Laitero

Ikaw ba ay mahilig manlait ng kapwa?
Wala ka na bang ibang makita kundi kapintasan sa ibang tao?
Mahilig din bang manlait ang mga magulang mo? Ang mga kamag-anak mo?

Laitero – Tawag sa taong mahilig manlait ng ibang tao.
Lait – To mock, ridicule, make fun of, but wait there’s more!

Nung bata pa kami lagi akong tinatamad pumunta sa mga family reunion. Oo, masaya at maraming pagkain pero kapag naiisip ko pa lang yung ibang mga kamag-anak kong mahilig manlait kahit kailan hindi talaga ako ginanahang pumunta doon.

Pango, negra, ulikba, pandak, mukhang katulong, etc.

Lahat na yata ng klaseng panlalait narinig ko sa kanila. Isama na ang panlalait sa aming relihiyon at kahirapan sa buhay, talagang hindi ko maintindihan ang nanay ko bakit nagpupumilit pa siyang sumama kami doon.

Pero habang lumalaki kami (ay hindi pala ako lumaki), nagbabago rin ang aming mga itsura. So akala ko magbabago na rin sila di ba? Isang beses sabi ng isang tito ko: “Aba gumaganda rin pala ang mga mukhang katulong!” Bakit may mga ganitong klaseng taong nabubuhay ano? Haha joke.

So dahil sa sitwasyong ito, nag-artista ako, este, pinagbuti ko ang pag-aaral ko at hanggang ngayon ay pilit na gumagawa ng paraan para maka-angat ng kahit paano sa buhay. Hindi naman kami yumaman pa at wala pa rin namang happy ending ang istoryang ito dahil sigurado ako mas marami pa silang kapintasang masasabi ngayon sa aming pamilya. Pero gusto kong i-share ang cute na poem na ito. ^_^

A PIGGY TALE
By Jacqueline Henley

This is the story
Of Penny the Pig,
Who would do her chores daily
And never renege.
She cleaned her sty proudly
With brushes and pail
And groomed herself neatly
From head down to tail.
She watered the flowers
That grew by her door,
And when she was finished,
She planted some more.
She polished the handle
And bolt on the gate.
She scrubbed out the trough
Till the day became late.
All of the other pigs
Laughed and poked fun.
A pig cleaning her sty—
It just wasn’t done!
For everyone knows
That pigs like to be grubby,
To sleep in the mud
And eat till they’re tubby.
But Penny was clever,
Not just being prim.
She found that the work
Kept her figure quite trim.
So when, once a month,
The farmer came by
To check on the pigs
And look in each sty,
He’d walk right past Penny
And, “Tut!”—just say that—
Then look in the next sty
For a pig that was fat.
So, though she was mocked,
Penny knew she was safe
In her neat, tidy sty,
Staying as thin as a waif.
And at length, those who mocked her
Hung sadly in shops,
For their fat, lazy bodies
Became bacon and chops.

O di ba ang saya? Kinakatay ang mga mahilig manlait! Hahahahaa..

Alam naman natin lahat ang ending ng ganitong istorya di ba? Parang yung mga nanlait kay Noah habang gumagawa ang pamilya niya ng barko. Parang yung mga kapatid ni Joseph na binenta siya bilang alipin. Isama pa yung mga taong pinagtawanan ang mga propeta nung unang panahon at lahat ng mga taong pinagtawanan ang mga imbentor ng siyensya.

Tigilan ang panlalait. Itikom ang bibig at lalong-lalo ng burahin sa isipan ang mga masasamang sasabihin sa ating kapwa. Hindi ako perpektong tao para magsabi ng ganito pero alam ko na kung ang karamihan sa atin ay mag-uumpisang linisan ang ating kaisipan, magiging mas mapayapa siguro ang mundo.

Try mo to:

Kapag meron kang naisip na kapintasan sa iyong kapwa, sabihin mo sa isipan mo “ERASE, ERASE, ERASE!” At para mag-level up ka, bigla mong isipin yung mga bagay na mabuti tungkol sa kanya.

Example:

“Ang taba naman nito.”

“Oh no! ERASE, ERASE, ERASE!”

“Aayy, ang ganda pala ng eyes niya. Ang cute-cute pala ng ilong niya! Carry nya ang katawan nya ha? In fairness!”

O di ba? Happy? Try mo. Hindi masakit.

Published by

emilayskie

Just doing what I got to do.

34 thoughts on “Laitero”

  1. Ang hot naman!😀 Naniniwala ako na ang tunay nakagandahan wala sa mukha kundi nasa character at personality🙂 aanuhin kung mukha kang model ng victoria secret, kung ang puso mo naman ay mukhang lacoste. hehe

    1. May tama ka diyan rah. Kung siguro lahat ng tao ganyan ang paniniwala tungkol sa tunay na kagandahan, ako siguro ang pinakamaganda. Charing! Haha..

