Toxicity

Patapos na pala ang March. Grabeh super daming nangyari sa buwang ito.

1. School – Sandamakmak ang exams at projects sa school. Hindi ko akalaing masu-survive ko talaga silang lahat. I’m still alive! Gosh! Sakaling mapadpad ang mga professor ko rito, gusto ko po sila pasalamatan ng maraming-marami. Hindi pa man ako sure na papasa ako sa lahat ng subjects ko for this last semester ay gusto ko na sila pasalamatan dahil na-appreciate ko talaga ang kanilang considerations sa amin.

2. Family – Hindi ko talaga makakalimutan ang buwang ito dahil nakaranas na naman ang aming pamilya ng isang napakabigat na dagok sa aming buhay. Hanggang ngayon hindi pa ako masyado nakaka-recover pero kahit papaano ay natututunan kong tanggapin ang mga pangyayari. Sa tulong ng mga taimtim na dasal at mas matibay na pananampalataya alam ko na malalagpasan ng pamilya namin ito.

3. Health – Okay naman ang kalusugan ko pero ang hindi okay ay kay bossing. Napakabilis magkasakit ni Alex these days. Magkakalagnat sya sa hapon, umaapoy ang temperature hanggang madaling araw, at gumagaling sa umaga. Pagdating ng hapon, lagnat ulit. Magastos din ang gamot panglagnat. Gusto ko mang ipa-check up ay hindi pa ako makagalaw. Limited ang budget ko at hindi pa maisiksik sa schedule. Ngayong start na ng bakasyon magkakaroon ako ng oras para ipa-check sya pero iniisip ko pa lang gagastusin sa mga laboratory examinations ay nanlulumo na ako. Sana talaga ay wala namang malalang sakit si bossing ko.

Ganun pa man, marami mang malulungkot at mahihirap na pangyayari ay marami pa ring masasayang kaganapan. Ang katibayan ay ang nagbabalat kong balikat dahil sa sun burn. Last March 19-21 ay nagpunta kami ulit sa Subic kasama ng mga college blockmates ko at walang kapantay ang aking kasiyahan dahil naisama ko si Alex. Tree Top Adventure, beach, and Go Kart kami.

Pictures are courtesy of my classmate, Mark. Super enjoy talaga kami mag-ina sa experience namin dito with my classmates. Looking forward to more summer getaways this year.

For sure maraming mapapadpad rito para magtanong ng rates and feedback. Pasensya na po at hindi ko pa sure ito dahil di ko na-memorize. LOL. Pero according to my stored knowledge these are the rates, Rapelling (P150), Superman (P250), Canopy Ride, Silver Surfing, Trekking. I will just update this post pag na-confirm ko na sa classmates ko. Yung info kasi na nasa website ng Tree Top Adventure ay hindi updated. When you get there iba ang names nung activities at iba ang rates. To be fair to Tree Top Adventure, I really enjoyed their activities. The crew are well trained and can inject humor from time to time. Parang pina-practice nila lahat ng mga patawa nila. Sakit ng tiyan ko halakhak. Their safety harness and gadgets are trustworthy and their practices make you feel secured.

For Leman’s Go Kart in Subic, P400 for 10 laps, additional P100 if you want to drive with a child.

Nga pala, sobrang nahihilig ako sa mga knock-knock jokes lately dahil sa napakalakas na impluwensya ng mga classmates ko sa Stat130. Here’s a sample.

Knock-knock.

Who’s there?

Ginabing Kokey.

Ginabing Kokey who?

Just dance, ginabing Kokey.. Da du ru.. Just dance, spin that record babe.. Da du ru..

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

22 thoughts on “Toxicity”

  1. ui, hapon lang sya nilalagnat parati? that could be something. pacheck mo na sya..
    anyway, i hope maging ok na yun pinagdaraanan nyo sa family. =)

  2. last semester? hmm sana nga walang bagsak dun advanced congrats sa inyo.

    parang nainggit ako dun sa tree jump. parang gusto ko ring i-try. thanks for sharing. baka subukan ko din yan pag nagka pera na ako🙂

    1. Naku sobrang sarap ng pakiramdam ng nahulog yung puso mo for 5 seconds. Haha.. Sige balitaan mo ko pag nagawa mo na rin.

      So far wala pa namang bagsak sa grades ko. Sobrang swerte. Salamat po sa pagbisita!

  3. huwaw! ang saya naman! im glad you had a break.. at kasama pa si alex.🙂 pero, wag mo na patagalin at ipacheck mo na sya. para malaman agad kung ano yan. pero hopefully ay wala lang nga, kundi simpleng lagnat laki lang. hehehe.🙂

    1. Uu nga. Sana simpleng lagnat laki lang. Maayos na sya ngayon eh. Nagva-vitamins din naman siya. Sana tuluy-tuloy na.

      Thank you sa pagdalaw sis. Teka makapunta nga rin sa bahay mo. Dami mo getaway for sure.

  4. Ang saya naman ng adventure na ito Milay… At nakasama pa si Bossing (ang laki na niya…)🙂

    Ganun talaga siguro ang mga bata, madaling magkasakit… In a way, kailangan din yan kasi children also need to build antibodies… “Lagnat laki” ba sa tagalog yun?

    Anyways, summer na summer na… At dahil free ka na from the impediments of school, I hope you enjoy summer to the max…🙂

    1. Naku thank you po Mark. Sayang nga at hindi pa yata madadagdagan ang airplane travel ko this summer. Haha.. Gusto ko sana mag-Bora. Next time na lang.

      Sabi nga po nila lagnat laki lang. This week fortunately he did not get fever yet. Sana talaga tuluy-tuloy na. Tsaka sana kapag lumaki na siya mas matibay siya sa mga sakit.

      Opo super laki na niya. Super nag-enjoy talaga ako dahil sinama ko siya.

      Thank you sa pagdalaw Mark. Teka silip din ako sa bahay mo.

  5. Waw! gwapo ni bossing ah. Nice naman yang subic adventure ninyo. bukod sa bonding ninyong magkakaklase, bonding pa ninyong mag-ina. I am praying na ok naman ang result ng checkup ni Bossing.

    Have fun this summer! Sana makapunta din ako dyan sa Tree Top Adventure.

  6. grabee after a year ngayon lang ulet ako napadpad sa bahay mo emilayskie?waaaaaaaaaah!pasensya pasensya!dadalasan ko ang dalaw, nag-bago na kasi ako ng bahay😀

  7. hi! I’m one of tree top staff, thanks sa pagpunta at pagmamalaki sa mo tree top…. Kung ano man po yung prob ninyo, don’t forget to pray, alam ni god na kakayanin mo yan…

    tree top adventure

    1. Thank you Jenner! Aba at ikaw pala ay isa sa mga staff doon ha? Sino ka kaya doon. Hmmm.. Medyo marami kaming videos doon eh. Super enjoy talaga. Salamat po sa pagdalaw mo sa blog ko! Balik-balik ka. ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s