Mga Alaala Ng Atimonan, Quezon

Alas siete na ng umaga. Ito ang normal na oras ng pag-gising naming magpipinsan. Pagkabangon ay kailangan naming tikluping mabuti ang aming pinaghigaan dahil kung hindi, malalagot kami kay Lolo. Pagkatapos magligpit, lahat kami ay dudulog sa hapag-kainan para mag-agahan. Hindi pwedeng may mahuli. Kailangan sabay-sabay. Mahapdi ang malapad na tsinelas ni Lolo kapag napalo ka nito sa puwet dahil ayaw mong sumabay sa pagkain.

Continue reading Mga Alaala Ng Atimonan, Quezon

What’s So Special With November?

August – Na-ospital ako for some undiagnosed but severe upper left abdominal pain. Palagay ko muscle spasm lang yun na sobrang tindi. Napapaluha ako sa sakit tuwing humihilab. Kinailangan kong uminom ng mefenamic every 6 hours halos to relieve the pain for 3 days. Nung na-emergency ako, tinurukan lang din ako ng pain reliever tapos pinauwi. Nagpa-Balinese whole body massage lang ako sa Body Tune, the next day, tolerable na ang pain nya hanggang sa completely nawala after one week.

September – Super busy with work projects and thesis project. Met a handful of online friends and dabarkads.

October – Birthday ni bossing noong 15. Spaghetti and loot bags for classmates, tons of cake for my workmates, cake and lechon manok for my family. Super busy day. Sobrang saya ni Alex. Kaso pagod din siya sa lahat ng biyahe and activities. Salamat talaga nakaraos ang birthday niya.

Photo Grabbed from Netvibes

Bakit nga ba espesyal ang November?

Hmmm…

Continue reading What’s So Special With November?

New Work, New Life

Nakupu, anong petsa na? Ang tagal nang inamag ang bahay ko. Huhu.. Pasensya naman guys. Naging abala lang sa mga transition sa aking life.

April – Super busy with my remaining subjects. Buti naman at naka-survive. Hindi ko na lang talaga naihabol ang aking defense. Next sem na.

May – Had to start working. Di ko na kaya ang walang income. Nagta-trabaho na po ako ngayon sa pinakamasayang mundo ng IT. Hahaha.. Kung bakit masaya, ikwento ko sa inyo next time.

June – Bossing started going to school. Super sad man pero wala ako sa kanyang first day of school, once ko pa lang na-meet ang mga teachers, at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikitang pumapasok sa school. Siguro one of these days mag-half day ako para man lang maramdaman niya ang presensiya ko doon. One time sinabi niya sa akin “Mom, can you stay with me at school?” Sabi ko gagawin ko minsan. Nag-alangan kasi ako ipasok siya kaagad dahil 3 pa lang siya at sa October pa siya mag-4 pero sabi ng butihin kong Ina ay mas maganda raw kung maaga. Sana nga he’ll do just fine at school.

July – Eto nga at July na. Ano ba yan ang bilis talaga ng araw! Adjusting pa rin ako sa work at the same time super happy dahil wala na talaga akong mahihiling pang iba dito sa kompanyang pinagta-trabahuhan ko. Sarap ng ganitong work lifestyle talaga.

Hanggang dito na lang po muna ang pagpaparamdam ko. I don’t want to promise anything about blog hopping. Kailangan ko sigurong gawan ng paraan na maisingit sa daily schedule of activities ko. Tsk tsk..

I miss everyone here. Paramdam din po kayo!

Toxicity

Patapos na pala ang March. Grabeh super daming nangyari sa buwang ito.

1. School – Sandamakmak ang exams at projects sa school. Hindi ko akalaing masu-survive ko talaga silang lahat. I’m still alive! Gosh! Sakaling mapadpad ang mga professor ko rito, gusto ko po sila pasalamatan ng maraming-marami. Hindi pa man ako sure na papasa ako sa lahat ng subjects ko for this last semester ay gusto ko na sila pasalamatan dahil na-appreciate ko talaga ang kanilang considerations sa amin.

2. Family – Hindi ko talaga makakalimutan ang buwang ito dahil nakaranas na naman ang aming pamilya ng isang napakabigat na dagok sa aming buhay. Hanggang ngayon hindi pa ako masyado nakaka-recover pero kahit papaano ay natututunan kong tanggapin ang mga pangyayari. Sa tulong ng mga taimtim na dasal at mas matibay na pananampalataya alam ko na malalagpasan ng pamilya namin ito.

3. Health – Okay naman ang kalusugan ko pero ang hindi okay ay kay bossing. Napakabilis magkasakit ni Alex these days. Magkakalagnat sya sa hapon, umaapoy ang temperature hanggang madaling araw, at gumagaling sa umaga. Pagdating ng hapon, lagnat ulit. Magastos din ang gamot panglagnat. Gusto ko mang ipa-check up ay hindi pa ako makagalaw. Limited ang budget ko at hindi pa maisiksik sa schedule. Ngayong start na ng bakasyon magkakaroon ako ng oras para ipa-check sya pero iniisip ko pa lang gagastusin sa mga laboratory examinations ay nanlulumo na ako. Sana talaga ay wala namang malalang sakit si bossing ko.

