The Friendly Care Clinic Experience

Eleksyon na naman. Sino kaya ang susunod na mga pinuno ng bansa? Ilan kaya ang totoong pinag-isipan ang kanilang boto? Anong magiging sitwasyon ng bansa sa susunod na anim na taon? Anu-anong mga plataporma naman kaya ang maisasakatuparan?

What: Friendly Care Clinic – a private medical clinic whose vision is to provide high quality health care and services.

Where: #710 Shaw Boulevard, Mandaluyong City

When: April 26 and 28, 2010

Why: Pre-employment physical examination

Di naman masyado sikat ang clinic na ito sa mga mamamayang Pilipino (at hindi rin naman ako sikat na manunulat) pero sigurado ako sikat na sikat ang Friendly Care sa mga empleyado ng Sitel, Stream, Accenture, Teleperformance, at iba’t iba pang call center sa paligid ng Mandaluyong City.

Hindi na ako sa call center magta-trabaho pero kahit ano palang kumpanya na naka-partner dito ay makakaranas ng ganito sa pagkuha ng pre-employment exam.

Lunes.

Bago pumasok sa kanilang gusali ay mapapansin ang dilaw at mala-preschool na kulay ng building ng nasabing klinika. Mukhang takot sa araw ang mga tao sa loob dahil sa ilalim ng glass wall ay ang kulay dilaw na posters na naglalaman ng kanilang mga serbisyong pang-klinika.

Pagpasok ay kapansin-pansin kaagad ang madilim na kapaligiran at lighting, pati na rin ang kulob at bahagyang malamig na singaw ng aircon. Maraming tao ang nanonood ng TV sa waiting area. Paglapit ko sa information, “Naku marami pong tao ngayon eh. Baka abutin po kayo ng tatlong oras.” “Sige lang,” ang sabi ko. Mabuti naman at na-set ang aking expectations ng maayos.

Pagkatapos kong mag-fill up ng sangkatutak na forms na puro FIRST NAME, LAST NAME, COMPANY, etc ang ilalagay ng paulit-ulit, ay pinaakyat na ako sa Nurses’ station sa pangalawang palapag. Madilim pa rin ang paligid at napagtanto ko na ito ay dahil sa makulay na dingding at mahinang mga puting bumbilya.

Parang airport ang dating sa dami ng taong naghihintay sa may tapat ng Nurses’ station. Inabot ko ang aking folder at naghintay sa pagtawag. Umupo ako, pagkatapos ng sampung segundo ay tumayo ulit dahil natawag ang aking pangalan. Nilagay sa computer ang mga nakalap na impormasyon pagkatapos ay pinapunta ako sa Laboratory. Nag-login ako at binigyan ng dalawang plastic cups para sa ihi at dumi. Naging maayos naman ang drug test at blood extraction kahit medyo nagmamadali na silang umuwi at tinatamad na tumarabaho ang ilang empleyado pero dahil kailangan ko pa bumalik para sa dumi ay hindi ko na ininda ang dalawang oras na kabuuan ng kalahati ng proseso.

Martes.

Di ako bumalik dahil sarado daw ang kanilang office. May company outing daw sila.

Miyerkules.

Hindi ko na siguro kailangan isalaysay kung paano ako nakuha ng stool sample. LOL.

Pagbalik ko sa information ay pinapunta ako sa kabilang opisina kung nasaan ang aking naiwang mga papel. Pinapunta ako sa Nurse station sa 2nd floor, na pinapunta naman ako sa Laboratory, na pinapunta ako sa Information ulit sa baba, na nagpapunta sa akin ulit sa Nurse Station dahil for physical examination na pala ako. Gulo na ba? Di pa yan. Habang nakapila ako sa Laboratory kung saan walang tao sa window ay may nagrereklamo nang isang pasyente dahil sa sobrang katagalan ng babaeng dapat na tumutugon sa pila. Sandamakmak na kasi ang taong nakatayo at naghihintay sa labas ng laboratory ngunit wala pa ring dumadating. Ang isang nurse ay abala sa blood extraction, ang ibang staff ay sa microscopy. Ang nag-iisang babaeng clerk na inaasahan ay missing in action. Umalis na lang ako sa pila para maiwasan ang stress.

