What’s So Special With November?

August – Na-ospital ako for some undiagnosed but severe upper left abdominal pain. Palagay ko muscle spasm lang yun na sobrang tindi. Napapaluha ako sa sakit tuwing humihilab. Kinailangan kong uminom ng mefenamic every 6 hours halos to relieve the pain for 3 days. Nung na-emergency ako, tinurukan lang din ako ng pain reliever tapos pinauwi. Nagpa-Balinese whole body massage lang ako sa Body Tune, the next day, tolerable na ang pain nya hanggang sa completely nawala after one week.

September – Super busy with work projects and thesis project. Met a handful of online friends and dabarkads.

October – Birthday ni bossing noong 15. Spaghetti and loot bags for classmates, tons of cake for my workmates, cake and lechon manok for my family. Super busy day. Sobrang saya ni Alex. Kaso pagod din siya sa lahat ng biyahe and activities. Salamat talaga nakaraos ang birthday niya.

Photo Grabbed from Netvibes

Bakit nga ba espesyal ang November?

Hmmm…

Unang-una, dahil graduate na akoooooooooooooo!! Wooohhhhhhoooo! Let’s celebrate!

Hindi ko pa naaasikaso ang clearance and all pero nag-confirm na ang adviser ko na candidate for graduation ako for the first semester this school year. Ang syalan! Nakapag-defend na ako ng thesis last Friday, November 5, 2010. Super saya talaga! Nakahinga na rin ako ng maluwag.

MAGNA ang award ko. MAGNA-NINE YEARS SA COLLEGE.

Oh shucks. 9 years pala talaga. Hindi lang Magna. Hahaha..

Bakit pa nga pala espesyal ang November?

Ewan. Hindi ko maalala. Pero parang may mangyayari at nangyayaring maganda tuwing November eh. Ano kaya yun?

Anyway, miss ko na kayong lahat. Hindi ko alam kung ano pang mga blogging material ang pwede kong ilagay dito. Nakalimutan ko na kung pano mag-blog. Hahaha.. Di bale. Basta miss ko na kayo. Bisitahin ko ulit mga bahay ninyo kahit saan mang sulok kayo naroroon. Thank you po sa pagdalaw rito kahit walang laman. Pasensya na po sa aking pagliban sa blogosphere. Mahal ko po kayong lahat!

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

10 thoughts on “What’s So Special With November?”

  1. Welcome back sweet Milay…πŸ™‚

    Congratulations!!! May masters degree ka na!
    Aba, at magkasunod pala bday namin ni bossing….πŸ™‚
    Espesyal ang november kasi malapit ito sa December? Hehehe…

    On to more blog entries!

    1. Waaa… Hindi po masters. Huhu.. Undergrad lang po. 9 years sa undergrad. Hahaha.. 4 years kasi ako nag-stop.

      Tama! Espesyal ang November dahil malapit sa December! Hahaha.

      Thank you po sa walang sawang pagbisita mark kahit sobrang inaamag na tong bahay ko.

      1. Kahit 9 years pa yan, Milay. Oka lang yan, ang mahalaga ay pinagsikapan mong makatapos. Congratulations sa ‘yo!

        Sorry to hear the sad news about your lola.

        Merry Christmas, Milay!

  2. welkam bak hija at kamusta kay bossing mo ha! ilan kaya taon na yan? hihi nagtanong pa ano? anyway welkam bak kahit di namin alam kung kelan mo ulit titipain itong blag mo na puro anay na sa tagal na wala gumagalaw hihihi. yun lang at babu na si kulasisi..

  3. Ok lang yan, ako parang ganun din. parang 9 yrs din. nagshift pa kasi ng kurso. tapos nag work pa. tapos nag quit pa para magmission. tapos back to school na naman at pinilit ng nanay na tapusin na talaga once and for all ang college. Hay, ang sarap ng feeling na makagraduate sa wakas, pagkatapos ng kay tagal tagal na panahon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s