Dear National Statistics Office (NSO),

Malabo po yung kopya ninyo sa mga birth certificates namin (at ng iba pang importanteng papeles).

Nung ni-submit po namin ito sa Immigration New Zealand (at iba pang bansa), hindi po nila tinanggap dahil hindi po nila mabasa.

Mangyari po lamang na paki-adjust ang contrast ng scanning ninyo ng mga papeles. Sa ganoong paraan ay mababasa ito ng kahit sino sa buong mundo na papakitaan namin nito.

Maraming salamat po.