Toxicity

Patapos na pala ang March. Grabeh super daming nangyari sa buwang ito.

1. School – Sandamakmak ang exams at projects sa school. Hindi ko akalaing masu-survive ko talaga silang lahat. I’m still alive! Gosh! Sakaling mapadpad ang mga professor ko rito, gusto ko po sila pasalamatan ng maraming-marami. Hindi pa man ako sure na papasa ako sa lahat ng subjects ko for this last semester ay gusto ko na sila pasalamatan dahil na-appreciate ko talaga ang kanilang considerations sa amin.

2. Family – Hindi ko talaga makakalimutan ang buwang ito dahil nakaranas na naman ang aming pamilya ng isang napakabigat na dagok sa aming buhay. Hanggang ngayon hindi pa ako masyado nakaka-recover pero kahit papaano ay natututunan kong tanggapin ang mga pangyayari. Sa tulong ng mga taimtim na dasal at mas matibay na pananampalataya alam ko na malalagpasan ng pamilya namin ito.

3. Health – Okay naman ang kalusugan ko pero ang hindi okay ay kay bossing. Napakabilis magkasakit ni Alex these days. Magkakalagnat sya sa hapon, umaapoy ang temperature hanggang madaling araw, at gumagaling sa umaga. Pagdating ng hapon, lagnat ulit. Magastos din ang gamot panglagnat. Gusto ko mang ipa-check up ay hindi pa ako makagalaw. Limited ang budget ko at hindi pa maisiksik sa schedule. Ngayong start na ng bakasyon magkakaroon ako ng oras para ipa-check sya pero iniisip ko pa lang gagastusin sa mga laboratory examinations ay nanlulumo na ako. Sana talaga ay wala namang malalang sakit si bossing ko.

Continue reading Toxicity

Until The Last Day

This is it. I’ll try to type in just five minutes. Ano kaya maa-accomplish ko? Hihi..

Last night was my last day at work. Sobrang sarap talaga ng pakiramdam. For the very last time I took in calls, sungit mode pa rin as usual pero resolved. Harhar.. I just so feel happy seeing the office for the last time. The next time na pupunta ako dun ay for clearance na lang and to get my last pay.

Medyo konti lang ang tao sa floor pero sakto lang dahil hindi ko rin masyado gusto maraming magkakagulo. Haha.. Feeling artista? Hindi naman. Natuwa lang ako dahil nakita ko pa rin kahit papaano yung ilan sa mga taong importante sa akin.

Nagdala ako ng dalawang bilao ng palabok na niluto ng tito ko. Sobrang sarap nya grabeh. Lahat ay nabusog kaso nalulungkot ako sa nagtitinda ng food dahil di sila kumita. Kawawa naman. Meron ding cake-cake-an na pinadala si Mama. Solb-solb. Pwede na.

WPTag 003Namigay din ako ng souvenir ball key chains. Hangkyut nila. Medyo marami pang natira kaya kailangan ipamigay ito pag balik ko sa trabaho.

Teka bakit ko ba ito sinasabi sa inyo? Kasi gusto ko sana magpaumanhin ng marami kung hindi ako makapag-blog hop pero panay ang reply ko sa comments. Pinagkakasya ko kasi ang oras ko talaga. Di bale. Ngayong resign na ako magkakaron na ako ng mas maraming oras.

Pero excuse nyo po muna ulit ako today dahil aalis ako ngayon in 20 minutes papuntang Subic. Hindi naman masyado bakasyon engrande pero para sa akin one way of celebration na rin ito.

Sa lahat po ng patuloy na bumibisita rito sa bahay ko kahit di ako makabisita pa sa kanila sobrang naa-appreciate ko po talaga kayo. Babawi ako sa inyo promise. I love you all. ^^

Zoobic Safari, Tag

Gusto ko po talagang humingi ng paumanhin sa inyo kung ako ay nawala nung mga nakaraang araw dahil ako ay nagpunta sa napakagandang bayan ng Subic kung saan kami, sampu ng aking mga kaklase noong kolehiyo, ay naglagalag, nagliwaliw at nagpakasasa.

Napakasaya talaga ng aming pagpunta doon kaso sa sobrang dami naming ginawa at nangyari pipiliin ko na lang ang para sa aki’y naging highlight ng aming bakasyon. Ito po ay walang iba kundi ang aming pagpunta sa Zoobic Safari.

Marami na kasi kaming bagay na narinig tungkol doon so bago pa kami pumunta, nakapag-research na kami sa internet ng kung anik-anik at may nabasa kami sa isang leaflet na ang park hours daw ay hanggang 4PM lang. Saktong 3PM na kami nakarating sa Subic kaya mega-rush kaming humarurot na parang kalahok sa Amazing Race para makarating sa Zoobic Safari at makapag-enjoy kahit isang oras lamang.

subicgetaway-0761

Pagkarating namin doon, malaman-laman namin na hindi pala eksaktong 4PM magsasara ito kundi 4PM ang last na cut off ng batches ng mga gustong pumunta. Isa pala itong malaking tour at hindi ka basta-basta maglilibot ng mag-isa. Hihi.. Ang ganda talaga. Well organized ang buong programa. Continue reading Zoobic Safari, Tag