Sweet November

Happy birthday to me! Yehey!
Naku 25 na ako.. Parang nakakatakot na ang mga susunod na bilang ah.. T__T
Anyway masaya naman ako sa buhay ko kaya walang kailangan ipag-alinlangan.
Sobrang busy po talaga ng buwan na ito kaya bago ito matapos ay bigyan ko kayo ng update sa mga kung anik-anik.

1. Enrolled na ulit ako! Weeee.. Hoping that this will be my last sem kung matatapos ko talaga ang SP (thesis). *prays*

2. Natapos na rin sa wakas ang naudlot na church play. Napakaraming naganap at sobrang saya talaga. Bigyan ko kayo ng patikim na picture dahil nandito yung iba. Ahihi.. Di ba obvious na ang saya namin jan? Wahaha..

3. Eto nga’t birthday ko na. Tumanda na naman ako. At dahil na-miss ko ang mga kamag-anak ko, napagpasyahan naming sa Manila Zoo ako mag-celebrate ng birthday para mabisita naman namin sila. O di ba? Reunion!


Patapos na naman ang taon. Hindi ko man lang na-celebrate ang 1st year anniversary ng blog kong ito. Hahaha.. Sobrang busy talaga. Anyway, I’m glad that I’m staying strong kahit patikim na lang lagi ang posts. Miss ko na po ang mag-blog hop and miss ko na mga friends ko rito. I wish you all a very Merry Christmas and a Happy New Year! Advanced di ba? Ayos yan para magkakasabay na ang bati. Hihi.. See you all in Facebook. Ciao.

Who says Luneta Park is dead?

Hindi po ito totoo. Buhay na buhay pa ang Rizal Park, also known as Luneta. Nandun nga ako kahapon, nagre-reminisce ng mga emo moments with the sea. Hihi..

Naalala ko noong mga panahong sikat na sikat pa ang Luneta, kapag gustong lumabas ng aming pamilya at nagpa-plano kung saan pupunta, lagi naming sigaw ay “Sa Luneta Daddy!” Medyo malabo na ang mga alaala sa akin ng dating Luneta. Ang naalala ko na lamang ay napakaraming tao rito dati at hirap na hirap kaming mag-park ng aming owner-type na jeepney. Sa bawat libot namin ay may nakikita kaming mga mag-nobyo na naka-upo sa damuhan na naglalambingan. Napakagaganda rin ng mga ilaw noon dati kaya nakaka-engganyo talagang puntahan. May mga fountain din noon at ang kapuluan ng Pilipinas ay nakalutang sa isang napakalawak na pond. Ang ganda ng lighting effect dati. Yun ang mga tangi kong alaala ng dating Luneta.

Nawala ang kasikatan ng park na ito ng magsipagtayuan ng mga napakalalaking malls sa buong kamaynilaan. Naging pioneer ang Makati sa pagtayo ng Landmark, ang Farmers sa Cubao, at ang mala-higanteng SM Megamall sa Mandaluyong. Mula noon, sunud-sunod na ang mga SM super malls. Nagkaroon din ng mga theme parks tulad ng Star City, Boom na Boom, at Enchanted Kingdom na talaga namang kakaiba at masaya kaya naging parang “old school” sa karamihan ang pagpunta sa mga park. Nagkaroon pa nga ng negative conotation na ang Luneta raw ay para na lamang kay Inday at Dudung. Tama ba yun? Haha..

Continue reading Who says Luneta Park is dead?