      Natawa ako sa mukhang lacoste haha.. Original mo ba yan? Mai-quote nga.

    1. Korek Bino. Problema lang kahit sorry ng sorry tapos uulit-ulitin din nawawalan ng saysay ang paumanhin. Mas maganda pa rin kung piliting kontrolin ang isipan di ba? ^_^

      Salamat po sa pagdalaw dito.. ^_^

  2. nice. pero syempre depende pa rin yun sa intensyon ng paglait diba kung pa-joke at katuwaan di naman siguro masama pero kung ang intensyon eh makasira na talaga ng pagkatao yun na yung hindi tama. hehehe *guilty* hahaha

  3. Uy, nagbabalik! Happy New Year Milay!

    Noong araw, maging hanggang ngayon, nakakaranas pa rin ako ng mga panlalait…
    Nakabuti rin sila kasi naging encouragement ko yung mga panlalait nila to be always better and to be excellent in all things I do… At sa mga manlalait, ituloy niyo lang…🙂 Am sure yayaman kayo dyan… hehehe…

    1. Naku kung nakakayaman lang talaga ang panlalait may kilala ako na bilyonaryo na! Hahahhaha..

      Pareho tayo ng ginawa Mark. Lalo ka lang nagpupursigeng mag-improve dahil sa mga salita nila. Sana talaga kunin na sila.. Joke! ^_^

  4. Ah, alam ko bakit gusto pa rin ng nanay mo na pumunta kayo sa family reunions kahit may mga magaling manlait… siempre, para may maidagdag na info sa genealogy nyo.😀 Ganyan nanay ko eh, adik sa family history, mana sa lola ko.

    Pero alam mo, nang makarating ako dito sa melbourne, narealize ko na medyo mga laitero pala tayong mga pinoy. Hehehe… Oy, included ako diyan ha? Ang ibig kong sabihin, kasi di ba, sa ‘pinas, parang ordinaryo lang sa atin na magcomment sa kulay ng balat ng iba, yung magcomment na negro or negra si ganito, ganyan, at kadalasan andyan din ang mentality na mas maganda yung mas maputi na kutis kesa maitim. Dito sa Melbourne, dahil iba’t ibang races ang andito, natuto ako na maging mas sensitive sa ibang mga rasa, yung dapat, i-treat talaga ang lahat na pantay, puti man o itim ang kutis, yung maging sensitive sa pagcomment lalong lalo na sa kulay ng kutis ng iba. Kasi konting comment mo lang sa kulay ng iba, pwede silang magalit sa yo at sabihing racist ka. Di gaya sa pinas, may tutuksuhin ng ibang bata yung isa at sabihing aeta siya, konting iyak lang, tapos bale-wala-in na lang. Wala sa vocabulary yung sasagot na, “mga racist kayo,” o magsampa ng kaso na racial discrimination. Di ba ganun?

    1. Naku lahat ng sinabi mo sis totoo.

      Kapag lumalaki talaga tayo sa environment na mahilig manlait yung mga tao sa paligid natin, nahahawa tayo. Pagdating ko rito sa NZ na-realize ko lahat ng mga bagay na yan kaya nga ako biglang napasulat ng ganito.

      Ang dami nating negative descriptions sa Pilipinas na para sa lahat ay biro lang at katuwaan. Nung minsan nadulas ako at nagbiro sa isang workmate ko, dun ko narealize na sobrang mali yung sense of humor natin tungkol sa ganyan. Mula noon ingat na talaga ako sa mga biro. Nagsisi talaga ako bakit ko sinabi yun. Naging natural kasi sa atin.

      Naku ang nanay ko adik din sa genealogy pero ngayon naiintindihan ko na importance nun. Dalawang klase kasi yung reunion namin doon eh, isang family reunion para sa mga anak ng lolo ko at angkan nila, at yung pangalawa ay yung buong clan ng lolo ko hanggang sa mga ninunong ma-identify. Yung clan reunion ay masaya talaga pero etong kami-kami lang yung tinutukoy ko diyan sa post. ^_^

  5. Bakit kasi may mga taong kung makalait akala mo perperkto sila.
    Basta laitero/laitera tiyak mayabang…

    Sabi nga ng nakakarami,pahirin mo muna ang dungis sa iyong mukha,bago ka mamuna ng dungis ng iba…

    hello po!salamat sa pagbisitihan sa bahay ko…

    add po kita sa blogroll ko ha?:)

    1. Sure no problem Jay. Add din kita ha?

      Magkakadikit nga yung mga words na yun. Laitero, mayabang, mapang-alipusta, etc.
      Kelan kaya magkakaron ng world peace? ^_^

      Aba oo nga noh. “Dungis” nga pala yung tagalog version niyan kasabihan na yan hindi “muta.” Totoo naman. Bago sana tayo magbitaw ng masasakit na salita harap muna sa salamin at mag-isip.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s