Ano na teh?

Hala wala ba talaga akong blog post for 2016? Namamalik mata lang ba ako? Haha.. Grabe naman. Pasensiya at inamag na naman to. Eto at pinapagpagan ko na. Ang kapal ng alikabok grabe!

Ano na ba ang latest?

Ang latest ay si Duterte. Kapag tinatanong ako lagi kung anong balita, lagi ko sasabihin “Ayun.. Si Duterte.”

Bukod kay Duterte, okay naman po ang buhay-buhay. Happy na, happy pa rin, happy ulit. Stable na ang life. Stable talaga? Parang kulungan lang ng kabayo?

Malaki na ang bossing ko. Magsa-sampung taon na siya sa mga nalalapit na araw. Literal na boss ko na siya minsan. Most of the time siyempre ako pa rin ang boss pero malaking parte na siya ng pagde-desisyon namin sa bahay at sa buhay. Ganun pala talaga ang mga anak natin habang lalong lumalaki. Lalong tumatalino, lalong nakikialam. Pero masasabi ko na napakatalino at talentadon niyang bata. Hindi ko alam saan nanggaling ang talino at talento niya (ehem).

Good news!

Uuwi kami sa Pinas pagkatapos ng lima at kalahating taon! Woooohhhooooo! Sa wakas! Excited na ako makita ang mga pamilya, kamag-anak at kaibigan ko except sa mga magpapakita lang para sumahod. Hahaha..

Paunawa: Hindi po ako milyonaryo. Simple lang po kaming mamamayan. Maliit din po ang palitan ng NZD to PHP. Mahirap po kumita ng pera. Magbanat po kayo ng buto. Thank you po.

Dalawa at kalahating buwan na lang… Hello Pilipins!

Handa na kaming malanghap ang napakadumi mong hangin Metro Manila. Ready na kami makakita ng sangkatutak na mga basura sa mga kalsada, maglakad sa gilid ng kalye katabi ng mga sasakyan dahil bihira ang sidewalk at foothpath at magtatakbo kapag nakakita ng daga at ipis.

Sa kabilang banda, handa na kaming lumangoy sa masarap at katamtamang lamig ng tubig ng beaches, kumain ng napakasasarap at murang pagkain, at mayakap ang lahat ng mga mahal namin sa buhay. The last premise will make all our sacrifices worth it.

Kita-kits! Love you all! =)

Philippine Olympic Team London 2012

I remember it was 2004 when I first got addicted to watching Summer Olympics. It’s that time of the season again. I was so happy watching our fellow Filipinos wave as they parade at the London Olympics 2012 opening ceremony. Even my bossing was so happy he couldn’t help but cheer.

When I posted a video on Facebook, a classmate of mine reacted how poorly our athletes were supported this Olympic season.

frankly i feel sorry for the philippine athletes. imagine, 11 lang ata ang delegates ng philippines. haller!? 11 lang? sana naman ung government natin mag allot din ng tamang budget para sa sports di ba. lagi na lang kawawa ang mga pinoy. ūüė¶

I tried to stay positive with my response.

Oo nga eh. Pero alam mo palagay ko hindi rin basta budget eh. Merong olympic qualifier kasi. Baka hindi tayo nakakapasok sa iba. Ewan ko lang. Oo nga eh. Ngayong may internet na sana mapromote na lalo yung sports at masuportahan yung athletes natin. Dadami na rin yan kung mag-umpisa tayong sumuporta. ^_^

However, I needed to know for myself so I investigated and found out a lot of things. Here’s the summary I created for my research.

Continue reading Philippine Olympic Team London 2012

What Makes Me A Proud Filipino

In my previous post I described a little bit of what the town and/or New Zealand is in general but now, I would like to share to you some very important and “maybe/not” biased insights of why I am proud to be a Filipino.

Food

As I have mentioned on that post, almost all their food here that I have tasted so far are conventional or easily-cooked food. I might not be the best cook. My mom is an average cook but her brothers are the greatest cooks in their family. During my younger days my mom taught me how to crush and peel garlic as well as how to chop onions. It became handy when I started cooking for my family now. So far I have already cooked chicken curry out of demand for 6 consecutive weeks (once a week) and they still don’t get sick of it. They also loved chicken adobo, chicken afritada, giniling (minced beef, tomato sauce, diced potatoes and carrots), and a whole lot of fried rice in different varieties, beef, chicken, ham, eggs, vegetables, etc.

I am so amazed as to how much more I can cook that would be new for them because there is just so many Filipino dishes that we have in our country. Whenever I picture myself going to a “karinderiya” opening covers of cooked viands on pots one by one, I realize that our Filipino food is so rich that there’s nothing else like it. I always feel proud whenever my children now would request me to cook Filipino food for tea (they call dinner “tea”). Continue reading What Makes Me A Proud Filipino

Toxicity

Patapos na pala ang March. Grabeh super daming nangyari sa buwang ito.

1. School – Sandamakmak ang exams at projects sa school. Hindi ko akalaing masu-survive ko talaga silang lahat. I’m still alive! Gosh! Sakaling mapadpad ang mga professor ko rito, gusto ko po sila pasalamatan ng maraming-marami. Hindi pa man ako sure na papasa ako sa lahat ng subjects ko for this last semester ay gusto ko na sila pasalamatan dahil na-appreciate ko talaga ang kanilang considerations sa amin.

2. Family – Hindi ko talaga makakalimutan ang buwang ito dahil nakaranas na naman ang aming pamilya ng isang napakabigat na dagok sa aming buhay. Hanggang ngayon hindi pa ako masyado nakaka-recover pero kahit papaano ay natututunan kong tanggapin ang mga pangyayari. Sa tulong ng mga taimtim na dasal at mas matibay na pananampalataya alam ko na malalagpasan ng pamilya namin ito.

