Ano na teh?

Hala wala ba talaga akong blog post for 2016? Namamalik mata lang ba ako? Haha.. Grabe naman. Pasensiya at inamag na naman to. Eto at pinapagpagan ko na. Ang kapal ng alikabok grabe!

Ano na ba ang latest?

Ang latest ay si Duterte. Kapag tinatanong ako lagi kung anong balita, lagi ko sasabihin “Ayun.. Si Duterte.”

Bukod kay Duterte, okay naman po ang buhay-buhay. Happy na, happy pa rin, happy ulit. Stable na ang life. Stable talaga? Parang kulungan lang ng kabayo?

Malaki na ang bossing ko. Magsa-sampung taon na siya sa mga nalalapit na araw. Literal na boss ko na siya minsan. Most of the time siyempre ako pa rin ang boss pero malaking parte na siya ng pagde-desisyon namin sa bahay at sa buhay. Ganun pala talaga ang mga anak natin habang lalong lumalaki. Lalong tumatalino, lalong nakikialam. Pero masasabi ko na napakatalino at talentadon niyang bata. Hindi ko alam saan nanggaling ang talino at talento niya (ehem).

Good news!

Uuwi kami sa Pinas pagkatapos ng lima at kalahating taon! Woooohhhooooo! Sa wakas! Excited na ako makita ang mga pamilya, kamag-anak at kaibigan ko except sa mga magpapakita lang para sumahod. Hahaha..

Paunawa: Hindi po ako milyonaryo. Simple lang po kaming mamamayan. Maliit din po ang palitan ng NZD to PHP. Mahirap po kumita ng pera. Magbanat po kayo ng buto. Thank you po.

Dalawa at kalahating buwan na lang… Hello Pilipins!

Handa na kaming malanghap ang napakadumi mong hangin Metro Manila. Ready na kami makakita ng sangkatutak na mga basura sa mga kalsada, maglakad sa gilid ng kalye katabi ng mga sasakyan dahil bihira ang sidewalk at foothpath at magtatakbo kapag nakakita ng daga at ipis.

Sa kabilang banda, handa na kaming lumangoy sa masarap at katamtamang lamig ng tubig ng beaches, kumain ng napakasasarap at murang pagkain, at mayakap ang lahat ng mga mahal namin sa buhay. The last premise will make all our sacrifices worth it.

Kita-kits! Love you all! =)

Tag, Bosay, Nodame

Wala ng paligoy-ligoy pa. Hahaha.. Ni-TAG ako ni Joycee at ito daw po ang rules:

List the names that you are called by and name the people who call you by these names.

Noong bata ako naiinggit ako sa mga batang may palayaw dahil ako wala. Lagi lang tawag sa akin ng buong family ko, mga pinsan at mga kalaro ay Emily. Wala ng iba. Kaya kapag nakakakilala ako sa school ng mga kaklase kong may palayaw ay talagang nakakainggit. Lagi kong sinasabi sa sarili ko noon “Bakit naman kasi hindi ako ginawan ni Mama ng palayaw? Hmmmp.”

Pero pagdating ng highschool hanggang college doon na nagsipag-usbungan ang mga pangalan na hindi naman talaga ako ang nag-isip kundi ang mga kaklase ko.

Ems – Tinatamad na raw kasi silang banggitin buong pangalan ko kaya yan ang unang-unang palayaw na binigay nila sa akin. Dati mga closest friends ko lang nung highschool tumatawag sa akin nito hanggang sa lahat na ng mga bago kong nakikilala at mga feeling close Ems na rin tawag. Hihi.. Sa ngayon lahat ng mga kasamahan ko sa work, college classmates, highschool friends at closest friends yan ang tawag sa akin.

Continue reading Tag, Bosay, Nodame

What To Do on a Vacation?

I have been blessed to get a 3-day leave after my days off so technically speaking, I will be on vacation for 5 days! Yiheeeee! Let’s celebrate! Let’s be happy! Let’s..

Let’s…

Let’s think of the things that I can do?

I really don’t know what I can do to make my 5-day vacation worthwhile and fun. This is a very rare opportunity for me to not work for five consecutive freaking days! Hahahaha..

Okay. So do you have any suggestions? What do you think I can do with these free days considering the following:

1. I want to see the beach or the sea. Just looking at it makes me happy. I love swimming but I don’t necessarily have to do it since it’s starting to be chilly again here in Manila.

2. I want to explore nature. I want to see lots of trees and plants and flowers and other creatures such as cows, carabaos, goats, horses, aliens, etc.

3. I want to go to different places everyday para sulit na sulit! Ahihihi..

4. I have no money. Last na yung budget ko until next pay which is four days to go. Ayaw ko rin galawin ang savings. Continue reading What To Do on a Vacation?