A-BA-KA-DA

Paano mo ba malalaman kung kelan dapat mag-post ka na ng bagong blog entry?

Ako kapag natatambakan na ako ng comments nape-pressure na ako. Mas nakakadagdag sa pressure kapag yung isang taong yun ay nakakarami na ng comment sa same post mo. Lalo na to si Ax, kapag sya na nag-comment nararamdaman ko na kagad na kailangan ko na gumawa ng bago. Napakasipag kasi nyan mag-blog hop. Kakabilib.

Mabuti na lang talaga at nagsimba ako kanina at inspired na naman ako. Napakasarap talaga ng pakiramdam ng sumisimba. Bukod sa nakaka-renew ako ng covenants sa taas, pakiramdam ko rin ay lumuluwag ang buhay ko kapag lumalabas ako ng bahay at pumupunta sa mga lugar na bukod sa office. Continue reading A-BA-KA-DA

Alasais

Ito siguro ang kauna-unahan kong blag post na nakasulat sa Tagalog. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa totoo lang pero ang layunin ko ay makagawa ng post sa loob ng walong minuto lamang. Ano kaya ang aking mga masasabi?

Ng mga nakaraang araw ay naging inspirasyon ko ang blog na ito nina Tikboy, Tenco, at Tem-i. Hindi ko akalain na may mga samahan ng mga kalalakihan na magkakaron ng interest sa ganitong mga gawain kaya libang na libang ako sa aking pagbasa.

Pano ko ito natuklasan? Kabilang kasi ako sa grupo ng Unibersidad ng Pilipinas sa Multiply at nakita ko roon ang isang ekserp ng kanilang akda na tumuturo papunta sa kanilang opisyal blag sayt. Ang kanilang pagsulat ng Tagalog ay napakamalikhain. Hindi masyadong malalim ngunit pormal at talagang nakakaaliw. Natutuwa akong isipin at hulaan kung ano ang kanilang mga edad, mga gawain sa buhay at mga pinanggalingan. Kung sino man sila, wala pang nakakaalam, maliban sa kanilang mga kaibigan na naglagay ng mga komento doon. Pilit ko kasing hinanap ang kanilang Multiply propayl ngunit wala impormasyon akong makitang detalyado.

Ganun pa man, pangarap ko ring makapagsulat ng maraming bagay tungkol sa buhay-buhay gawa ng istilo nila. Kung ang Tagalog ang unang wika na mas madaling makakakuha ng interes ng mga mambabasa, balak ko itong subukan.

Yun na lang siguro muna sa ngayon.