Videokeous Addictus

Hindi ko pa nare-research kung paano nag-umpisa ang videoke pero ang sabi ng isang concerned citizen na mahilig sa videoke na nag-post ng ibigsabihin nito sa Wikipedia ay

“Ang videoke o karaoke ay uri ng libangan kung saan ang isang baguhan na mang-aawit ang sumasabay sa nirekord na musika. Mula sa isang sikat na kanta ang musika kung saan ang boses ng orihinal na kumanta ay inalis o hininaan ang bolyum. Madalas ding ipinapakita ang liriko, minsan kasama ng pag-iiba-iba ng kulay kasabay ng musika para makatulong sa pag-sing-along.

Naging isang popular na uri ng libangan sa silangang Asya ang videoke simula noong mga dekada 1980, at mula noon ay kumalat na rin sa ibang mga bahagi ng mundo.”

So ang ibigsabihin kaya nito ay ang term na “videoke” ay nanggaling sa Pilipinas? Pero bakit kaya ang mga videoke machines natin dito ay galing sa Korea o sa iba pang mga bansa? Ano kaya tawag nila sa videoke sa ibang bansa?

Nyay ang dami ko palang hindi alam tungkol sa pinanggalingan ng gawaing ito pero ang sigurado ko lang ay isang bagay — rinding rindi na ako sa dalawa kong kapitbahay na sabay nagvi-videoke sa isang gabi! Oh my gulay! Pwede naman sigurong sa Friday night si kapitbahay A muna tapos sa Saturday night si kapitbahay C naman di ba? (Ako kasi si kapitbahay B). Pero kapag sabay sila sa isang gabi at magkaiba pa ng taste ng videoke songs, kakarindi talaga!

Alam nyo bang dahil sa gawain nilang ito ay nag-iipon na ako para bumili ng Magic Sing para makisabay sa kanila? Tsk. Tsk. Galing ko pa naman kumanta. Seriously. (Seriously eh noh? Hahaha). Pero promise di ko maintindihan kung negative ba ang effect nila sa akin o positive.

Sa totoo lang, ako rin ay napakahilig mag-videoke pero hindi ako masyado pa-obvious. Lagi si Mama mag-aaya mag-videoke tuwing family reunion namin pero lagi nyang ibibigay ang mic sa akin at pilit papakantahin. Hiya ako kunwari sa umpisa. “Mommy naman eh.. Kasi naman eh.. Ayaw ko nga muna..” Sabay kuha ng song book at bigay ng number “22422 nga.” Naka-ready na pala eh noh? Tapos buong gabi ako lang halos kakanta. XD

Buti talaga wala pa akong Magic Sing. Gusto ko yung kay Manny Pacquiao eh. “Ekstrem! Ekstrem! Magic Seeeng!” Kapag nagkaron talaga ako noon sasabayan ko sila every night na magpapalakasan sila ng kanta. 

“En now… de en es nr. En so I peys… de paynal krten.”