Continue reading Toxicity

Twenty Ten

Happy New Year everyone!

Musta naman ang blog ko di ba? Na-miss ko na ang December tapos super late pa ang New Year greeting ko. Haha..

Ano na nga kaya ang mangyayari sa taong ito? May nararamdaman akong good vibes. Sana nga ay maging masaya ang taong ito at mas maraming maliligayang mga kaganapan. Graduation kaya? Bells? Travel abroad? Work abroad?

Naku hindi naman ako si Madam Auring para hulaan ang sarili kong kapalaran so hayaan na lang nating mangyari ang dapat mangyari.

Na-realize ko lang na matagal na rin pala akong hindi nakakapag-post in English dito. Nahihirapan kasi makaintindi ang aking mga kaibigang banyaga kapag pinapabisita ko sila rito. Sige next time.

I miss my super friends here. Thank goodness we’re friends in FB so somehow I get to know your updates. I won’t promise that I can bloghop. I got tons of things to read and code. Will super busy for 3 months. *Prays*

Hugs to all of you.

Sweet November

Happy birthday to me! Yehey!
Naku 25 na ako.. Parang nakakatakot na ang mga susunod na bilang ah.. T__T
Anyway masaya naman ako sa buhay ko kaya walang kailangan ipag-alinlangan.
Sobrang busy po talaga ng buwan na ito kaya bago ito matapos ay bigyan ko kayo ng update sa mga kung anik-anik.

1. Enrolled na ulit ako! Weeee.. Hoping that this will be my last sem kung matatapos ko talaga ang SP (thesis). *prays*

2. Natapos na rin sa wakas ang naudlot na church play. Napakaraming naganap at sobrang saya talaga. Bigyan ko kayo ng patikim na picture dahil nandito yung iba. Ahihi.. Di ba obvious na ang saya namin jan? Wahaha..

3. Eto nga’t birthday ko na. Tumanda na naman ako. At dahil na-miss ko ang mga kamag-anak ko, napagpasyahan naming sa Manila Zoo ako mag-celebrate ng birthday para mabisita naman namin sila. O di ba? Reunion!


Patapos na naman ang taon. Hindi ko man lang na-celebrate ang 1st year anniversary ng blog kong ito. Hahaha.. Sobrang busy talaga. Anyway, I’m glad that I’m staying strong kahit patikim na lang lagi ang posts. Miss ko na po ang mag-blog hop and miss ko na mga friends ko rito. I wish you all a very Merry Christmas and a Happy New Year! Advanced di ba? Ayos yan para magkakasabay na ang bati. Hihi.. See you all in Facebook. Ciao.

Reminiscin’ High School

MakSci IV-Newton Class Wacky
MakSci IV-Newton Wacky

Noong isang araw ay kinailangan kong pumunta sa isang montessori para mangalap ng impormasyong makakatulong para sa aking SP (thesis). Sakto lang na bago ako makarating doon ay madadaanan ko muli ang kalsadang araw-araw kong tinatahak noon tuwing pumapasok sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Makati. J. D. Villena St. ang pangalan ng kalsadang iyon sa Poblacion, Makati City kung saan sandamukal na alaala ang tumambad sa akin habang ako’y naglalakad.

Ang una kong nakitang makabuluhan ay ang karinderya islash restawran na ang pangalan ay Top Meal. Naalala ko na mas mahal sa karinderyang ito kaysa sa ibang tapsihan dahil daw sa “ambiance” kahit siksikan kami lagi at nagkakaubusan pa ng upuan. Ang pinakapaborito kong orderin dito yung pinaka hindi popular, yung kakaiba. TAPSILOG yata tawag dun! Sarap na sarap ako pag kumakain rito kahit minsan nauuna pang madurog ngipin ko kesa sa tapa nila. Pero sa kabuuan, okay naman kumain sa Top Meal basta may pera. Kapag wala at napapadaan ako rito o kaya nagkakayayaan, iniisnab ko na lang o kaya sasabihin “Busog pa ako eh” kahit lakas ng kulog sa tiyan ko.

Pag lakad ko pa ng kaunti ay nakita ko na ang tindahang pinakapopular sa amin kung saan kami bumibili ng sari-saring school supplies na aming kailangan. Sa sobrang popularidad nito, na-realize ko na hanggang ngayon wala pa rin itong pangalan. Sinasabi na lang namin kapag tinanong kung saan kami bumili “Doon sa tindahan sa may kanto” at naiintindihan na nila yun. Popular di ba? Pinakapaborito kong binibili sa tindahan sa kanto yung transparent folder na kailangan sa halos lahat ng uri ng project, isama na rin ang black BIC ballpen. BIC daw sabi ni Jaja, classmate ko, para mas sosyal kesa sa Panda.

Continue reading Reminiscin’ High School