sa load nung kinulang ako. Promise Nono bago ako pumanaw babayaran kita.

Pagkalagpas ko ng kaunti sa palengke nakita ko naman ang botika kung saan kami nagpapa-photocopy ng aming mga kailangan sa school. Ayos di ba? Botika nga! Promise. May tinda naman silang maraming gamot pero hindi ko pa na-try bumili ng gamot dun or hindi ko maalala. Ang naaalala ko lagi sa botikang yun eh kapag pumila kami para magpa-xerox nauunang umuwi ang sikyu ng school kesa sa amin dahil sa haba ng pila. Joke! Pero promise parang laging lotto ang pila sa haba kaya mas madalas uuwi na lang kami kaagad kesa maghintay ng matagal.

Sa kaliwa naman ng botika matatagpuan ang Monterey Meat Shop kung saan kami bumibili lagi ng ice cream. Ang gulo na ba? Eh sa doon talaga kami bumibili ng ice cream eh! Walang pakialamanan! Hahaha.. Kasi kahit naman nagtitinda sila ng karne eh ano naman ang gagawin namin sa karne? So ice cream ang binibili namin doon. Ice cream stick kapag tipid mode tapos Drumstick o kaya Cornetto kapag payaman effect.

Bago pa ako lumagpas ng tuluyan sa teritoryo namin dati ay bigla kong naalala lahat ng mga masasayang alaala noong highschool. Meron nga ba?

  1. Lagi kaming nag-uunahan sa mga upuan sa canteen dahil star-studded tuwing breaks at lunch.
  2. Nag-cut kaming lahat ng klase para lang makapag-practice ng play pero dahil hindi naman kami nakakalabas eh nagtago kami sa liblib na likuran ng school building tapos hinabol kami ng teacher namin tapos kinabukasan lahat kami pinatawag ang magulang.
  3. Sobrang nag-eenjoy kami tuwing intramurals kahit na umiikli lagi ito bawat taon.
  4. Tag-tagang review talaga pero mas inspired akong mag-aral kapag kasama si Karen S. at si Miss Pickleminded. Kapag kasabay ko silang nagme-memorize feeling ko tumatalino na rin ako.
  5. Maraming-marami pang iba hindi ko na maisa-isa.

Sa totoo lang sa sobrang hirap ng pag-aaral namin noon ay talagang pinilit kong kalimutan ang lahat ng alaala ng highschool mula nung kami ay magtapos. Pero kapag naaalala ko ang mga kaibigan ko na-realize ko na nag-enjoy din pala talaga ako noong high school.

  • Best in Notebook – Karen S. – Bilib ako sa babaeng ito gumawa ng notebook. Napakalinis at ang sarap buklatin. Sya rin ang naging pinakamalapit kong kaibigan lalo na nung fourth year. Di ko akalain hanggang college magiging blockmates pa kami. Solid friendship ito!
  • Best Leader – Jasmin D. – Sya yung Jaja kanina. Para sa akin pinakama-impluwensyang babae ito sa lahat ng mga naging ka-batch ko at kaya nyang mag-excel sa iba’t ibang larangan. Dami kong natutunan sa kaibigan kong ito.
  • Best Comedian – Donna Mae C. – Marami pang ibang komedyante sa school pero dito talaga ako gumugulong ng sobra sa kakatawa kapag nagpatawa. Nami-miss ko na to si Memey. Sana one day magkita-kita ulit kami.
  • Valedictorian – Margie D. – Sobrang masaya ako dahil naging malapit kami ni Marge kahit papaano nung highschool. Na-inspire ako sa kasipagan nyang mag-aral at na-realize ko na pwede rin pala akong mangarap ng mataas tulad nya. Literally sya talaga valedictorian ng batch namin.

At dahil wala akong lablayp noong highschool, puro crush lang, nagpasya akong sumali sa COCC na talaga namang nagpakumpleto ng buhay highschool ko. Doon ako nakakilala ng pinakatotoo at pinakamalapit na mga kaibigan. Ang landi! Hahaha..

  • Corps Commander – Mylene C. – Malupit na komedyante rin to at saksakan sa kagandahan. Oh My libre mo ha? Sa lahat siguro ng naging kaibigan ko ito yung pinaka-kapareho ko ng kalagayan sa buhay kaya madali kaming naging malapit sa isa’t isa. Naging literal Corps po talaga namin sya sa kanyang kagalingan.
  • Best in Food – Diana L. – Ang bahay nya ang pinag-ugatan ng aming malalim na pagkakaibigan kung saan kami nanggahasa ng refrigerator. Sa sobrang sarap din magluto ng kanyang ina ay naging regular tambayan na ito ng barkada. Napakabait nito ni Dhi kaya kahit hindi kami naging magka-klase ay talagang nag-click kami.
  • Best in Conduct – Karen G. B. – Eto ang larawan ng ganap na pagkadalaga. Maganda, mahinhin at matalino ang kaibigan kong ito. Napakalayo ng bahay pero ang sipag pumasok grabeh.
  • Best in Molecular Friendship – Mylene A. – Misunderstood to ng iba pero sobrang totoong kaibigan tong si Mhy at masarap din tumambay sa bahay nila. Yun nga lang sobrang busy sya lately kaya hindi makasama sa amin.

