Kumusta si Bossing?

Si Bossing nung huli naming pictorial
Si Bossing nung huli naming pictorial

Tinatanggap ko na talaga na mas sikat na si bossing kesa sa akin. Bakit ka nyo?

  • Tuwing may mga kaibigan akong matagal ko ng hindi kinakausap, ang tanong kaagad eh “Kumusta na si bossing/baby/Alex?” tapos tsaka pa lang ako kukumustahin.
  • Kapag naglalakad kami sa kalsada lahat babatiin sya “Hi Alex!” tapos may ibang mga bata bubulong “Ay sya pala mama ni Alex?”
  • Lalong-lalo na tuwing gagala kami o magsisimba kung kailan pusturang-pustura si bossing at naka-necktie pa, lahat ng mga taong makakasalubong “Ay ang cute naman nung baby!” sabay titingin sa akin na parang sinusuri kung ako nga talaga ang ina. Ako naman smile din ng konti tapos minsan deadma lang.

Pero sa totoo lang tuwing lalabas kami na kasama ang anak ko, nape-pressure ako na magpaganda o kaya magbihis ng maganda dahil napakataas ng expectations ng mga tao kapag nakikita nila si bossing. Ang tanging silbi ko lagi ay escort, o kaya yaya.  Buti na lang mejo hindi PA patapon ang beauty ng lola mo. Nakaka-cope up pa kahit papaano.

So kumusta na nga ba si bossing? Continue reading Kumusta si Bossing?

SSB – New Meaning

Kaninang umaga sinundo ko si Alex sa bahay ng Tita ko. Para sa mga hindi pa nakakaalam, si Alex po yung amo ko na dalawang taon ko nang pinaglilingkuran. Tuwing umaga po ay binubugbog nya ako lagi sa kama para lamang gumising at paghandaan sya ng pagkain. Pinagtitimpla ko pa sya oras oras ng gatas. Pati paliligo! Kinukuskos ko pa ang pwet nya sa pagligo! Imagine nyo naman yun?

Hindi lang yun! Tuwing pagkakasweldo ko ay kinakailangan ko ibigay halos lahat ng sweldo ko para lang sa mga bisyo nya! Puro inom! Inom lagi ng inom! Grabeh. Pati mga luho nya kailangan ko talaga pagkagastusan. Kailangan lahat ng ituro nya ay kailangan kong bilhin dahil kung hindi, hindi kami uuwi dahil uupo sya at tititigan nya yun buong maghapon. Pasalamat na rin ako dahil hindi sya nagwawala kahit papaano.

Kahit ganun yung amo ko, napakaraming bagay naman akong na-aappreciate sa kanya. Marunong sya magsukli ng hard work. Tuwing pagkagaling ko sa trabaho ay niyayakap nya ako ng mahigpit. Napakalambing din naman talaga kapag nasa mood. Ang higpit ng mga yakap nya at kahit parang ilang minsan ay hinahalikan din nya ako sa pisngi. Pero mas madalas beso beso lang dahil feeling nya matanda na sya para sa mga ganung bagay.

Continue reading SSB – New Meaning