New Work, New Life

Nakupu, anong petsa na? Ang tagal nang inamag ang bahay ko. Huhu.. Pasensya naman guys. Naging abala lang sa mga transition sa aking life.

April – Super busy with my remaining subjects. Buti naman at naka-survive. Hindi ko na lang talaga naihabol ang aking defense. Next sem na.

May – Had to start working. Di ko na kaya ang walang income. Nagta-trabaho na po ako ngayon sa pinakamasayang mundo ng IT. Hahaha.. Kung bakit masaya, ikwento ko sa inyo next time.

June – Bossing started going to school. Super sad man pero wala ako sa kanyang first day of school, once ko pa lang na-meet ang mga teachers, at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikitang pumapasok sa school. Siguro one of these days mag-half day ako para man lang maramdaman niya ang presensiya ko doon. One time sinabi niya sa akin “Mom, can you stay with me at school?” Sabi ko gagawin ko minsan. Nag-alangan kasi ako ipasok siya kaagad dahil 3 pa lang siya at sa October pa siya mag-4 pero sabi ng butihin kong Ina ay mas maganda raw kung maaga. Sana nga he’ll do just fine at school.

July – Eto nga at July na. Ano ba yan ang bilis talaga ng araw! Adjusting pa rin ako sa work at the same time super happy dahil wala na talaga akong mahihiling pang iba dito sa kompanyang pinagta-trabahuhan ko. Sarap ng ganitong work lifestyle talaga.

Hanggang dito na lang po muna ang pagpaparamdam ko. I don’t want to promise anything about blog hopping. Kailangan ko sigurong gawan ng paraan na maisingit sa daily schedule of activities ko. Tsk tsk..

I miss everyone here. Paramdam din po kayo!

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

12 thoughts on “New Work, New Life”

  1. glad you’re back kahit di masyado maging active oks lang.🙂 thanks for visiting my home as well (dami mo nga lang namiss na life changing moments ko ahahah!)😆

    anyway, oks lang magschool na si bossing. ganyan din ako nagstart magschool nun. 5years old pa lang ako grade 1 na ko. okay naman, eto normal naman ako. ahhaha..😆 sana nga ay mawitness mo ang kanyang pagiging schoolboy maski minsan lang. im sure youll be one proud mommah!🙂

      1. opo. nabore kase ako sa preschool. wahahaha! joke! kapal ko!😆 i went to college when i was 15.🙂 kaya yata ako maaga namulat sa kamunduhan.. este, katotohanan pala. hahaha!

  2. Welcome back! Salamat sa pagsilip sa bahay ko.

    I am happy with how things turned out for you. Wohooo! Thesis na lang! Go, go, go! Tapos, ngayon ok na ok pa ang work mo. Praise God, Milai. Praise God.

    Congrats kay Bosing mo. Yes, minsan baka pwede ka mag-half day. Iba rin kasi yung makikita ka niya paminsan-minsan sa school. Tiyak kong matutuwa ‘yun.

    1. Thank you thank you po Miss N! May mas maganda pa akong balita diyan ngayon. Teka lang makapag-post na nga ulit ng bago. Napanis na tong blog ko hahaha..

      Buti naman Miss N may time ka pa mag-blog. Miss ko na bahay mo. Makabisita nga doon.

  3. this is great news. i’m glad that you found a job that you really like. don’t give up when the going gets tough, ok? sometimes IT people don’t have a life outside of work. if there’s any consolation, the work completes them.🙂

    seems to me bossing is too young to go to school, but what do i know? sino ang naghahatid at sumusundo sa kanya sa school?

    1. Correct ka po diyan Mr. Plaridel. Naku super workaholic ang ilan dito sa mga kasamahan namin pero gladly mas maraming ka-age ko kaya mas madali akong nagkaroon ng friends.

      Yung tricycle po ang naghahatid at sumusundo sa kanya sa school. Hahaha.. Kaso kahit ang tricycle na service ang mahal pa rin. Kainis!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s