Hintay na ako para sa physical exam. Dalawang oras at kalahati akong naghintay, literally. Nag-iisa lang ang doktor na nage-exam. Higit isang dosena pa ang nakalinya ngunit patapos na ang office hours. Hindi ko naman pwedeng sisihin si doktora. Nakakaawa nga siya dahil wala man lang syang katulong. Pagkatapos ng napakahaba at nakababaliw na paghihintay ay natawag din ang aking pangalan. Tinapos ko lahat ng proseso at umuwi sa bahay ng ligtas. Sana huling beses ko ng papasok doon. Sana talaga.

What can be done to improve their system?

  1. Schedule two doctors at a time for physical examinations. Sa dami ng mga new hirees mas maraming ine-expect na darating. Bakit hindi sila nababahala sa napakahabang pilahan at hintayan? Ibigsabihin ng ganoon ay may kailangang baguhin sa paraan ng pagserbisyo. Mas malala pa sa pila ng NBI Step 3 ang mga pila nila.
  2. Promote company slogans like “Service with a smile” o kaya “Happy to serve you.” The whole time kasi di ko naramdaman yun eh. Mga nurses lang na lalaki ang maaliwalas at bahagyang nakangiti ang mukha. The rest parang bigat na bigat at stressed na stressed sa trabaho nila. Magbigay ng mga incentives para sa employees of the month para ma-encourage silang magtrabaho ng maayos. Hindi yung sa mukha pa lang ng empleyado eh mae-estima mo na kaagad kung magkano ang kanilang sweldo at mga benepisyo.
  3. Palitan ng kulay ang mga dingding para maging maliwanag. O kaya naman, palitan ang lighting system. Ang madilim na kailawan ay dumadagdag sa stress ng mga tao. Buti sana kung yellow light eh. Kaso hindi. Dim white light. Sakit sa ulo.
  4. Sana ay bigyan nila ng option na tumanggi sa fecalysis ang isang pasyente. Nakakatagal kasi ito ng proseso. Sa lahat ng diagnostics at physical exam na napagdaanan ko in the past, sila lang ang nagre-require ng dumi. Sabi ng isang kakilala kong doktor, for formality lang daw yun. “Sino ba naman ang gugustuhing mambusiklat ng tae?” aniya.
  5. Marami pa sana ako suggest kaso gabi na. Antok na ako. Haha..

Naging mala-impiyerno man ang aking karanasan sa loob ng klinikang ito ay nagpapasalamat pa rin naman ako sa ibang piling empleyado na kahit papaano ay tumulong sa akin doon. Hindi ko alam kung paano makakarating ang feedback na ito pero ito lamang ang naiisip kong paraan para kung sakali mang may mapadpad ditong nagta-trabaho sa kanila ay maipaabot ang salaysay na ito.

Mayroon po akong konting eksperimento kaya pagpasensyahan nyo na kung malilihis ng topic. Hehe.. Gusto ko lang hulihin ang mga bloggers na nagbabasa ng first and last parts lang tapos nagco-comment. Haha..

Kakalungkot isipin na hindi lang nag-iisa ang clinic na ito sa mga may bulok na sistema. Napakarami pang institusyon lalong-lalo na sa gobyerno ang may ganitong problema. Hindi ako nagtataka kung bakit napakabagal ng pag-usad ng ating bansa.

Malapit na naman ang eleksyon. Nakakalungkot marinig sa aking mga magulang at kapitbahay na ang iboboto nila ay kung sino ang mananalo. Walang oras para magsaliksik tungkol sa mga kandidato at kung sino ang karapat-dapat. Pero para sa akin may pag-asa ang bayan kung ang pagbabago ay magmumula sa aking sarili.

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

16 thoughts on “The Friendly Care Clinic Experience”

  1. Ooooops….teka lang ha, binasa ko ang buong post mo simula first hanggang last word….at nahilo ako hahahaha. Nagsimula sa election, napunta sa clinic, napunta sa stool, naputa sa election uli heheh. Hanep naman yang eksperimento mo hehehe

    Btw, are you going back to work? Tapos na ba ang school?

    Kumusta pala kay Bosing.

    1. Uu sis! IT programmer na ako ngayon sa isang bank na malapit sa iyo. Haha.. Pero parang super delayed na yata tong reply na to kasi nasabi ko na yata sa iyo sa FB. Hahaha..

  2. gee thanks! papunta ako dun bukas eh… so after reading this i learned that i shud bring my urine and stool sample already para iwas balik-balik… kung pede nga rin kunin ko na yung sarili kong dugo at mag physical examine mag-isa ggwin ko na rin…
    heheh charot lang yon…!

    just wanna say thanks!