3. Health – Okay naman ang kalusugan ko pero ang hindi okay ay kay bossing. Napakabilis magkasakit ni Alex these days. Magkakalagnat sya sa hapon, umaapoy ang temperature hanggang madaling araw, at gumagaling sa umaga. Pagdating ng hapon, lagnat ulit. Magastos din ang gamot panglagnat. Gusto ko mang ipa-check up ay hindi pa ako makagalaw. Limited ang budget ko at hindi pa maisiksik sa schedule. Ngayong start na ng bakasyon magkakaroon ako ng oras para ipa-check sya pero iniisip ko pa lang gagastusin sa mga laboratory examinations ay nanlulumo na ako. Sana talaga ay wala namang malalang sakit si bossing ko.

Continue reading Toxicity

Zoobic Safari, Tag

Gusto ko po talagang humingi ng paumanhin sa inyo kung ako ay nawala nung mga nakaraang araw dahil ako ay nagpunta sa napakagandang bayan ng Subic kung saan kami, sampu ng aking mga kaklase noong kolehiyo, ay naglagalag, nagliwaliw at nagpakasasa.

Napakasaya talaga ng aming pagpunta doon kaso sa sobrang dami naming ginawa at nangyari pipiliin ko na lang ang para sa aki’y naging highlight ng aming bakasyon. Ito po ay walang iba kundi ang aming pagpunta sa Zoobic Safari.

Marami na kasi kaming bagay na narinig tungkol doon so bago pa kami pumunta, nakapag-research na kami sa internet ng kung anik-anik at may nabasa kami sa isang leaflet na ang park hours daw ay hanggang 4PM lang. Saktong 3PM na kami nakarating sa Subic kaya mega-rush kaming humarurot na parang kalahok sa Amazing Race para makarating sa Zoobic Safari at makapag-enjoy kahit isang oras lamang.

subicgetaway-0761

Pagkarating namin doon, malaman-laman namin na hindi pala eksaktong 4PM magsasara ito kundi 4PM ang last na cut off ng batches ng mga gustong pumunta. Isa pala itong malaking tour at hindi ka basta-basta maglilibot ng mag-isa. Hihi.. Ang ganda talaga. Well organized ang buong programa. Continue reading Zoobic Safari, Tag

Tag, Bosay, Nodame

Wala ng paligoy-ligoy pa. Hahaha.. Ni-TAG ako ni Joycee at ito daw po ang rules:

List the names that you are called by and name the people who call you by these names.

Noong bata ako naiinggit ako sa mga batang may palayaw dahil ako wala. Lagi lang tawag sa akin ng buong family ko, mga pinsan at mga kalaro ay Emily. Wala ng iba. Kaya kapag nakakakilala ako sa school ng mga kaklase kong may palayaw ay talagang nakakainggit. Lagi kong sinasabi sa sarili ko noon “Bakit naman kasi hindi ako ginawan ni Mama ng palayaw? Hmmmp.”

Pero pagdating ng highschool hanggang college doon na nagsipag-usbungan ang mga pangalan na hindi naman talaga ako ang nag-isip kundi ang mga kaklase ko.

Ems –¬†Tinatamad na raw kasi silang banggitin buong pangalan ko kaya yan ang unang-unang palayaw na binigay nila sa akin. Dati mga closest friends ko lang nung highschool tumatawag sa akin nito hanggang sa lahat na ng mga bago kong nakikilala at mga feeling close Ems na rin tawag. Hihi.. Sa ngayon lahat ng mga kasamahan ko sa work, college classmates, highschool friends at closest friends yan ang tawag sa akin.

Continue reading Tag, Bosay, Nodame

Who says Luneta Park is dead?

Hindi po ito totoo. Buhay na buhay pa ang Rizal Park, also known as Luneta. Nandun nga ako kahapon, nagre-reminisce ng mga emo moments with the sea. Hihi..

Naalala ko noong mga panahong sikat na sikat pa ang Luneta, kapag gustong lumabas ng aming pamilya at nagpa-plano kung saan pupunta, lagi naming sigaw ay “Sa Luneta Daddy!” Medyo malabo na ang mga alaala sa akin ng dating Luneta. Ang naalala ko na lamang ay napakaraming tao rito dati at hirap na hirap kaming mag-park ng aming owner-type na jeepney. Sa bawat libot namin ay may nakikita kaming mga mag-nobyo na naka-upo sa damuhan na naglalambingan. Napakagaganda rin ng mga ilaw noon dati kaya nakaka-engganyo talagang puntahan. May mga fountain din noon at ang kapuluan ng Pilipinas ay nakalutang sa isang napakalawak na pond. Ang ganda ng lighting effect dati. Yun ang mga tangi kong alaala ng dating Luneta.

Nawala ang kasikatan ng park na ito ng magsipagtayuan ng mga napakalalaking malls sa buong kamaynilaan. Naging pioneer ang Makati sa pagtayo ng Landmark, ang Farmers sa Cubao, at ang mala-higanteng SM Megamall sa Mandaluyong. Mula noon, sunud-sunod na ang mga SM super malls. Nagkaroon din ng mga theme parks tulad ng Star City, Boom na Boom, at¬†Enchanted Kingdom¬†na talaga namang kakaiba at masaya kaya naging parang “old school” sa karamihan ang pagpunta sa mga park. Nagkaroon pa nga ng negative conotation na ang Luneta raw ay para na lamang kay Inday at Dudung. Tama ba yun? Haha..

Continue reading Who says Luneta Park is dead?