Naku hindi ko man kayo maisa-isa alam nyo na kung sino kayo. Maraming salamat sa pag-share ng parte ng buhay nyo sa akin. Dahil sa inyo naging masaya rin pala ang high school life ko kahit walang katapusan ang hirap. Maraming salamat din sa lahat ng aming mga naging guro. Dahil sa inyo tumataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Lalong-lalo na maraming salamat sa mga magulang ko at kapamilya na sumuporta sa aking edukasyon. Utang ko po ang buhay ko sa inyo.

Dahil sa mga bagay na ito na naalala ko ngayon ay nahihikayat akong magpatuloy sa hamon ng kolehiyo. Sana talaga ay kayanin ko ito. Kapag hindi, pipilitin ko pa rin. Bawal nang sumuko!

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

46 thoughts on “Reminiscin’ High School”

  1. envious. wala na akong pics from highschool and di ko na rin kabisado surnames ng mga classmates ko before. bigla ko tuloy na miss hs life ko.

    and about sa ballpen, medyo generic lang kasi ang panda ballpens kaya di sosyalin haha.

    1. Hahaha.. Ang bilis mo mag-comment ha? Base ka kagad!

      Yeah yun ang natutunan ko kay Jaja. Bic daw. Haha.. Pero ang ganda kaya ng Panda kapag paubos na. Parang sign pen. Kaya pinag-aagawan sa amin ang mga paubos na na Panda ballpens eh.

      Kami medyo maraming pictures nung highschool pero hindi digital images kaya kailangan pa i-scan.

      1. Ems,

        Miss u na po.. mas ginusto ko basahin to kesa mgreview ng exam q ngaun… wahahahha.. Sa next na lakad, sama ako.. sabhan nyo nmn kasi ako ng mas maaga😀

        Miss ko na kayo.. Kakatuwa tong piece na to.. sana me talent din akong ganito..😀

        mwah,
        maye

      2. Aba magandang gawain yan Maye. Magbasa ng blog kesa mag-review. Haha.. Gawain ko rin yan! Sige sige meet tayo. Miss na kita bruha ka. Galingan mo po s aexam mo!

        Aba syempre may talent ka rin sa ganito noh. Try mo kaya minsan. Hahaha.. Tatadtarin ko ng comments lahat ng post mo.

  2. Namiss ko bigla ang highschool life, though yung iba nakakasama ko pa din naman until now. Pero sa totoo lang mas close ako sa college barkada ko.. kase parang halos sa kanila na ako lumaki eh, kung sino yung mga nakikita mo madalas sa blog ko sila ang college friends ko.. at naging bestfriends ko.🙂

    Pero syempre may something special talaga sa Highschool, like pagdadaliginding.. at nag-uumapaw na crushes.. hahaha.. at frequent trip to Guidance Counselor. bwahahah!

    Star Kid ka talaga Miss, sa Science High pa nag-aral. hehhee. Tapos UP pa. At higit sa lahat, maganda at sexy pa. San ka pa? Wahahahah! (libre mo nga ako)😉

    Talaga, classmate mo si Pickleminded? Sayang di ko masyado nadadalaw blog nya. One of these days kakaririn ko hehe ..🙂

    1. Ay tara sis dali dahil jan ili-libre kita. Naku AC kapag nagkatrabaho talaga ulit ako ide-date kita. Ang sipag mong magbasa at mag-comment. Papatayuan talaga kita ng monumento dito malapit sa may bahay namin.

      Pareho tayo sis. Mas matimbang na minsan yung friends ng college kaya napa-reminisce ako bigla at na-miss ko sila.

      Speaking of crushes, obsession ko yan dati grabeh. Kinikilig na kagad makita lang sya tapos literal na tumitili! Hahaha.. Ang landi! Hahaha..

      Uu si Pickleminded napakatalinong tao nyan. Bilib ako jan pag review na. Ang lalakas ng boses magmemorize tapos parang kinabisado yung buong libro.

      1. Nyahahah! Tara! Haha!😆

        Secret lang to (secret lang daw oh nakabroadcast naman ahhahaha!): iilan lang kase talaga na blog ang dinadalaw at sinusulatan ko maski sandamakmak nasa blogroll ko. kahit na may ibang dalaw ng dalaw sa kin at nagkocomment yung iba sa kanila di ko talaga dinadalaw. Hahaha! ang bad ko ba?😀 gusto ko kase topics mo. pati yung pag-express mo ng sarili mo, minsan ka lang magrant.. gusto ko yun. hehe. ayoko ng blog na galit sa mundo. wahahahah! tama na nga baka mabagansya na ko nito haha.