    1. You’re welcome po! Glad it helped. Aba pano ka naman napadpad sa blog na to? Haha.. Tagal na nito ah..

      Anyway thanks for dropping by. Hope all goes well and quick with your physical exam.

  3. Hay naku, eto pa ang version ko.

    All the while, akala ko e completed na ang medical ko sa kanila only to find out na wala pa daw ako drug test. Huh? Tandang-tanda ko pa nung Oct 26, 2010 na tinapos ko yung Drug Test ko kung saan ay kinunan pa nga ako ng picture and biometrics dun sa glass window. Ang rason? Sa sobrang high-tech ng clinic na ito ay nagCRASH daw ang kanilang computer kaya nawala daw yung record ko sa drug test. A, ok. So, ano dapat gawin? Punta daw uli ako dun sa clinic for screening daw. Punta naman agad ako dun sa corporate accounts department nila and i looked for Sen na nagsabi pumunta ako sa clinic for screening. As i looked for him (Sen), he immediately asked for an ID, e napakasuwerte ko at wala akong dalang ID nung nagpunta ako dun. E kelangan daw talaga. SAbi ko nga dun ke Sen, bakit nde mo sinabi sa kin na kailangan ko magdala ng ID pagpunta ko para ma screen ako? Kelangan po talaga e, sabi sa kin. Letse talaga oo, kasalanan ko ba na magCRASH ang computer nila at nawala ang record para pabalik-balikin nila ako dun sa bulok na clinic nila?

    Mas bagay na pangalan nila e – BAD TRIP CLINIC instead of FRIENDLY CARE CLINIC

    1. Hahahaha Ang cute naman ng version ng story mo Lady Gilagid! Aba sobrang high tech nag-crash ang computer at kasalanan mo pa dahil hindi ka nagdala ng ID? Hahaha.. Bulok talaga diyan sa clinic na yan grabeh.. Di ko makalimutan ang experience ko. Sana kung malipat man ako sa ibang work ay hindi na sila ang partner clinic nung company. Kakagigil.

      Di bale. Pagkatapos mo naman niyan eh out of their world ka na. Hehe.. Goodluck sa drug test mo!

      Salamat nga pala sa pagbisita sa blog ko. Mabuti naman at napadpad ka rito? ^_^

  4. Lol. Ewan ko ba kung bat naging ganyan sila. Pero dati, nung nagbukas yan nung bago palang, maayos sila. Mula sa ichura, nurses at facilities. Yun nga lang, nung simula nung dumami na yung accounts nila, parang kesa sa ma improve eh napabayaan nila yung facilities, building kahit yung system. Pero dati naman, ganyan padin system nila, yun lang, dati konti palang ang tumatangkilik sa kanila, eh ngayon? Anyare? Lol! (Konti lang dati, kasi ground floor lang, naaaccomodate na nila ung mga patients, wala pang gumagamit ng 2nd floor noon. Ang lab nila eh yung corporate accounts na ngayon. Ang left wing eh for adults/family med at right wing ay for pedia with matching playground sa waiting area sa pedia) Actually, halos lahat ata ng gamit nila dyan eh donated ng isang US company, nakikita ko kasi dati may stickers sa upuan, TV, pinto etc. Kung sino man nag patuloy sa pamamalakad, ayun, si na inupgrade. Isa lang ata yung nakita kong inupgrade nila eh, de-biometrics na ang log in log out ng employees.😄

    Lol. Bat ako napadpad dito? Kasi pupunta ako dun mamaya, inaalam ko kay Google what time sila open. Haha! Nakalimutan ko.😄

    1. Haha criss! Ayos yung information mo! Very good. Very helpful yan sa kanila.

      So natagpuan mo naman ba kung hanggang anong oras yung open times nila sa blog post na ito? Hindi ko yata nabanggit. Haha..😀

  5. Haay kakagaling ko lang dito last week and medyo magulo at pasikotsikot ang sistema nila and tama po kayo mukhang haggardous ang mga staff. Kung hindi lang sila accredited ng company namin di na ko to pupuntahan.

    1. Hi Fechi! Korek. Pareho tayo. No choice lang talaga dahil yun ang accredited medical facility ng company. Ganun din ako. Kung nagkasakit ako hinding-hindi ako makakaisip na pumunta diyan haha..😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s