Google Chrome

Mula September last year, noong unang nilabas ang application na ito, hanggang ngayon,  ni-download at ginamit ko itong Google Chrome kaagad. Marami-rami rin akong mga bugs and errors na natuklasan noon at sinigurado kong makakarating ito sa feedback team ng Google. Mahilig kasi ako sa mga ganitong innovation. Basta may mga bagong software na sa tingin ko ay magagamit ko sa aking pang-araw-araw na online life, sinusubukan ko kaagad.

At ngayon po ay gumawa naman ako ng listahan ng mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy ko pa rin syang ginagamit. Medyo mahirap kasi ako ma-please kung minsan  pagdating sa applications dahil medyo may touch ng programmer’s point of view at the same time normal user ang opinion ko. Hihi..

  • Google Chrome’s user friendly interface is one of the best.

chrome12

Napakasimple ng itsura nya para sa akin. Ganito ang gustung-gusto kong application. Wala masyadong abubot at kung anu-anong ka-etchingan. Kung ano kailangan mo yun na yun. Yung pinakamalaking bar sa pinakataas ay nagagamit sya as address bar at the same time Google search na mismo. Wala ng paligoy-ligoy pa. Search lang ng search! Go! Lahat ng lalabas dyan ay galing Google. Di ko kasi masyado feel ang mga “Powered by Google” lang eh. Gusto ko Google talaga mismo kaya di ako gumagamit ng ibang search engine.

Continue reading Google Chrome