        Kulitan na lang tayo sa Fesbuk. wahahah!

        1. Wahahahhaha.. Natawa naman ako sa comment mo sis! Hahaha..

          Alam mo malapit ka sa puso ko AC. Feeling ko soulmates tayo. Kapag nagkita talaga tayo yayakapin kita ng mahigpit para mabiyayaan ako ng alindog mo! Hahaha..

          Ako rin ayaw ng blog na palaging galit sa mundo. Haha.. Kaya ka nga nagbasa-basa para sumaya ang pakiramdam tapos bibigyan ka pa ng bagong problema di ba? Kaya kapag nag-emo post ako rito sinusundan ko kagad ng masaya para di masyado mabasa. Toinks!

  3. Wow ems! =) Nakakamiss talaga ang high school ano?
    Sobrang thankful ako sa COCC kasi doon tayo nagkasama tlaga. Pero remember I asked you kung kailan tlaga tayo naging close? We both agreed it was even before the COCC and the weird thing is hindi naman tayo naging classmates ever. Hayy, amazing =)

    Saya talaga ng high school =)

    1. Uu nga. Weird tayong dalawa Mommy. Basta alam ko dati pa malapit na ang puso ko sa iyo. Para tayong soulmates! Wahahaha..

      Pero syempre low profile lang ako kasi crush ka ng bayan tapos ako wala lang. Haha..

      1. whaaaat? kelan pa ako naging crush ng bayan, isa lang akong normal na mag-aaral non noh!
        yea, ur right! we both immediately hit home when we got together. nakakatuwa =)

  4. Hm, may mga kakilala ako pero di ko na matandaan ang mga names nila. aw. Ang talagang kilala ko ay si Muffie (Mary Frances), Tina (Oliveros), Harold, Maica, Alinaya, Rochelle, Ivy Onate, Jobel, Philip, Lou Michael, Modesto, Fatima, Janice, Gemma Fern, Joanna. Aw, ayun lang. Hehe.

      1. Hehe. Taga Makati lang ako.. Aw, pero hindi ko sila schoolmate.. May kilala lang akong taga MacSci! Hehe. Si Tina nga laging nandito sa bahay! Hehe.

  5. Wow Mommy Em tats naman ako.. special mention pa ako dito.. :-* mdami talagang memories ang HS noh at preho taung wlang nging lablyf dun.. puro lang KRAS..ahahaha.. naalala mo pa ba si Sir Jerson??ehehe..

    1. Waahahha.. Baliw ka Mhy! Pinaalala pa eh. Waaaaaaaaaa..

      Uu naman di ko malilimutan ang first love ko. LOL. Alam mo ba may chika ako sa iyo. Teka hanapin ko kung online ka sa facebook. Haha..

  6. I dunno what’s with highschool pero I would say mas masaya ‘to kesa college. At eto talaga yung makakabuo kayo ng barkada tas hanggang pagtanda magkaaksama pa din kayo, or at least may communication pa din.

    Sarap talaga magreminisce,🙂

  7. parang timing noh, nung isang araw lang nag-pm kaklase ko nung HS set up daw namin yung reunion namin sa 2010, ayun bigla ako naparewind at naalala mga kalokohan namin. yun bang klase ninyo na nag-cut ng classes eh kinailangan mag-ober-da-bakod? hahaha. yung isang section ng senior class namin ginawa yun!

    1. Wow ang lupit nyo kung ganun! Hahaha.. Ang alam ko meron ding mga nag-attempt sa aming gumawa nun eh. Sayang talaga at di ko nasubukan yun.

      Sakto noh? Panahon siguro talaga ng reunions at reminiscin ngayon. Haha..

  8. high school life nga naman.

    dito ko unang nagka kras,umibig,nabigo,nagcutting (dahil sa blue blink at saber marionette j),at kung anu-ano pang first.

    may high school reunion nga kami but i would not be able to attend.wala pa ko sa pinas. sayang.

    musta na ang hot momma emilayskie?

  9. highschool life oh my highschool life… napakanta nalang eh…

    marami ngang nakakamiss sa hyskul lyp… ang dko makakalimutan eh ung js pram kc walang ngyri… haha… joke…

    mas masaya kc colej lyp ko kesa hyskul lyp… aral lang ng aral… hahaha!

    1. Hahaha.. Uu nga noh? Sa JS ang daming ine-expect mangyari na hindi nangyari.

      Ah talaga? Ako rin college mas masaya pero pag naalala ko memories na ganito nare-realize ko masaya rin pala nung highschool.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s